You are on page 1of 8

Modyul sa Filipino 7 1

Inihanda ni Bb. Faye B. Bacea, LPT


Ikatlong Aralin
Pagislam

Introduksyon:
Bawat kwento, may kani-kaniyang katangian at kaugalian na nais ipahiwatig. Sinasalamin ng
kwentong mula sa isang lugar ang kanilang kultura, pag-uugali at tradisyon. Ayon sa mga dalubhasa
salamin ng kultura ang panitikang umuusbong dito. Nakikita sa kanilang panitikan ang yaman ng
isang lugar ayon sa paglalarawan ng tauhan, tagpuan at mga pangyayari sa isang kwento.
Sa aralin ito ay mararanasan magbuod ng isang maikling kwento tungkol sa Mindanao.
Gagawin mo ito upang maipakita ang mga pagpapahalaga at tradisyong nakilala sa bahaging ito.

Ang pagbibinyag ay isa sa mga sakramento ng Simbahang Katoliko na


maituturing na bahagi na rin ng kulturang Pilipinong minana natin mula sa mga Espanyol. Para
sa marami, hindi lamang ito isang seremonyang dapat daanan ng isang sanggol kundi ito ay may
malalim na kahulugan sa buhay ng isang tao. Bilang panimulang gawain, ating pag-usapan ang bagay
na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba.
1. Ano ang paniniwala mo o ng iyong pamilya tungkol sa pagbibinyag?

2. Naranasan mo ba ang pangyayaring ito? Bakit oo o bakit hindi?

3. Batay sa iyong sariling pagkaunawa, mahalaga ba itong isagawa sa buhay ng isang sanggol?
Ipaliwanag.

Paglinang
Ano nga ba ang maikling kwento?
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikang nagsasalaysay sa madali, maikli at
masining na paraan. Karaniwang ang isang kwento ay natatapos basahin sa isang upuan lamang.
Ito ay nagdudulot ng aliw at karaniwang kapupulutan ng mga aral sa buhay. Ayon naman kay
Genoveva Edroza-Matute, ang maikling kwento ay isang kathang pampanitikang
nagsasalayasay ng pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan,may isang pangyayari,
at may isang kakintalan.
Ang isang maikling kwento, o anumang akdang pasalaysay saan mang lugar ito nagmula ay dapat
na nagtataglay ng mga sumusunod na mga elemento:
 Tauhan – Ang nagbibigay-buhay sa maikling kwento. Ang tauhan ay maaaring maging
mabuti o masama.
 Tagpuan – Ang panahon at lugar kung saan nangyari ang maikling kwento. Malalaman
dito kung ang kwento ay nangyari ba sa panahon ng tag-ulan, tag-init, umaga, tanghali at
gabi; sa lungsod o lalawigan, sa bundok o sa ilog.
 Banghay – ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Modyul sa Filipino 7 2
 Simula- ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sa bahaging ito. Dito
pinapakilala ang mga tauhan at ang tagpuang iikutan ng kwento.
 Tunggalian- dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga
suliraning kanyang kakaharapin.
 Kasukduan- ito ang pinakamataas na pangayayari sa kwento kaya’t ito ang
pinakamaaksyon. Sa bahaging ito nabibigyang solusyon ang suliranin at dito
malalaman kung magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi.
 Kakalasan- sa bahaging ito bumababa ang takbo ng kwento. Ito ay nagbibigay
daan sa wakas.
 Wakas- ang kinahihinatnan o resolusyon ng kwentong maaring masaya o
malungkot.

PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim

(Sanaysay Muslim)

Salin mula sa Ingles ni Elvira B. Estravo

Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan, kaya
di kailangang binyagan. Ganoon pa man, mayroon silang isang seremonya na kahalintulad ng binyag
na tinatawag na pagislam. Pinaniniwalaang ito ang pagbibinyag ng mga muslim.

Sa katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremonyang panrelihiyon na napapaloob sa


pagislam, na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang sanggol.

Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isang pandita ang babasa ng
adzan o kang sa kanang tainga ng sanggol. Ito'y ginagawa upang dito'y ikintal na siya'y ipinanganak
na Muslim at ang unang salitang maririnig ay ang pangalan ni Allah.
Modyul sa Filipino 7 3
Ang pangalawang seremonya ay higit na kilala bilang penggunting o pegubad. Ginagawa ito
pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mga magulang ng kanduli, isang salu-salo bilang
pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Dito'y inaanyayahan ang mga kaibigan, kamag-anakan at
pandita.

Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan.


Karaniwang nagpapatay ng hayop, kambing at baka. Ang mga hayop na ito ay tinatawag ng aqiqa,
na ang ibig sabihin ay paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat.

Sa okasyong ito, ang binibinyagan o pinararangalan ay binibigyan ng pangalan ng isang


pandita pagkatapos na makaputol ng isang hibla ng buhok ng sanggol. Inilalagay sa isang mangkok n
a tubig ang pinutol na buhok ng sanggol. Ayon sa paniniwalang Maguindanao, paglumutang ang
buhok magiging maginhawa at matagumpay ang tatahaking buhay ng bata. Ngunit kapag ito'y
lumubog siya'y magdaranas ng paghihikahos at paghihirap.

Ang bahaging ito ng seremonya ay di kinikilala ng Islam ngunit dahil bahagi ito ng tradisyon,
patuloy pa ring ginagawa ng ilang Maguindanawon. Isa pa ring bahagi ng tradisyon na kasama ng
seremonya ay ang paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kanin, dalawang
nilagang itlog ang pinakamata at laman ng niyog ang ginagawang ngipin. Nilalagyan din ang buaya
ng manok na niluto sa gatang kinulayan ng dilaw. Inihahanda ito ng isang matandang babaing
tinatawag nilang walian, isang katutubong hilot na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ginagawa ito
para sa kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa tubig. Pinakakain sa mga batang dumalo sa
seremonyas ang buaya.

Ang ikatlo at huling seremonyas ay ang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa pagitan
ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na gawain sa seremonyang ito ang pagtutuli.
Tinatawag itong pagislam para sa mga batang lalaki at sunnah para sa mga batang babae. Ginagawa
ito upang alisin ang dumi sa kanilang pag-aari. Ang pag-islam ay ginagawa ng isang walian, na
karaniwang isang matandang babae na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ang seremonya ay
karaniwang ginagawa sa araw ng Maulidin Nabi o sa ibang mahalagang banal na araw ng mga
Muslim.

Modyul sa Filipino 7 4
Panoorin ang buod ng “Pagislam”. (https://youtu.be/WN6AXIzByNE)

Isaisip natin
Retorikal na pang-ugnay
Ang pag-uugnayan ng iba’t ibang bahagi ng pagppahayagay mahalaga upang Makita
ang pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahgi ng teksto. Sa Filipino, ang mga pang-
ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol at pangatnig.
1. Pang-angkop- ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito
ay nagpapaganda o nagpapdulas sa pagbigkas ng mga pariralang pinaggagamitan. May
dalawang uri ng pang-angkop.
 Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa
katinig maliban sa n. hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito.
Nagigitnaan ito ng salita at ng panuring.

Halimbawa: mapagmahal na hari


Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik n tinatanggal o kinakaltas ang n
at ikinakabit ang –ng
Halimbawa: huwarang pinuno
 Ang pang-angkop na –ng ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga
patinig. Ikinakabit ito sa unang salita.
Halimbawa: mabuting kapatid
2. Pang-ukol- ito ay kataga/ salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa
pangungusap. Narito ang mga kataga/ pariralang malimit gamiting pang-ukol.
 Sa
 Ng
 Kay/kina
 Alinsunod sa/ kay
 Laban sa/ kay
 Ayon sa/ kay
 Hinggil sa/ kay
 Ukol sa/ kay
 Para sa/ kay
 Tungkol sa/ kay
3. Pangatnig- mga kataga/ salita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
 Pangatnig na pangdagdag- nagsasaad ng pagpuno o pagdaragdag ng impormasyon
Halimbawa: at, pati
 Pangatnig na pamukod- nagsasaad ng pagbubukod o paghihiwalay
Halimabawa: o, ni, maging

Modyul sa Filipino 7 5
 Pagbibigay sanhi/ dahilan- nag-uugnay ng mga lipon ng salitang nagbibigay-katwiran o
nagsasabi ng kadahilanan.
Halimbawa: dahil sa, sapagkat, palibhasa
 Paglalahad ng bunga o resulta- nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan.
Halimbawa: bunga, kaya o kaya naman
 Pagbibigay kondisyon- nagsasaad ng kondisyon o pasubali
Halimbawa: kapag, pag, kung, basta
 Pagsasaad ng contrast o pagsalungat – nagsasaad ng pag-iba, pagkontra o pagtutol.
Halimbawa: ngunit, subalit, datapwat, bagama’t

Tandaan!
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikang nagsasalaysay sa
madali, maikli at masining na paraan. Karaniwang ang isang kwento ay
natatapos basahin sa isang upuan lamang. Ito ay nagdudulot ng aliw at karaniwang
kapupulutan ng mga aral sa buhay. Ayon naman kay Genoveva Edroza-Matute,
ang maikling kwento ay isang kathang pampanitikang nagsasalayasay ng
pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan,may isang pangyayari, at
may isang kakintalan.
Ang isang maikling kwento, o anumang akdang pasalaysay saan mang lugar ito
nagmula ay dapat na nagtataglay ng mga sumusunod na mga elemento:
a. Tauhan
b. Tagpuan
c. Banghay
Retorikal na pang-ugnay
Ang pag-uugnayan ng iba’t ibang bahagi ng pagppahayagay mahalaga
upang Makita ang pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahgi ng
teksto. Sa Filipino, ang mga pang-ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan ng
pang-angkop, pang-ukol at pangatnig.
1. Pang-angkop- ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan.
2. Pang-ukol- ito ay kataga/ salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba
pang mga salita sa pangungusap.
3. Pangatnig- mga kataga/ salita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o
sugnay.

Modyul sa Filipino 7 6
https://youtu.be/WN6AXIzByNE
https://youtu.be/dtirt0w6AAg
Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma https://youtu.be/oKYnZI-jsMI
Teachers Wraparound Edition GRADE 7 http://maamgare.blogspot.com/2011/07/pagislam-
ang-pagbibinyag-ng-mga-muslim.html

http://clipart-library.com/open-cliparts-background.html

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.uokpl.rs%2Frsmax%2FxxTbRo%2F
&psig=AOvVaw1fsn9WvrkeUIi65yXRf8ug&ust=1597245798354000&source=images&cd=vfe&ved=
0CAIQjRxqFwoTCICKs96DlesCFQAAAAAdAAAAABAM

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.edrawsoft.com%2Ftemplate-
candy-main-idea-and-details-
chart.php&psig=AOvVaw1dDwIk0ata37uXLnqjyCxG&ust=1597245926193000&source=images&c
d=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPjHjZeElesCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwikiclipart.com%2Froadmap-
clipart%2F&psig=AOvVaw2TbrbF2jCYiOGR6W_InXCp&ust=1597246157561000&source=images&
cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPjEhZeFlesCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.com%2Fpin%2F61220814
3080594134%2F&psig=AOvVaw2ge10QMJ8KenRwVRSbnNvy&ust=1597246346696000&source=i
mages&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJCmhd-FlesCFQAAAAAdAAAAABAJ

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.freepik.com%2Ffree-
vector%2Fsocial-media-frame-template-
notification_2231872.htm&psig=AOvVaw3kUFuBThiEuuqUl0ZotZEZ&ust=1597246594868000&so
urce=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPjt2NWGlesCFQAAAAAdAAAAABAJ

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.com%2Fpin%2F12926745
1788987630%2F&psig=AOvVaw1rJykcGujpjRlH_1Z5mzax&ust=1597247155879000&source=images
&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPihtfGIlesCFQAAAAAdAAAAABAE

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Ftoppng.com%2Ffree-image%2Fcaptain-
america-PNG-free-PNG-
Images_22833&psig=AOvVaw3iZxX8kwSQPmANEHc9ROrq&ust=1597247399245000&source=im
ages&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPifztiJlesCFQAAAAAdAAAAABAL

Modyul sa Filipino 7 7
Modyul sa Filipino 7 8

You might also like