You are on page 1of 3

ARALIN 4

MAIKLING KWENTO: “PAGISLAM”

PAGISLAM
• Naniniwala ang mga muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan, kaya di
kailangang binyagan. Ganoon pa man, mayroon silang isang seremonya na kahalintulad ng binyag na
tinatawag na pagislam. Pinaniniwalaang ito ang pagbibinyag ng mga Muslim.

PAGISLAM (Isang Kuwentong Muslim)


Mga Tauhan:
Ibrah: ama ni Abdullah at asawa ni Aminah
Aminah: babaeng Muslim at asawa ni Ibrah
Tarhata: kapatid na babae ni Ibrah at tumulong sa panganganak ni Aminah
Abdullah: sanggol na lalaki sa kuwento
Imam: tawag sa paring Muslim
Pandita: guro na dalubhasa sa pagbabasa ng Koran

TALASALITAAN:
ABDULLAH: nanggaling sa dalawang salita: ABD at ALLAH na nangangahulugang SERVANT at GOD, sa
tahasang sabi "servant of God" ang ibig sabihin ng pangalang ito. Ito ay ikinakabit madalas sa
mga pangalan ng kalalakihang Muslim. Samantala, ang katumbas naman nito sa mga
pangalan ng kababaihang Muslim ay AMATULLAH.
MAULIDIN NABI: Pasko ang katumbas nito sa mga pagdiriwang pang-Kristiyano. Ito ay kandore o kaarawan
ni Mohammad, ang kauna-unahan at kaisa-isang propeta ni Allah.

SUNNAH: ang tawag sa pagtutuli sa mga babaeng Muslim.

TATLONG SEREMONYA NG PAGISLAM


BANG: ito ang unang seremonya sa pagbibinyag ng mga Muslim. Ginagawa ito ilang oras
pagkapanganak ng sanggol at sa pamamagitan ng pagbabasa ng Imam ng isang dasal mula sa
Koran sa kanang tenga ng sanggol upang maikintal sa isipan nito ang pangalan ni Allah.
PENGGUNTING: ikalawang seremonya na ginagawa sa ikapitong araw mula nang maipanganak ang sanggol.
Ito ay ginagawa sa paraang gugupitan ang sanggol ng hibla ng buhok at ilulublob ito sa
mangkok na may tubig sa paniniwalang kapag lumitaw ang hibla ng buhok na ito sa tubig ay
mamaging maganda ang kapalaran ng bata at kung lumubog naman ito ay mamalasin ang
bata.
PAGISLAM: ikatlong seremonya ng pagbibinyag ng mga Muslim na ginagawa naman sa ikapito hanggang
ikasampung taon ng bata. Ito ay hindi naiiba sa pagtutuli sa lalaking Kristiyano.

MAIKLING KUWENTO
• isang uri ng panitikan na may banghay na kinasasangkutan ng ilang mga tauhan lamang at
kadalasang umiikot sa isang suliranin.
• Ayon kay GENOVEVA EDROSA-MATUTE, Ang maikling kuwento ay isang maikling kathang
pampanitikang nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang
pangyayari, at may isang kakintalan.

ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO


1. TAUHAN

✓ Ang nagbibigay-buhay sa maikling kuwento. Ito ay maaaring maging mabuti o masama.

2. TAGPUAN

✓ Tungkol ito sa panahon, kapaligiran, lugar at oras kung kailan naganap ang kuwento.

3. BANGHAY
✓ tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

BANGHAY NG MAIKLING KUWENTO

1. SIMULA - Ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sa bahaging ito. Dito ipinapakilala ang
mga tauhan, at tagpuang iikutan ng kuwento.

2. TUNGGALIAN- Dito makikita ang pakikitunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning


kaniyang kahaharapin.

3. KASUKDULAN- Pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya’t ito ang pinakamaaksyon. Sa


bahaging ito nabibigyang-solusyon ang suliranin at dito malalaman kung
magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi.

4. KAKALASAN- Sa bahaging ito unti-unti ng matatagpuan ang kalutasan sa suliranin o ang hudyat
nang pagbaba ng aksyon na nagbibigay-daan sa nalalapit na pagtatapos ng kwento.

5. RESOLUSYON/WAKAS - Nakalahad dito ang kahihinatnan ng mga tauhan batay sa mga


pangyayaring naganap.

RETORIKAL NA PANG-UNGNAY

Ang pag-uugnayan ng iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga upang makita ang pag-uugnayang
namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang mga pang-ugnay na ito ay kadalasang
kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol, at pangatnig.

PANG-ANGKOP
✓ ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda
lámang ng mga pariralang pinaggagamitan.
DALAWANG URI NG PANG-ANGKOP

1. Ang pang-angkop na NA ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n.
Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita at ng
panuring.

Halimbawa: mapagmahal na hari

✓ Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik n tinatanggal o kinakaltas ang n at
ikinakabit ang -ng

Halimbawa: huwarang pinunò

2. Ang pang-angkop na -NG ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit
ito sa unang salita.

Halimbawa: mabuting kapatid

PANG-UKOL
✓ Ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa pangungusap.
Narito ang mga kataga/pariralang malimit na gamiting pang-ukol.

PANGATNIG
✓ mga kataga/salita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay

1. Pangatnig na pandagdag: Nagsasaad ng pagpuno o pagdaragdag ng impormasyon.


Halimbawa: at, pati

2. Pangatnig na pamukod: Nagsasaad ng pagbubukod o paghihiwalay.


Halimbawa: o, ni, maging

3. Pagbibigay sanhi/dahilan: Pag-uugnay ng mga lipon ng salitang nagbibigay-katwiran o nagsasabi ng


kadahilanan.
Halimbawa: dahil sa, sapagkat, palibhasa

4. Paglalahad ng bunga o resulta: Nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan.


Halimbawa: bunga, kayâ o kayâ naman

5. Pagbibigay ng kondisyon: Nagsasaad ng kondisyon o pasubali.


Halimbawa: kapag, pag, kung, basta

6. Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat: Nagsasaad ng pag-iba, pagkontra o pagtutol.


Halimbawa: ngunit, subalit, datapwat, bagama’t

You might also like