You are on page 1of 9

Filipino 10

Mga gamit ng pandiwa (Bilang aksiyon, karanasan at pangyayari)


Ano ang pandiwa?
Ang pandiwa o verb ay isang salita o bahagi ng salita na nagsasaad ng kilos o galaw,
pangyayari o katayuan ng isang tao, hayop, o bagay.

 Masayang nagkukuwentuhan ang magkakaibigan.


 Maagang nagsaing si ina.
 Binuksan ni Liyan ang pinto nang marinig niya na may kumakatok.
 Naglalakad si Precy papuntang eskwelahan.
 Pagtutulungan ang lulutas sa ating suliranin.

Pandiwang bilang Aksiyon


Nagpapahayag ito ng kilos na ginawa, ginagawa, o gagawin pa lamang. Madaling matukoy ang
actor o tagaganap ng kilos na maaring tao, hayop, o bagay.
Karaniwang mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping um, mag, ma-,
mang-, at maki-
May aksiyon ang pandiwa kapag may actor o tagaganap ng aksiyon/kilos

Halimbawa:
 Tumalima ang mga tao sa gusto ng Panginoon.
Pandiwa – tumalima
Aktor – ang mga tao

 Nagsalita si Jose sa harap ng kanyang mga kaklase.


Pandiwa – nagsalita
Aktor – si Jose

Pandiwa bilang Karanasan


Nagsasaad ito ng kilos ng isang personal na karanasan o damdamin/emosyon. Madaling
matutukoy ang actor na nakakaramdam.
Kung nagsasaad ang kilos ng isang personal na pangyayari sa buhay ng tao.
Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin.

Halimbawa:
 Natakot si Angel sa kanyang nakita.
Pandiwa – natakot
Aktor – si Angel
 Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang pangyayari.
Pandiwa – nalungkot
Aktor – ang lahat

Pandiwa bilang pangyayari


Nagsasaad ito ng kilos ng isang kaganapan na resulta ng isang pangyayari. Maaring kakitaan
ng sanhi at bunga.
Kung nagsasaad ang kilos ng isang mahalagang kaganapan na maaring maging bahagi ng
kasaysayan o kolektibong kamalayan ng mga tao.
Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.

Halimbawa:
 Nabahala si Ajax sa gagawing paghuhusga ni Athena.
Pandiwa – nabahala
Pangyayari – gagawing paghuhusga

 Umiyak si Ana nang malamang bumagsak siya sa pagsusulit.


Pandiwa – umiyak
Pangyayari – nang malamang bumagsak siya sa pagsusulit

Mitolohiya
Mga katangian ng Mito
 Isang kuwentong pinaniniwalaan kung paano nalikha ang daigdig.
 Ang mga tauhan ng isang mito ay hindi mga ordinaryong tao.
 Ang tagpuan ng mito ay sinauna o iyong panahon na hindi pa marunong magsulat ang
tao.
 Ang banghay ay maaaring tumulay mula mistikong daigdig tungo sa mundo sa
kasalukuyan.
 Ang mga pangyayaring nagaganap sa isang mito ay taliwas o umiiba sa mga
pangyayaring nagaganap sa tunay na buhay.
 Nag-uudyok ng pagbabago sa kaasalan o sama-samang pagkilos.
 Ito ay ballot ng hiwaga.
 Mahalaga sa mito ang tapatan ng mga bagay, gaya ng araw at gabi, mabuti at masama,
at iba pa.
 Ito ay nagbibigay tuon sa wika.
 Karaniwang nakabatay sa metapora.
Mga pangunahing tema ng mitong pandaigdig
 Kabilang buhay
 Mga hayop sa mitolohiya
 Apocalypse
Ang mitolohiya ay nagmula sa dalawang salitang Griyego na “mythos” na ang ibig sabihin ay
“salaysay ng tao” at “logos” na nangangahulugang “pag-aaral”.
Sa katunayan, may apat na tungkulin ang mitolohiya sa sangkatauhan.

 Ipinamumulat nito ang daigdig sa tao.


 Natutuhan ng sinaunang tao na magbigay-teorya o bigyang-paliwanag ang mga bagay
at pangyayari sa buhay tulad ng puwersa ng kalikasan at pinagmulan ng sansinukob.
 Nagsisilbing tagapag-ingat ang mitolohiya ng kultura at tradisyon ng isang lipunan.
 Nagbibigay ito ng aral kung paano mabuhay, mamuhay, at isabuhay ang mga aral nito.

 Etiolohikal na mito – ang isang salaysay kung ito ay nagbibigay ng kadahilanan ng


isang bagay o pangyayari.
 Historikal na mito – kung ang salaysay nito ay tungkol sa isang dakilang pangyayari sa
nakaraan.
 Sikolohikal na mito – ay isang salaysay na tumatalakay sa buhay ng isang tauhan,
maaring bayani o pangkaraniwang nilalang, na may tunggaliang pansarili.
Ang mitolohiya ay isa ring kalipunan ng mga salaysay tungkol sa diyos at diyosa noong
sinaunang panahon na sinasamba, dinarakila, at pinipintaksi. May malaking ugnayan ang
relihiyon sa pamumuhay ng sinaunang tao tulad ng mga Griyego. Naiiba ang mitolohiya ng mga
Griyego sapagkat ang kanilang diyos-diyosan ay nakikibahagi at nakakasama nila sa kanilang
buhay.
Ayon kay Donna Rosenberg sa kaniyang aklat na World Mythology ( 1994 ), ang kadakilaan at
katanyagan ng mitolohiyang Griyego ay naisulat sa mga panahong 775 B.C. nang isinulat ni
Homer ang kaniyang Iliad at noong 725 B.C. nang isulat ni Hesiod ang Theogony.
Ayon naman kay Edith Hamilton sa kaniyang aklat Mythology: Timeless Tales of Gods and
Heroes (1942), karamihan ng mga salaysay ng klasikong mitolohiya ay nagmula kay Ovid,
isang makatang Romano sa panahon ni Augustus. Hindi matatawaran ang kaniyang mga
isinulat na salaysay tungkol sa mga diyos-diyosang Griyego na siyang naging batayan ng iba
pang manlilikha noong unang panahon. Dahil dito, may mga diyos-diyosan ang mga Griyego na
hiniram ng mga Romano.
Ang angkan ng diyos-diyosan ng mga Griyego ay malaki at bawat miyembro ay may kani-
kaniyang personalidad. Taglay nila ang pag-ibig, pagkagalit, pagkamuhi, at pagmamalaking
pag-uugali tulad ng tao. Samakatuwid, sila ay representasyon ng tao na nagtataglay ng
katangian ng diyos.
Mga panandang pandiskurso
Wika – Naghuhudyat ng pag-uugnayan sa iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag ang panandang
pandiskurso. Tinatawag itong pang-ugnay o pangatnig.
May tatlong uri ng panandang pandiskurso ayon sa gamit nito.

 Naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari


 Naghuhudyat ng paraan ng pagkakabuo
 Naghuhudyat ng pananaw ng may-akda

 Pagdaragdag – at, saka, muli, bukod dito, singhalaga, ng, ang, sa huli, ni, rin/din,
sumunod
 Paghahambing – samantala, ngunit, sa kabilang banda, gayunpaman, magkagayunman,
bilang pag-iiba/bilang pagtutulad, kung ihahambing.
 Pagpapatunay – dahil, sapagkat/pagkat, kasi, sa gayon, ding dahilan, kita naman, sa
katunayan, ang totoo niyan, iyon na nga na
 Pagtatangi – kahit pa, sa kabila ng/nito, minsan
 Pagpapakita ng panahon – kaagad, pagkaraan, pagkatapos, paglaon, pagkalipas ng
ilang saglit/minute, araw
 Pag-uulit – sa madaling sabi, gaya ng nasabi ko, tulad ng nabanggit ko, gaya ng napag-
usapan
 Pagbibigay-diin – siyempre, talaga naman, sa katunayan, siyang tunay, natural, walang
duda, walang pasubali, walang pag-iimbot
 Pagsusunod-sunod – una, ikalawa, ikatlo at iba pa; A, B, C at iba pa; sumunod,
pagkatapos; pagkaraan; sa puntong ito, ngayon; sa huli;
 Pagbibigay halimbawa – halimbawa, kunwari, sa kasong ito, sa sitwasyong ito, sa
sandalling ito, sa pagkakataong ito, saa isa pang pagkakataon
 Paglalagom o pagbibigay ng kongklusyon – sa madaling salita, sa kabuuan, bilang
paglalagom, bilang kongklusyon, gaya ng naipakita ko, gaya ng nasabi ko, samakatuwid

Parabula
 Maikling salaysay na nagtuturo ng moralidad o ng kinikilalang mga pamantayang moral
ng isang komunidad o lipunan.
 Realistiko ang banghay ng parabula at ang mga tauhang gumagalaw ay tao.
 Sa tradisyong Kanluranin, ang pampanitikang kumbensiyon ng parabula ay batay sa
mga kuwento at turo ni Hesus.
May 43 na parabula sa apat na aklat (gospel) ang patunay kung gaano kadalas ginamit ni
Hesus sa kanyang pangangaral.

Mga Elemento ng Parabula


 Mga aral na nakapaloob na pinakalayon ng kwento na pinakapokus ng nasabing akda
 Matatalinghagang pahayag na ginamit na pinakatampok sa elemento ng akda sapagkat
gumagamit ng mga pahiwatig na masining at magiging bunga
 Organisasyon na tinatawag ding bahagi sapagkat may panimula, gitna, at wakas gamit
ng mga salita o pahayag na pormal ang pagkakagamit

Mga Katangian ng Parabula


 Ang parabula ay isang salaysay
 Ang parabula ay isang metapora

Mga Uri ng Parabula


 Ang biblikal na uri ng parabula ay nauuri pa sa tatlong tiyak na uri:
 Didaktiko – nagtuturo ng aral sa buhay. Karaniwan itong gumagamit ng mga imahen ng
hayop bilang metapora o paghahambing.
 Ebanghelikal – ay nakalaan sa mga hindi naniniwala kay Hesus. Karaniwan naman
nitong metapora ang mga puno at halaman. Isang halimbawa nito ang “Parabula ng mga
Manggawa sa Ubusan”.
 Propetiko – ay nagsasalaysay tungkol sa Kaharian ng Diyos at paghahanda sa
pagbabalik ni Hesus at sa katapusan ng panahon. Halimbawa nito ay ang “Talinghaga
ng Manghahasik”.
Ang ikalawang panlahat na uri ng mga parabula ay ang di-biblikal.
Ito naman ang mga parabulang isinulat sa kasalukuyan na ang layunin ay magbigay ng aral o
pananaw sa buhay sa anyo ng talinghaga. Karaniwan itong isinusulat ng mga inspirasyonal na
manunulat.
Nagbigay rin si Hultgren ng tatlong pangunahing katanungan para sa interpretasyon ng
parabula. Ito ay ang mga sumusunod:

 May papel ba rito ang alegorisasyon?


 Ano ang bibigyan ng interpretasyon: ang “orihinal” na parabula ni Hesus o ang
parabulang tulad nito sa mga ebanghelyo?
 Anong pamamaraan ang pinakakailangan ng mabunga?

Mga angkop na pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw


Mahalagang bahagi ng pang-araw –araw na pakikipagtalastasan ang pagpapahayag ng sariling
pananaw o opinyon. Mahalagang matutuhan mo kung gayon ang mabisang paraan ng
pagsasagawa nito.

Mababasa sa ibaba ang ilang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng sariling pananaw:
 Ang masasabi ko ay…
 Ang pagkakaalam ko ay…
 Ang paniniwala ko ay…
 Ayon sa nabasa kong datos/impormasyon/balita…
 Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil…
 Kung ako ang tatanungin…
 Maari po bang magbigay ng aking mungkahi?
 Maari po bang magdagdag sa sinabi ninyo?
 Mahusay ang sinabi mo at ako may ay…
 Nasa iyo yan kung hindi ka sumasang-ayon sa aking pananaw subalit…
 Para sa akin…
 Sa aking palagay…
 Sa tingin ko ay…
 Tutol ako sa sinabi mo dahil…
 Sa tingin ko/Sa palagay ko/Sa ganang akin…
 Batay sa/Sang-ayon sa/Ayon sa…
 Sa palagi ni/Sa paniniwala ni/Sa paningin ni/ Sa pananaw ni…
 Iniisip/Inaakala/Pinaniniwalaan…

Naririto naman ang ilang paalalang dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng sariling pananaw o
oipinyon:
 Ilahad ang pananaw sa maayos at malumanay na paraan kahit pa hindi sinasang-
ayunan ang pananaw ng iba.
 Makinig ng mabuti sa sinasabi ng kausap. Ipakita mo pa rin ang interes at paggalang
kahit hindi kayo pareho ng pananaw o opinyong pinaniniwalaan.
 Huwag pilitin ang kausap na sumang-ayon o pumanig sa iyong pananaw o paninindigan
kung may matibay siyang dahilan para maniwala sa kasalungat ng iyong pananaw.
 Mas magiging matibay at makakakumbinsi sa iba kung ang pananaw o paninindigang
iyong ipinaglalaban ay nakabase sa katotohanan o kaya’y sinusuportahan ng datos.
 Gumamit ng mga pahayag na simple para madaling maintindihan ng mga tagapakinig
ang iyong opinyon o pananaw.

Sanaysay
Si Alejandro G. Abadilla ang lumikha ng katawagang “ sanaysay” noong 1938. Aniya, ang
ganitong anyo ng panitikan ay “nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay”.
Inuri ni Abadilla ang mga sanaysay ayon sa tema: kritikal, satirikal, pampolitika, panlipunan,
historiko, pilosopiko, didaktiko,espiritwal,biograpiko, inspirasyonal,talang gunita, pampanitikan,
at nakakatawa.
Ayon sa kanya ang sanaysay “ay hango sa salitang salaysay ng isang sanay o bihasa sa
pagsasalaysay”.
Hinalaw naman ng kuwentistang si Genoveva Edroza-Matute ang kanluraning pag-uuri ng
mga sanaysay: bilang pormal o maanyo at di-pormal o palagayan/personal.
Ang pormal o maanyo, ay may mga malalim na paksang dapat talakayin nang may kaukulang
kaseryosohan, batay sa pananaliksik, at puspusang pagsusuri ng datos na magiging tuntungan
ng mga kongklusyon ng manunulat. Mahigpit at maigat ang pagkakabalangkas nito.

Ang di-pormal o palagayan/personal naman ay isang malikhaing pagpapahayag ng kabatiran ng


mga personal na karanasan (o isang bagay na nabasa, namalas, o narinig) o ng obserbasyon
tungkol sa kahit anong bagay sa paligid.
Dalawang pangalan ang lulutang kung pag-uusapan ang kasaysayan ng sanaysay. Una, ang
kay Michel de Montaigne, pilosopong Pranses noong panahon ng Renasimyento, sa
pandaigdigang saklaw, at ang kay Tomas Pinpin, ang Pilipinong manlilimbag na nabuhay noong
unang bahagi ng ika-17 siglo.
 Isang maikling kathang prosa na tumatalakay sa isang tiyak na paksa.
Ang salitang essay ay nagmula sa salitang Pranses na essayer, na nakaugat naman sa
salitang Latin na exagium o exagere na nangangahulugang “pagtimbangin” o “pagbukurin”.
Michel de Montaigne (1553-1592) Isang manunulat na Pranses na kilala sa larangan ng
sanaysay.

Paggamit ng pananaw sa isang Akda


Itinalaga ang pananaw, sa panitikan ang paraan kung paano inilalahad ang kuwento.
Ito ang modang nililikha ng isang may-akda upang ilatag sa mambabasa ang mga tauhan,
diyalogo, akto, tagpuan, at mga pangyayaring bumubuo sa naratibo.
Ang perspektibong unang panauhan, limitado lamang ang naratibo sa alam, danas, at
hinuha ng unang panauhang nagsasalaysay, kasama na ang kaniyang mga natuklasan sa
pamamagitan ng pakikipag-usap sa iba pang tauhan.
Sa ikalawang panauhang “ikaw”, hiwalay na tagapagsalaysay ang kalahok sa kuwento.
Sa ikatlong panauhang naratibo, ang tagapagsalaysay ay tahasang nasa labas ng kuwento.
Tinutukoy niya ang bawat tauhan bilang “siya” o “sila”.

Maikling Kuwento
Isang uri ng tuluyan ang maikling kuwento. May elemento ito gaya ng sumusunod na
nagpapatingkad sa pagiging akdang pampanitikan nito.

Elemento ng Maikling Kwento


 Tauhan – ang gumaganap at nagbibigay-buhay sa kuwento. May protagonista ( bida )
at antagonista ( kontrabida).
 Tagpuan at Panahon – Lugar na pinagganapan ng kuwento at kung kailan ito naganap
na maaaring buwan, okasyon o pagdiriwang, klima, at iba pa na tumutugon sa panahon.
 Banghay – pagkakasunod-sunod ng mahahalagang pangyayari.
 Tunggalian – Ito ang suliranin ng kuwento.
 Kasukdulan – kapana-panabik na bahagi ng kuwento.
 Kakalasan o resolusyon – ito naman ang kalutasan ng suliranin sa kuwento.
 Wakas – Katapusan ng kuwento na maaaring iniiwan sa mambabasa ang pagwawakas
ng kuwento.

Mga Kilalang Manunulat


Sa England, kinilala si Geoffrey Chaucer sa kaniyang Canterbury Tales, isang kalipunan ng
mga kuwento mula 1387 hanggang 1400.
Sa Italy naman, ang Decameron ni Giovanni Boccaccio ang itinuturing na pasimula ng
maikling kuwento sa wikang Italyano.
Ayon kay Boyd (2006), si Edgar Allan Poe ang siyang unang nagsuri ng pagkakaiba ng
maikling kuwento at nobela.
Narating naman ng maikling kuwento ang rurok ng katanyagan bilang genre ng panitikan sa
panahon ni Anton Cheklov, ang itinuturing na "pinakamahusay na manunulat ng maikling
kuwento”.

Buod ng Nobela
Isang bungang-isip ang nobela na nasa anyong tuluyan. Kadalasang halos pang-aklat ang haba
na ang banghay ay inilalahad sa pamamagitan ng mga tauhan at diyalogo.

Pangunahing layunin ng nobela ay manlibang, bagaman sa di-tahasang paraan, maaaring


magturo, magtaguyod ng isang pagbabago sa pamumuhay o sa lipunan, o magbigay ng isang
aral.
Ang lalong mahusay na nobela ay naglalarawan ng tauhan.
Sa isang mahusay na nobela, ang mga tauhan ay hindi pinagagalaw ng may akda.
Ang nobela ay isang mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari na
kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata.

Ilan sa mga mahuhusay na halimbawa ng nobelang Pilipino ay ang “Noli Me Tangere” at

“El Filibusterismo” ni Dr. Jose P. Rizal.


Kaligirang Kasaysayan ng Nobela o Kathambuhay sa Daigdig
Ayon kay Rufino Alejandro, ang nobela ay isang kathang pampanitikan na binubuo ng
maraming pangyayaring magkakasunod at magkakaugnay-ugnay.

Ayon din kay Alejandro, ang nobela ay paglalarawan ng isang buhay o isang bahagi ng buhay.
Taglay nito ang tatlong sangkap.

 Kasaysayan o kuwento
 Isang pag-aaral
 Ang paggamit ng malikhaing guniguni

Ayon naman kay Patrocinio V. Villafuerte, ang nobela ay naglalahad ng maraming


pangyayaring kinasasangkutan ng isa o dalawang pangunahing tauhan at iba pang katulong na
tauhan at ang buong pangyayari ay sumasaklaw nang higit na mahabang panahon.

Pananaw Humanismo
 Pinalulutang ng pananaw humanismo ang kabutihan ng tao sa pagtuon sa kalakasan at
mabubuting katangian ng tao.
 Mapagpalaya ang teoryang ito sapagkat kinikilala nito ang kakayahan ng isang tao na
mag-isip at magpasiya para sa kaniyang sariling tadhana.

You might also like