You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES PROVINCE
LOOB BUNGA HIGH SCHOOL
LOOB-BUNGA, BOTOLAN, ZAMBALES

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7


Unang Markahan

Pangalan: __________________________________ Petsa: ________________


Pangkat: __________________ Marka: _______________

I. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Isang uri ng panitikan na karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap.
a. Kuwentong-bayan c. Pabula
b. Epiko d. Maikling Kuwento
2. Isang uri ng panitikan na ang mga tauhan ay hayop.
a. Kwentong bayan c. Epiko
b. Pabula d. Maikling Kuwento
3. Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway.
a. Kwentong bayan c. Epiko
b. Pabula d. Maikling Kuwento
4. Ito ang nagbibigay-buhay sa maikling kuwento.
a. Tauhan c. Banghay
b. Tagpuan d. Tema
5. Ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
a. Tauhan c. Banghay
b. Tagpuan d. Tema
6. Ang dula ay hinango sa salitang Griyego na drama na nangangahulugang _______________.
a. Awitin c. Tulain
b. Gawin d. Sayawin
7. Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay _________________.
a. Sayaw c. Tula
b. Awit d. Gawa
8. Ito’y isang maikling kathang pampanitikan na nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan.
a. Alamat c. Maikling Kuwento
b. Tula d. Dula
9. Ang kuwentong ito ay galing sa ating bayan at nagpatuloy ang paglaganap nito sa pamamagitan ng pagsasalin sa iba’t ibang
panahon.
a. Pabula c. Alamat
b. Kuwentong Bayan d. Tula
10. Ang pabula ay kakikitaan ng mga magagandang ________________.
a. Aral c. Hayop
b. Tao d. Sulat
11. Ito ang tawag sa pagbibigay ng palagay o prediksiyon sa maaaring kalabasan ng mga pangyayari gamit ang mga detalye o
impormasyon sa nabasa o napakinggang akda.
a. Paghihinuha c. Sanhi
b. Bunga d. Dokyu-film
12. Ang ________ ang sumasagot sa tanong na ‘bakit’ ; bakit nangyari ang isang pangyayari ? ito ang sanhi, dahilan o ugat ng isang
pangyayari.
a. Paghihinuha c. Sanhi
b. Bunga d. Dokyu-film
13. Ang _________ naman ang sumasagot sa tanong na ‘ano’ ; ano ang sumunod na pangyayari ? ito ang kinahinatnan matapos ang isang
pangyayari.
a. Paghihinuha c. Sanhi
b. Bunga d. Dokyu-film
14. Ito ay maikling palabas na karaniwang pumapaksa sa personal na danas ng isang tao patungkol sa pinahahalagahan niyang mga bagay
o isyu sa kaniyang paligid at lipunan.
a. Paghihinuha c. Sanhi
b. Bunga d. Dokyu-film
15. Ang mga sumusunod ay mga elemento ng dokyu-film maliban sa isa.
a. Tauhan c. Tagpuan
b. Banghay d. Papel
II. Isulat sa patlang ang letrang S kung ang may salungguhit ay tumutukoy ng sanhi. Isulat ang titik B kung ito ay tumutukoy ng
bunga.

___1. Dahil sa sobrang ganda at bait ni Marriz kaya ako’y napaibig sa kanya.
___2. Tulog ang sanggol kaya huwag kayong maingay.
___3. Pagka't malakas ang sikat ng araw, agad natuyo ang mga damit sa sampayan.
___4. Dahil nakalimutan ni Roselle ang kanyang I.D., bumalik siya sa bahay.
___5. Sapagka't nagmamadali siyang lumabas ng bahay, hindi nakapagsuklay si Carla.
___6. Nag-ipon ng maraming pera si Ana kaya nabili niya ang kanyang kotse.
___ 7. Pinaghandahan niya ang kanilang pagsusulit kaya siya ay nakapasa.

Loob Bunga High School


Address: Loob-Bunga, Botolan, Zambales
Email Add: 301020@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES PROVINCE
LOOB BUNGA HIGH SCHOOL
LOOB-BUNGA, BOTOLAN, ZAMBALES

___ 8. Dahil sa pagsusumikap ni Jerome guminhawa ang kanyang buhay.


___ 9. Ayaw niyang sumama dahil natatakot siya sa kanyang tatay.
___ 10. Nabasag ni Tina ang baso kaya nagalit ang kanyang nanay.

III. Ibigay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari gamit ang bilang 1-10.

______ 1. Magmula noon ay tinawag na itong “Gintong Mangga” na mula sa ngalan ni Angga, na pinagmumulan ng kanilang kabuhayan.
______ 2. Sa isang bayan sa Zambales naninirahan ang pamilya ni Mang Anggo. May pitong siyang anak na lalaki at isang babae na si Angga
______ 3. Bumalik si Angga sa magandang diwata para gawin ang ipinapagawa nito.
______ 4. Sinubukang pigilan ni Islaw ang kaniyang kapatid na si Angga ngunit huli na ang lahat.
______ 5. Isang araw nagtungo ang buo nilang pamilya sa bukid upang magpiknik.
______ 6. Nakita ni Angga ang mahiwang puno at nilapitan niya ito.
______ 7. Nalaman niya sa magandang babae na may mahalaga siyang tungkulin na gagampanan para sa kaniyang pamilya at para na rin sa
bayan.
______ 8. Nang makabalik na sila sa kanilang bahay, ikinuwento ni Angga sa kanilang magulang na maganda ang kanilang pinuntahan.
______ 9. Napaluha na lamang si Angga sa lungkot dahil sa kaniyang nalaman sa magandang diwata.
______ 10. Hinintay niyang makatulog ang lahat upang makabalik at maisakatuparan ang propesiya.

IV. Salungguhitan ang mga Pang-ugnay na ginamit sa pangungusap.

1. Gusto kong maging mabuti pero hindi ko magawa.


2. Si Ben ay yumaman dahil sa kaniyang pagsisikap.
3. Kapag hindi ka nagbago at nag-aral nang mabuti ay talagang babagsak ka.
4. Sakaling bumalik ang taong iyon, sabihan ninyo agad ang mga pulis.
5. Baka mabigyan pa siya ng pagkakataon upang maayos ang kaniyang grado.
6. Tunay na nakabubuti ang kalabasa sa ating mata.
7. Mahal kita, subalit ito ay hindi tama.
8. Si Nini ay naglalaro samantalang si Doray ay kumakain.
9. Bibilhan kita ng damit kung mataas na marka ang iyong makukuha.
10. Baka siya ay mahulog sa isang balon.

V. Tukuyin kung ang bawat pahayag ay Tama o Mali. Isulat ang sagot sa patlang.

_______ 1. Mga sikat na tao lamang ang maaaring magdokumento ng kanilang karanasan sa araw-araw.
_______ 2. Isa sa bisa ng dokyu-film ay makikita kung paano nito naimpluwensiyahan ang manonood na maging mabuting mamamayan.
_______ 3. Mahalaga ang lapat ng musika sa ganitong proyekto sapagkat makatutulong ito sa bisa at epekto ng kuwento.
_______ 4. Hindi na importante ang mga element ng dokyu-film, ang mahalaga’y may istorya kang ibabahagi sa iba.
_______ 5. Ang mga usapin sa lipunan na bumabagabag sa iyo ay maaaring maging paksa ng isang magandang dokyumentaryo.

Prepared by: Checked by:

Carmi F. Lacuesta Nelia B. Cruzado


Teacher I Master Teacher I

Noted by:

Gener B. Dela Cruz


Head Teacher III/School Head

Loob Bunga High School


Address: Loob-Bunga, Botolan, Zambales
Email Add: 301020@deped.gov.ph

You might also like