You are on page 1of 4

Filipino notes (SUMMATIVE TEST)

Mitolohiya
Ang kwentong mitolohiya ay isang malaking uri ng literatura na kung saan ang madalas na tinatalakay
ng mga kwento ay mga diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang. Kadalasan ito ay naka-ankla sa
kultura, tradisyon, alamat at relihiyon ng isang rehiyon o bansa. Madalas, ang tinatahak na tema ng mitolohiya
ay kababalaghan. Ngunit, kahit na nababalot ito ng kababalaghan at madalas ang kathang-isip lamang, mayroong
pa din itong mga nai-aambag sa kasaysayan at pati na rin sa mga modernong pag aaral.

Greek / Roman - Katangian at Kapangyarihang Taglay


1. Zeus / Jupiter
- hari ng mga diyos; diyos ng kalawaka at panahon
- tagapagparusa sa mga sinungaling at hindi marunong tumupad sa pangako
- asawa niya si Juno
- sandata niya ang kulog at kidlat
2. Hera / Juno
- reyna ng mga diyos
- tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa,
- asawa ni Jupiter
3. Posiedon / Neptune
- kapatid ni Jupiter
- hari ng karagatan, lindol
- kabayo ang kaniyang simbolo
4. Hades / Pluto
- kapatid ni Jupiter
- panginoon ng impiyerno
5. Ares / Mars
- diyos ng digmaan
- buwitre ang ibong maiuugnay sa kaniya
6. Apollo / Apollo –
diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, panulaan
- diyos din siya ng salot at paggaling
- dolphin at uwak ang kaniyang simbolo
7. Athena / Minerva
- diyosa ng karunungan, digmaan, at katusuhan
- kuwago ang ibong maiuugnay sa kaniya
8. Artemis / Diana
- diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at ng buwan
9. Hephaestus / Vulcan
- diyos ng apoy, bantay ng mga diyos
10. Hermes Mercury
- mensahero ng mga diyos, paglalakbay, pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw, at panlilinlang
11. Aphrodite / Venus
- diyosa ng kagandahan, pag-ibig,
- kalapati ang ibong maiuugnay sa kaniya
12. Hestia / Vesta
- kapatid na babae ni Jupiter
- diyosa ng apoy mula sa pugon
Mga Uri ng Pokus ng Pandiwa
1. Pokus sa Tagaganap (Aktor) – kapag ang paksa ng pangungusap ang gumagawa ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Ginagamitan ng mga unlaping um- na-, mag-, nag-, ma-, mang-, makapag-, maki-, magpa , magsipag at gitlaping – um-.
Maaari ring gamitin ang mga nominatibong panghalip tulad ng ako, kita, ka, siya, tayo, kami, kayo at sila. Ang paksa ng
pokus ay sumasagot sa tanong na “sino?”
Halimbawa:
Nagtalumpati ang panauhing pandangal sa harap ng mga mag-aaral.
Ang pangulo ay tumugon sa pangangailangan ng taumbayan.

2. Pokus sa Layon (Gol) – kapag ang layon ang paksa o ang binibigyang-diin sa pangungusap. Ginagamitan ng mga
unlaping ma-, na-, paki-, ipa-pa-, gitlaping – in- hulaping –in, -hin, -an, -han. Ang paksa ng pokus ay sumasagot sa tanong
na “ano?”
Halimbawa:
Ipatutupad ng pamahalaan ang Enhanced Community Quarantine sa mga lugar na may matataas na kaso ng Covid-
19.
Pinuri ng WHO ang mga epektibong pamamaraang isinasagawa ng lungsod ng Baguio upang mapagtagumpayan
ang pandemya.

3. Pokus sa Pinaglalaanan (Tagatanggap) – kapag ang paksa ay tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa
resulta na isinasaad ng pandiwa. Ginagamitan ng mga panlaping i- + -in-, ipag-, ipinag at ipagpa. Ang paksa ng pokus na
ito ay sumasagot sa tanong na “Para kanino?”
Halimbawa:
Ipinaghanda niya ng masarap na pagkain ang mga panauhin.
Sa labis na katuwaan ng ama, ibinili niya ng bagong gamit ang kaniyang anak para sa pasukan.

4. Pokus sa Kagamitan (Instrumental) – kapag ang bagay na ginamit o nagging kagamitan sa pagganap ng kilos ang
pinagtutuunan ng pandiwa. Ginagamitan ng mga panlaping ipang-, at ma- + ipang-. Ang paksa ng pokus ay sumasagot sa
tanong na “Sa pamamagitan ng ano?”.
Halimbawa:
Ang minanang yaman ni Aurora ay ipinantulong niya sa mga mahihirap.
Ipinantatawid nila sa gutom ang kakaunting kitang nakukuha niya sa pamamasada.

E. GAMIT NG PANDIWA
1. Aksyon- May aksyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng aksyon/kilos. Mabubuo ang mga pandiwang ito sa
tulong ng mga panlaping: -um, mag- ma-, mang-, maki-, mag-an.
Maaaring tao o bagay ang aktor.
Halimbawa:
a. Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos.
b. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.

2. Karanasan- Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin. Dahil dito, may nakararanas ng
damdamin na inihuhudyat ng pandiwa. Maaaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o damdamin/ emosyon. Sa
ganitong sitwasyon, may tagaranas ng damdamin o saloobin.
Halimbawa:
a. Tumawa si Bumabbaker sa paliwanag ni Bugan.
b. Nalulungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyayari.

3. Pangyayari-Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.


Halimbawa:
a. Naawa si Bumabbaker nang masaksihan ang panlulumo ni Bugan.
b. Nasiyahan si Bugan sa ipinakitang pagpapahalaga sa kaniya ng mga
diyos.
PARABULA
Ang parabula ayon sa Elements of Literature nina Holt et al (2008) ay isang maikling salaysay na nagtuturo ng
kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento na nasa Banal na Kasulatan. Realistiko ang
banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng
misteryo.
Bagamat maikli lamang ito, taglay pa rin nito ang sumusunod na
elemento:
1. Tauhan- mga taong pangkaraniwan at mga kilala sa panahon ni Kristo tulad ng eskribano, manggagawa at iba
pa
2. Tagpuan-lugar na pinagyarihan ng kuwento, kadalasang mga lugar na pamilyar sa panahon ni Kristo
3. Banghay- kinapapalooban ng mga makatotohanang pangyayaring nauukol sa isang sitwasyon. Dahil ito ay
salaysay, may simula ito na dumadaloy hanggang sa kinahinatnan o wakas.
4. Mensahe/aral- Mauunawaan sa pagtatapos ng parabula. Ang mensahe o aral nito ay pinagninilayan upang lubos
na maunawaan lalo na’t ito’y isinulat sa patalinghagang pahayag. Dahil mula ito sa Bibliya, ang katotohanan,
kabutihan at kagandahang asal ang nais ipabatid nito sa mambabasa.

Ang kakanyahan o katangiang taglay lamang ng parabula na wala sa ibang uri ng panitikan ay ang pinagmulan nito.
Ang mga parabula ay nababasa sa Banal na Kasulatan o Bibliya.
GRAMATIKA
Ang sumusunod paraan at gabay upang matukoy ang pagkakapareho o pagkakaugnay na kahulugan ng mga salita.
IDYOMA
- Ang matalinhagang pahayag at idyoma ay mga salitang may kahulugan naiiba sa karaniwan.
- Ito ay mga pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan
PAGKIKLINO
Ito ay pag-aayos ang kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng kahulugang nais ipahiwatig
Halimbawa: galit, poot, inis, tampo, suklam
Tampo
Inis
Galit
Suklam
Poot
CONTEXT CLUES
Pinag-uugnay-ugnay natin ang mga salita sa loob ng pangungusap upang ganap natin itong maunawaan.
DENOTASYON
literal o totoong kahulugan ng salita, kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksyunaryo.
KONOTASYON
malalim ang kahulugan ng salita, pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita.
MGA SALITANG MAGKASALUNGAT
- Isa rin sa paraan ng madaling pag-unawa sa talasalitaan kung hahanapin natin ang kaugnay nitong salita.
- Hindi nangangahulugan na kailangang parehas ng kahulugan ngunit nararapat na magkaangkla o magkaugnay sa
isa’t isa.
- Dalawang salita ay magkaiba sa konteksto ngunit parehas ng pinupuntong mensahe.

Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sarling Opinyon o Pananaw


Mahalagang bahagi ng ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ang pagpapahayag ng sariling pananaw o
opinyon. Kailangan matutuhan mo ang mabisang paraan ng pagsasagawa nito. Basahin ang mga halimbawa ng mga pahayag
na ginagamit sa pagbibigay ng sariling opinyon.
Mga Halimbawa:
􀁒 Ang masasabi ko ay ....
􀁒 Ang pagkakalam ko ay....
􀁒 Ang paniniwala ko ay....
􀁒 Ayon sa ....
􀁒 Hindi ako sumasang-ayon....
􀁒 Kung ako ang tatanungin....
􀁒 Para sa akin ....
􀁒 Sa aking palagay....
􀁒 Sa tingin ko ay....
􀁒 Tutol ako sa sinasabi mo dahil....
􀁒 Maari po bang magbigay ng aking mungkahi?
􀁒 Maari po bang magdagdag sa sinabi mo?
􀁒 Mahusay ang sinasabi mo at ako man ay....
􀁒 Nasa iyo iyan kung hindi ka sumang-ayon sa aking pananaw subalit...

May mga paalalang dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng sariling opinyon:


1. Ilahad ang pananaw sa maayos at malumanay na paraan kahit pa hindi sinasang-ayunan ang pananaw ng iba.
2. Makinig ng mabuti sa sinasabi ng kausap.
3. Huwag pilitin ang kausap na sumang-ayon o pumanig sa iyong pananaw o paninindigan kung may matibay siyang dahilan
para maniwala sa kasalungat ng iyong pananaw. Kung ang pananaw o paninindigang iyong ipinaglalaban ay nakabase sa
katotohanan ng datos.
4. Gumamit ng mga pahayag na simple para madaling maintindihan ng mga tagapakinig ng iyong opinyon o pananaw.

Paglalarawan sa Tauhan
Ang tauhan ang siyang kumikilos sa kuwento. Siya ang gumagawa ng mga desisyon na nagpapatakbo sa salaysay.
Ang tauhan ay maaaring tao, hayop, halaman o mga bagay. Tao man o hindi ang tauhan, sila ay kailangang magkaroon ng
mga katangiang pantao. Ibig sabihin, may kakayahang ipahayag ang niloloob, nakakapagdesisyon, nakakikilos, at may
damdamin. Mahalaga ang ginagampanan nila sa kuwento. Ang mga tauhan sa mga kwento, palabas, pelikula ay may
malaking impluwensya sa mambabasa, tagapakinig at manonood. Ang mga salita, kilos at desisyon ng tauhan ay
naglalayonmagbigay aral, manlibang, magturo, at manghikayat lalo na sa pagharap ng bawat suliranin.

You might also like