You are on page 1of 1

Mga Akdang Lumaganap Bago Dumating Ang Mga Espanyol

Sinasabing ang mga sinaunang Pilipino ay may sarili nang panitikang nagtataglay ng kasaysayan ng lahi
bago pa man dumating ang mga Espanyol at iba pang mga dayuhan sa bansa. Ito ay mga akdang
pampanitikang lumaganap sa Panahon ng mga Katutubo tulad ng karunungang bayan, kwentong bayan,
alamat at epiko na sumasalamin sa kinagisnan, kalinangan at kultura ng lahing Pilipino. Mababakas din
sa mga nakasulat at maging sa mga pasalitang panitikan ang kultura, tradisyon, paniniwala at maging
ang mga panlipunan at panlahing kaugalian n gating mga ninuno.

1. Karunungang Bayan – ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan na binubuo ng mga salawikain,


sawikain, bugtong, palaisipan,kasabihan, at bulong.
a. Salawikain – Ito ay nakaugalian nang sabihin at sundin bilang tuntunin ng kagandahang asal n
ating mga ninuno na naglalayong mangaral at akayin ang kabataan tungo sa kabutihang asal.
Halimbawa: Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan di makararating sa paroroonan

b. Sawikain o Idyoma – Ang mga sawikain o idyoma ay mga salita o pahayag na nagtataglay ng
talinghaga. Hindi tiyak ang kahulugang ibinibigay nito sapagkat may natatago pa itong kahulugan
patungkol sa iba’t-ibang bagay.
Halimbawa: bagong bata – binata
Bulang gugo – gastador
c. Kasabihan – Ang mga kasabihan noong unang panahon ay yaong mga tugmang sinasambit ng
mga bata at matatanda na katumbas ng mga tinatawag na Mother Goose Ryhme. Ang kasabihan
ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
Halimbawa: Putak putak
Batang duwag
Matapang ka’t
Nasa pugad

2. Kwentong Bayan – Bago pa man lumaganap ang panitikang pasulat ay laganap na sa Pilipinas
ang panitikang pasulat ay laganap na sa Pilipinas ang kwentong-bayan.

You might also like