You are on page 1of 19

Aralin 1

Ating Alamin!

Matutunghayan sa susunod na mitolohiyang Griyego ang kuwento ni Prometheus at kung


paano ninakaw ang apoy mula kay Zeus upang ihandog sa sangkatauhan.

Iba’t ibang bersiyon ang lumabas na kuwento ng mitolohiya ngunit nagkakaisa sa


interpretasyon ng pagpapakasakit ni Prometheus upang matulungan at mabigyan ng
kaliwanagan ang tao. Basahin at unawain ang kanyang pakikipagsapalaran.

Ang sumunod na bersiyon ay muling pagkukuwento ni Crizel Sicat-De Laza ng

“How Prometheus Gave Fire to Men” ni James Baldwin.

Ang Handog na Apoy ni Prometheus sa Sangkatauhan


 Mitolohiya mula sa Gresya

Sagutin ang mga tanong tungkol sa kuwentong binasa.


1) Ano ang pagkakaiba ni Prometheus sa kanyang kapatid na si Epimetheus?

2) Bakit ayaw ni Zeus na ipagkatiwala ang apoy sa mga tao?

3) Bakit ayaw manirahan ni Prometheus sa Bundok Olympus kasama ang mga diyos
at diyosa?

4) Bakit naging buo ang loob ni Prometheus na tulungan ang mga tao kahit pa
suwayin niya ang utos ni Zeus?

5) Sa tingin mo ba ay makatarungan ang naging parusa ni Zeus kay Prometheus?


Pangatwiran ang iyong sagot.

6) Maituturing mo ba na isang bayani si Prometheus? Bakit?

7) Ano sa tingin mo ang simbolismo ng pagbibigay ni Prometheus ng apoy sa mga


tao?

8) Kung titimbangin ang naging kaparusahan kay Prometheus, sa palagay mo ba ay


tama ang naging kapasiyahan niya na sumuway kay Zeus? Pangatwiran ang iyong
sagot.
Kayarian ng Salita
 Payak
ay salitang ugat lamang.

 Maylapi
ay binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi, unlapi, gitlapi, hulapi,
kabilaan, at laguhan

 Inuulit
ay yaong inuulit ang kabuoan o ang ilang pantig.

 Tambalan
pinagsasama ang dalawang salita upang makabuo ng isang salita.

Piliin ang tamang kahulugan at angkop na kayarian ng mga salita sa loob ng panaklong.
1. (Pinilas, Pinilas-pilas) ni Prometheus ang tangkay ng haras.

2. Tinuruan ni Prometheus ang mga tao kung paanong (magparingas, ringas) ng


apoy.

3. Nagtago ang mga tao sa kuweba upang hindi (kain, kainin) ng mababangis na
hayop.

4. Nagbalik si Prometheus sa bayan ng mga tao dala ang (ningas, magniningas) ng


apoy.

5. (Mababangis, Bangis) ang mga hayop sa gubat.

6. Mas pinili ni Prometheus na (makipamuhay, buhay) sa mga tao kaysa manirahan


sa Bundok Olympus.

7. (Napagtanto, Tanto) kong dapat tularan ang tulad ni Prometheus.


Ano ang Mitolohiya?
Ang mitolohiya ay mga tradisyonal na kuwento ng pantasya at kababalaghan na
karaniwang tumatalakay sa buhay ng mga diyos, diyosa, at iba pang makapangyarihang
nilalang nagaganap sa kapaligiran.

Ang Mitolohiya ay………


 Pag-aaral ng mga mito o “myth”.

 Ang salitang mito ay galing sa sallitang latin na mythos at mula sa salitang Greek
na muthos na ang kahulugan ay Kuwento.

1. Pagdesisyonan ang lunan ng iyong mitolohiya.

2. Buoin ang mga tauhan ng iyong mitolohiya.

3. Bumuo ng mga angkop na pangalan para sa tauhan.

4. Huwag gawing komplikado ang kuwento ng iyong mitolohiya.

5. Tapusin ang mitolohiya sa pamamagitan ng solusyon at pagsagot sa pangunahing


tanong.

Pandiwa
 Isa sa mga bahagi ng pananalita na kadalasan makikita sa mga pangungusap na
nababasa natin ay ang pandiwa. Simula elementarya ay itinuturo na ito sa mga
mag-aaral.

 Ang pandiwa ay ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ng


simuno ng pangungusap. Ito ay maaring kilos o galaw ng tao, hayop, o bagay. Sa
Ingles, ang katumbas ng pandiwa ay verb.
Halimbawa:
Itinaas ni Jacob ang karatula noong lumabas na ang mga pasahero ng eroplano.
ARALIN 2
Ating Alamin!
 Ang kuwentong mababasa mo ay ang modernong adaptasyon ng parabulang “Ang
Mabuting Samaritano” na isa sa mga pinaka-popular na parabula sa Bibliya.

 Ang parabulang ito ay isinasalaysay ni Hesus tungkol sa kung paanong tinulungan


ng isang Samaritano ang isang hudyo sa kabila ng pagiging magkaaway ng
kanilang lahi nang manakawan ito at halos mamatay na sa gilid ng daan.

 Tunghayan ang adaptasyon ng parabulang ito sa kuwento ni Francess Chua.

Ang Bagong Samaritano


1. Sino ang pangunahing tauhan ng parabula? Magbigay ng dalawang katangian.

2. Suriin ang nilalaman ng akda sa pagsagot sa mga tanong sa talahanayan sa


ibaba.

3. Kung ikaw ang tauhan, ano ang iyong gagawin sa parehong sitwasyon? Bakit?

4. Tingin mo ba ay nagtagumpay ang manunulat sa pagpaparating ng nais niyang


mensahe sa mga mambabasa?

Salitang Nagpapahayag ng Matinding Damdamin


May iisang kahulugan ay angkop na gamitin sa iba’t ibang sitwasyon at pagkakataon dahil
nagpapahayag ng ibat’ ibang antas ng damdamin.
Halimbawa
ang salitang “galit” ay mas mababa pa ang antas kaysa sa “poot” ngunit mas
mababa pa ang antas ng damdamin kaysa sa “suklam”.
galit, suklam, poot, inis
inis, galit, poot, suklam. tama na naman ah? mahinang galit yung inis, yung poot medyo
malaking galit, yung suklam sinusumpa mo na yung tao. kasuklam suklam.
Emosyon
Ang emosyon ay ang reaksyon ng ating katawan sa isang sitwasyon, maraming
emosyon ang maaring maramdaman ng isang tao na nakadepende sa mga pangyayari
sa kanyang buhay.
Mga salita na nagpapahayag ng damdamin o emosyon
 Saya  Lungkot
 Galit o Poot  Tapang
 Tuwa  Kaba
 Takot  Gulat
 Kilig  Inis/asar

1. (Nagtampo, Nagagalit, Nasusuklam) ako sa kapatid ko dahil hindi niya ako


niyayang lumabas kahapon.

2. Hindi dumadaan ang mga tao sa lugar na iyon dahil (natatakot, ninenerbiyos,
nanghihilakbot) sa mga bandidong nangingidnap at kung minsan ay pumapatay
ng tao.

3. Maririnig ang (iyak, nguyngoy, hikbi) habang humihingi ng tulong sa mga


nagdaraan.

4. Labis ang naramdamang (hinagpis, lungkot, lumbay) ni Pedring nang walang


tumulong sa kaniya mula sa mga nagdaraan.

5. (Gutom, Hayok, Kulang) na sa pagkain at tubig si Pedring dahil kinuha ng bandido


ang lahat ng kaniyang paninda at baong pagkain.

Ano nga ba ang Parabula?


 Ang salitang Parabula ay nagmula sa salitang Griyego na “parabole” na
nangangahulugang paghahambing, ilustrasyon, o analohiya.

 Ito ang katawagang binigay ng mga griyegong mahusay sa pagsasalita, sa mga


ilustrasyon o paglalarawan sa pamamagitan ng maikling pagsasalaysay o
narasyon.

 Moral, espiritwal, at relihiyoso.

 Didaktibo ito o tuwirang nangangaral at kadalasang nagpapakita ng analohiya sa


isang tiyak na sitwasyon.
Basahin muli ang bahaging ito ng akda, sa pahina 30. Sagutin ang mga tanong:
Nang araw ding iyon ay napalaya ang muslim na napagkamalang bandido.
Nagpumilit si Pedring na pumunta mismo sa presinto at sunduin ang muslim.
“Ipagpaumanhin, kaibigan,” nakikipagkamay si Pedring sa Muslim. “Hindi
sinasadya ng mga tao rito ang nangyari. Hindi nila alam na ikaw ang tunay na tumulong
sa akin. Paano ako makabayad sa iyo?”
Tiningnan ng Muslim ang kamay ni Pedring at pagkatapos, ang mukha nito.
Parang sinusuri ang katapatan ng sinabi ng kausap. Mayamaya ay yumakap ito sa kanya.
“Kapatid, hindi ako humihingi ng kapalit. Magkaiba man tayo ng paniniwala, pareho
naman ang pagpapahalaga natin sa kapuwa. Tungkulin ko ang tumulong sa
nangangailangan.”

Anong pahayag ang nagsasaad ng tema sa kuwento?


Sagot:
Ilarawan ang katangian ng dalawang pangunahing tauhan batay sa kanilang diyalogo.
Sagot:
Ano ang mahalagang bahagi dito na nakapagbigay-solusyon sa tunggalian?
Sagot:
Kung durugtungan mo ang huling bahagi ng kuwento, paano mo ito tatapusin?
Sagot:

Uri ng Komunikasyon
Berbal
 Ito ay itinuturing bilang komunikasyong pinakagamitin sa lahat ng sitwasyon at
larangan.

 Ito ang komunikasyon na gumagamit ng wika; maaari itong maging pasalita o


pasulat.

Di-berbal
 Ayon kina Vaughan at Hong (1998), ang di-berbal na komunikasyon at ang
pagpapasa ng makahulugang impormasyon mula sa isang tao patungo sa kapuwa
sa isang paraan na hindi sinasabi o sinusulat.

 Sa madaling salita, ito ang komunikasyong hindi gumagamit ng wika.


ARALIN 3
Ang Prinsipe
 Sanaysay mula sa Italya

 Salin ni Moreal Nagarit Camba ng isang bahagi ng The Prince ni Niccolo


Machiavelli.

Kilala mo ba si Niccolo Machiavelli?


 Si Machiavelli ay isang italyanong manunulat, politiko, historyador, at pilosopo.

 Madalas siyang kinilala bilang nagtatag ng modernong agham pampolitika.

 Isinulat niya noong 1513 ang The Prince na pinakapopular na akda niya kung
saan inilahad niya ang mga prinsipyo ng ideyal na pamumuno.

 Madalas na ikinakabit ang pangalan ni Machiavelli sa uri ng pamumunong


gumagamit ng karahasan at panlilinlang.

Pagtukoy ng Kahulugan
Piliin sa ikalawang hanay ang katulad o kaugnay na kahulugan ng mga salita sa unang
hanay. Isulat ang titik sa espasyo bago ang bilang.

j 1. manlinlang a. Estado
j 2. kapuri-puri b. Sinusunod
b 3. tinatalima c. Kinokonsidera
a 4. reputasyon d. Paghawak
c 5. isinasaalang-alang e. Mayroon
d 6. pagtangan f. Natural
h 7. nadaig g. Lumaban
g 8. sumalungat h. Natalo
f 9. likas i. Kahanga-hanga
e 10. taglay j. manloko
Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang teksto
1. Ayon kay Machiavelli, ano-ano ang katangian ng mahusay na pinuno?

2. Ano ang ibig niyang sabihin sa ideyang kailangang mamuno rin nang parang
hayop ang isang pinuno?

3. Bakit kailangang magpanggap na maawain, matapat,maaasahan, makatao, at


maka-Diyos ang isang pinuno?

4. Sang-ayon ka ba sa mga katangiang binanggit ni Michiavelli? Bakit?

Kahulugan ng Sanaysay
 Sanaysay ay "essay" sa Wikang Ingles.

 Ang sanaysay ay isang uri ng sulatin na nagpapahayag ng pananaw o opinyon


ng nagsulat nito.

 Ang isang sanaysay ay may pokus sa iisang diwa at paksa.

 Ang mga sanaysay ay may layong magbahagi ng impormasyon, magpahayag ng


nararamdaman, magbahagi ng opinyon, manghikayat ng ibang tao, at iba pa.

 Madalas na ginagamit ang sanaysay sa halos lahat ng larangan lalong-lalo na sa


agham panlipunan, humanidades, at edukasyon.

 Ayon kay Michael de Montaigne, na sinasabing pinakaunang lumikha ng genre


na ito, ito ang pagtatangka o pagsubok sa bagong larangan ng panitikan at
ginagamit upang direktang makipagtalastasan sa sinumang mambabasa.

 Kung ang liriko ay para sa panulaan, ang prosa ay para sa sanaysay.

Prosa
 Ang salitang prosa ay isang salitang latin na nangangahulugang diretso
at walang paliguy-ligoy.
 Ang prosa o madalas ring tinatawag na pananalitang tuluyan ay isang
anyo ng pagsulat o pananalita.
 Sapagkat ito ay walang natatanging ritmo o metro, ito ay inihahalintulad
sa pang-araw-araw na pananalita o kumunikasyon.
 Ito rin ay nagsisislibing paglalarawan sa uri ng panitikan na hindi ginagamit
sa teatro o tula.
 Ang isang sanaysay ay maaaring tumalakay ng iba't ibang paksa gaya ng pag-
ibig, kapaligiran, pamilya, lipunan, mundo, at iba pa.

 Ayon naman kay Genoveva Edroza-Matute, ang sanaysay ay pagtataya sa isang


paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang naglalantad ng kaisipan, kuro-
kuro, palagay, at kasiyahan ng sumusulat, upang umaliw, magbigay-kaalaman, o
magturo.

 Idinugtong pa niya na ang sanaysay ay isa sa mga anyong higit na nagpapaisip


sa pang-unawa, bumubuo at nagpapatibay sa isipa’t damdaming-bayan.

Dalawang Uri ng Sanaysay


Ang sanaysay ay may dalawang uri. Maaari itong maging pormal o di-pormal.

Pormal na Sanaysay
 Ang pormal na sanaysay ay may maayos na pagkakasunud-sunod at gumagamit
ito ng mga salitang akma sa paksa. Ito ay batay sa pananaliksik at pag-aaral.

 May seryoso o pormal na tono ito ukol sa paksa nito.

Di-Pormal na Sanaysay
 Sa kabilang banda, ang di-pormal na sanaysay naman ay batay sa mga opinyon
at pananaw ng nagsulat nito.

 Ito ay maaaring galing sa karanasan o obserbasyon ng may-akda. Ang mga paksa


ng mga di-pormal na sanaysay ay pang-karaniwan, personal, at pang-araw-araw.

 Bukod dito, hindi kinakailangang seryoso ang di-pormal na sanaysay. Ito rin ay
mas madaling maintindihan at sundan.
Mga Bahagi ng Sanaysay
May tatlong bahagi ang mga sanaysay. Narito ang mga bahagi ng sanaysay na maaaring
makatulong sa iyo sa paggawang ng mga sanaysay:

Panimula o Simula
 Ito ang pinakamahala dahil kinukuha nito ang atensyon ng mga mambabasa.

 Dito nagbibigay ng ideya ang may-akda tungkol sa paksa ng sanaysay.

Gitna o Katawan
 Dito naman sinasalaysay ang mga mahahalagang ideya tungkol sa paksa.

 Dito nagbibigay ng paliwanag o halimbawa ukol sa paksa.

Wakas
 Ito ang huling bahagi ng sanaysay na nagtatapos sa sanaysay.

 Dito nagbibigay ng hamon ukol sa paksa ang may-akda sa kanyang mga


mambabasa.

 Ito ay para maisakatuparan ang mga nabanggit na puntos sa katawan ng


sanaysay.
ARALIN 4

Ang Epiko ni Aeneas


 Epiko ng mga Sinaunang Romano

 Muling pagkukuwento ni Evangeline Alvarez-Encabo

 Ang epiko ni Aeneas ay isang epiko ng mga Romano na naisulat sa pagitan ng 29


at 19 BC.

 Nagsasalaysay ito ng kuwento ni Aeneas na nakipagsapalaran patungong italya


at kinilala bilang bayani ng mga Romano.

 Nakilala na rin ang karakter ni Aeneas bilang bahagi ng mitolohiyang Iliad.


Tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Aeneas sa sumusunod na pagkukuwento ni
Evangeline Alvarez-Encabo.
Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang akda.
1. Ano ang pinaniniwalang tadhana ni Aeneas?
2. Ano-ano ang maituturing na hadlang sa pagtupad ni Aeneas sa kaniyang tadhana?
3. Paano ipinapakita sa epiko ang impluwensiya ng tinatawag na tadhana sa mga
tauhan nito?
4. Anong ugali mayroon si Aeneas bilang isang tauhan sa epiko?
5. Bakit pinamagatang “Ang Epiko ni Aeneas” ang akda?
6. Sino-sino ang matatawag na mahahalagang tauhan sa epiko maliban kay
Aeneas? Ipaliwanag ang iyong sagot.
7. Paano nagsisilbing malaking elemento ang mga diyos, hari, at reyna sa daloy ng
naturang epiko?
8. Naniniwala ka ba sa tadhana? Bakit o bakit hindi?
9. Bakit madalas tinalakay ang pakikipagdigmaan sa akda?
10. Ano ang pinakamahalagang mensahe sa epiko?
Epiko
 Galing sa tradisyonal oral, ang epiko ay isang mahabang tulang naratibo tungkol
sa pakikipagsapalaran at tagumpay ng isang bida.

 Mula sa mahabang panahon ng pagsasaling bibig nito sa iba’t ibang henerasyon,


isinulat ito upang mapreserba ang kaakibat na kalinangan at kasaysayan ng epiko.

 Narito ang mahalagang salikng epiko:


Bayani
 May kakaibang kapangyarihan o taglay na agimat mula sa pagkasilang
pinapaboran ng mga diyos at diyosa bilang tagaagligtas ng sangkatauhan.

 Nakikipagsapalaran siya upang matupad ang isang misyon at malalagay sa


panganib ang buhay niya dahil sa matinding pagsubok o pakikipagtunggali
sa mga mortal na kaaway.

Tagpuan
 Ang simula sa pook na pinagmulan ng bayani patungo sa iba’t ibang lugar
ng kanyang pakikipagsaplaran.

Diyos at Diyosa at iba pang mga Makapangyarihang Nilalang

 Maaaring katunggali o kaalyado sila sa bayani. Sa ibang naratibo


mababasa natin kung paano nakikialam ang mga diyos ng Olympus sa
galaw at buhay ng mga tao.

Kalinangan at Kasaysayan
 Mababakas sa epiko ang mayamang pinagmulan ng isang lugar o bansa,
ang buhay ng dinadakilang bayani at ang nakapaloob ng tradisyon ng mga
tao.

 Halimbawa, mababakas natin sa mga epikong Griyego tulad ng Iliad at


Odyssey ang pagiging mapamahiin ng mga tao at ang paghingi ng payo sa
manghuhula.

Mahabang Tula
 Nakasulat nang patula at isinasalaysay ang komprehensibong
paglalarawan at pagkukuwento sa buhay, pakikipagtunggali,
pakikipagsapalaran, kabiguan, at tagumpay ng bayani at ng kanyang bayan
ay mamamayan.
Mga Salitang Pantransiyon
 Ang mga salitang pantransisyon ay mga pang-ugnay na nakatutulong sa
maaayos at malinaw na paglalahad ng pagbabago ng ideya, pagkakasunod-
sunod ng pangyayari, pagpapakita ng dahilan at epekto, pagbibigay-pokus sa
panahon at lugar ng pangyayari, at paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba.

 Nagsisilbing parang tulay ang mga salitang transisyon upang magkaroon ng


makinis na paglilipat ng diwa o ideya mula sa isang pangungusap o talata patungo
sa kasunod na pangungusap o talata.

 Nagsisilbi rin itong hudyat upang maipakita sa mga mambabasa ang


pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa isang kuwento.

 Nagagawa ng mga salitang pantransiyon na maiugnay ang mga pangungusap at


mga talata upang hindi magmukhang tumatalon o biglang pumapasok ang isang
bagong ideya.

Ang isang talata ay binubuo ng mga pangugusap. Subalit, paano natin


mapapadali ang paglipat sa isang pangugusap papunta sa sunod?

 Dito pumapasok ang tinatawag na “pantransisyong salita”. Sa Ingles, sila ay


tinatawag na “transition words”.

 Palagi naman nating ginagamit ang mga ito, ngunit, hindi lamang natin sila
napapansin.

 Ang mga salitang ito ay may kanya-kanya ring kategorya na pinapasukan.

 Halimbawa, may mga pantransisyon na “Pagdurugtong” tulad lamang ng “Saka,


tapos, pagkatapos”.

 Mayroon ring Pagbalik sa sinundang bahagi, “gaya ng sabi ko, katulad ng nakita
natin, katulad ng nabanggit niya.”
 Pagpapakita ng sanhi at bunga
 dahil dito, kaya iyon, bunga nito

 Pagkukumpara
 samantala, di tulad niyon, sa parehong paraan

 Pagbibigay-pokus sa panahon
 dati, ngayon, bago ang lahat

 Pagbibigay-pokus sa lugar
 doon, sa likod, sa pook na iyon

Halimbawa ng mga pangungusap gamit ang mga salitang pantransisyon:


Pumunta ako sa paaralan para kumuha ng aking grado. Samantala, ang iba kong mga
kaklase ay sa susunod pa na linggo pupunta.
Dati, hindi ako marunong mag bisikleta. Pero, dahil sa pag praktis ko, natuto rin ako.
Sa pook na iyon, maraming mga tao ang mgaling gumawa ng gitara.
Maraming uri ng mga salitang pantransiyon at ang bawat isa ay gumagabay sa mga
mambabasa upang maunawaan ang takbo ng mga pangyayari, makabuo ng sariling
kaalaman o kaya nama’y makapaghambing ng mga ideya, o makabuo ng kongklusyon
mula sa mga nalaman.
Narito ang ilan sa mga salitang pantransisyon na naghuhudyat sa pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari.

bago nauna rito ngayon susunod


sa simula pagkatapos noon sa huli
sa katapusan nang malaon noon pa man sumunod
hanggang hindi nagtagal habang sa kasalukuyan
Kinagabihan o
mula kinabukasan makalipas
kinaumaghan
una/pangalawa/pangatlo
kasunod nito kinalaunan sa wakas
at iba pa
Aralin 5
Ating Alamin!
 Sa susunod na maikling kuwento, matutunghayan ang halimbawa ng isang kaso
ng diskriminasyong nakabatay sa lahi at kaibahan ng hitsura ng isang tao.

 Iba’t iba ang bersiyong kuwentong Cinderella sa buong daigdig ngunit natatangi
ang sa bansang Ehipto dahil bukod sa isa ito sa pinakamatandang bersiyon, ito rin
ay sumasalamin sa mayamang tradisyon at kasaysayan ng bansa.

Si Rhodopis: Ang Cinderella ng Ehipto


 Kuwentong-bayan mula sa Ehipto

 Malayang salin ni Crizel P. Sicat-De Laza ng “Rhodopis: The Egyptian


Cinderella”
Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang akda.
1. Bakit inaalipusta at nilalait ng mga tagasilbi si Rhodopis?

2. Ano-ano ang pagkakaiba sa hitsura ni Rhodopis at ng iba pang mga tagasilbi?

3. Bakit tanging mga hayop ang naging kaibigan ni Rhodopis?

4. Kung ikaw ang nasa posisyon ni Rhodopis, susundin mo ba ang lahat ng iutos sa
iyo ng mga tagasilbi? Bakit?

5. Sa tingin mo, bakit napili si Rhodopis ng mga diyos upang maging reyna ng
Pharaoh?

6. Tama bang alipustahin si Rhodopis dahil lamang iba ang kaniyang hitsura?
Pangatwiran.

7. May kakilala ka ba sa paaralan o sa iyong komunidad na tinutukso rin dahil sa


iba ang kaniyang anyo o pag-uugali? Isalaysay mo ang karanasang ito.
“Fairy Tale sa Panitikang Pilipino”
 Ang bersiyon ng mga taga-Ehipto sa Fairy tale na Cinderella ay isa sa mga
naunang bersiyon sa kasaysayan ng panitikan ng mundo na halos kasabay ng sa
Tsina.

 Sa Pilipinas, naging napakatanyag na rin ng iba’t ibang kanluraning bersiyon ng


kuwentong ito sa pelikula, sa mga kuwentong pambata.

 Sa kabuoan, ang fairy tale bilang uri ng maikling kuwento ay may malaking
impluwensiya na rin sa pagbuo ng narasyon ng mga kuwentistang Pilipino.

 Ang fairy tale ay isang uri ng maikling kuwento na madalas ay kakikitaan ng mga
makapangyarihang tauhan at pantasyang nakaugat sa mga lipunang Europeo
gaya ng mga diwata, duwende, higante, mangkukulam, at sirena.

 Madalas na punong-puno ang narasyon ng mahika o kaya’y kababalaghan.

 Naging tanyag ang ganitong pelikula o napapanood din sa telebisyon.

Ang Panghalip na Panuring sa Deskriptibong Teksto


 Ang deskriptibong teksto o pasulat na paglalarawan ay naglalayong bumuo ng
malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa.

 Kung ang pintor ay pumipili ng mga salita at iba pang sangkap sa pagguhit, ang
manunulat naman ay pumipili ng mga salita at iba pang sangkap ng paglalarawan
na makatutulong sa pagbuo ng larawan sa isipan ng mambabasa.

 Ang mga pang-uri at pang-abay ay karaniwan nang gamitin sa deskriptibong


komposisyon upang mabisang makapaglarawan.

 Panghalip bilang panuring naman ang kadalasang nagpapadulas ng paglalahad


na palarawan upang maiwasang maging paulit-ulit ang pagbanggit sa pangngalan.

 Ang panghalip ay ipinapalit o ipinanghahalili sa ngalan ng tao upang maiwasan


ang redundancy o paulit-ulit na pahayag. Ang halimbawa ng mga panghalip na
panuring sa tao ay:
 siya, ikaw, ako, tayo, mo, ko

 Ang layunin ng deskripsiyon ay bumuo ng malinaw na larawan sa isipan ng


mambabasa sa tulong ng mga katangiang ating napag-aralan na. ang layunin nito
ay makapagbigay lamang ng kabatiran tungkol sa isang bagay.
Ang sumusunod ayon halimbawa ng karaniwang deskripsiyon. Pansinin ang gamit ng
mga panghalip sa paglalarawan.
“Mabait at maunawain ang guro namin sa araling panlipunan. Masipag siyang magturo
at kailanman ay hindi nahuli sa klase. Lagi niya ring pinaghahandaan ang mga talakayan.
Malakas ang boses niya at maliwanag ang pagtalakay sa mga paksa. Lahat kami ay
ginaganahang makinig dahil kaaya-aya ang bukas ng kaniyang maamong mukha at
lalong maaliwalas kung siya ay ngumingiti.”

Mga Gawaing Panggramatika


Mahalaga ang gamit ng panghalip na panao sa paglalarawan ng isang tao. Natunghayan
natin sa binasang akda ang halimbawa nito. Sa sumusunod na sipi ng akda, tukuyin kung
ano ang angkop na panghalip ang nawawala sa patlang.
Ang matandang lalaki na nakabili sa (kaniya, niya) ay mabait ngunit lagi itong natutulog
at hindi nakikita si Rhodopis na pinahihirapan ng iba pa niyang mga tagasilbi. Bukod sa
laging pag-uutos kay Rhodopis, katakot-takot na pang-aalipusta at panlalait din ang
dinadanas (niya, siya) sa mga ito. Ang buhok (sila, nila) ay tuwid, maitim at elegante,
habang ang kay Rhodopis ay ginintuan, kulot, at naninigas. Ang (kanilang, kaniyang)
mga mata ay kulay kape at malalalim habang ang sa (kaniya, kanila) ay kulay berde at
maliwanag. Mamula-mula ang (kanilang, kaniyang) mga balat na kulay tanso at
makinang na buhangin habang ang sa (kanila, kaniya) ay maputi ngunit nasunog na
sobrang pagbibilad sa araw. Kapag natutulog ang matandang amo ni Rhodopis,
pinagagawa sa (kanila, kaniya) ng ibang taga-silbi ang (kaniyang, kanilang) mga
gawain.
Aralin 6
Ating Alamin!
 Ang buod ng isang nobela na mababasa sa susunod na bahagi ng aralin ay
magpapakita ng trahedyang kinahinatnan ng isang mapagkunwaring uri ng pag-
ibig.

 Ito ay isang nobelang mula Pransiya na isinulat ni Gustave Flaubert noong 1856.

 Iikot at ang nobela sa buhay ni Emma Bovary, asawa ng isang doktor na


nagkaroon ng mga lihim na relasyon sa ibang lalaki at namuhay nang marangya
upang takasan ang ordinaryong buhay sa probinsiya.

 Nang unang ilabas ang nobela noong Disyembre 1856, pinaratangan ito ng
kalaswaan at pagiging makamundo na naging dahilan sa paglilitis sa nobelistang
si Flaubert.

 Ngunit nang mapawalang-sala siya noong Pebrero 1857, naging


pinakamabentang nobela ang Madame Bovary at maituturing na pinaka-klasikong
akda ni Flaubert.

Madame Bovary
 Nobela mula sa Pransiya

Antas o Tindi ng Kahulugan


 Ang mga salita ay maaaring nagpapahayag din ng iba’t ibang antas ng damdamin.

 Maaaring may parehong kahulugan ang dalawang salita ngunit mas matindi ang
ipinapahayag na damdamin ng isa.
Halimbawa:
ang mga salitang ‘tampo’, ‘galit’, at ‘suklam’ ay pare-parehong nagpapahayag ng
negatibong pakiramdam sa isang tao ngunit iba’t iba ang antas ng damdamin nito. Sa
tatlong salita, ‘suklam’ ang may pinakamatinding damdaming ipinapahayag sapagkat
nagpapakita ito ng lalim at bigat ng galit ng isang tao.
Pagsunod-sunurin ang mga salitang nasa ibaba batay sa antas o tindi ng kahulugan nito.
Isulat sa mga patlang ang bilang 1,2, at 3 (1 bilang pinakamababa ang antas at 3 bilang
pinakamatindi).
__masaya __sakit __eskandalo __nagdalamhati
__masaya __hilakbot
__takot __epidemya __alingasngas __malungkot
__maligaya
__pangamba __salot __tsismis __malamlam
__natutuwa
Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang akda.
1. Paano nakilala ni Charles Bovary si Emma Rouault?

2. Ano ang mga kakaibang katangian ni Emma Bovary at ano ang nakaimpluwensiya
sa kaniya upang maging ganito?

3. Sino-sino ang naging lihim na karelasyon ni Emma Bovary at ano ang nagustuhan
niya sa mga ito na hindi niya nakita sa kaniyang asawa?

4. Sa kabila ng trahedyang naganap, may nakita ka bang tunay na pag-ibig sa


nobela? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Nobela
Ano nga ba ang Nobela?
 Ang nobela ay isang mahabang uri ng piksiyon na madalas ay nakasulat nang
tuluyan o prosa.

 Maaaring makapagsalaysay sa nobela ng seryeng mga pangyayaring malawak


ang saklaw.

 Madalas na binubuo ng mga sumusunod: tagpuan o lugar at panahon na


pinangyarihan ng akda, tauhan na siyang nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa
nobela, at banghay na binubuo ng mga pangyayari at tema na paksang-diwa ng
nobela.

 Ayon kay Ian Watt (1957), unang nagkaroon ng genre na ito sa panitikan noong
ika-18 siglo mula sa Gresya at Roma na naunang nakilala bilang sinaunang
modernong romansa at nobela.

 Sinasabing si Miguel de Cervantes na may akda ng Don Quixote de la Mancha,


ang pinakaunang nabelista sa modernong panahon.

 Sa Pilipinas, nakilala ang genre na ito sa katapusan ng ika-19 siglo. Ayon kay Resil
Mojares 1978, nabuo ang uri ng narasyon sa Pilipinas mula sa dinamikong
tradisyonal oral sa panitikan gaya ng epiko, bago pa man dumating ang mga
kastila.

 Kalaunan ay naimpluwensiyahan ito ng mga porma ng panitikan na ipinakilala ng


kolonyalismong Espanyol gaya ng corrido.

 Sa kasalukuyan, laganap na ang mga nobelang Pilipino na nakapadron sa


modernong nobela ng kanluran.

You might also like