You are on page 1of 3

Republika ng pilipinas

kagawaran ng edukasyon
Rehiyon iv - calabarzon
sangay ng Laguna
purok ng santa Cruz
St. Mary’s Montessori de Laguna Inc.
M.H Del Pilar st., Poblacion IV, Sta. Cruz, Laguna 4009 Philippines
Telephone no.: (049) 523– 4831
E–mail add.: stmarys_montessori@yahoo.com

Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 7

Pangalan: __________________________ Petsa: _____________________


Grade 7 – Andromeda Bb. Pearline N. Porio
Basahing Mabuti ang mga sumusunod na aytem. Piliin at bilugan ang titik ng tamang
kasagutan.

1. Salitang nagsasabi na ang isang kilos o pangyayari (na nakita o nasaksihan) ay patunay
sa isang katotohanan.
a. Kapani-paniwala
b. May dokumentaryong ebidensya
c. Nagpapakita
d. Nagpapahiwatig
2. Makikita mula sa mga detalye ang patunay ng isang pahayag. Mahalagang masuri ang
mga detalye para makita ang katotohanan sa pahayag.
a. Taglay ang matibay na konklusyon
b. Nagpapakita
c. Pinatutunayan ng mga detalye
d. Nagpapahiwatig
3. Ito’y mga kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng marami na hindi alam kung saan
nagmula.
a. Pabula
b. Salawikain
c. Kwentong Bayan
d. Maikling Kwento
4. Isa sa mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay na maaaring nakasulat, larawan, o
video.
a. Kapani-paniwala
b. May dokumentaryong ebidensya
c. Nagpapakita
d. Nagpapahiwatig
5. Sa paggamit ng salitang ito, ipinapakita na ang ebidensya, patunay, o datos ay
makatotohanan at maaaring makapagpatunay.
a. Kapani-paniwala
b. May dokumentaryong ebidensya
c. Nagpapakita
d. Nagpapahiwatig
6. Ito ang tawag sa pahayag na hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo ang
ebidensya ngunit sa pamamagitan nito ay masasalamin ang katotohanan.
a. Kapani-paniwala
b. May dokumentaryong ebidensya
c. Nagpapakita
d. Nagpapahiwatig
7. Salitang nagsasabi na ang isang kilos o pangyayari (na nakita o nasaksihan) ay patunay
sa isang katotohanan.
a. Kapani-paniwala
b. May dokumentaryong ebidensya
c. Nagpapakita
d. Nagpapahiwatig
8. Isang akdang pampanitikan na kabilang sa mga kwentong-bayan.Ito ay gumagamit ng
mga hayop bilang tauhan na nagbibigay aliw sa mga mambabasa. Nag-iiwan ito ng aral
sa buhay.
a. Alamat
b. Pabula
c. Parabola
d. Maikling kwento
9. Pinabilinan ni Lokes a Babay ang kanyang mga gwardiya na huwag na huwag
palalapitin man lang sa kanyang magarang tahanan ang kanyang asawa. Mahihinuhang
si Lokes a Babay ay?
a. mapaghiganti at ikinatuwa ang kapahamakan ng iba tulad ng kanyang asawa
b. may itinatagong lakas ng kalooban at hindi kasing hina ng inaakala ng kanyang
asawa
c. mahirap pakisamahan at walang makasundong tao dahil masama ang ugali
d. naging masama na rin ang ugali dala ng kanyang kayamanan
10. Gayon na lamang ang panggigilalas sa nakitang kakaiba. Ano ang kasingkahulugan ng
salitang nakasulat ng pahilis at may salungguhit?
a. pagkaasiwa b. pagkagulat c. pagkalungkot d. pananabik
11. Alin ang pangungusap na nagpapakita ng pagbibigay ng patunay?
a. Huwag na sana tayong makadama ng labis na kalungkutan.
b. Kaya naman magkaisa at magtulungan tayong lahat para sa ikabubuti ng lahat
ng mga Pilipino lalo na ang mga nasalanta.
c. Malungkot makita ang ilan nating kababayang nawawalan ng mga mahal sa
buhay at ari-arian.
d. Pinatutunayan ng datos mula sa National Economic and Development
Authority na kakailanganin natin ng 361 bilyong piso para sa muling
pagbangon ng mga lugar na labis na nasalanta ng bagyong Yolanda.
Piliin ang salitang nagpapahayag ng posibilidad sa mga sumusunod na pangungusap.
12. “Makakahanap ka ng trabaho kung hindi ka nakahiga at natutulog lang diyan!”
a. kung c. makakahanap
b. lang d. natutulog
13. “Sana ay makatapos ng pag aaral si Nena.”
a. makatapos c. Sana
b. ng d. Nena
14. “Pwedeng maging huwarang mag aaral si Joshua dahil sa kanyang kakayahan.”
a. dahil c. pwedeng
b. kakayahan d. huwarang
15. “Maaari siyang maging guro kung pagsisikapan niyang makatapos ng pag aaral.”
a. guro c. makatapos
b. maaari d. maging
16. “Siguro maiiwasan ang mga panloloko kung ang mga tao’y magiging maingat sa
pakikisalamuha sa mga hindi kakilala.”
a. maiiwasan c. maingat
b. magiging d. siguro
17. “Kung patuloy na bibiktimahin ng panloloko ang mga dayuhang turista sa bansa, marahil
ay hindi na nila gugustuhing bumalik pa sa ating bansa para magbakasyon.”
a. gugustuhing c. panloloko
b. marahil d. patuloy na
18. “Makakahanap ka ng trabaho kung hindi ka nakahiga at natutulog lang diyan!”
c.kung c. makakahanap
d. lang d. natutulog
19. “Posible na maging manager natin si Carlo kung patuloy ang kanyang aktibong gawain
sa tindahan.”
a. maging c. na
b. posible d. manager
20. “Sa palagay ko ay magiging maganda ang panahon dahil maliwang ang kalangitan.”
a. ay c. magiging
b. dahil d. sa palagay ko
21. “Tila uulan dahil sa dilim ng kalangitan.”
a. dilim c. uulan
b. ng d. tila

You might also like