You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Region VI- Western Visayas


Department of Education
Division of Roxas City
IKATLONG Markahang Pagsusulit
Grade 9 FILIPINO

List of Competency Competency Item no./Questions No.


Code
Parabula 1. Alin sa sumusunod na pangyayari sa ” Parabula ng Banga” ang maaaring maganap sa tunay na buhay?
Napapatunayan na ang mga pangyayari sa F9PB-IIIa-50 a. Pagbibigay ng payo ng ina.
parabola ay maaaring maganap sa b. Pagsuway ng anak sa kanyang ina.
kasalukuyan at sa tunay na buhay c. Pakikipagkaibigan ng anak sa iba.
d. Lahat ng nabanggit
2. Alin sa mga sumusunod na pangyayari sa “ Alibughang Anak” ang nangyayari sa tunay na buhay?
a. Pagmamahal ng ina sa anak
b. Pagbalewala ng anak sa ina.
c. Pagbalewala ng anak sa payo ng magulang.
d. Pagpapahalaga ng anak sa magulang
3. Alin sa sumusunod na pangyayari sa parabulang “Ang mabuting Samaritano” ang nangyayari sa tunay na
buhay?
a. Kakulangan ng mga manggagawa.
b. Pagtulong sa ng mga nangangailangan.
c. Pagkakagawang-gawa
d. Paggiging suwail.

Nabibigyang kahulugan ang mga F9PT-IIIa-50 4. Sa pahayag na, “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli”, ay nangangahulugang _____.
matatalinhagang pahayag na ginamit sa a. mahalaga ang oras sa paggawa.
akda b. ang nahuhuli ay kadalasang nauunang umaalis.
c. kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang nauunang umaalis.
d. kahat ay may pantay-pantay na karapatan ayon sa napag-usapan.
5. Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo, Hindi na po ako karapat- dapat na tawagin ninyong anak. Ano
ang kahulugan ng pahayag?
a. Labis na pagsisisi sa nagawang kasalanan
b. Pagmamahal sa magulang
c. Labis na pagkakasala
d. Pagpapatawad sa nagkasala
6. Suriin ang pahayag ng isang pangkat ng mga manggagawa sa parabulang “Ang Talinhaga Tungkol sa
May-ari ng Ubasan”, “ Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon
kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw.Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang
aming upa?” Anong asal ang ipinapakita ng pangkat ng mga manggagawang ito?
a. Pagpapahalaga sa kapwa
b. Pagmamalasakit sa kapwa
c. Pagka- inggit sa kapwa
d. Lahat ng nabanggit

Nagagamit ng wasto sa pangungusap ang F9WG-IIIa-53 7. Suriin ang wastong gamit sa pangungusap ng matalinhagang salita na may salungguhit.
matalinhagang salita “ Dalian mo, ipasa mo na ang bola kay Jeron.
a. Bagay na ginagamit sa basketbol
b. Pagbibiro
c. Uri ng pagkain
d. Wala sa mga pagpipilian
8. “ Tigilan mo ako, puro ka naman bola.
a. Bagay na ginagamit sa basketbol
b. Pagbibiro
c. Uri ng pagkain
d. Wala sa mga pagpipilian
9. “ Kung sino man ang nagdeyt ng syota ko, ay isa siyang ahas!
a. Hayop na gumagapang
b. Traidor
c. Siya si Medusa
d. Wala sa mga pagpipilian

Elihiya/ Awit
Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Nasusuri ang elemento ng elihiya batay sa F9PB-IIIb-c-51 Mga mata,y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala
-tema O, ano ang naganap,
-mga tauhan Ang buhay ay saglit na nawala
-tagpuan
- mga mahihiwatigang kaugalian o 10. Anong damdamin ang nangingibabaw sa elihiya?
tradisyon
-wikang ginamit a. Lungkot
- pahiwatig o simbolo b. Pakatuwa
- damdamin c. Kawalang pag-aasa
d. Pagdadalamhati
Pema, ang immortal na pangalan
Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino, at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap
11. Anong tema ang naangkop para sa elihiya binasa?
a. Pagdadalamhati sa namatay
b. Pagmamahal ng magulang
c. Pagmamahal ng kapatid
d. Lahat ay tama

12. Saang tagpuan ang mahihinuha natin mula sa binasang elihiya?


a. Tahanan
b. Sementeryo
c. Sa Burol
d. Sa bukid
13. Sino ang pangunahing tauhan sa elihiya?
a. Pema
b. Ina
c. Anino
d. anak
Nabibigyang – kahulugan ang mga salitang F9PT-IIIb-c-
may nakatagong kahulugan 51 14. Hindi napapanahon!
Sa Edad na dalampu’t isa, isinugo ang buhay
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?

a. Iniaatas
b. Kamatayan
c. Buhay
d. Pakikipagsapalaran
15. Ang kaniyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di- mabigkas na pangarap
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Hindi maabot
b. Walang salita
c. Malungkot
d. Maaabot
16. Pema, ang immortal na pangalan
Mula sa nilisang tahanan.
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?

a. Hindi namamatay
b. Hindi malilimutan
c. Namamatay
d. Nalilimutan

Nagagamit ang angkop na pang-uri na F9WG-IIIb-c- 17. Magandang-maganda ang tinig ng mga Pilipino kapag binibigkas ang sariling wika. Anong pang-uri ang
nagpapasidhi ng damdamin 53 ginamit sa pangungusap upang maging masidhi ang damdamin?

a. Magandang- maganda
b. Pilipino
c. Binibigkas
d. Tinig
18. Ang wika nating mga Pilipino ay___________. Anong pang-uri ang naaangkop upang mapasidhi ang
damdamin?
a. Napakaganda
b. Maganda
c. Mas maganda
d. Lahat ay tama
19. Grabe! Ang lakas ng hagin sa labas. Anong pang-uri ang ginamit upang mapasidhi ang damdamin?
a. Lakas
b. Grabe
c. Hangin
d. labas
20. ________ ng lakas ang palakpak na natanggap niya mula sa manonood.
Anong pang-uri ang naaangkop sa pagpapasidhi ng damdamin?
a. Ubod
b. Malakas
c. Sakdal
d. Sadya
Maikling kwento
Napapatunayang ang mga pangyayari at F9PB-IIId-e-52 Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at ang isang
tranposmasyong naganap sa tauhan ay
babae, onse, matatapang ang mga ito kahit payat. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos,
maaaring mangyari sa tunay na buhay
isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba , maingay
naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan

21.Ang teksto ay nagsasalamin ng makatotohanang kaganapan sa lipunan sa Aspektong?


a. Kahirapan sa buhay
b. Di- pagpaplano ngpamilya
c. Kapabayaan ng magulang
d. Kawalan ng trabaho
22.Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naiisip. Mula
ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Anong makatotohanang pangyayari ang naranasan ng ama sa
kwento?
a. Natauhan
b. Nakapag-isip
c. Nakalimot
d. Lumuha

Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata’y
magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umukit sa malaking
kamay nito upang pasuntok ba dumapo sa kanilang mukha at madalas masapok ay ang mukha ng
ina.

23. Ang bahagi nito ng kwento ay sumasalamin sa pangyayaring panlipunan na__________?


a. Magulong pamilya
b. Walang disiplina
c. Kawalan ng trabaho
d. Pag-aabuso sa anak at kababaihan

Natutukoy ang pinagmulan ng salita F9PT-IIId-e-52 24. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang- palad
nito. Ang salitang may salungguhit ay nabuo dahil sa ?

a. Pag-uulit
b. Pagtatambal
c. Salitang- ugat at panlapi
d. Tambalan at panlapi
25. Madilim na ang langit at maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit. Ang salitang may
salunguguhit ay nagmula sa salitang-ugat na________?
a. Babanta
b. Nag
c. Banta
d. Nagbanta

26. Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Ano ang kayarian ng salitang
salunggahit?
a. Maylapi
b. Salitang- ugat
c. Tambalan
d. Lahat ng nabanggit

Nagagamit ang angkop na pag-uuganay na F9WG-IIId-e-


hugyat ng pagsusunod-sunod ng mga 54 Para sa bilang 27- 29. . Punan ng angkop na pang-ugnay ang talata. Piliin ang titik ng tamang sagot.
pangyayari sa ililikhang kwento.
May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay n kaniyang katiwala ang kaniyang ari-arian kaya’t
ipinatawag niya ang katiwala at tinanong. 27.. __________ tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang
tapayang lanis.28._________ pinaupo at pinapalitan ng limampu at kasulatan. 29. __________ ang ginawa sa isa
pa. Ginawang walompung kabang trigo mula sa isandaaang trigo. Dahil sa katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo
ang tusong katiwala.

a. Saka
b. Pati
c. Pagkatapos
d. Gayon din

Alamat
Napatutunayan ang pagiging F9PB-IIIf-53 30. Alin sa mga sumusunod ang makatotohanang bahagi ng alamat ni Prinsesa Manorah?
makatotohanan/ di makatotohanan ng akda a. Mga lumilipad na Kinnare
b. maliwagang lubid
c. galit nag alit na dragon
d. umibig si Prinsipe Suton sa Prinsesa
31. Piliin ang HINDI makatotohanan sa akda.
a. Napuno ang dalawang banga ng ginto at salapi
b. Pinuntahan ng Brahman ang Raha na siyang namumuno sa India upang magpatulong sa kanyang
suliranin.
c. Binuhat ng mga anghel ang trono at lumipad nang mataas at malayo
d. Nagiging katuwang ng ina ng lalaking Brahman ang manugang sa mga gawaing- bahay na mahirap

32. Batay sa iyong sagot sa bilang 31. paano mo mapapatunayan ito’y HINDI makatotohanan?

a. Dahil wala ng matatagpuaang maraming ginto at salapi ngayon


b. Dahil Presidente ang tawag sa taong namumuno sa bansang India
c. Dahil hindi nagpapakita ang mga anghel sa mga tao
d. Dahil ang ina pa rin ang gumagawa ng lahat ng mga gawaing- bahay

Naipapaliwanag ang pagbabagong F9PT-IIIf-53 33. TINANGHALI siya nang gising kaya pasado alas-dose na siya ng hapon kumain ng TANGHALIAN. Paano
nagaganap sa salita dahil sa paglalapi nagkakaiba ang kahulugan ng mga sa salitang nakadiin?

a. UNA- nahuli sa pagbangon; IKALAWA- oras na tirik na tirik ang araw


b. UNA- nahuli sa pagbangon; IKALAWA- oras sa ikalawang pagkain sa isang araw
c. UNA- oras na tirik na tirik ang araw; IKALAWA- oras sa ikalawang pagkain sa isang araw
d. UNA- oras sa ikalawang pagkain sa isang araw; IKALAWA- nahuli sa pagbangon

34. Sa gas station NAGTRATRABAHO ang dating KATRABAHO ni Lito sa talyer. Paano nagkakaiba ang
kahulugan ng mga sa salitang nakadiin?

a. UNA- kasamahan sa trabaho; IKALAWA- inutusang gawin ang isang bagay


b. UNA- Naghahanapbuha; IKALAWA- inutusang gawin ang isang bagay
c. UNA- kasamahan sa trabaho; IKALAWA- naghahanapbuhay
d. UNA- naghahanapbuhay; IKALAWA- kasamahan sa trabaho
35. PAGKARAAN ng isang oras ay muli niyang NARAAANAN ang kalyeng iyon ng kanilang lugar. Paano
nagkakaiba ang kahulugan ng mga sa salitang nakadiin?

a. UNA- Pagkalipas; IKALAWA- nalakaran


b. UNA- nalakaran; IKALAWA- pagkalipas
c. UNA- nalakaran; IKALAWA- kalsada
d. UNA- pagkalipas-IKALAWA- kalsada

Nagagamit ang pang-abay na panahon,


panlunan at pamaraan sa pagbuo ng F9WG-IIIf-55 36. Ang temple ng Vishnu sa lungsod ng Tirapathi ay binuo noon pang ikasampung siglo.
alamat Anong uri ng pang-abay ang pariralang may salungguhit?
a. Pamanahon
b. Pamaraan
c. Panlunan
d. Pang-agam
37. Yumukod ang batang lalaki sa Raha at pumunta sa kanyang pwesto sa bunton ng lupa.
Anong uri ng pang-abay ang pariralang nakasalungguhit?
a. Pamanahon
b. Panlunan
c. Pamaraan
d. Pang-agam
38. Masigasig na nakilahok sa pagdiriwang ang 60 milyong taong dumalo sa pagtitipon.
Anong uri ng pang-abay ang mga salitang may salungguhit?
a. Panlunan
b. Pamanahon
c. Pamaraan
d. Panggaano
39. Sa India matatagpuan ang pinakamatandang Sibilisasyon
Anong uri ng pang-abay ang mga salitang may salungguhit?
a. Panlunan
b. Pamanahon
c. Pamaraan
d. Panggaano

Epiko
F9PB-IIIg-h-54 Sa gubat tumitira sina Rama at Sita at Lakshmanan nang ipatapon sila mula sa kaharian
Nailalarawan ang natatanging kulturang
Asyano na masasalamin sa Epiko kaharian
ng Ayodha.
ng MInsan,
Ayodha.isang
MInsan,
babaeisang
angbabae
dumalaw
ang dumalaw
sa kanila.sa
Hindi
kanila.
nilaHindi
alam nila
nagpapanggap
alam nagpapanggap
lamang ang babae. Siya
lamang
ay si ang
Surpanaka,
babae. Siya
ang ay
kapatid
si Surpanaka,
ni Ravanaang
nakapatid
hari ng ni
mga higante
Ravana
at demonyo
na hari ng mga higante at demonyo

40. Anong kultura


ang masasalamin sa Epikong Rama at Sita?
a. Paniniwala sa mga kakaibang nillalang
b. Paniniwala sa kathang-isip
c. Paniniwala sa mga di maipaliwanag na mga pangyayari
d. Lahat ay tama

Isang umaga, habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita nang isang Gintong
usa. Tinawag agad niya sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng
mamahaling bato ang sungay, “ Baka Higante rin iyan” paalala ni Lakshamanan.
Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang kanyang pana at busog
41. Anong kultura ang masasalamin sa mga salitang may salungguhit?

a. Pagmamahal sa asawa
b. Pagmamahal sa kapatid
c. Pagmamahal sa hayop
d. Pagmamahal sa halaman

“ Tulungan mo ako, Ravana” sabi pa nito “ Bihagin mo si Sita para maging Asawa
mo” Naniwala naman si Ravana sa kwento ng kapatid. Pumayag siyang ipaghiganti
ito.

42. Anong kultura ang masasalamin sa mga salitang may salungguhit?

a. Pagmamahal sa asawa
b. Pagmamahal sa kapatid
c. Pagmamahal sa hayop
d. Pagmamahal sa halaman

Nabibigyang kahulugan ang mga salita F9PT-IIIg-h-54 43. Kita- kita sa prinsesa ang pagkabihasa niya sa paghawak ng armas. Ano ang kahulugan ng salitang may
batay sa kontextong pinaggamitan salungguhit?

a. Husay/galling
b. Talento
c. talino
d. lakas
44. Minsan nakaligtaan niyang dalhin ang kanyang pananggalang. Ano ang kahulugan ng salitang may
salungguhit?
a. Nakalimutan
b. Naiwan
c. Naalala
d. Nakita
45. Nangahas siyang maglakbay sa kagubatan. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Nagbalak
b. Pumunta
c. Sumunod
d. Naglakas-loob
46. Ngunit nang siya ay pigilan ng mga nakatatanda ay tumalima agad siya. Ano ang kahulugan ng salitang may
salungguhit?
a. Sumusod
b. Di sumang-ayon
c. Sumang-ayon
d. Nakipag-usap

Nagagamit ang mga angkop na salita sa


paglalarawan ng kulturang Asyano at F9WG-IIIg-h-
Bayani ng Kanlurang Asya 56
Maraming kababaihan ang tagumpay sa mga larangang kanilang pinili. Kung susuriin (1) mas
komlikado ang gawain ng mga kababaihan sa kasalukuyan kung ikokompara ito sa kababaihan
noon. Bagama’t(2) di- hamak na mahirap ang trabaho ng kababaihan ngayon ay nagagawa pa
rin nila ito nang buong husay. (3) Lalong naging masipag ang kababaihan at mas sistematiko
ang kanilang trabaho. (4) Sobrang maasahan ang kababaihan ng kasalukuyan.

47. Anong uri ng paghahambing ang ginamit sa unang salitang may salungguhit sa texto?
a. Lantay
b. Pahambing na magkatulad
c. Pahambing na di magkatulad
d. Pasukdol

48. Anong uri ng paghahambing ang ginamit sa ikalawang salitang may salungguhit sa texto?
a. Lantay
b. Pahambing na magkatulad
c. Pahambing na di magkatulad
d. Pasukdol

49. Anong uri ng paghahambing ang ginamit sa ikatlong salitang may salungguhit sa texto?
a. Lantay
b. Pahambing na magkatulad
c. Pahambing na di magkatulad
d. Pasukdol
50. Anong uri ng paghahambing ang ginamit sa ikaapat salitang may salungguhit sa texto?
a. Lantay
b. Pahambing na magkatulad
c. Pahambing na di magkatulad
d. Pasukdol

Inihanda nina:

G. Kent B. Daradar-

Guro sa Filipino 9

You might also like