You are on page 1of 19

Paghihinuha ang tawag sa

pagbibigay ng palagay o prediksyon


sa maaaring kalabasan ng mga
pangyayari gamit ang mga detalye o
impormasyon sa nabasa o
napakinggang akda.
Nabubuo ang isang makabuluhang
hinuha kung ganap at lubusang
naunawaan ng isang mambabasa ang
isang akda, teksto o pahayag na
kaniyang nabasa o napakinggan sa
tulong ng mga pahiwatig.
Ang mga pahiwatig na ito ay hindi
direktang ipinapahayag at
hinahayaang matuklasan ng
mambabasa hanggang sa
makapagbigay ng sariling hinuha sa
maaaring kalabasan ng mga
pangyayari sa akda.
Ang mga salitang posible, maaari,
puwede, marahil, siguro, baka, sa
palagay ko, kung, at may posibilidad ay
mga salitang nagpapahayag ng
posibilidad na maaaring gamitin sa
pagbibigay ng hinuha sa kalalabasan
ng isang pangyayari o maaaring
mangyari sa akdang nabasa o
napakinggan.
Mga halimbawa:

1. Maaaring magkaroon ng pagguho ng


lupa at pagbaha kung magpapatuloy ang
pagpuputol ng mga puno.
2. Marahil ay maaabot niya ang lahat ng
kaniyang pangarap kapag ipinagpatuloy
niya ang pagsusumikap.
3. Posible siyang magkaroon ng
malalang sakit kung hindi niya ititigil
ang kaniyang mga nakasanayang
bisyo.
4. Sa palagay ko ay magiging maganda ang
panahon dahil maliwanag ang kalangitan.
SANHI at BUNGA
Ang sanhi at bunga ay ugnayan ng
mga pangyayari kung ang isang
kaganapan (sanhi), maging mabuti
man o masama ay mayroong
kahihinatnan (bunga).
Kadalasan, ang sanhi ang sumasagot
sa tanong na “bakit”; bakit nangyari ang
isang pangyayari? Ito ang sanhi, dahilan
o ugat ng isang pangyayari. Samantala,
ang bunga naman ang sumasagot sa
tanong na “ano”; ano ang sumunod na
pangyayari? Ito ang kinahinatnan
matapos ang isang pangyayari.
Sanhi – ito ay tumutukoy sa
pinagmulan o dahilan ng isang
pangyayari.

Bunga – ito ay ang kinalabasan o


dulot ng naturang pangyayari.
Mga Salitang Hudyat na Nagpapahayag
ng Sanhi
1.Dahil sa
2.Bunsod ng
3.Sanhi ng
4.Bilang resulta ng
5.Sa kadahilanang
6.Sa likod ng
7.Sa dahilan ng
8. Dahil dito
9. Kasunod ng
10. May dahilan na
11. Sapagkat
12. Dahil
13. Dahilan sa
14. Palibhasa
15. Ngunit
16. At kasi
Mga Salitang Hudyat na Nagpapahayag ng
Bunga
1.Kaya
2.Sa gayon
3.Kung kaya
4.Bilang resulta
5.Samakatuwid
6.Kaya’t
7.Nang sa gayon
8. Sa wakas
9. Sa huli
10.Sa kalaunan
11. Kung gayon
12. Kaya naman
13. Kung ganyan
14. Kung gaya ng
Halimbawa:

Matinding pagkasabik ang


nararamdaman ni Anna na makauwi sa
Pilipinas dahil wala siyang ibang
nakasama sa paglaki kung hindi ang
kaniyang tiyahin sa Amerika.
Nanakit ang kaniyang ulo dahil
sa sobrang bilis na pagkain ng
sorbetes.

Magaling maggitara si Ben kaya


sikat siya sa mga kababaihan.
Hindi nagkakasakit si Juan dahil
mahilig siyang kumain ng mga
masusustansiyang pagkain.

Si Angelito ay mahilig mag-ipon ng


pera kaya nakabili siya ng bagong kotse.
Si Angelito ay mahilig mag-ipon ng
pera kaya nakabili siya ng bagong kotse.

Hindi nakapasok sa paaralan si Mae


dahil masakit ang kanyang ngipin.

You might also like