You are on page 1of 1

FILIPINO VII

Pangalan: ___________________________________________________ Baitang at Seksyon: ____________________________________

Pangkalahatang Panuto: Ang pagtatayang ito’y susubok sa inyong kaalaman hinggil sa mga piling paksa sa Filipino. Basahin at
unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Ito’y bahagi ng ating katutubong panitikan na nasa anyong tuluyan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar
kung saan ito nagsimula at lumaganap.
a. Kwentong-bayan c. Alamat
b. Epiko d. Sanaysay
2. Ito’y bahagi ng ating katutubong panitikan na ang mga tauhan ay pawang mga hayop kung kaya’t kinagigiliwang basahin ng
mga bata.
a. Maikling-kwento c. Pabula
b. Tula d. Parabula
3. Isa sa pinakalitaw na katangian nito ay ang pagkakaroon ng mga tauhan nito na may ‘di kapani-paniwala ng kapangyarihan at
kinikilalang bayani.
a. Alamat c. Dula
b. Epiko d. Awiting-bayan
4. Ito’y isang anyo ng panitikang pasalaysay na madali, maikli at may masining na pamamaraan ng pagkakalahad sa buhay ng isa
o ilang tauhan at may isang panyayari o kakintalan.
a. Mito c. Parabula
b. Sanaysay d. Maikling Kwento
5. Ito’y umiikot sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig, kapupulutan ng mga aral sa buhay.
a. Alamat c. Pabula
b. Epiko d. Tula
6. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na nangangahulugang gawin o ikilos.
a. Dula c. Alamat
b. Epiko d. Kuwento
7. “Si Langgam at si Tipaklong” ay isa sa mga pinakagigiliwang pabula mula noon hanggang ngayon. Sino ang manunulat at
tinaguriang ama ng sinaunang pabula na siyang sumulat nito?
a. Socrates c. Esop
b. Aesop d. Edgar Allan Poe
8. Ang mga tauhan ay mauuri sa kanilang katangian at kalikasan. Anong uri ng tauhan ang hindi nagbabago ang katangian
hanggang sa kahuli-hulihang bahagi ng kwento?
a. Lapad c. Bida
b. Bilog d. Aktor
9. Ito naman ang uri ng tauhan na nagbabago ang karakter at nagkakaroon ng pagkatuto sa kanyang hinaharap na suliranin.
a. Lapad c. Bida
b. Bilog d. Aktor
10. Ang Biag ni Lam-ang ay epiko ng mga _____________.
a. Bikolano c. Kapampangan
b. Ilokano d. Tagalog
11. “Pinatutunayan ng mga dokumentaryong ebidensya na ang Pilipinas ay bansang pinakalantad sa mga bagyo dahil sa
kinalalagyan nito at sa mahigit 7 libong islang lantad sa hangin at ulang dala ng mga bagyo.” Batay sa iyong binasang
pangungusap, ito ba’y nagbibigay-patunay o hindi?
a. Oo
b. Hindi
12. Aling salita/mga salita sa pangungusap na, “Posible kayang magkaroon ng pagbaha sa ating lugar dahil sa sunod-sunod na
pagbaha?”, ang nakatulong sa pagpapahayag ng posibilidad?
a. dahil sa c. sunod-sunod
b. posible kaya d. kaya
13. Sa pangungusap na, “Laging puyat ang mga kabataan ngayon, palibhasa’y babad sa mga gadget kahit hanggang hating-gabi
na.”, alin sa mga salitang ginamit ang nagsasaad pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi o dahilan?
a. lagi c. palibhasa
b. kahit d. babad
14. Laban sa mapang-abusong paggamit ng mga likas na yaman ang kanyang ipinatupad na batas. Anong pag-ugnay ang ginamit sa
pangungusap?
a. Laban sa c. ipinatupad
b. kanyang d. laban
15. Ito ay isang sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
a. Paglalahad ng layunin c. Pananaliksik
b. Pagrerebisa d. Balangkas

You might also like