You are on page 1of 51

 Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag

ng mga kaisipan, mga damdamin, mga

karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At

ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo

na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at

patula.
 Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang

"pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang"

ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik"

naman ay nangunguhulugang literatura

(literature), na ang literatura ay galing sa Latin

na littera na nangunguhulugang titik.


 Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan

at mga pananampatalaya at mga karanasang

may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin

tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan,

pag-asa, pagkapoot, paghihiganti,

pagkasuklam, sindak at pangamba.


 Upang makilala ang kalinangang Pilipino,

malaman ang ating minanang yaman ng

kaisipan at taglay na katalinihan ng lahing

ating pinagmulan.
 Upang matalos natin na tayo’y may marangal

at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay

sa mga impluwensya ng ibang mga

kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang mga

bansa.
 Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa

ating panitikan at makapagsanay upang

maiwasto ang mga ito.

 Upang malaman ang ating mga kagalingan sa

pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti

at mapaunlad.
 Bilang mga Pilipinong mapagmahal at

mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay

dapat nating pag-aralan an gating

panitikan. Tayo higit kanino man ang dapat

magpahalaga sa sariling atin.


Dalawang Anyo
ng Panitikan

Tuluyan Patula
 TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng

kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata.

 PATULA - nagpapahayag ng damdamin. Ito'y

isinusulat ng pasaknong.
Isang uri ng panitikan na nagkukuwento o tumatalakay

sa pinagmulan ng mga bagay, lugar, pangyayari o

katawagan. Eto din ay tumatalakay sa mga

katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Isa itong

kuwento na kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti

ng iba at sumasalamin sa kultura ng bayang

pinagmulan.
 Pabula
 ay isang uri ng kathang-
isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya
mga bagay na walang-
buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng
leon at daga, pagong at matsing, at lobo at
kambing. May natatanging kaisipang mahahango
mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga
moral na aral para sa mga batang mambabasa. T
inatawag din itong kathang kuwentong nagbibig
ay-aral.
Maikling Kwento
Isang maigsing salaysay hinggil sa

isang mahalagang pangyayaring

kinasasangkutan ng isa o ilang

tauhan lamang.
 Tauhan
Banghay
 Tagpuan
Tema
isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa

kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap

sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na

tao.
May lilipad-lipad na isang gamu-gamo
Sa tapat ng ilaw ng lamparang ito.
Tuwang-tuwa siya sa liwanag nito.
Paikut-ikot pa ang munting gamu-gamo.

Sabi ng nanay niya, “O anak, halika.


Ikaw ay lumayo sa malaking lampara.
Baka mamaya lang ika’y mahagip pa
Ng silab ng apoy na maganda sa mata.
“Ay hindi po Inay, ako’y mag-iingat.
Titingin-tingin lang at lilipad-lipad.
Hindi po lalapit, di po isasayad,
Ang maliliit ko’t magagandang pakpak.

Walang anu-ano’y narinig ang sigaw,


Nitong gamu-gamong dating sumasayaw.
Lugmok ang katawan, pakpak ay natunaw,
Nasunog na pala sa lamparang tanglaw.
Isang maiksing komposisyon na

kalimiting naglalaman ng

personal na kuro-kuro ng may

akda.
Isang buong kaisipan o opinyon ng isang tao

na pinababatid sa pamaamgitan ng

pagsasalita sa entablado. Layunin nitong

manghikayat, tumugon, mangatwiran,

magbigay ng kaalaman o impormasyon at

maglahad ng isang paniniwala.


Isang uri ng panitikan na itinatanghal sa

mga teatro. Nahahati ito sa sa ilang yugto

na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong

itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan

o entablado.
1. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap

ang mga pangyayaring isinaad sa dula

2. Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay

sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari;

ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at

nagpapadama sa dula
3. Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may

suliranin, walang dulang walang suliranin;

mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong

suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o

kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga

pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na

isang suliranin ang isang dula


4. Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng

mga tauhan sa suliraning nararanasan

5. Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan

ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at

tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon

ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang

isang dula
6. Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang

katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay

na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o

kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian

7. Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa

mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian


8. Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas,

nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at

tunggalian sa dula; ngunit maaari ring

magpakilala ng panibagong mga suliranin at

tunggalian sa panig ng mga manonood.


1. Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng

isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay

naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip

2. Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang

nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas

ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang

damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula


3. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang

pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na

tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang

pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na

pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase


4. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang

nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-

interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng

tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa

paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan

ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa

iskrip
5. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang

binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood

ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula

sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at

kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong

makasaksi o makanood.
Balita
 Ang balita (mula sa Sanskrito: वार्त्ाा [vārttā]) ay isang uri ng

lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan

sa labas at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa

pagbibigay-alam sa mga mamamayan. Maaari itong ihayag

sa pamamagitan ng paglilimbag,

pagsasahimpapawid, Internet, o galing sa bibig at ikalat sa

ikatlong partido o sa maramihang mambabasa, nakikinig o

nanonood.
Isang anyo ng panitikan na nagsasad

ng kasaysayan ng buhay ng isang tao

hango sa mga tunay na tala,

pangyayari o impormasyon.
 Ang liham ay isang pahayag o mensahe sa

pamamagitan ng pagsulat mula sa isang tao

patungo sa isa pang tao o grupo, kadalasan sa

ibang lugar.
1.PAMUHATAN

2.BATING PANIMULA

3.KATAWAN NG LIHAM

4.BATING PANGWAKAS

5.LAGDA
Editoryal
 Ang editoryal o pangulong-tudling ang pangunahing

tudling ng kuru-kuro ng isang pahayagan. Kumakatawan ito

sa sama-samang paninindigan ng patnugutan ng pahayagan

kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon. Layunin nito

sa pagbibigay ng kuru-kuro ang magpabatid,

magpakahulugan, magbigay-puna, magbigay-

puri, manlibang at magpahalaga sa natatanging araw.


 Kuwentong Piksyon na binubuo ng maraming kabanata

 Mayroon itong 60,000 – 200,000 salita o 300 – 1,300

na pahina.

 binubuo ng mga kabanata, maraming tauhan at

pangyayari -kinasasangkutan ng 20 higit pang tauhan


 Mahabang kathang pampanitikan na

naglalahad ng mgapangyayari napinaghahabi

sa isang mahusay napagbabalangkas na ang

pinakapangunahing sangkap ayang

pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako

at nghangarin ng katunggali sa kabila.


Kwentong hango sa Bibliya. Naglalaman ito

ng mga talinghaga at nagtuturo ng aral.

Ito ang uri ng kwentong ginagamit ng

ating Panginoong Hesukristo sa kanyang

pangangaral.

You might also like