You are on page 1of 4

Maikling kwento

- Isang salaysay na maikli lamang na mayroon sunod-sunod ng mga pangyayari at tumataklay sa


madulang bahagi ng buhay.
MGA SANGKAP NG MAIKLING KWENTO:
Tema - Pangunahing kaisipan ng kuwento, Ang pangkalahatang pagmamasid ng may-akda sa buhay at
ninanais niyang ipabatid sa mambabasa.
Banghay- Ito ay isang balangkas o estruktura ng mga pangyayaring kinapapalooban ng mga kilos ng
tauhan, ng mga tunggalian, at ang mga detalye nabuihat sa simula at sa mabilis sa pagakyat sa
kasukdulan, na mabilis ding sinusundan ng wakas
Tauhan- tao o tauhan na may mahalagang suliranin na kailangan lutasin sa pagtatapos ng
kuwento.Umiikot ang buong kuwenbto sa mga tauhan
Tunggalian- ito ang paglalaban ng mga puwersa ng pangunahing tauhan laban sa katunggali, Ang
katunggali ay maaring ibang tao na kasalungat ng pangunahing tauhan.
Paningin(P.O.V.)- Ito ang pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari, may paningin unang panauhan
na ang pangunahing tauhan ay siyang nagsasalaysay o nagsasalita sa mga nagbabasa.
Pahiwatig- Nagigign masining at malikhain ang katha at maging ang mga mambabasa ay naakay sa
pagiging malikhain, nagigising ang imahinasyon, ang guni-guni, sa mga pangyayaring nagaganap
Simbolo- Nag-iiwan ng iba-ibang pagpapakahulugan sa mambabasa.

MGA URI NG MAIKLING KUWENTO:


1. Kwento ng TAUHAN
- Inilalarawan dito ang mga pangyayaring oangkaugaliang ng mga tauhang nagsisiganap
2. Kwento ng KATUTUBONG KULAY
- Kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, uri ng pamumuhay at hanapbuhay
3. Kwentong BAYAN
- Kwentong pinaguusapapn ng buong bayan
4. Kwento ng KABABALAGHAN
- Salaysaying hindi kapanipaniwala
5. Kwento ng NATATAKUTAN
- Pangyayaring kasindak-sindak
6. Kwento ng MADULANG PANGYAYARI
- Kapanapanabik at mahalagang pangyayari o nakapagbago sa tauhan
7. Kwento ng SIKOLOHIKO
- Bihirang nasusulat, damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari o kalagayan
8. Kwento ng PAKIKIPAGSAPALARAN
- Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng pakikipagsapalaran
9. Kwento ng KATATAWANAN
- Nagbibigay-aliw at nagpapasaya ng mambabasa
10. Kwento ng PAG-IBIG <3
- Pagiibigan ng dalwang tao
Transitional Devices
- mga salita o parirala na makakatulong magdala ng kaisipan mula sa isang pangungusap tungo sa isa pa.
- nag-uugnay ng mga pangungusap at mga talata nang maayos kung saan walang kahina-hinala at
biglaang talon o pagitan ng mga ideya.
- Una, sa katunuyan, sa negatibong panig, sa kabilang banda, sa wakas, bago, bagaman, lalo na at
partikular sa, atbp.
TATLONG URI NG TRANSITIONAL DEVICE
1. Pagbabago sa pagitan ng mga pangungusap
2. Ginagamit kapag ang pangungusap ay lamabng bahagyang may kaugnayan
3. Ang mga ideya sa kailangan maging konektado

MGA PANG-UGNAY:
Pangatnig (Conjuction)
- Mga salitang nag-uugnay ng dalwang salita, parirala o sugnay na pinagsusunod sa
- Tulad ng, kahit na, dahil sa, kasi, palibhasa, bukod-tangi, kata, atbp.
Pang-angkop (Ligature)
- Mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan
- Na(for consonant/katinig); Ng(for vowel/patinig); G(for ‘n’)
Pang-ukol(preposition)
- Mga salitang nag-uugnay sa isang pangalan sa isa pang salita
- Ayon kay, ayon sa, si/ang, ng/ni/kay

Nobela - ang pangunahing tauhan ay maaring masangkot sa maraming pangyayari, ang paghati sa nobela
ay tinatawag kabanata.

URI NG NOBELA
1. Nobelang Historikal
- Nobelang tradisyonal na sumasaklaw sa mga pangyayaring naganap sa kasaysayan.
2. Nobelang Realistiko
- Layunin ay makilala ang pangkalahatang pananaw ng maliwanag na binubuo ng mga
kaisipang hango sa partikular na lipunan
3. Nobelang pagibig <3
- Pinakadakilang klaseng nobela, ito ay masakit, ugnayang pamilya, kaayusang unibersal,
kahinahunan, at kapayapaan

IBA’T IBANG TUNGGALIANG


1. Tao Labas sa SARILI
- Nangyayari sa loob ng kaisipan ng tauhan
2. Tao labas sa TAO
- Nakikipagbanggaan sa isa pang tauhan, labanan ng klasikong bida laban sa kontrabida o
mabuting tao laban sa masamang tao

3. Tao labas sa KALIKASAN


- Tauhan ay direktang naapektuhan ng mga puwersa ng kalikasan
4. Tao laban sa LIPUNAN
- Binabangga ng tauhan ang kaayusang sa tinign niya ay sumusupil sa kaniya
5. Tao laban sa TADHANA
- Ang tadhana ang nagdidikta sa mga nangyayari sa tauhan
6. IBA PANG TUNGGALIAN
- Tunggaliang tao laban sa diyos, o sobrenatural

OPINYON - Isang saloobin o damdamin lamang batay sa mga makatotohanang pangyayari at hindi
maaring mapatunayan kung tama o mali.

MATATAG NA OPINYON - sigurado na sigurado ka (no 2nd thoughts)


- Kumbinsado ako
- :Lubos ko pinaniniwalaan
- Labis akong naninindigan na
- Buong igting kong sinusuportahan na
NEUTRAL NA OPINYON - May iba ka pang opinyon (have 2nd thoughts)
- Sa tingin ko
- Sa totoo lang
- Sa aking pananaw
- Sa aking palagay
- Kung ako ang tatanungin

TULA- Akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating


damdamin at ipinahahayag sa panabalitang may angking aliw-iw
- Mabisang paraan ng paghahayag ng kaisipan, damdamin, imahinasyon, at mithiin sa buhay
1. Tulang MAKABAYAN
- Nagsasaad ng maalab ng pagmamahal sa bayan
2. Tula ng PAGIBIG <3
- Punumpuno ng damdamin, kinalaman sa pagmamahalan ng dalawang magsing-irog
3. Tulang PANGKALIKASAN
- Nagbibigay kahalagaan ng kalikasan sa buhay ng tao gayundin ang kadakilaan,
kagandahan, at karilagan ng kalikasan
4. Tulang PASTORAL
- Katangian ng buhay sa kabukiran

MAGKASINGKAHULUGANG PAHAYAG
Magkasingkahulugan - ang dalawang salita kung ang mga ito ay magkapareho ng kahulugan
- Mabait = mabuti
- Tahimik = payapa
- Tama = tumpak
Talinghaga - salita o pahayag kung nakatago ang tunay nitong kahulugan
- May bulsa sa balat = kuripot
- Kabungguang balikat = kaibigan

Simula - pinakamahalagang bahagi ng sanaysay dahil dito ang inaasahan kung iapgpatuloy ng
mambabasa sa kanyang binabasang sulatin
Gitna - mahalagang puntos o ideya ukol sa paksang pinili
Wakas - isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat niya
Sanaysay - sulating gawain kung saan ito’y kadalasang naglalaman ng mga pananaw, kuro kuro,
o opinyon

MGA URI NG SANAYSAY


1. Impersonal (formal) - naghahatid ito ng mahalagang kaalaman o impormasyon, lohikal
at ang tono nbito ay seryoso at di nagbibiro
2. Di-pormal (casual) - nagbibigay ng kasiyahan, gumagamit ng mga salitang sinasambit sa
araw-araw na pakikipag-usap , ang tono nito ay palakaibigan sapagkat pumapanig sa
damdamin at paniniwala ng mag akda ang pananaw nito
DULA - akdang pampanitikang na ang layon ay itanghal sa entablado sa pamamagitan ng kilos at galaw
Manonood - sumasaksi sa pagtatanghal
Iskrip - inakakaluluwa ng dula
Direktor - ang nagbibigay interpretasyon sa iskrip
Aktor- nagbibigay buhay sa dula
Tanghalan - ganapan ng mga pangyayari sa iang pagtatanghal
Yugto - pinaghahati ng mga bahagi ng dula
Tagpo - tawag sa paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan
Tema - Paksa ng dula
Diyalogo- pagpapalitan ng salita ng mga tauhan

URI NG DULA
1. Melodrama - dulang nagtataglay na malungkot ngunit nagwawakas sa masaya
2. Trahedya - pagkabigo o kamatayan, malungkot lamang
3. Saynete - o komedya, katawa tawa ang paksa

MGA EKSPRESYONG NAGPAPAHAYAG NG KATOTOHANAN


- Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan
- Mayroon suportang datos, pagaaral, pananaliksik, at suportang impormasyon naoatunayan tama
- Tunay, tama, talaga, lubos, oo, sige, sang-ayon ako, ganoon nga, kaisa mo ako

ESTRUKTURA NG SALITA
- Ito ay ang pagiba ng salitang ugat upang makagawa ng bagong salita na may bagong kahulugan
- Maari dagdagan ng panlapi
- Maari pauli ulit ang salita (araw araw)

Unlapi - sa unahan ang dinagdag (iniba)


Gitlapi - sa gitna ang dinagdag (Minahal)
Hulapi - sa huli ang dinagdag (Mahalin)
Kabilaan - sa unahan at huli ang dinagdag (mamahalin)

Labyu po goodnight bye - nagmamahal sa white choco

You might also like