You are on page 1of 3

TEORYANG FORMALISTIKO O FORMALISMO

Ang Teoryang Formalistiko o Formalismo ay isinilang noong 1910 at yumabong noong dekada
50 at 60, ang teoryang ito ay may pananaw na ang akda o teksto ay dapat suriin at
pahalagahan kung ibig talagang masukat ang kagandahan ng akda.

Layunin ng pagsusuring Formalistiko o Formalismo ang pagbibigay pansin sa anyo ng


panitikan. Ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito. Naging tanyag
ang pananaw na ito sa panunuring pampanitikan dahil na rin sa dami ng mga pagsusuring
ginamitan ng ganitong pananaw.

Ang tunguhin ng pananaw na ito ay matukoy ang sumusunod:

Nilalaman
Kaanyuan o kayarian
Paraan ng pagkakasulat ng akda
Sa pananaw na ito ay hindi lamang mahalaga ang pagbabalangkas kundi ang pagsusuri na ring
ginamit. Sa pagtalakay ng akda, dapat ang mailantad lahat ng mahahalagang bagay mula sa
simula patungo sa ibat-ibang elementong magkakaugnay hanggang sa katapusan. Dapat
makita kung may ironi o paradoks o may kalabuan o may iba pang elemento sa akda. Kung
makikita ang mga elementong ito, masasabing mahusay ang akda. Binibigyang atensiyon din
ang salita o vokabularyo at ang kaibahan ng mga salitang pampanitikan sa pang araw-araw na
salita.

ANG SANAYSAY
Ayon sa makata at magaling na mananaysay na si Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay
isang salaysay ng sanay at sapagkat ang panumbas ng salitang essais sa Pransya ay walang
katumbas sa tagalog kayat hinango sa depenisyong ito ni Abadilla ang katawagang sanaysay.
Ibig sabihin ang isang manunulat ay makasusulat lamang ng isang mabisang sanaysay kung
itoy nasasaklaw ng kanyang kaalaman, pag-aaral, karanasan, hilig, pananaw, katauhan at
kalagayan.
Ayon naman sa Pranses na si Michel de Montaigne, ang may-akda ng essais, ito ay ang
pagsulat tungkol sa personal na karanasan, damdamin at kuro-kuro o palagay ng manunulat sa
paraang magaan, kawili-wili at nakapagbibigay impormasyon sa mambabasa.

Kabilang sa mga uring ito ng panitikan ang mga sumusunod:

Artikulo sa mga magasin at pahayagan


Disertasyon
Editoryal
Lathalain
Panunuring pampanitikan/pampelikula
Talumpati
Tesis
DALAWANG URI NG SANAYSAY
1. PORMAL O IMPERSONAL NA SANAYSAY
Nagtataglay ng mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng pormal na paraang bunga ng
isang pag-aaral o pananaliksik. Pormal ang wikang ginamit kayat higit na mabigat basahin. Ang
tono ay seryoso, pang-intelektuwal at walang halong pagbibiro. Kusang inilalayo ng may akda
ang sarili niya sa akda upang maging kapanipaniwala ang kanyang pinapaksa. Karaniwang
ikatlong panauhan ang ginagamit.

2. IMPORMAL O PERSONAL NA SANAYSAY


Karaniwang naglalahad ng kawili-wiling paksa, ang pagpapaliwanag ay maaaring batay lamang
sa karanasan o kuro-kuro, palakaibigan ang mga salita at para lamang nakikipag-usap ang tono
ng may-akda. Karaniwang unang panauhan ang gingamit.

PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim

(Sanaysay Muslim)

Salin mula sa ingles ni Elvira B. Estravo

Naniniwala ang mga Muslim na ang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan kaya di
kailangang binyagan upang ito ay maalis. Ganoon pa man, mayroon silang ilang seremonya na
kahalintulad ng binyag na tinatawag na pagislam. Pinaniniwalaang ito ay ang pagbibinyag ng
mga Muslim.
Sa katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremonyang panrelihiyon na napapaloob
sa pagislam, na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng sanggol.
Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isang pandita ang babasa
ng adzan sa kanang tainga ng sanggol. Itoy ginagawa upang ditoy ikintal na siyay ipinanganak
na muslimat ang unang salitang maririnig ay ang pangalan ni Allah.
Ang pangalawang seremonya ay higit na kilala bilang penggunting o pogubad. Ginagawa ito
pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mga magulang ng kanduli, isang salu-salo
bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Ditoy iaanyayahan ang mga kaibigan, kamag-
anakan at pandita.
Angpaghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan.
Karaniwang nagpapatay ng hayop, kambing o baka. Ang hayop na itoy tinatawag na aqiqa, na
ang ibig sabihiy paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat.
Sa okasyong ito, ang binibinyagan o pinararangalan ay binibigyan ng pangalan ng isang pandita
pagkatapos na makaputol ng ilang hibla ng buhok ng sanggol. Inilalagay sa isang mangkok na
tubig ang pinutol na buhok. Ayon sa paniniwalang Maguindanao, pag lumutang ang buhok ay
magiging maginhawa at matagumpay ang tatahaking buhay ng bata ngunit kapag itoy lumubog,
siyay magdaranas ng paghihikahos at paghihirap. Ang bahaging ito ng seremonya ay di
kinikilala ng Islam ngunit dahil bahagi ito ng tradiyon patuloy parin itong ginagawa ng ilang
Maguindanawon. Isa paring bahagi ng tradisyon na kasama ng seremonya ay ang paghahanda
ng buaya.
Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kanin, dalawang nilagang itlog ang pinakamata at
laman ng niyog ang ginagawang ngipin. Nilalagyan din ang buaya ng manok na niluto sa gata
na kinulayan ng dilaw. Inihahanda ito ng isang matandang babaeng tinatawag nilang walian,
isang katutubong hilot na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ginagawa ito para sa kaligtasan ng
bata kung naglalakbay sa tubig.

Pinakakain sa mga batang dumalo sa seremonya ang buaya.

Ang ikatlo at huling seremonya ay ang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa pagitan
ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na gawain sa seremonyang ito ay ang
pagtutuli. Tinatawag na pagislam para sa mga batang lalaki at sunnah para sa mga batang
babae. Ginagawa ito upang alisin ang dumi sa kanilang pag-aari. Ang pagislam ay ginagawa ng
isang walian, na karaniwang isang matandang babae na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ang
seremonya ay ginagawa sa araw ng Maulidin Nabi o sa isang mahalagang banal na araw ng
mga Muslim.

Arkitaypal
Ayon kay John Loui Medina at krionaitalikong teksto, naniniwala siya sa pananaw ni Freud at Carl
Jung na may di-malay na bahagi ang tao, subalit hindi ito personal na unconscious, bagkus ay
kolektibong unconscious na nagmumula sa "tendency na mabuo ang isang motif".

You might also like