Ang buong pangalan ng timpalak pampanitikang ito ay Carlos Palanca Memorial
Awards for Litearature na binuksan noong 1950 bilang pagalaala ng mga tagapagmana ni Don Carlos Palanca Sr. May layunin itong tumulong sa pagpapaunlad ng panitikan ng Filipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng preomyo sa mga manunulat para sa pagpapahusay nila ng kanilang mga akda; at maging tagapag-ingat ng mga hiyas pampanitikan ng Filipinas at tumulong sa pagpapalaganap ng mga ito, lalo na sa hanay ng mga mag-aaral. Nagsimula ang timpalak para sa maikling katha sa mga wikang Ingles at Filipino na iginawad noong 1951. Naging matagumpay ang timpalak, kaya nagdagdag ito ng mga kategorya: dulang may isang yugto noong 1953, tula noong 1963, nobela noong 1980, maikling kwentong pambata noong 1989, dulang pantelebisyon noong 1990, iskrip pampelikula noong 1994. Noong 1997, idinagdag ang mga dibisyon sa wikang rehiyonal at nagkaroon ng timpalak sa maikling kwentong Iluko, Sebwano, at Hiligaynon.
Ang kauna-unahang nagwagi sa unang taon (1950-1951) ng timplalak sa larangan ng
pagsulat ng maikling kwento ay ang mga sumusunod: Unang Gantimpala- “Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza Ikalawang Gantimpala – “Mabangis na Kamay…Maamong Kamay” ni Pedro S. Dandan Ikatlong Gantimpala – “Planeta, Buwan, at Mga Bituin” ni Elpidio P. Kapulong”
Dulang Unang Nagkamit ng Gantimpala Sa Timpalak-Palanca
Sinimulan noon (1953-1954) ng Timpalak-Palanca ang pagpili sa pinakamahusay na dula- at ang nagwagi ng unang gantimpala ay ang Hulyo 4, 1954 A.D. ni Dionosio Salazar. Ang Dulang ito ay naglalahad ng pagsasagawa ng isang mapanganib at madugong misyon ng Hukbong Magpapalaya ng Bayan (HMB) na ibagsak ang pamahalaang Pilipino noong panahon ni Pangulong Magsaysay.
Tulang Unang Nagkamit ng Gantimpala sa Timpalak-Palanca
Ang pagsisimula naman ng Timpalak-Palanca sa pagpili ng pinakamahusay na tula ay ginawa noong 1963-1964. At ang nagkamit ng unang gantimplala ay ang “Ang Alamat ng Pasig” ni Fernando B. Monleon. ALAMAT NG PASIG ni: Fernando B. Monleon
Bakit hahambalin an gating pagsuyo?
Buhay niring buhay Bakit hahamakin ang sumpa’t pangako? Nagtanim ng lumbay – hindi bir-biro Dapat na malamang Tanging aanihin: siphayo, siphayo?
Halinang maglakbay, giliw ko’y halina
Tayo na sa loob, Kita’y magliwaliw sa tuwa’t ligaya, Sa lunday kong munti, halika’t sumama Pagmasdan mo irog Hayun naghihintay mula pa kanina-
Ako ang gagaod, ikaw ang aawit
Mutyang prinsibini, Sasaliwan tayo ng kalawkaw-tubig; Sasaksi sa ati’y ang nanungong langit Habang ang pagkasi- Nag-aaliw-aliw sa tinamong sakit.
Hinampo kahapon ay iyong limutin,
Ang bulong ng dusa; Hayaang ibulong ng amihang hangin, Buksan ang dibdib mo, unahin ang damdamin Ngumiti sana, Ipinid ang puso sa dilang hilahil.
Hala na mahal ko… ang luha mong bubog
Huwag mong sayangin Huwag mong hayaang sa lupa’y madurog Ang masisindakin, magsasagwan agad sa Matuling agos!
Di ngani minsang pulpol sa panulat,
Sa kaligayahan Kumita ng isang balighong liwanag! Di anong gagawin? Sa pagkawakawak, Sintang bathaluman Nahihiya ako’y ikaw rin ang hanap.
Paanong di gayon..ikaw ang dinsulan
Niring salamisin, Na sa kariktan mo’y namamaraluman; Iyong hinanakit-kundi mapaparam, Sa pagkahilahil, Hahangga pa yata ang ako’y pumanaw.
Kaya’t panimdim mo’y tulutang mapawi,
Sa bahagyang hapis, Isang katotohanan ay sadyang lagim Saanman sumapit, Tanging ikaw yaring luwalhati.
Kasakdalan mang ang sinta’y magbago,
Kahit sa pangarap. Bukal na pagsuyo’y hindi maglililo… Kung kita’y limutin, buhay ko’y paano? Kung kapos ang palad, Kamataya’y langit – na makalilibo!
Pahirin na ngani sa nimintang diwa,
ang sugat ng puso, ang lagim ng dusang lason sa siphayo sa aking pagyao’y saka na lumuha; ulilang pagsuyo – maghapon – magdamag na magpakasawa!
Habang naglalakbay ang ating pagkasi,
Sa iklapwaw ng alon; Wariin mo hirang, ang aking sinabi, Iyong panibugho – limit na mangyari Saanman iukol… Mabuting-masama, masamang-mabuti.
Kita ay dadalhin sa Taal ng bayan,
Hayun lang sa dulo… Isang munting pulo sa Bombon, Batangas At magmula roon ay pasisilangin, Tayo’y magtutungo Sa bayan ng Pasig, sa gulod sumilang.
Doo’y may alamat ang isang kahapong
Sa aklat ng lahi’y Lipos ng pag-ibig, tigib ng linggatong; Sa dalampasigan sad among nagyabong; Tayo’y manakati’t Pagal na gunita’y muling magbabangon.