You are on page 1of 17

1

Filipino Reviewer
Goodluck sa exam mga pare’t mare!
Note: all sources were found ONLINE. There might be missing contents

● Pandiwa
Ang pandiwa ay isang salita bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o pakiramdam.
Mga halimbawa (naka-italiko):

as
-Tatlong uri ng Pandiwa
● Akyon - nagpapakita ng kilos ng aktor o tagaganap.
● Karanasan - kapag ito ay may ipinapakita ng damdamin.
● Pangyayari - kapag ang pandiwa ay nagpapakita ng resulta ng pangyayari.

in
Mga Halimbawa:
Pandiwa bilang aksyon
qu
● Pumunta ako sa tindahan.
● Binili ko ang tinapay.
● Kumain ako ng tinapay kaninang umaga.
Pandiwa bilang Karanasan
● Nagalit si Robert
-A

● Nalungkot si Kyle
● Natuwa si John
Pandiwa bilang Pangyayari
● Nahulog siya sa kaho dahil sa lindol
● Nalunod si Niño dahil nawala ang kanyang pera
10

● Umakyat siya sa bubong dahil sa taas ng tubig-baha

● Panlapi
Ang panlapi ay isang morpema na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng isang
bagong salita o anyo ng salita. Ang sistema ng pandiwa sa paggamit ng mga panlapi. Nalalaman din
sa pamamagitan ng panlapi sa Tagalog ang ginagampanang tuon ng isang pangungusap.
Gumagamit ng iba't ibang mga panlapi sa pandiwa sa iba't ibang ginagampanan nito.
2

-Uri ng Panlapi
Unlapi

Ito ay mga panlapi na kinakabit sa unahan ng salitang-ugat.

as
Gitlapi

Ito ang mga panlaping isinisingit sa pagitan ng unang katinig at kasunod nitong patinig. Sa madaling

in
salita, ito ay matatagpuan sa gitna ng salitang-ugat. Ginagamit lamang ang gitlapi kung ang
salitang-ugat ay nagsisimula sa katinig.
qu
-A

Hulapi

Ito ay mga panlaping matatagpuan sa hulihan ng salitang-ugat.


10
3
Kabilaan

Kabilaan ang tawag sa mga panlaping nasa unahan at hulihan ng salitang-ugat.

as
Laguhan

Laguhan ang tawag sa mga panlaping nasa unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat.

in
qu
● Sanaysay
Ito ay naglalaman ng mga salita ng indibidwal may kaugnayan sa kanilang pananaw, ideya,
-A

saloobin, opinyon hinggil sa isang paksa. Sa ingles, ito ay kilala sa tawag na essay. At sa
pamamagitan ng mga sanaysay, ipahatid ng manunulat kung ano ang nais niyang sabihin o kaya
nadarama. Maituturing na isang paraan ito ng pakikipagkomunikasyon sa iba.
10

-Dalawang Uri Ng Sanaysay

Pormal
❖ Ang karaniwang tinatalakay dito ay may kaugnayan sa mga seryosong impormasyon may
kinalaman sa pagsasaliksik ng taong nagsulat nito. Nagbibigay ito ng detalye tungkol sa
isang tao, lugar, hayop, bagay o kaya mga pangyayari. At ang isang halimbawa ng pormal
na sanaysay ay ang pahayagan editoryal.
4

Di-pormal
❖ Ito naman ay tumatalakay sa mga karaniwan, tipikal o personal na bagay may kaugnayan sa
buhay ng isang manunulat. Naipapamalas rin dito ang karanasan at personalidad ng isa na
maaaring maihahalintulad sa pakikipagkomunikasyon sa isang kaibigan.

-Mga Parte Ng Sanaysay

● Simula o panimula - Maituturing na pinakaimportanteng bahagi ito sapagkat inaasahan dito


kung itutuloy pa ba ng mambabasa ang sulating babasahin niya. At sa bahaging ito, dapat

as
matiyak na makuha ng akda ang atensyon mismo ng mambabasa niya.
● Gitna o katawan - Ang bahagi na ito makikita ang mahahalagang detalye may kinalaman sa
paksa. Malalaman rin dito ang buong impormasyon dahil sa maayos na pagpapaliwanag
nito.
● Wakas - Ito na ang bahagi ng pagsasara ng isang sanaysay na naganap mismo sa gitna. At

in
maaaring makaiwas ito ng mahahalagang aral na maaaring matutunan ng isa o kaya naman
makapag-isip ang isa kung paano isinasagawa ang tinalakay.

-7 na Elemento ng Sanaysay
qu
● Tema at Nilalaman - tumutukoy sa kung anuman ang nilalaman ng sanaysay ay itinuturing
na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi
● Anyo at Istruktura - maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari
● Kaisipan - mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema
● Wika at Istilo - mabuting gumamit ng simple, natural at tapat na mga pahayag
-A

● Larawan ng Buhay - masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may


akda
● Damdamin - na ipahayag ang damdamin ng may kaangkupan at kagustuhan sa paraang
may kalawakan at kaganapan
10

● Himig - ipinapahiwatig ang kulay o kalikasan ng damdamin

● Alegorya
Ang alegorya ay isang kwento kung saan ang mga elemento nito (tulad ng tauhan, tagpuan at kilos)
ay nagpapakahulugan ng higit pa sa literal nitong kahulugan at ibig sabihin.

● Ito ay maaaring magpahayag ng isang ideyang abstrak, mabuting mga kaugalian, tauhan at
isang pangyayaring makasaysayan, panrelihiyon, at panlipunan.
5
● Ito ay nagsasalaysay na kung saan ang tao, bagay at mga pangyayari ay nagtataglay ng
naiibang kahulugan na karaniwan.
● Ito ay nililikha upang magturo sa atin ng kagandahang asal o magbigay ng komento tungkol
sa kabutihan at kasamaan, at nagbibigay o nagpapahayag ng makabuluhang aral sa ating
buhay.
● Ito ay isang kapansin-pansing istilo na gumagamit ng mga kathang-isip na mga tauhan at
mga kaganapan upang ilarawan ang ilang paksa sa pamamagitan ng pagpapahiwatig ng
mga pagkakahawig.

as
Ang alegorya ay dapat basahin sa dalawang pamamaraan:

● Literal

in
● Simboliko

● Alegorya ng Yungib
qu
Ayon kay Plato, ang ating buhay ay tila nasa loob ng isang kweba na
nakatanikala at nakaharap sa dingding ng yungib. Tanging ang mga anino
lamang sa labas ng kweba ang ating nakikita dahil sa apoy na
-A

nagpapaliwanag sa ating likuran.

Ito ay tungkol sa mga epekto ng edukasyon at kakulangan ng mga ito sa ating


kalikasan. Ito ay nakasulat bilang isang diyalogo sa pagitan ng mga kapatid na lalaki
ni Plato na si Glaucon,at ang kanyang mga tagapayong si Socrates. Ito ay naging
batayan sa pagkakaroon ng kamalayan at kaalaman ng sariling kultura at kaugalian
10

ng bansang kinabibilangan.

Ayon kay Plato


Ang tunay na pag-iral ay nasa ‘Mundo ng mga Ideya.’ Ang mga konsepto ng bagay
ay naroroon na sa isipan na natin mula kapanganakan. Kakailanganin lamang
nating gamitin ang ating pangangatwiran upang sila’y matuklasan.

Ayon kay Aristotle


Ang katotohanan ay nagmula sa mga bagay na nakikita ng ating mga mata, naririnig
ng ating tenga, nararamdaman, naaamoy at nalalasahan. Ang mga ideya ay wala pa
sa ating isip noong tayo’y ipinanganak, taliwas sa turo ng guro niyang si Plato. Para
6
kay Aristotle, ang isip ng tao ay maihahalintulad sa isang blankong tableta. Tinawag
niya itong ‘Tabula Rasa’ . Dito isinusulat ang bawat karanasan sa pamamagitan ng
ating senses. Ang kaisipang ito ay tinawag na empirisismo.

Simbolo ng Alegorya ng Yungib

Pader: Ito ay sumisimbolo sa pagiging limitado o kawalan ng kalayaan na gawin ang mga
nais na gawin ng isang tao.

as
Yungib: Ito ay sumisimbolo sa kahinaan ng loob at maging ng pag-iisip. Ibig sabihin, ito ay
kumakatawan sa posibleng maging estado ng isang tao na nasa loob ng isang yungib.

Bilanggo: Ito ay sumisimbolo mismo sa mga tao o sa mga mamamayan na naroon sa lugar
na iyon.

in
Araw at Apoy: Ito ay sumisimbolo sa pang-araw-araw na pag-asang dala ng bawat umaga.
Ito rin ay kumakatawan sa panandaliang pagnanais na maging Malaya.
qu
Bulaklak: Ito ay sumisimbolo sa mga panandaliang saya na nararanasan ng mga
mamamayan sa loob ng yungib.
-A

Labas ng Yungib: Ito ay sumisimbolo sa kalayaan. Maaaring pisikal, mental, o maski ano
pa ang estado ng pagiging malaya.

● Cupid at Psyche
10

Tauhan

● Psyche- Si Psyche ay isang napakagandang prinsesa at naging asawa ni Cupid


● Cupid- Si Cupid naman ay asawa ni Psyche at anak ni Venus
● Venus- Siya ay ina ni Cupid na kinamumuhian naman si Psyche
● Ang pamilya ni Psyche
● Apollo
● Zephyr
● Persephone
7
● Demeter
● Aphrodite

Buod
Si Psyche ay isang prinsesa na napakaganda kaya ang diyosa na si Venus
ay nagseselos sa kanya. Bilang paghihiganti, inutusan niya ang kanyang
anak na si Cupid na paibigin ang dalaga sa isang nakatagong halimaw;
ngunit sa halip ay si Cupid mismo ang umibig kay Psyche. Si Cupid ay naging
asawa ni Psyche ngunit hindi siya nagpapakita sa dalaga, binibisita lamang

as
niya ang dalaga sa gabi. Sinuway ni Psyche ang utos ng asawa na huwag
subukang tumingin sa dito, at sa pagtingin niya sa asawa ay nawala si Cupid
sa kanya. Sa paghahanap ni Psyche para sa asawa ay marami siyang
pinagdaanang pagsubok na itinakda ni Venus sa pag-asang mapabalik siya.

in
Sa katagalan ay hindi na makaya ni Cupid na masaksihan ang pagdurusa ni
Psyche. Sa huli ay naging imortal si Psyche at nagpakasal na silang dalawa.
qu
Aral ng Cupid at Psyche
Ang aral na makukuha sa kwento ni Cupid at Psyche ay ang pagmamahal ng
walang kapalit, pagtitiwala, at pagtanggap. Ang istorya ni Cupid at Psyche at iilan
lamang sa mga kwentong tungkol sa pag-ibig sa Greek Mythology
-A

● Tusong Katiwala
10

Buod

May isang katiwala na naglulustay ng ari-arian ng kanyang amo , Sa di kalaunan ay


nalaman ng kanyang amo ang kanyang panglulustay na ginagawa, Sinabihan siya
ng kanyang amo na aalisin na sa kanyang posisyon ngunit bago siya umalis ay
kailangan muna niyang gumawa ng pag-uulat tungkol sa kanyang
pangangasiwa.Naging problema iyon ng katiwala sa dahilang totoo ang panglulustay
na ginawa niya sa ari-arian ng kanyang amo.mawawalan siya ng trabaho at ang
tanging trabaho lamang na gusto niya ay ang maging katiwala ayaw na niyang
bumalik sa pagbubungkal ng lupa. Kaya naman nakaisip siya ng tusong paraan.
Nilapitan niya ang lahat ng nagkautang sa kanyang amo at pinapirma ng kasulatan
8
na nakasaad na ang kanilang utang sa mas maliit kaysa sa aktwal na utang nila
upang kung sakali man na masesante siya ay mayroon man lamang na tatanggap at
magpapatuloy sa kaniya.At natuwa naman ang amo sa ulat na ginawa ng katiwala.

Tauhan

● Hesus - Ang Anak ng Diyos ang tumatayong tagapagsalaysay ng parabula.


● Pariseo - Sila ang tumatayong tagapakinig sa kwentong ibinahagi ni Hesus
● Katiwala - Isang tuso ngunit mabait na katiwala. Nakakaranas ng pangamba sa
pagkat siya ay matatanggal na sa kanyang trabaho.
● Amo - Ang mahigpit na amo ng katiwala. Madaling maniwala.

as
● Mga taong may utang sa amo - Sila ay mayroong utang sa amo na kailangan
bayaran at sila ay tinulungan ng katiwala.

Aral ng Tusong Katiwala

in
● Una, ang pagiging matapat ay laging maidudulot sa atin ng magandang mga bagay.
Sinabi sa parabula na ang taong tapat kahit sa pinakamaliit na mga bagay ay siyang
dapat pagkatiwalaan sa mas malaki pa. Halimbawa, kung ang isa ay matapat na
magbabalik ng sobrang sukli sa drayber ng dyip kahit piso pa ito, masasalamin sa
qu
taong iyon ang katapatan na nais makita sa atin ng Diyos at ng kung sinuman.
● Ikalawa, ang tusong katiwala ay higit na umibig sa salapi kung kaya’t siya ay
nakagawa ng mga bagay na hindi nararapat. Ang pera ay hindi masama ngunit kung
iibigin mo at sasambahin ito, tiyak na mamanipulahin ka nito.
● Ikatlo, ang tiwalang ibinibigay sa atin ay hindi basta basta. Ang tiwala ng isa ay may
-A

hangganan kung kaya’t huwag nating abusuhin ito kapag tayo ay binigyan ng
sinuman.
● Ikaapat, nakikita ng Diyos ang bawat galaw natin. Kaya nating mang-isa ng ating
kapwa nang hindi nila nalalaman ngunit walang makatatakas sa paningin ng Diyos.
10

Matuto tayong magkaroon ng takot sa Diyos.


● Huli, ang pagsisi talaga ay laging nasa dulo ng bawat bagay na ating ginagawa.
Marapat lamang na isipin nating palagi ang kahihinatnan ng ating bawat kilos o
paggawa.
9

● Mensahe ng Butil ng Kape


Buod

Ang parabulang ito ay tungkol sa mag - amang magsasaka. Nagpasya ang ama na
kausapin ang anak matapos na mamasdan nito ang pagmamahal ng kanyang anak
kasabay ng paghahayag ng kanyang mga hirap at pagod na nararanasan sa
pagsasaka at pagbubungkal ng lupa sa bukid. Upang bigyan ang anak ng pag - asa
at tuldukan ang tila pagrereklamo nito nagpasya itong magsalang ng tubig sa tatlong

as
magkakaibang palayok. Ang unang palayok ay nilagyan niya ng carrot, ang ikalawa
ay itlog, at ang ikatlo ay butil ng kape. Ipinakita ng ama ang nangyari sa carrot na
matapos mailagay sa bagong kulong tubig ay lumambot. Inihalintulad ito ng ama sa
isang taong dumaan sa pagsubok na nung una ay matigas ngunit hindi nagtagal ay
biglang lumambot. Sa umpisa ay matatag ngunit hindi nagtagal ay biglang nadaig ng

in
mga problema.

Sa ikalawang palayok ay ipinakita ng ama ang itlog na matapos mapakuluan ay


naging matigas. Ito naman ay inihalintulad niya sa taong matapos na dumaan sa
mga pagsubok ay nagkaroon ng matigas na damdamin. Ang ikatlong palayok ay
qu
nilagyan ng butil ng kape na matapos mapakuluan ay nalusaw ngunit nagdulot ng
ibang amoy, lasa, at kulay sa pinakuluang tubig. Sinabi ng ama na ito ay ang mga
taong matapos makaranas ng pagsubok ay naging matatag at nagdulot ng
pagbabago sa kanyang paligid. Matapos ang pagpapakita ng tatlong palayok,
tinanong ng ama kung alin sa mga ito ang kanyang anak at tumugon ito na siya ay
-A

tulad ng butil ng kape.

Aral ng Mensahe ng Butil ng Kape


Ang aral na mapupulot sa butil ng kape ay ang maging malakas at magtibay sa
kabila ng kinakaharap na suliranin.
10

Bawat tao ay may kanya kanyang suliranin hinaharap ngunit nasa iyo ang pasya
kung paano mo ito haharapin. Gumawa ng positibong hakbang sa paglutas ng bawat
suliranin. Alamin ang mga nararapat na hakbang upang ito ay malagpasan, sikapin
na matuto sa bawat pangyayari ito upang maging positibo sa pagharap sa bawat
suliranin na darating.
10

● Ang Kwintas
Buod

Mayroong kagandahang taglay si Mathilde na hinahangaan ng marami. Gayunman,


ang magandang dalaga ay mahirap lamang.Nakapangasawa rin siya ng isang
lalaking kapos din at isang manunulat na maliit lamang ang kita.Isang araw, pag-uwi
ng asawa ni Mathilde na si G. Loisel ay sinabi nitong inimbitahan sila sa isang piging
ng kanyang amo. Malungkot naman si Mathilde dahil wala siyang magarang dami.

as
Binigyan siya ng asawa niya ng pambili ng damit.Ngunit nais ni Mathilde na
magkaroon siya nang maayos na alahas. Dahil walang pambili ay nanghiram ito sa
kaibigan at nakahiram naman.Namumukod-tangi ang ganda ni Mathilde sa piging.
Marami ang humanga sa kanyang ganda. Pag-uwi nila, masaya ang mag-asawa

in
dahil sa atensyon. Ngunit nawala ni Mathilde ang kwintas. Upang hindi masira ang
relasyon sa kaibigan ay pinalitan nila ang kwintas kahit mahal ang halaga nito.Dahil
sa pagbili ng kuwintas na mataas ang halaga, nabaon sa utang ang mag-asawa.
Dahil maliit lamang ang kita ni G. Loisel ay inabot sila ng sampung taon sa
qu
pagbabayad ng utang.Lumipas ang sampung taon ay nakita ng kaibigan ni G. Loisel
si Mathilde. Nagulat ito dahil ibang-iba na ang hitsura nito mula nang makita sa
piging.Sinabi ni Mathilde ang dahilan na naghirap sila dahil sa kuwintas na nawala.
Sinabi ng kaibigan na hindi naman daw tuna yang kuwintas na suot niya noong gabi
-A

at isang imitasyon lamang

Tauhan

● Mathilde Loisel- siya ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat,isang maganda at


10

kahali halinang babae .


● G. Loisel – siya ang asawa ni Mathilde,siya ay ordinaryong manggagawa lamang
sa isang Instruksyong na pampubliko.
● George Ramponneau- siya ang nag anyaya sa mag asawang Loisel sa isang
kasayahan.
● Mme. Forestier- siya ang matalik na kaibigan ni Mathilde,siya rin ang nagpahiram
kay Mathilde ng kwintas na ginamit niya sa pinuntahan kasayahan.

Aral ng Ang Kwintas

● Makuntento sa mga bagay kung ano lang ang meron ka.


11
● Huwag maging materialistik.
● Magsikap sa buhay upang mabili ang mga bagay na gusto,upang hindi na
manghiram pa sa ibang tao.
● Tandaan na ang tunay na kagandahan ay hindi nakikita sa panlabas na anyo
lamang,sa ganda ng kasuotan at mga palamuti sa katawan. Ang tunay na
kagandahan ay nasa ating kalooban.

● Epiko ni Gilgamesh

as
Buod

Sinusundan nito ang kwento ni Gilgamesh , ang mitolohikal na bayani-hari ng Uruk,


at ang kanyang kaibigang kalahating ligaw, si Enkidu, habang nagsasagawa sila ng

in
isang serye ng mga mapanganib na pakikipagsapalaran at pakikipagsapalaran, at
pagkatapos ay ang paghahanap ni Gilgamesh para sa lihim ng kawalang-kamatayan
pagkamatay ng kaibigan niya.
qu
Tauhan

● Anu – ang diyos ama ng langit


● Ea – ang diyos ng karunungan at nagsilbing kaibigan ng mga mamamayan
-A

● Enkido – ang matapang na katunggali ni Gilgamesh na kalaunan ay naging matalik


niyang kaibigan
● Enlil – ang diyo ng mundo pati ng hangin.
● Gilgamesh – pinuno ng Uruk at pangunahing tauhan ng epiko
● Ishtar – ang tinaguriang reyna ng mundo at diyos ng digmaan at pag-ibig
10

● Ninurta – diyos ng alitan


● Shamash – diyos na kaugnay ng batas ng mga indibidwal at ng araw
● Urshanabi – manlalakbay sa dagat na tinatawag na kamatayan
● Utnapishtim – biniyayaan ng walang hanggang buhay

Aral ng Epiko ni Gilgamesh

● Ang aral na matutunan sa epiko ay ang tunay at busilak na pagmamahal at


pagpapahalaga sa isang kaibigan na hanggang sa pagkawala nito, walang
makatitibag sa tiwala at pagmamahal sa isa’t isa
12

● Bakit Ang Babae ang naghuhugas ng


pinggan
Buod

Ang mag-asawa na si Ka Ugong at Ka Maldang ay nagkaroon ng pagtatalo kung


sino ang maghuhugas ng pinggan. Kaya mayroong pustahan ang dalawa kung sino
sa kanila ang unang magsasalita, siya ang maghuhugas ng plato. Kaya lumipas ng

as
ilang araw ay hindi nag-iimikan ang mag-asawa. Dumating din sa punto na
kinakausap sila ng iba pero pinipigilan nilang magsalita dahil mayroon silang
pustahan na mag-asawa. At dahil sa pangyayaring ito, nagtataka na ang maraming
kapitbahay sa kalagayan ng mag-asawa, kung saan humingi na sila ng tulong sa
albularyo.

in
Pero sa kalaunan ay sumuko na rin ang albularyo at hindi na kinaya ang mag-asawa
at dinilekrang patay na sila. Nagpakuha ng ataul sila para mapigilan ang sumpa na
nasa sa dalawa. Nang ilalagay na si Ka Ugong sa kabaong, nagsalita na bigla si Ka
Maldang na sinabing pakialamera ang mga kapitbahay nila. Dito, tumawa ng
qu
malakas si Ka Ugong at nagtatalon sa tuwa sapagkat hindi siya ang maghuhugas ng
pinggan. Kaya sa huli, nakita natin na ang dahilan kung bakit ang mga babae ang
naghuhugas ng pinggan.
-A

● Ang kuba Ng Notre Dame


Buod
10

Noong unang panahon mayroong isang kuba na sobrang pinakapangit na si


Quasimodo na nagkakagusto kay La Esmeralda, isang napakagandang mananayaw.
Ngunit hindi lang si Quasimodo ang may gusto kay La Esmeralda, maging ang
paring kumupkop kay Quasimodo na si Claude Frollo at ang kapitan ng
tagapagtanggol ng kaharian na si Phoebus ay nabighani rin. Labis ang pagnanasa ni
Frollo kay La Esmeralda kung kaya't sinunggaban niya ito isang araw na naglalakad
mag-isa. Iniligtas si La Esmeralda ng pilosopong si Pierre Gringoire. Dinakip sa
Quasimodo at nakatakdang bitayin ngunit nakiusap si La Esmeralda kaya't hindi
nabitay si Quasimodo. Noong mga oras na iyon ay nahulog na ang loob ni
Quasimodo kay La Esmeralda. Sa kabilang banda, may nagtangkang pumatay kay
13
Phoebus ang katipan ni La Esmeralda at pinaratangan si La Esmeralda kaya't
pinagdesisyunan siyang bitayin. Nang oras na siya ay bitayin ay sumugod ang mga
magnanakaw na kaanak ni La Esmeralda upang ipagtanggol siya at nandoon din si
Quasimodo. Pinapili ni Frollo si La Esmeralda kung gusto ba nitong mabitay o
mahalin na lamang siya ngunit mas gusto pang mamatay si Esmeralda kaysa
mahalin si Frollo. Noong makita ni Quasimodo na wala ng buhay si La Esmeralda ay
labis siyang nasaktan at bigla na lang naglaho ngunit kalaunan ay natagpuan ang
isang kalansay ng kuba na nakayakap sa kalansay ni La Esmeralda.

Tauhan

as
● Quasimodo
● La Esmeralda
● Pierre Gringoire
● Claude Frollo
● Sister Guadalupe

in
Phoebus
Victor Hugo

Aral ng Ang Kuba ng Notre Dame


qu
● Huwag hayaang mawala sa iyo ang buhay.
● Huwag i-assess ang mga tao sa kanilang panlabas na hitsura.
● Kung minsan, ang paggawa ng tama ay nangangailangan ng pakikipaglaban sa mga
mas makapangyarihan.
-A

● Paminsan-minsan kailangan mong tulungan ang isang taong hindi mo gusto.


● Ang iyong frame of view ay matukoy kung sino ang lalaki at kung sino ang halimaw.
● Ang mga kumikilos ng mali at mapagkunwari ay magbabayad sa huli.
● Ang isang tao ay palaging mas masahol pa kaysa sa iyo.
● Walang bagay na talagang hindi na maayos.
10

● Kailangan lamang ng isang tao upang magpakita ng halimbawa at magbigay ng


inspirasyon sa iba na magsalita laban sa imoralidad.
● Mag-ingat habang pumipili kung aling mga kaganapan ang dadaluhan.
● Maging mapagkukunan ng inspirasyon para sa iba.
● Sa kabila ng hindi mo makuha ang iyong ninanais, maging masaya para sa iba.
Walang magbabago kung nagtataglay ka ng sama ng loob.
● Magkaroon ng kaalaman tungkol sa pagkakaiba-iba ng kultura.
● Magpakita ng interes sa mga libangan o masining na pagsisikap ng iba. Maaari kang
pumili ng isang bagong kasanayan.
14

● Dekada 70
Buod

● Kuwento ito ng isang tipikal na inang si Amanda Bartolome na nabago ng magulo at


mapangahas na mundong pinasok ng kanyang mga anak. May lima siyang anak na
lalaki na sina Jules, Gani, Em, Jason, at Bingo.
● Ang panganay niyang si Jules ay liberal ang pananaw sa buhay at naging komunista.
Ginawa niyang umanib sa samahang tumutuligsa sa pamahalaan upang bigyan
nang maayos na buhay ang kanyang Asawa na si Mara.

as
● Ang ikalawa naman ay si Gani na sa murang edad ay bumuo ng pamilya at agad na
naghiwalay. Pinili nitong manirahan sa ibang bayan. Ikatlo namang anak niya si Em
na pinakamataas ang isip sa kanyang mga anak.
● Tulad ng kanyang kuya ay mulat din sa katotohanan ng Martial Law at kaguluhan sa

in
paligid itong si Em. Napasama rin siya sa isang pahayagang sumasalungat sa Batas
Militar.
● Si Jason naman ang pinakamagaling na anak ngunit isang araw ay natagpuan na
lamang na pagpaslang at mayroong 17 saksak sa katawan at nakita sa basurahan.
qu
● Si Bingo naman ang bunsong bagaman namulat sa kaguluhan ng pamilya ay
nagtapos naman ng kolehiyo.
● Bilang ina ay hindi maiwasan ni Amanda na mag-alala at malungkot sa sinapit ng
pamilya niya. Laging nababagabag si Amanda sa maaari nilang sapitin lalo pa’t hindi
pa rin natatapos ang kaguluhan sa panahon ng Martial Law.
-A

Tauhan

● Amanda Bartolome - Ina


● Jules - Ang panganay na Anak, Asawa ni Mara
10

● Gani - Ang Ikalawang Anak


● Em - Ang pang-ngatlo na Anak
● Jason - Ang pang-apat na Anak, na namatay (basag na bayag haha)

● Bingo - Ang Bunsong Anak

Aral ng Dekada 70

● Ang mahalagang aral sa "Dekada '70" ay pagbangon laban sa kahinaan at


kahirapan. Sa kabila ng kahirapan at pagiging mahina bunga ng sitwasyon, maaring
baghin ng tao ang kanyang kahihinatnan. Kailangan lamang manindigan.
15
Mahalagang magkaroon ng prinsipyo. Ito ang magiging sandata niya sa
pakikipaglaban.

as
in
qu
-A
10
16

● Sources
Pandiwa - https://tl.wikipedia.org/wiki/Pandiwa,
https://brainly.ph/question/2924726

Sanaysay - https://brainly.ph/question/140197,
https://brainly.ph/question/5235184,

Panlapi - https://tl.wikipedia.org/wiki/Panlapi

as
Alegorya - https://brainly.ph/question/129404,

Alegorya ng Yungib - https://brainly.ph/question/127911,


https://brainly.ph/question/406231, https://brainly.ph/question/148457

in
Cupid at Psyche - https://brainly.ph/question/304673,
https://brainly.ph/question/329475
qu
Tusong Katiwala - https://brainly.ph/question/140314,
https://brainly.ph/question/17560697, https://brainly.ph/question/4885385

Mensahe ng Butil ng Kape - https://brainly.ph/question/823198,


https://brainly.ph/question/363102,
-A

Ang Kwintas - https://brainly.ph/question/384579,


https://www.panitikan.com.ph/ang-kwintas-buod
10

Epiko ni Gilgamesh - https://brainly.ph/question/8611847,


https://buod.ph/epiko/epiko-ni-gilgamesh-buod-tauhan-aral-banghay-tag
puan-tema/

bakit ang babae ang naghuhugas ng pinggan -


https://brainly.ph/question/808190

Ang Kuba ng Notre Dame - https://brainly.ph/question/416086,


https://brainly.ph/question/8221322
17

Dekada 70 - https://www.panitikan.com.ph/dekada-70-buod,
https://brainly.ph/question/954893

Distribution of copies to other sections are permissible

as
Ingat mga classmate. Lakad tayo after
exam

in
qu
-A
10

You might also like