You are on page 1of 62

Republic of the Philippines

State Universities and Colleges


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Aralin 1: Epikong Filipino

A. Pagpapakahulugan at Kaligiran

Kahulugan
 Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang ‘awit’
ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.
 Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing
tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na
kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
 Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa
kanyang paglalakbay at pakikidigma.

Uri ng epiko

1. Oral Poetry – mga sinaunang epiko na nabuo lamang sa pamamagitan ng


pagkukuwento sa ibat –ibang tao.

2. Epyllion – mas maiikling epiko kumpara sa oral peotry na nakilala noong


Hellenistic period dahil sa taglay nitong tema. Bukod sa kabayanihan ay ipinapakita
rin dito ang pag-ibig at romansa.
Katangian ng epiko
Nagsisimula muna sa isang imbokasyon para kay Muse.
Imbokasyon- panalangin
Muse- ika-9 na anak n Zeus
Zeus- pinaka Diyos ng mga Griyego
Sinusundan ng Medias Res.

1
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Medias Res – istilo sa pagsusulat na nauunang isinasalaysay ang gitnang bahagi


ng kuwento bago ang nakaraan. (Flashback)
 Ang tagpuan ay napakalawak, sumasakop sa maraming bansa, buong mundo
man o kalawakan.
 Naglalaman din ng mahabang listahan na tinatawag na epic catalogue. Ito ay
listahan ng mga bagay,lugar o mga tao sa kuwento na kung saan ito nagsimula
o isinulat.
 Nagsisimula rin sa paglalahad ng tema ng epiko.
 Ang mga pangalan ay sinasamahan ng paggamit ng mga epithet.

Epithet- mga pang-uri na ikinakabit sa pangalan ng tauhan o bagay.


 Naglalaman din ng mahahaba at pormal na mga talumpati o kawikaan mula sa
mga tauhan.
 Nagpapakita ng pangingibabaw ng kapangyarihan ng mga Diyos o Diyosa sa
mga tao.
 Nagpapakilala ng mga bayaning tunay na nagpapahalaga o modelo sa
sibilisasyon.
 Kadalasan ding nagpapakita ng pagbaba ng pagkatao ng isang bayani mula sa
matayog na katayuan nito.

2
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

B. Kaligirang Pangkasaysayang ukol sa Kapanahunan ng mga Epiko:

EPIKO

 Tulang Pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na


nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya'y
buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.

Ang mga Malay at Impluwensya ng Cambodia

Cambodia
 Matatagpuan sa mababang bahagi ng Indochina Peninsula
 Ang opisyal na relihiyon nila ay Theravada Buddhism
 May populasyon na umaabot sa 15 milyon

Ang Panitikan ng Cambodia


 Classical Literature
 Karamihan sa mga Panitikan noong panahong ito ay sumasalamin sa kultural na
Impluwensiya ng India.
 Ang sentro ng Panitikang ito ay ang mga mito at alamat na naipasa sa
pamamagitan ng salindila.
 Karamihan ay ukol sa mga naunang buhay ni Buddha at mga Epiko mula sa
India

Nahahati sa Tatlong Uri ng Panitikan


 Epiko
 Berso Nobela (VerseNovel)

3
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Cbap (Codes of Conduct)


Epiko
Reamker - “Honour of Rama”
- pinakakilalang epiko sa Cambodia; Bersyon ng Cambodia sa kilalang epiko ng
India na Ramayana
Lpoek Angkor Vat - “The Story of the Angkor Vat”
Reamker o Rama at Sita
 Tema - pagbabalanse ng mabuti at masama dito sa mundo
 Naging sikat ang epikong ito dahil ipinapakita dito ang sikat na katutubong
sayaw ng Cambodia na “ L'khaon”

Ang mga Malay


 isang pangkat etnikong Awstronesyo mula sa Timog-Silangang Asya na
pangunahing matatagpuan sa Bruney, Indonesia at Malaysia.
 ang pangkat na ito ay may pinakamaunlad na kalinangan, kaalaman at
kasanayan.
 Malay- ang kanilang Lingua Franca

Tatlong Pangkat ng Malay ang nakarating sa Pilipinas


 Ikatlong Pangkat ay ang mga Malay na Moslem
 1300 at 1500 taon- nagsidating sila sa bansa
 Sila ay nanggaling sa Malaysia at nanirahan sa Mindanao at Sulu
 bangkang balangay- bangkang sinakyan nila
 Nagdala sila ng mga Epiko, Alamat, Kuwentong Bayan at Pananampalatayang
Moslem
 Ang mga Malay ay nagdala ng kanilang pananampalatayang pagano at ang
awiting pangrelihiyon

4
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Sila'ymay dalang wika, alpabeto, awiting bayan, kwentong bayan, mga alamat,
at mga karunungang bayan
 Kumalat sila sa ibat-ibang lalawigan ng Luzon at Visayas. Sila ang nagdala ng
Baranggay.

C. Mga Katangian ng Kapanahunan ng mga Epiko


Ang mga Epiko Bago Dumating ang Kastila

Epiko ng Ifugao

Hudhud at Alim
Ang pangunahing anyo ng literaturang pabigkas ng Ifugao ang Hudhud at
Alim Binubuo ito ng maraming kuwento o pagsasalaysay (narrative) tungkol sa
paraan ng pamumuhay, kaugalian, relihiyosong paniniwala, katutubong tradisyon
at kasanayan. Ang kaibahan ng dalawa ay makikilala ayon sa ritwal.

Epikong Alim
Ang Alim ay hindi inaawit (chant) maliban kung ito ay gagawin ayon sa
konteksto ng ritwal. May mga pasalaysay na nagpapaliwanag ng pinagmulan,
kaalamann historical, pangangatwiran at layunin sa pagsabi ng baki o panalangin.
Ang literaturang pabigkas na ito ay makita lamang tuwing may okasyon ng
pagkamatay at ritwal sa muling paghukay sa inilibing ( bogwa) at iba pang espesyal
na okasyon tulad ng prestihiyo o bantog na kapistahan ng mga miyembro ng pili at
kilalang tao (Kadangyan). Ang pag-awit (chant) ay pinamumunuan ng prinsipal na
taga- awit at sinasamahan ng kuro at iba pang mumbaki (saying prayers). Bilang
ritwal pangrelihiyon hindi lahat ng dalubhasa sa pag-awit ay pinapayagang
magsagawa nito. Ang pagganap ay nangangailangan ng isang eksperto sa teksto at
pagsasalita. Ang pag-awit ay nagsisimula sa gabi sa araw ng selebrasyon at

5
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

nagtatapos sa kalagitnaan ng umaga ng susunod na araw. Dahil ang mambaki


lamang ang makapag-awit ng Alim, itong pabigkas na anyo ay isang kakayahang
eksklusibo ng mga lalaki. Ang pag-awit ( chant) ay medyo mahaba at ito ay inaawit
sa natatangi at kakaibang pamamaraan.

Alim
Ginagalugad ng Alim ang katangian ng kanilang bathala na tinatawag
Makanungan. Ang buhay ng iba pa nilang bathala,anito at ang kanilang ideya o
kurukuro sa “langit”. Isa sa bantog na kabanata ay nagsasabi tungkol sa malaking
baha. Sinabi na pagkatapos ng baha ang bayaning si Bugan ay nagpasimula ng
apoy saan nakita ni Wigan na mula sa Amuyaw.
Ang kuwento ng Alim ay nagsasabi na ang buhay ay mahalaga. Ang
pagpapakamatay ay hindi solusyon sa problema. Ang pagpapakamatay at ang
pagpatay ay isang malaking kasalanan na may katumbas na kaparusahan. Hindi
kailangang dumanak ang dugo upang makamit ang pangangailangan at
kagustuhan.

Buod ng Alim:
Noong unang panahon, ginalit ng mga tao ang mga diyos at diyosa dahil sa
kanilang pagkakasala at patuloy na pasuway sa kautusan ng mga diyos. Nagpadala
ng malaking baha na nagpalubog sa buong daigdig at sumira sa lahat ng
nabubuhay na nilalang. Dalawa lamang ang nakaligtas sa pagbaha: sila ay
magkapatid, sina Wigan at Bugan. Nang nagsimula nang tumaas ang baha ay
umakyat si Wigan sa bundok Amuyaw upang mailigtas ang sarili. Ganoon din si
Bugan na pumunta sa bundok na Kalawitan upang maghanap ng masisilungan.
Nanatili si Bugan sa bundok hanggang humupa ang tubig at hanggang
matuyo ang lupa. Bumaba siya at na diskobre na siya lamang ang natirang buhay.
Lahat ay nalunod kahit ang mga hayop. Nagkalat ang mga patay na katawan,

6
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

mabaho. Sa kanyang paglalakbay upang humanap nang makakain ay nakakita siya


ng isang babae na natatabunan ang kalahati ng katawan sa lupa, kumakaway sa
kanya. Nakilala niya ito.Bugan! masaya niyang sabi habang ibinubuka ang braso
upang yakapin siya.Wigan, aking kapatid, nanginginig niyang sabi dahil sa di
masidlang kasiyahan. Pinabayaan niyang yakapin siya ng kapatid at inihilig ang ulo
sa kanyang dibdib. Nasaan ang iba? tinanong ni Wigan pagkatapos. Patay na. sagot
niya. Sa aking palagay ay tayo lamang ang nakaligtas sa pagbaha.
Naglakad-lakad sila upang tingnan kung may iba pang nakaligtas ngunit wala
silang nakita. Ang nakita lamang nila ay mga patay na katawan ng mga tao, hayop
kahit ang mga halaman. Naghanap sila ng lugar na matitirhan. Nakakita sila ng
lugar na malapit sa dalampasigan kung saan nagsisimulang tumubo ang mga
halaman. Nagtayo sila ng kubo mula sa mga kahoy na nakakalat sa paligid.
Pagkatapos ay inilibing nila ang mga patay na katawan na nakita nila malapit sa
dalampasigan. Gutom na ako, sabi ni Bugan habang nagpapahinga sila pagkatapos
ilibing ang mga patay na katawan. Ako din, sabi ni Wigan. Dito ka lamang at
titingnan ko kung makakahuli ako ng isda sa dagat. Sa tingin mo ay may isda doon?
tanong ni Bugan. Ang mga halaman ay nagsisimula nang tumubo. Siguro ay
humuhupa na ang galit ng mga diyos at babalik na din ang mga isda sa dagat.
Mayroon ngang mga isda sa dagat. Nang gabing iyon ay kumain sila ng
saganang hapunan ng pinakuluang isda. At natulog silang magkasama. Pagkatapos
ng ilang araw ay natuklasan ni Bugan na siya'y nagdadalang tao. Pumunta siya sa
dalampasigan at tinangkang lunurin ang sarili sapagkat nahihiya siya dahil siya ay
nabuntis ng kanyang kapatid. Ngunit bago pa man siya makapunta sa malalim na
parte ng tubig, isang matandang lalaki ang nagpakita sa kanya. Sinabi nito na siya
si Makanungan, ang diyos ng Ifugao. Ikinasal ni Makanungan ang dalawa at
nagkaroon sila ng siyam na anak, limang lalaki at apat na babae. Nagkaroon ng
malawak na tag-gutom. Kumonti ang ani.

7
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Nagpatay sila ng daga at inihandog nila kay Makanungan ngunit nagpatuloy


ang kaunting ani. Ano ang gagawin natin? tanong ni Bugan kay Wigan isang gabi
bago sila matulog. Mamamatay tayong lahat sa gutom kung magpapatuloy ang
mahina nating ani. Hindi ko alam kung bakit galit si Makanunggan sa atin. Marahil
ay hindi niya nagustuhan ang daga na inihandog natin sa kanya. nBakit hindi natin
ihandog ang ating anak na si Igon?
Nagkasundo sila na patayin si Igon, ang pinaka-batang anak at inihandog kay
Makanungan. At sa wakas ay natapos ang mahinang ani. Ngunit nagpakita muli si
Makanungan at sinabi na ang ginawa nila kay Igon ay karumal-dumal. Ikinalat sila
ni Makanunggan sa apat na sulok ng lupa, sa silangan at kanluran at sa hilaga at
timog. At sinumpa sila dahil sa ginawa nila kay Igon. Mag-aaway sila sa bawat
pagkakataon na malalapit sila sa isa't-isa.

Epiko ng Hudhud
Ang hudhud ay may magkakaugnay na kuwento upang ito ay magpatuloy. Inaawit
ito tuwing may okasyon. Tuwing panahon ng pag-ani, ang mga taga-ani ay
umaawit upang mawala ang kainipan sa paggawa. Inaawit din ito tuwing may
mahabang pagpupuyat sa sino mang may natural na pagkamatay at inaawit sa
tuwing may burol na idinaraos sa ritwal ng paghukay muli sa inilibing ( bogwa). Ang
kagandahan sa pasaylaysay ay ang romantikong papuri sa kanilang konsepto sa
kayamanan, pag-ibig at pagpapakasal. Ang binibigyan diin ay ang mga katangian ng
kalakasan, tapang ng mga kalalakihan at ang pambabaeng birtud ng kagandahan at
kasipagan. Ang awit ay ginagampanan ng isang presentor ( mumhaw-e) na inaawit
ang narisyon at ibibigay ang hudyat sa koro ( mu-hudhud / mum-abbuy) na
ipinapatuloy ang awit habang nagbibigay ng mga komentaryo. Sinasabi na may
dalawang daang (200) mito ang naisama na sa ilang apatnapung kabanata. Ang
pag-awit ay tatagal mula tatlo hanggang apat na araw. Hindi ito ginaganap sa

8
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

okasyong ritwal kaya hindi ito selebrasyon na nangangailangan ng serbisyo ng


mumbaki. Ang kwentong Hudhud ay inaawit lamang ng laity at nakararami ng mga
babae.
Hindi alam kung kailan sinimulang awitin ang Alim at Hudhud. Sinabi ng mga
Ifugao na kapwa inawit mula noong kauna-unahang panahon ngunit walang
salitang binanggit kung ito ay isang daan o libo-libong taon.
Bagaman ang pagsasalaysay ng Hudhud ay may mas nakalilibang at hindi
masyadong sakramental kay sa Alim, ito ay naglalaman ng mito at alamat na
nagiging ugat ng kwento. Ang mito at alamat ay nagsilbing pondasyon sa sistema
ng paniniwala.

HUdhud ni Aliguyon
Maraming bersyon ang Hudhud, kabilang dito ang kabayanihan ni Aliguyon.
Ang kuwento ay umiikot sa pagharap niya sa mga kalaban ng kanyang angkan
upang magkaroon ng dangal para sa kanyang sarili, sa kanyang mga kasama at
para sa kanyang tribu.
Ang kuwento ng Hudhud ni Aliguyon ay nagsasabi ng kahalagahan ng
pagpapatawad. Ang pakikipaglaban sa mga kaaway ay hindi makalutas ng
problema. Kung sinaktan tayo ng isang tao, ipaalam natin ang ating damdamin
laban sa kanila sa maayos na paraan. Ang pagpapatawad at pagmamahal sa bawat
isa ay magdadala sa atin sa isang maligaya, payapa at maunlad na pamamaraan ng
pamumuhay. Ang pagpapatawad ay isa sa pinaka importanteng bagay na kailangan
nating matutunan dahil kung ang pagpapatawad ay nasa ating puso ang pagkakaisa
at kaunlaran ay madaling makamtan.

Buod ng Hudhud ni Aliguyon:


Noong unang panahon ay may dalawang malaking tribong nagkaroon ng
alitan sa bayan ng Ipugaw. Ito ay ang tribo ng Hannanga at Daligdigan. Ang

9
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Hannanga ay pinamumunuan nina Antalao at Dumulao na si Aliguyon. Samantalang


ang Daligdigan ay pinamumunuan ng anak ni Pangaiwan at Dangumay na si
Pumbakhayon. Isang umaga ay tinawag ni Aliguyon ang kanyang mga kasamahan.
Nakipaglaro siya ng trumpo sa mga ito. Nang magsawa sa paglalaro ay kinuha niya
ang isang manok na tandang upang mag-alay ng dasal at humingi ng proteksiyon
sa gagawin niyang pakikipaglaban sa kanilang mga kaaway. Maganda ang naging
tugon ng manok na tandang kay Aliguyon. At upang masigurong magtatagumpay
siya sa pakikipaglaban ay sumangguni siyang muli sa ibong Idao na hinanap pa niya
sa kagubatan. Maganda rin ang palatandaang ibinigay ng ibong Idao kay Aliguyon
kaya’t nang makabalik sa kanilang tahanan ay pasigaw niyang hinamon si
Pumbakhayon sa isang labanan.
Narinig ni Pumbakhayon ang sigaw ni Aliguyon. Hinahamon siya nito sa isang
labanan. Bagama’t kaaway ay hindi napigilan ni Pumbakhayon na humanga sa
kakisigan ni Aliguyon. Tinanggap ni Pumbakhayon ang hamon ni Aliguyon. Tulad ng
ginawang paghahanda ni Aliguyon, nagdasal at nag-alay rin si Pumbakhayon sa
manok na tandang upang matiyak ang gagawing pakikipaglaban. Nagsimula ang
labanan ng dalawa sa gitna ng palayan ng Daligdigan. Bawat sibat na kanilang
inihahagis ay parehong nasasalo ng isa’t isa. Patas ang kanilang lakas at talino.
Pareho silang humanga sa lakas ng bawat isa. Ang mga babaeng nanonood at
walang tigil sa pagsigaw ng papuri at paghanga sa dalawang kinikilalang bayani ng
kani-kanilang tribo. Si Dangunay, ang ina ni Pumbakhayon ay nag-alala sa hindi
pag-uwi ng anak. Isinama niya si Bugan, ang kanyang bunsong anak na babae at
sumugod sa labanan. Nakita niyang parehong magaling ang dalawang naglalaban
kaya pinahinto niya ang mga ito. Pinakain muna niya ang kanyang anak na si
Pumbakhayon na sinang-ayunan naman ni Aliguyon.
Muling naglaban ang dalawa. Nagbatuhan sila nang nagbatuhan ng sibat
ngunit hindi pa rin sila nagkakatamaan. Lumipas ang isang taon at kalahati ng
kanilang labanan sa palayan ng Daligdigan. Walang palay na tumubo rito. Napansin

10
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

ni Aliguyon ang ganitong pangyayari kaya’t nagpaalam siya kay Pumbakhayon


upang umuwi sa Hannanga. Nagdiwang ang mga taga-Hannanga sa pagbabalik ni
Aliguyon. Ngunit hindi pa nagtatagal ang kanilang kasiyahan ay dumating si
Pumbakhayon at sila ay naglaban muli. Ang ina ni Aliguyong si Dumulao kasama
ang pinakabunsong anak na si Aginaya ay humiling na ihinto muna ng dalawa ang
labanan upang makapagpahinga at makapagnganga. Itinuloy na naman ng dalawa
ang kanilang labanan. Tumagal pa ang labanan ngunit wala pa ring nananalo. Tulad
ng naunang sagupaan ay hindi nagawang talunin ng bawat isa ang katungali dahil
sa magkapantay ang kanilang lakas at tapang.
Napabantog sa buong baying Ipugaw ang kagila-gilalas na labanan nina
Aliguyon at Pumbakhayon. Ang balitang iyon ay natanggap ni Daulayan, ang
napagkasunduang mapapangasawa ng bunsong kapatid ni Pumbakhayon na si
Bugan. Ipinagmalaki niyang siya ang lalaban kay Aliguyon upang matapos na ang
pakikipaglaban ng kanyang magiging bayaw. Pinayuhan siya ng kanyang inang
huwag nang makialam ngunit hindi niya ito pinakinggan at nakiusap kay sya kay
Pumbakhayong siya na ang makikidigma kay Aliguyon. Hindi pumayag si
Pumbakhayon dahil alam niyang hindi nito kakayanin ang lakas ni Aliguyon.
Nagpumilit lamang c Daulayan kaya pumayag si Pumbakhayon. Natamaan ni
Aliguyon c Daulayan. Agad siyang nilapitan ni Aliguyon upang pugutan ng ulo ngunit
nagmamakaawa si Daulayan na huwag siyang patayin. Tinanggal niya ang kanyang
mamahaling kuwintas at ibinigay kay Aliguyon bilang kapalit ng kanyang buhay.
Patuyang tinawag ni Aliguyon si Pumbakhayon upang kunin si Daulayan. Sa
nangyaring labanan ay nasambit ni Pumbakhayong ang tanging lalaking karapat-
dapat sa kapatid na si Bugan ay si Aliguyon. Kasunod noon ay idinaos ang
pagbubunyi at kasayahan. Ang magkalabang pangkat ay nagkabati. Hiningi ni
Aliguyon ang kamay ni Bugan upang mapangasawa. Buong puso naman itong
tinanggap ng huli. Nagpaalam si Aliguyon na uuwi muna sa Hannanga upang ihanda
ang kanilang tahanan para kay Bugan. Sinamahan siya ni Pumbakhayon upang

11
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

tuluyang wakasan na ang alitan ng dalawang tribo at isaayos na rin ang kasal nila ni
Bugan. Tuwang-tuwa ang mga taga-Hannanga lalong-lalo na ang kanyang inang si
Dumulao. Doon naman nakita ni Pumbakhayon ang kagandahan ni Aginaya, ang
bunsong kapatid ni Aliguyon, at hiniling niyang mapangasawa rin ito.
Idinaos ang kasal nina Aliguyon at Bugan. Matapos ito ay umuwi naman sa
Daligdigan si Pumbakhayon kasama si Aginaya upang sila naman ang ikasal. Ang
dalawang tribong magkaaway ay pinagbuklod ng pag-ibig.

Epiko ng mga Moro


1. Darangan
 ito ay may 25 kabanata at nasusulat ito sa wikang Maranaw
 mga pasalaysay na patula hinggil sa kabayanihan ng mga nasa
Magindanaw, mga gawaing kahanga-hanga at di sukat
mapaniwalaang kabayanihan at kagitingan ng mga mandirigmang
Muslim
 Ang Darangan ay hindi iisang epiko. Ito ay kalipunan ng mga
kuwento ng kabayanihan. Ang lalong popular sa lahat ay ang
Bantugan.
 kinilala ng Unesco bilang Masterpiece of the Oral Intangible Heritage
of Humanity
Buod
Mayroong isang hari sa malayong kaharian sa Mindanao ang may
dalawang anak na lalaki. Ang nakatatanda ay si Prinsipe Madali at ang
nakababata ay si Prinsipe Bantugan. Sa murang edad ay nagpakita si Prinsipe
Bantugan ng magagandang katangian na higit sa kanyang nakatatandang
kapatid na si Prinsipe Madali.
Laging sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama na si prinsipe
Bantugan ay napakatalino. Mabilis siyang matuto, kahit sa paggamit ng

12
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

espada at palaso. Taglay niya ang lakas na kayang makipaglaban sa tatlo o


limang katao sa mano-manong labanan.
Ang unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo ay
nang makita siya nang mapatay niyang mag-isa ang isang malaking buwaya
na nakapatay sa ilang taong-bayan. Hindi makapaniwala ang mga taong-
bayan sa kanilang nakita pagkatapos ng pagtutuos.
Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay
naging pinakamagaling na sundalo sa kaharian. Lagi niyang pinamumunuan
ang mga sundalo sa labanan. At lagi silang nagwawagi laban sa kalabang
kaharian.
Ang kanyang pangalan ay naging bukambibig ng lahat ng mga sundalo
ng mga kalapit na kaharian. Hindi nagtagal ay wala ng kaharian na
nangahas kumalaban sa kanila. Kapayapaan at pag-unlad ang naghari sa
kaharian dahil sa natamo nilang respeto at pagkilala ng mga kalapit na
kaharian.
Nang mamatay ang kanilang ama, ang kanyang nakatatandang kapatid
na si Prinsipe Madali ang hinirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta
ang mga nasa ranggo. Nais nila na si Prinsipe Bantugan ang maging bagong
hari. Kahit ang mga ordinaryong mamamayan ay nagsasabi na si prinsipe
Bantugan ang mas karapat-dapat maging hari sa dalawang prinsipe.
Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan. Alam niya na ang kanyang
kapatid ang karapat-dapat na tagapagmana ng trono dahil si Prinsipe Madali
ang panganay sa kanilang dalawa. Siya mismo ang nagpatunay para sa
kanyang kapatid.
Tumango na lamang ang mga ministro at mga kawal. Ngunit nagkaroon
ng isang bitak sa pagitan ni Prinsipe Bantugan at Prinsipe Madali. Sapagkat
si prinsipe Bantugan ay hindi lamang matapang, siya rin ay napakakisig.
Kahit ang mga babaeng gusto ng kanyang kapatid na si Prinsipe Madali ay

13
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

sumuko sa kanyang gayuma. Dahil sa galit at inggit, nagpahayag ang hari


ng kautusan.
“ Hindi ko gusto na kahit sino ang makipag-usap sa aking kapatid na si
Prinsipe Bantugan. Sino man ang makita na nakikipag-usap sa kanya ay
parurusahan ng malubha”.
Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid. Nakita niya
ang sarili na parang mayroong nakahahawang sakit. Lahat ay lumayo sa kanya,
kahit ang mga kababaihan. Kahit ang mga taong kanyang minahal. Walang
gustong kumausap sa kanya sa takot na baka makulong at maparusahan ng
hari.
Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito, nagpasiya ang prinsipe na
lisanin ang kaharian at manirahan sa malayong lugar kung saan siya nanirahan
ng habambuhay.
Wakas…
2. Bantugan
 ikatlong salaysayin sa Darangan
 paulit-ulit na binibigkas sa dating pagkakatha sa palibot ng Lawa
ng Lanaw
 magiting na bayani ng mandirigma at bayani ng Darangan

Buod:
Sina Haring Madali at Prinsipe Bantugan ay magkakapatid. Si Haring
Madali ang hari ng kahariang Bumbaran. Balita sa lakas at tapang si Prinsipe
Bantugan kaya’t walang mangahas dumigma sa kanilang kaharian.
Maraming mga dalaga ang naakit kay Prinsipe Bantugan
Nainggit si haring Madali sa kapatid. Ipinag-utos niya sa lahat ng
nasasakupan na huwag kausapin si prinsipe Bantugan. Nagbanta pa ang
hari na ang sinumang mahuling nakikipag-usap sa prinsipe ay lalapatan ng

14
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

parusang kamatayan. Dahil sa matinding kalungkutan ay umalis si prinsipe


Bantugan at nagtungo sa ibang lupain
Sa kasamaang-palad, ang prinsipe ay inabot ng sakit at namatay sa
pintuan ng palasyo ng kahariang nasa pagitan ng dalawang dagat.
Nagulumihanan ang magkapatid na hari ng naturang kaharian at ang
prinsesa nang malaman ang nangyari. Hindi nila nakilala si prinsipe
Bantugan kaya tinawag ang konseho.
Pinagpulungan kung ano ang gagawin. Habang sila’y nagpupulong ay
isang loro ang pumasok sa bulwagan at nagsabing ang nakaburol na
prinsipe ay ang balitang prinsipe Bantugan ng kahariang Bumbaran. Sinabi
rin niya na galing siya sa Bumbaran. Lumipad na ang loro at bumalik sa
Bumbaran.
Ibinalita niya kay haring Madali ang sinapit ng kapatid. Nang malaman
ni Haring Madali ang nangyari sa kapatid ay nanaig ang pagmamahal dito at
napawi na ang kinikimkim na inggit sa kapatid. Kaagad lumipad sa langit
ang hari kasama ang isang kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni
Prinsipe Bantugan.
Ang bangkay naman ni Prinsipe Bantugan ay pinilit ni Prinsesa Dtimbang
na madala sa Bumbaran. Nagdiwang ang lahat nang muling mabuhay si
prinsipe Bantugan. Nanauli sa dati ang mabuting pagtitinginan ng
magkapatid.
Nabalitaan ng Haring Miskoyaw na namatay si Prinsipe Bantugan.
Dating kalaban ni Haring Madali ang naturang hari. Dagli siyang naghanda
upang salakayin ang Bumbaran. Kasalukuyang nagdiriwang ang lahat dahil
sa pagkabuhay ni Prinsipe Bantugan nang sumalakay sina Haring Miskoyaw.
Natigil an pagdiriwang at nagkaroon ng labanan. Buong tapang na
lumaban si Prinsipe Bantugan ngunit dahil sa bagong galing siya sa
kamatayan ay nanghina siya at nabihag. Iginapos siya ngunit nakawala siya

15
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

nang manumbalik ang kanyang lakas. Nilagot niya ang gapos at buong
bangis na nakipaghamok hanggang sa malupig ang mga kaaway.
Dinalaw ni Prinsipe Bantugan ang mga kahariang karatig ng Bumbaran
at pinakasalan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan at umuwi sila
sa Bumbaran. Ipinagbunyi siya ng lahat. Ipinag-utos ni Haring Madali ang
panibagong pagdiriwang. Naging maligaya ang buhay ni Prinsipe
Bantuganhanggang sa kanyang huling sandali.
Wakas…

3. Indarapatra at Sulayman
 Isinalin ni Bartolome del Valle
 Pangalawa sa pagkapopolar sa Darangan
 Kasaysayan ng bayaning emperador ng Mantapuli na si
Indarapatra, pinakadakila sa mga haring Kanluranin
Buod:
Noong unang panahon, ang Mindanao pinapalibutan ng tubig. Walang
ibang makikita kung hindi mga tuktok ng bundok. Masagana ang
namumuhay ng mga tao, ng biglang may lumabas na mga halimaw.

 Kurita
Isang halimaw na may maraming mga paa.
Nakatira sa lupa at sa tubig.
Paborito ang mga bundok namay maraming rattan.
 Tarabusan
Isang halimaw na may anyong tao.
Nakatira sa Bundok Matutum.

16
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Pah
Isang dambuhalang ibon.
Hinaharangan nito ang sikat ng araw upang magdala ng kadiliman
Ang itlog nito ay kasing laki ng isang bahay.
Nakatira ito sa Bundok Bita.

 Ibon na may pitong ulo


Kaya nitong tumingin sa lahat ng direksyon nang sabay-sabay.
Nakatira ito sa Bundok Gurayan.

Nabalitaan ni Rajah Indarapatra ang tungkol sa mga halimaw at sa paghasik


ng mga ito ng lagim. Pinatawag niya ang kanyang kapatid na si Sulayman upang
ipapatay ang mga ahalimaw. Binigyan ni Indarapatra si Sulayman ng isang
espada at isang singsing.
Nagtanim si Indarapatra ng maliit na halaman. Sinabi niya na mabubuhay
lamang ang halaman na iyon kung buhay pa si Sulayman. Mamatay ito kung
namatay si Sulayman.
Pumunta si Sulayman sa Mindanao. Una niyang nakaharap ang Kurita.
Kinagat ng Kurita si Sulayman, ngunit ito ay natalo pa rin ni Sulayman. Mas
tumapang si Sulayman at nagpatuloy sa kanyang paglalakbay. Nakarating siya
ng Bundok Matutum at nakaharap niya ang Tarabusan. Naging matagal ang
kanilang paglalaban kaya napagod ang Tarabusan. Hinimatay ito at pinatay ni
Sulayman.
Sunod na pumunta si Sulayman sa Bundok Bita. Biglang dumilim ang
paligid. Nakita nitong lumilipad ang Pah, kaya sinaksak niya ito ng kanyang
espada. Napatay niya ang halimaw, ngunit nadaganan siya ng pakpak ng Pah at
namatay.

17
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Nakita ni Indarapatra na namamatay ang halaman, kaya pumunta rin siya


sa Mindanao. Nakita niya ang mga buto ng mga halimaw, at nakita niyang patay
na ang kanyang kapatid. May nakita siyang isang lalagyan na may tubig sa loob,
at alam niyang galing ito sa langit.
Ibinuhos niya ang tubig kay Sulayman, at muli siyang nabuhay. Umuwi si
Sulayman, at si Indarapatra na ang nagpatuloy ng kanyang paglalakbay. Pinatay ni
Indarapatra ang huling halimaw.
May nakita si Indarapatra na babae. Hinabol niya ang babae ngunit pumasok ito
sa loob ng kuweba. May matandang babae na lumapit sa kanya at sinabing nakatira
sa ilalim ng lupa ang mga tao.
Kinuwento ni Indarapatra sa mga tao ang nangyari sa mga halimaw. Natuwa
ang pinuno ng tribo kaya pinakasal niya ang kanyang anak na babae kay
Indarapatra.
Wakas…

Kahalagahan ng Epiko
Ang mga epikong Darangan, Bantugan at Indarapatra at Sulayman ay
nagpapakita ng kagitingan at kabayanihan ng mga Moro na nagbibigay sa mga
Muslim ng inspirasyon at pag-asa sa lahat ng mga pagsubok sa kanilang buhay.
Ipinakita rin sa mga epiko ang kaugalian at kultura ng mga Muslim kung saan
ang pagkakaisa at pagtutulungan ay naging sandigan na nakaugat sa paniniwalang
Islam na nagbubuklod sa mga Muslim. Makikita rin ang kaugalian sa pag-aasawa
kung saan pwedeng makapag-asawa ng higit sa isa ang mga lalaking Muslim.
Masasalamin rin sa epiko ang mga magagandang kaugalian na makikita sa
pagsasamahan sa pamilya lalo na sa magkakapatid, sa pamumuno at sa lipunan.
Ito ay nagsisilbing gabay ng mga kabataan sa kasalukuyan upang manatili ang
kultura at pagkakakilanlan ng mga Muslim.

18
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Ang Ifugao ay hindi lamang kilala sa dalawang libong (2,000) taong


gulang na hagdan-hagdang palayan na inukit sa bundok. Bantog din sila sa
paghahabi, paggawa ng mga bagay mula sa bakal at kahoy, mga seremonya at
pagdarasal at ang kanilang epiko- Hudhud at Alim na itinuturing kayamanan ng
Pilipinas. Ang Hudhud ng Ifugao ay idineklara ng United Nation Educational,
Scientific and Cultural Organization (UNESCO) bilang “Masterpiece of the Oral
and Intangible Heritage of Humanity”.

BIDASARI
EPIKO NG MINDANAO

 Ang Epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang Romansang


Malay. Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito'y
pinaalagaan at iningatan ng isang isda, hayop, hlaman o punong kahoy.
Ang Mindanao o Kamindanawan ay ang ikalawang
pinakamalaking pulo sa Pilipinas. Ito rin ang tawag sa isa sa tatlong pangunahing
pangkat ng mga pulo sa Pilipinas. Ang Mindanao ang bukod tanging pook
heograpikal sa Pilipinas na may malaking bilang ng mga Muslim. Isinunod ang
pangalan ng Mindanao sa mga Maguindanaon na bumubuo sa
pinakamalaking Kasultanan ayon sa kasaysayan. Bilang Ikalawang
pinakamalaking pulo sa Pilipinas ang Mindanao na may sukat na 104,630
kilometro kwadrado, at ikawalang pinakamataong pulo sa buong daigdig. Higit na
malaki ang pulo ng Mindanao kaysa sa 125 mga bansa sa daigdig, kabilang
ang Netherlands, Austria, Portugal, Czech Republic, Hungary, at Ireland. Ang pulo
ay bulubundukin, at kung saan matatagpuan ang Bundok Apo, ang
pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Napalilibutan ng 4 na dagat ang
Mindanao: ang Dagat Sulu sa kanluran,[3] Dagat Pilipinas sa silangan, Dagat
Celebes sa timog, at Dagat Mindanao sa hilaga. Sa lahat ng mga pulo sa Pilipinas,

19
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Mindanao ang may pinakamalawig ang pagkakaiba- iba ng pisyograpikong


katangian.

MGA EPIKONG NG MINDANAO


Bidasari
Ulahingan
Bantugan
Indarapatra at Sulayman

KAHULUGAN NG EPIKO
Epiko - ang epiko ay isang uri ng tulang pasalaysay na maaring lapatan ng
himig o tono. Nagpasalin-salin lamang ito sa mga bibig ng tao kung kaya
walang tiyak na may akda nito. Nagsasalaysay ito ng mga kabayanihang
halos hindi mapaniwalaan  pagkat nauukol sa mga kababalaghan. Ito din
ay nagbubunyi sa isang alamat o kasaysayan na naging matagumpay laban
sa mga panganib at kagipitan.
Ang epiko ay nagpapahalaga sa mga paniniwala, kaugalian, at layunin
sa buhay ng mga tao. Pinapaksa dito ang mga kabayanihan at kabutihan ng
isang tao, at maging ang kalagayan ng mga tribo o katutubo.
KASAYSAYAN NG EPIKONG BIDASARI
Ang Bidasari ay maromansang epiko ng mga Malay na tungkol sa
matandang paniniwalang ang buhay ay napatatagal kung ang kaluluwa ng
isang tao ay ipaloloob o paiingatan sa isang hayop, isda, punong-kahoy o
bato. Ang Bidasari ay laganap sa pook ng mga Muslim subalit ito ay hindi
kathang Muslim kundi hiram lamang dahil ang original na katha nito ay
nasusulat sa Malay. Itinuturing itong kawili-wiling tula sa buong panitikang
Malay. 

20
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Ang salaysay ng Bidasari :

Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang


ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng
tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda,
mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mg yungib. Takot
na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y kumkain ng tao.
Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at
sultana ng Kembayat. Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa
laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog.
Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka sa
ilog.
May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang
mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Kanyang pinagyaman at iniuwi sa
bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol
ng Bisari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang gumaganda. Maligaya si
Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang.
Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon
pa lamang kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang
umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan,
kung siya'y mahal nito na sasagutin naman ng sultan na mahal na mahal nia
ang sultana.

Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito
ay makita ng sultan. Kaya't karakarakang inutusan niya ang matapat niyang
mga kabig na saliksikin ang kaharian upang malaman kung may babaeng
higit na maganda sa sultana.

21
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda


kaysa kay Lila Sari.
Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay
gagawing dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na
ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon pinarurusahan.
Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya,
sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag
araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at
hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari. Kinuha
niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.
Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at
ibinabalik sa tubig kung gabi. Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at
muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si
Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa gubat at
doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.
Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya
ang isang magandang palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang
pinto. Pinasok niya ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang
babae na natutulog. Ito ay si Bidasari. Hindi niya magising si Bidasari.
Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang
sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan nabuhay si
Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si Bidasari ang
mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa
palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang naging
reyna.
Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang
ni Bidasari ay matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa
sila ng isang supling. Ito'y si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang

22
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak ng sultan at sultana ng


Kembayat.
Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si
Sinapati at ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-kamukha ni
Sinapati. Itinanong ni Sinipati sa mga magulang kung wala siyang kapatid na
nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura. Nang
magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang
dalawa ay magkamukhang-magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat
ang nawawala niyang anak na si Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura
na ang kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.
Maragtas
(Epikong Bisayas)
Buod:
Ang epikong Maragtas ay kasaysayan ng sampung magigiting, matatapang at
mararangal na datu.  Ang kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula Borneo
patungo sa pulo ng Panay ay buong kasiyahan at pagmamamalaking isinalaysay
ng mga taga-Panay.
Ayon sa ilang ulat at pananaliksik na pinagtahi-tahi at pinagdugtung-dugtong,
ganito ang mga pangyayari:
Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan
na si Sultan Makatunao.  Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng nasasakupan.
Kanya ring pinupugayan ng dangal ang mga babae, pati ang mga asawa at anak
na dalaga ng mga datu na nasa ilalim niya.
Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at
angkinin ng masamang sultan.  Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni Sultan
Makatunao.  Nagbalak ang magigiting na datu na manlaban kay Sultan
Makatunao.  Nag-usap-usap silang palihim.  Naisipan din nilang humingi ng
tulong kay Datu Sumakwel.

23
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Si Sumakwel ay mabait, magalang at matalino.  Alam niya ang kasaysayan


ng maraming bansa at marami siyang alam kung tungkol sa paglalayag.
Dinalaw ni Datu Paiborong at ni Datu Bangkaya si Sumakwel.  Ipinagtapat ng
dalawa ang paglaban na nais nilang gawin.  Ayaw ni Sumakwel sa balak na
paglaban.
Pinuntahan ni Sumakwel si Datu Puti.  Si Datu Puti ay punong ministro ni
Makatunao.  Sinabi ni Sumakwel ang suliranin ng mga datu at ang balak na
paglaban. Ipinasiya nina Sumakwel at Datu Puti ang palihim na pag-alis nilang
sampung datu sa Borneo.  Hindi nila magagapi si Makatunao.  Maraming dugo
ang dadanak at marami ang mamamatay.  Ayaw ni Datu Puti na mangyari ang
ganoon.  Iiwan nila ang kalupitan ni Sultan Makatunao at hahanap sila ng
bagong lupain na maaaring pamuhayan nila nang malaya at maunlad.  Sila'y
mararangal na datu na mapagmahal sa kalayaan.
Nagpulong nang palihim ang sampung datu.  Sila'y tatakas sa Borneo.
Palihim silang naghanda ng sampung malalaking bangka, na ang tawag ay
biniday o barangay. Naghanda sila ng maraming pagkain na kakailanganin nila
sa malayong paglalakbay.  Hindi lamang pagkain ang kanilang dadalhin kundi
pati ang mga buto at binhi ng halamang kanilang itatanim sa daratnan nilang
lupain. Madalas ang pag-uusap ni Sumakwel at ni Datu Puti. Batid ni Sumakwel
ang malaking pananagutan niya sa gagawin nilang paghanap ng bagong lupain.
Silang dalawa ni Datu Puti ang itinuturing na puno, ang mga datung hahanap ng
malayang lupain.
Isang hatinggabi, lulan sa kanilang mga biniday o barangay, pumalaot ng
dagat ang sampung datu kasama ang kanilang asawa at mga anak at buong
pamilya pati mga katulong.  Sa sampung matatapang na datu, anim ang may
asawa at apat ang binata.  Si Sumakwel ay bagong kasal kay Kapinangan, si
Datu Bangkaya ay kasal kay Katorong na kapatid ni Sumakwel.  Ang mag-
asawang si Datu Paiborong at Pabulanan, si Datu Domangsol at ang asawang si

24
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Kabiling, ang mag-asawang si Datu Padihinog at Ribongsapaw, Si Datu Puti at


ang kanyang asawang si Pinampangan.  Ang apat na binatang datu ay sina
Domingsel, Balensuela, Dumalogdog at Lubay.
Ang mga taga-Borneo ay kilala sa tawag na Bisya o Bisaya.  Malakas ang
loob nila na pumalaot sa dagat pagkat batid nila ang pagiging bihasa ni Datu Puti
at ni Sumakwel sa paglalayag.  Nakita nang minsan ni Sumakwel ang isang pulo
makalagpas ang pulo ng Palawan.  Alam niya na ang naninirahan dito ay mga Ati,
na pawang mababait at namumuhay nang tahimik.  Alam din niya kung gaano
kayaman ang pulo.
Nasa unahan ang barangay ni Datu Puti.  Makaraan ang ilang araw at gabi
nilang paglalakbay, narating nila ang pulo ng Panay.  Ang matandang pangalan
nito ay Aninipay.
Bumaba si Datu Puti at naglakad-lakad.  Nakita niya ang isang Ati.  Siya ay
katutubo sa pulong iyon.  Pandak, maitim, kulot ang buhok at sapad ang ilong.
Sa tulong ng kasama ni Datu Puti na marunong ng wikain ng katutubo ay
itinanong niya kung sino ang pinuno sa pulong iyon at kung saan ito nakatira.
Ipinabalita ni Datu Puti kay Marikudo na silang mga Bisaya mula sa Borneo ay
nais makipagkaibigan.
Si Marikudo ay siyang hari ng Aninipay.  Siya ay mabuting pinuno.  Ang lahat
sa pulo ay masaya, masagana at matahimik na namumuhay.  Walang
magnanakaw.  Ang lahat ay masipag na gumagawa.  Kilala rin sila sa pagiging
matapat at matulungin sa kapwa.
Dumating ang takdang araw ng pagkikita ng mga Ati sa pamumuno ni
Marikudo at ng mga Bisaya sa pamumuno ni Datu Puti.  May isang malaking
sapad na bato sa baybay dagat.  Ito ang kapulungan ng mga Ati.  Ito ang
Embidayan.  Dito tinanggap ni Marikudo ang mga panauhin.  Nakita niya na
mabait at magalang ang mga dumating.  Ipinaliwanag ni Datu Puti ang kanilang
layong makipanirahan sa pulo ng Aninipay.  Nais nilang bilhin ang lupain.  Sinabi

25
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

ni Marikudo na tatawag siya ng pulong, ang kanyang mga tauhan at saka nila
pagpapasyahan kung papayagan nilang makipanirahan ang mga dumating na
Bisaya.
Muling nagpulong ang mga Ati at mga Bisaya sa Embidayan.  Nagpahanda si
Marikudo ng maraming pagkaing pagsasaluhan ng mga Ati at mga Bisaya.
Dumating mula sa Look ng Sinogbuhan ang mga Bisaya lulan ng sampung
barangay.  Nakaupo na sa Embidayan si Marikudo kasama ang kanyang mga
tauhan.  Katabi ni Marikudo ang kanyang asawa na si Maniwantiwan.  Nakita ng
mga Ati ang maraming handog ng mga Bisaya.  Ang mga lalaking Ati ay binigyan
ng mga Bisaya ng itak, kampit at insenso.  Ang mga babaeng Ati ay binigyan
naman ng kuwintas, panyo at suklay.  Ang lahat ay nasiyahan.  Nagpakita ng
maramihang pagsayaw ang mga Ati.  Tumugtog ang Bisaya sa kanilang solibaw,
plota, at tambol habang ang mga lalaki naman ay nagsayaw pandigma, ang
sinurog.
Nag-usap sina Marikudo at Datu Puti.  Ipinakuha ni Datu Puti ang isang
gintong salakot at gintong batya mula sa kanilang barangay.  Ibinigay niya ito kay
Marikudo.  Nakita ni Maniwantiwan ang mahabang-mahabang kuwintas ni
Pinampangan.  Ito'y kuwintas na lantay na ginto.  Ibig ni Maniwantiwan ang
ganoon ding kuwintas.  Pinigil ni Maniwantiwan ang bilihan, kung hindi siya
magkakaroon ng kuwintas.  Madaling ibinigay ni Pinampangan ang kuwintas niya
kay Maniwantiwan.
Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo.  Sinabi ni Marikudo, na
kung lalakad sa baybay dagat ng pulo simula sa buwang kiling (Abril o buwan ng
pagtatanim) ay makababalik siya sa dating pook pagsapit ng buwan ng bagyo-
bagyo (Oktubre o buwan ng pag-aani).
Ang lupang kapatagan ay ibinigay ng mga Ati sa mga Bisaya.  Ibinigay rin
nila ang kanilang mga bahay.  Ang mga Ati ay lumipat ng paninirahan sa bundok.

26
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga Bisaya.  Si Datu Bangkaya kasama
ang kanyang asawa na si Katurong at anak na si Balinganga at kanilang mga
tauhan at katulong ay tumira sa Aklan.  Sumunod na inihatid ni Datu Puti sina
Datu Paiborong at asawang si Pabulanon at ang kanyang dalawang anak na si
Ilehay at si Ilohay.  May mga tauhan ding kasama si Datu Paiborong na
kakatulungin niya sa pagtatanim ng mga buto at binhi na iiwan ni Datu Puti at
Datu Sumakwel.  Sina Lubay, Dumalogdog, Dumangsol at Padahinog ay kasama
ni Sumakwel.  Sila ay sa Malandog naman maninirahan.  Nagpaalam si Datu Puti
kay Sumakwel.  Kanyang pinagbilinan si Sumakwel na pamunuang mahusay ang
mga Bisaya.  Nag-aalala si Datu Puti tungkol sa kalagayan ng iba pang Bisaya sa
Borneo sa ilalim ng pamumuno ng malupit na si Makatunao.
Matapos magpaalam kay Sumakwel, umalis na ang tatlong barangay, kay
Datu Puti ang isa, at ang dalawa pa ay sa dalawang binatang datu na sina Datu
Domingsel at Datu Balensuela.  Narating nila ang pulo ng Luzon.  Dumaong ang
tatlong barangay sa Look ng Balayan.  Ipinasya ng dalawang datu na dito na sa
Taal manirahan kasama ang mga "Taga-ilog".  Isang araw lamang at umalis na
sina Datu Puti at Pinampangan upang bumalik sa Borneo.
10 DATU AT ANG KANILANG MGA ASAWA
1. Datu Puti (Pinapampangan), 

2. Datu Sumakwel (Kapinangan), 

3. Datu Bangkaya (Katurong, kapatid ni Sumakwel), 

4. Datu Paiborong  (Pabulanan), 

5. Datu Paduhinogan (Ribongsapaw, 

6. Datu Dumangsol, 

7. Datu Lubay, 

8. Datu Domangsel, 

9. Datu Dumalogdog,

10. Datu Balensuela.


27
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Humadapnon
(Epiko ng Panay)

Ang mag-asawang Musod Burubalaw at Anggoy Ginbitinan ay may mga


anak na lalaki. Isa sa kanilang mga anak ay itinuturing na bayani ng mga Sulod
Pagandra ng Panay Sentral. Ito ay ang kanilang panganay na si Humadapnon.
Nang siya’y magbinata, iginayak niya ang kanyang sarili sa paglalakbay. Nais niya’y
matagpuan ang babaeng kanyang pakakasalan. Ang babaeng nagngangalang
Nagmalitong Yawa, nag-iisang anak nina Labaw at Viva Matanayon ng Ilog Hulanod
ang siyang nagpatibok sa puso ni Humapadnon. Kumuha muna siya ng maliit na
patalim at sinugatan nito ang maliliit na daliri. Matapos iyon, siya ay naglakbay at
nangyaring si Buyung Dumalaplap ang naging kapatid niya sa dugo.
Habang siya’y naglalayag sakay ng kanyang ginintuang Bangka, isang
hindi inaasahang lakas ang dumating. Natangay ang kanyang ginintuang Bangka.
Salamat na lamang at may dumating siyang kaibigang hindi nakikita kaya nakaiwas
siya sa pagkakaipit sa dalawang malalaking bato.
Matapos amg trahedyang ito’y muling nagpatuloy sa paglalakbay si
Humadapnon hanggang sa makarating siya sa dagat na ang tubig ay hindi
gumagalaw, malagkit, maputik at maitim. Matagal pa sana siyang aalis sa lugar na

28
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

iyon ngunit muli na naman siyang tinulungan ng kanyang kaibigang di niya nakikita,
na nagngangalang Saragudon.
Sa pagpatuloy ng kanilang paglalakbay, narrating nila ang lupain
Taraban. Ang lahat ng mga namumuno sa lugar na ito ay pawang babae na
naggagandahan. Sina Simalubay Hanginun, Simahuboli Hubunan at Sinaghating
Bulawan. Sa kagandahan ng magkapatid ay naakit si Humadapnon. Isa rin ito sa
dahilan kung bakit nananatili pa sila sa lugar na ito sa kabila ng pinagbantaan siya
ng kapatid sa dugo na si Dumalaplap.
Nabilanggo siya rito ng halos pitong taon. Sa kabutihang palad, may
nagligtas muli sa kanya. Ito ay si Nagmalitong – Yawa na matapos siyang makawala
ay bigla itong mawala.
Muli niyang pinagpatuloy ang paghahanap kay Nagmalitong Yawa. Napadaan
siya sa isang madilim na lupain na kinakitaan ng mga kaluluwa ng kanyang mga
ninunong yumao na. ang lupaing ito’y nagtataglay ng sampung ilog. Lulan ng
kanyang Bangka, mula sa bulubunduking ito, nagkaroon sila ng paglalaban at agad
naman niyang nagapi ang mga ito. Mula sa ilog na ito ay nadako siya sa ilalim ng
lupa at dito’y nakasugapa niya ang isang hayop na may walong ulo. At nagapi niya
ang hayop. Sa maraming taon niyang paglalakbay, narating niya ang Ilog ng
Hulawod at dito niya nakita si Nagmalitong Yawa. Ito ay kanyang pinakasalan. Sa
gitna ng pagdiriwang may dumating na isang grupo mula sa kalawakan. Mabilis na
kinuha si Nagmalitong Yawa at ito napatay.
Buong tapang na nakisagupa si Humadapnon sa pinuno ng grupo,
sapagkat kapwa may angking lakas ay umabot sa pitong taon ang kanilang
sagupaan. Ipinaalam ni Launsina kay Humadapnon na kulang sa pag-iisip ang
nakalaban ni Humadapnon sa Namurata sa himpapawid upang bigyan ng buhay si
Nagmalitong Yawa.
Nang muling nabuhay si Nagmalitong Yawa ay saka na nila napag-
alaman na ang kalahating katawan nito ay napangasawa ni Amurutha at ang

29
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

kalahati ay napangasawa ni Humadapnon. Mula nang magkaliwanagan ay nanaog


sina Humadapnon at Nagmalitong Yawa sa naging pinuno ng mga tao sa Sulod ng
Panay.

Mga Tauhan ng Epikong Humadapnon

 Musod Burubalaw at Anggoy Ginbitinan – mga magulang ni


Humadapnon.
 Humadapnon – panganay na anak at tinuturing na bayani ng Sulod
Pagandra ng Panay.
 Labaw at Viva Matanayon – mga magulang ni Nagmalitong Yawa.
 Nagmalitong Yawa – nag-iisang anak, babaeng nais pakasalan at
nagpatibok sa puso ni Humadapnon.
 Saragudon – kaibigan ni Humadapnon na hindi makikita.
 Simalubay Hanginon, Simahuboli at Sinaghating Bulawan – ang
tatlong naggagandahang babae na namumuno sa lupain ng Taraban.
 Humalaplap – kapatid sa dugo at kalaban ni Humalaplap.

30
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

LABAW DONGGON
(Epiko ng Bisaya)

Ang epikong ito’y tungkol kay Labaw Donggon na masasabing mahilig sa


magagandang babae. Anak siya isang diwatang si Abyang Alunsina at ng isang
karaniwang nilalang. Kapatid niya sina Humadapnon at Dumalapdap. Kasisilang pa
lamang nila sa daigdig ay nakapagsasalita na sila.

Nang dumating ang panahon ng pagnanais ni Labaw Donggong mag-asawa


na, nagpaalam sa ina upang tumungo sa Handog, isang malayong pook. Sa may
paanan ng Ilog-Halawod ay may nakatirang napagandang babaing si Anggoy
Ginbitinan. Nagpaalam si Labaw sa ina upang magtungo roon. Labag man sa
kalooban ng ina na umalis si Labaw Donggon dahil sa napakabata pa nito’y napilitan
din itong pumayag. Binigyan niya ng damit na may engkanto ang anak. Lumipad ito
sa ibayo ng ulap na dala-dala ng hangin. Nakalagpas ito sa pagsubok ng ina ng
dalaga. Kaya nagtagumpay siya kay Anggoy Ginbitinan.

Ilang linggo lamang silang nagsama, nabalisa na naman si Labaw Donggon.


Nais naman niyang puntahan ang isang magandang babaing siyang patnubay ng

31
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

ilog at bukal. Nakatira ito sa ilalim ng lupa. Ito si Anggoy Doronoon. Hindi siya
napigil ng asawa sa pagtungo sa ilalim ng lupa. Nakamit din niya si Anggoy
Doronoon.

Nagsama sila ng ilang panahon. Pagkatapos, muling bumalik si Labaw


Donggon kay Ginbitinan. Nagsama silang muli. Nabalisa na naman si Donggon
pagkalipas ng ilang panahon. May magandang babae sa paanan ng tagpuan ng
dagat at langit si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata na asawa ni Buyong
Saragnayan. Nais niyang mapangasawa ito. Humingi si Donggon ng pahintulot sa
dalawang asawa upang puntahan si Nagmalitong Yawa. Ayaw man nila, wala silang
nagawa.

Hindi naging madali para kay Donggon na makamit si Nagmalitaong Yawa


sapagkat may asawa na ito. Naglaban sila ni Saragnayan. Inilubog ni Donggon nang
pitong taon sa tubig si Saragnayan, ngunit hindi niya ito napatay. Binayo na niya ito
nang binayo, wala pa ring nangyari. Pinaikut na niya nang pinaikot sa mga ulap si
Saragnayan, hindi pa rin ito namamatay. Siya na ang sumuko sa pagod pagkalipas
ng maraming taon.
Nang mapagod na si Donggon at saka nanlaban si Saragnayan. Sa gayo’y
naitali niya si Donggon at naikulong sa isang kulungan ng baboy, sa ilalim ng
kanilang lutuan.
Samantala, nanganak naman si Doronoon. Isang lalaki. Si Buyung
Baranugun. Nakapagsalita at nakatindig agad ang bata pagsilang sa maliwanag.
Hinanap na ang kanyang ama. Si Ginbitinan man ay nanganak din. Isang lalaking
pinangalang Asu Mangga. Naghanap din ng ama.
Nagkasalubong ang dalawa sa karagatan. Naglalakad sa ibabaw ng tubig si
Baranugun at lulan ng bangka si Asu Mangga. Napag-alaman nilang kapwa nila
hinahanap ang palikerong ama. Nakarating sila sa Lupang Sinisikatan ng Araw.

32
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Sumangguni sila sa kanilang bolang kristal. Napag-alaman nilang nakakulong sa


ilalim ng lutuan ang kanilang ama.
Kahit na mga bata pa sila, nakipaglaban sila kay Saragnayan. Ngunit wala
silang magawa. Hindi nila mapatay si Saragnayan. Pinuntahan ni Baranugun ang
kanyang lolang si Abyang Alunsina upang sumangguni. Sinabi nitong mapapatay
lamang ito kung mapapatay ang baboy-ramong kinatataguan ng hininga nito. Dapat
ding kunin ang puso ng baboy-ramo.

Sa pamamagitan ng kanilang mga engkanto, natagpuan at napatay ng


magkapatid ang baboy-ramong at sa isang iglap, nanghina si Saragnayan. Ito na
ang naging wakas nito. Natamaan siya ng palaso ni Baranugun. Sa dalawang mata
siya napatamaan. Sa lakas ng sigaw niya, nabuwal ang mga puno at nanginig ang
daigdig at nagdilim. Iyon ang unang lindol at unang gabi.

Ngunit hindi nakita ng magkapatid ang ama sa pinagkulungan dito.


Tumulong na rin sina Humadapnon at Dumalapdap sa paghahanap kay Donggon.
Pagkalipas ng maraming araw, natagpuan din nila sa loob ng isang lambat sa
pampangin ng maybahay ni Saragnayan.

Nawala na ang dating kakisigan at kagitingan ni Donggon dahil sa labis na


paghahangad sa magaganda, kahit na may asawa nang dalawaang babae. Ngunit
hindi pa rin tumigil si Donggon. Sinabi niya sa dalawang asawa na nais niyang
mapangasawa si Nagmalitong Yawa. Nagsiklab sa galit ang dalawang babae, ngunit
ipinaliwanag ni Donggon na pantay-pantay ang gagawin niyang pagmamahal at
kinakailangan sa matapang na kawal ang magkaroon ng maraming babae.
Ipinagdasal pa ng dalawang babaing lumakas muli si Donggon. Nagbalik naman ang
dating kakisigan at lakas nito.

33
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Epiko ng mga Bisaya – LAGDA

Apat na epikong may iba’t ibang tema ang kinikilala at itinuturing ng mga
Bisaya na may pinamalaking naiambag sa kanilang kultura.
 Epiko ng Haraya
 Epiko ng Lagda
 Epiko ng Maragtas
 Epiko ng Hinilawod

Epiko ng Lagda
 Ito ay isang kalipunan ng mga tuntunin ukol sa Mabuting Pagtupad sa
Tungkulin sa Pamahalaan na napapaloob sa mga salaysayin at
pangyayari.

 Ang halimbawa nito ay ang:


Kodigo ni Kalantiao
Ilan sa mga batas nito:
 Bawal pumatay, bawal magnakaw, bawal manakit ng matatanda. Ang hindi
makasusunod ay itatali sa bato at lulunurin sa ilog o sa kumukulong tubig.
 Kailangang magbayad ng utang sa tamang oras at kung hindi masunod ito ay
lalatiguhin ng isang daang beses hanggang sa mamatay.

 Walang sinuman ang pwedeng mag-asawa ng napakabata at hindi rin dapat


mag-asawa ng higit pa sa isa.

34
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Ang pagpapalitan ng pagkain ay dapat matapat. Ang tumupad hindi ay


lalatiguhin ng isang oras. Ang umulit sa di pagtupad ay ipapakagat sa
langgam sa loob ng isang araw.
 Dapat sambahin ang mga kagalang-galang na lugar at ang mga puno. Ang
hindi makasusunod sa unang pagkakataon ay magbabayad ng ginto
katumbas ng pagtatrabaho sa ikalawang buwan ay ituturing na siyang alipin.

 Ang pagputol ng puno, ang pagpatay sa matatanda, ang pagpasok sa bahay


ng walang permiso, ang pagpatay sa isda, o anumang uri ng hayop ay dapat
mamatay.

Ang Hari sa Bukid (Epiko ng mga Bisaya)


ni: Al Perez

Buod:
Noon, may isang bundok sa Silangang Luzon na kung saan lahat ng tao ay masaya.
Pangunahing pangkabuhayan nila ang pagtatanim at pag -aani ng tabako.
Pinamumunuan sila ng isang hari na kung tawagin ay Hari Sa Bukid. Isang araw ay
pinatawag niya ang kanyang mga tauhan upang sabihin na siya ay aalis at pupunta
sa malayong lugar kasama ang mga kaibigan niya at kapwa niya hari at
matatagalan ito. Sa loob ng sampung taon ay naging maganda ang takbo ng
produksyon ng tabako dahil narin sa pagtutulong - tulong at pagkakaisa at ang
lahat ay masaya. Ngunit sa paglipas ng panahon, nagbago ang lahat. Lumiit ang
produksyon ng tabako at bawat isa ay naging tamad at hindi inaayos ang kanilang
mga trabaho. Sa pagbabalik ng Hari Sa Bukid galit na galit ito at pinarusahan niya
ang kanyang mga tauhan sa hindi pagsunod sa kanyang bilin kasabay ng malakas
35
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

na lindol kaya humina ang pundasyon ng lupa at pagsabog ng bulkan.At dahil dito


pinarusahan nya ang mga ito,pinadala niya ang tabako sa bundok at gumawa ng
malaking butas. Doon siya naninigarilyo pag nasa wisyo siya. Sa paglipas ng
panahon,kaya pag nakikita ng mga tao ang bulkan na tila sasabog, naaalala nila ang
hari sa bukid na ginagawa ang hilig niya sa paninigarilyo o paggamit ng tabako. Ang
Hari sa Bukid ay kwentong nagmula sa isang makapangyarihang hari ngunit hindi
nakikita na sinasabing nakatira sa Bundok ng Kanlaon.

Bundok ng Kanlaon (Alamat ng mga Bisaya)

Sa bahaging Bisaya ay may isang bundok ng humahati sa Silangan at Kanluran. Ito


ang bundok Kanlaon.

Noong unang panahon, may isang malupit na namiminsala sa mga tao. Ito ay ang
ulupong na may pitong ulo. Nagbubuga ito ng apoy. Wala itong patawad. Waring
walang makakagapi sa ulupong na ito na nakatira sa bundok. Marami na siyang
napatay dahil sa pagbubuga ng apoy kapag nagagalit.

Kumunsulta si Haring Matog sa mga pantas. May manggagamot na nagmungkahing


mag-alay sila sa ulupong ng isang magandang dalaga upang matigil ito sa
pamiminsala.
Ipinaabot naman ng kura paroko sa mga mamamayan ang balita. Sa takot ng mga
kababaihan na baka sila ang ialay ay pinintahan nila ang kanilang mga mukha.

36
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Pumangit ang itsura nila dahil sa mga pinta.


Makalipas ang isang buwan, bigong bumalik ang pari. "Wala na pong natitirang
magandang dalaga. Nasunog po ang kanilang mukha nang abutin sila nang
ibinugang apoy ng ulupong."
Nalungkot ang hari sapagkat maging si Datu Sagay ay nagpatunay sa mga ibinalita
ng pari.
Tanging si Prinsesa Talisay na lamang ang natitirang magandang dalaga rito.
Samantala, isang banyaga ang nagkataong nakabalita sa pananalanta ng ulupong.
Inalok ng binata ang hari ng kanyang tulong. Anito ay siya ang pupuksa sa ulupong.
"Matapang ka, binata. Kung mapapatay mo ang salot na ulupong ay ibibigay ko sa
iyo ang kalahati ng aking yaman. At ipakakasal ko rin sa iyo ang kaisa-isa kong anak
na si Prinsesa Talisay," may paghangang wika ng hari.

Naglakbay si Laon, ang binatang banyaga. Sa paglalakbay niya patungong bundok


ay nakasalubong niya ang isang langgam.
"Hoy, Langgam! Ako si Laon. Pakisabi mo kay Haring Langgam may utos ang
panginoon ninyong si Laon. Lahat ng sundalong langgam ay papuntahin sa bundok.
Papatayin natin ang namiminsalang salot na ulupong. Ito ay para na rin sa ating
kapayapaan."
Gayundin ang sinabi ni Laon kay Haring Bubuyog at kay Haring Lawin na handa ring
tumulong. Lahat sila ay nagtungo sa bundok.
Doon naganap ang umaatikabong bakbakan. Halos matabunan na ang ulupong sa
rami ng umatakeng mga langgam. Pinagkakagat nila ang ulupong. Tinusok naman
ng mga bubuyog ang mga mata ng salot. Hindi nila pansin ang ibinubugang apoy
ng ulupong. Patuloy sila sa laban nila.
Samantala, sa kaharian ay hindi mapalagay ang mga tao. Umiiyak si Prinsesa
Talisay. Humingi siya ng tulong sa kanyang amain na si Datu Sagay. Nagpasya si
Datu Sagay na sundan si Khan-Laon upang pigilan ito sa iba pang binabalak.

37
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Ipinagsisigawan naman ng mga tao na si Prinsesa Talisay ang iaalay sa ulupong


kapag nabigo si Khan-Laon sa labanan.

Nakarating sa bundok si Datu Sagay at ang kanayang mga kawal. Kitang-kita nila na
diniudukot ng lawin ang mga mata ng halimaw at pinagtatagpas ni Khan-Laon ang
mga ulo ng ulupong.
Tuwang-tuwa nang bumalik sa kaharian sina Khan-Laon at ang kanyang mga
kaibigan. Tuwang-tuwa rin si Datu Sagay na ibinalita ang kagitingan ni Khan-Laon.

"Ang lahat pong ito ay hindi ko kayang gawin kung wala ang aking mga kaibigan,
Mahal na Hari. Kaya ang hiling ko lamang ay huwag silang patayin sapagkat tulad
din natin sila na nilikha ng Diyos," pakiusap ni Khan-Laon.

Agad namang ibinigay ng hari ang kanyang ipinangako. Ipinikasal din niya ang anak
na prinsesa kay Laon. Mula noon ay masayang nagsama ang mag-asawa. Tinawag
nilang Kanlaon ang bundok bilang pagkilala sa kabayanihan ni Laon.

EPIKO NG HINILAWOD

Ang Hinilawod ay isa sa pinakamatanda at pinakamahabang epiko ng


Kanlurang Bisaya. Ito’y nagsasaad ng kaunlaran at kultura ng Panay noong unang
panahon. Ito ay inaawit nang mga tatlong linggo, isa o dalawang oras gabi-gabi.
Ang Hinilawod ay hinango sa dalawang salita na “Hini” na ang ibigsabihin
ay “tunog o himig” at ang “Lawod” ay nangangahulugan ng “dagat”. Ang
Hinilawod ay nangangahulugang “Himig ng Dagat” o sa matalinghagang salin ay
katumbas ng “Himig mula sa Dagat”.
Ang Hinilawod ay literal na nangangahulugang “tales from the mouth of
the Halawod River” na nirekord 50 taon na ang nakalipas. Isang bahagi lamang

38
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

ito sa narekord na epiko na sinasabing isa sa pinakamahabang epiko sa Sulod, “mga


grupo ng tao sa kabundukan ng Gitnang Panay”. Dagdag pa ni Jocano, hindi lamang
ito isang piyesang pampanitikan kundi ibahagi ng ritwal pangrelihiyon ng mga
Sulod. Kapansin-pansin sa pagbabasa ng teksto ang mga bahaging nagtataglay ng
mga sagrado at bahagi ng kanilang ritwal sa panggagamot.
Binubuo ito ng 8340 na taludtod na may apat na episodyo o sugidanon: (1)
pangayaw o paglalakbay, (2) tarangban o yungib, (3) bihag, at (4)
pagbawi o muling pagkabuhay.
Ang Paglalakbay ni Humadapnon

Nakatutulog si Buyong Humadapnon sa kaniyang duyan nang nagpakita sa


kaniyang panaginip sina Taghuy at Duwindi, ang mga kaibigan niyang espirito.
Sinabi ng dalawa na marapat nang hanapin ng datu ang kaniyang babaeng
mapapangasawa, na kapantay niya ng uri. Ibig sabihin, anak-maharlika rin, may
kapangyarihan, bulawan ang buhok, may alam sa panggagamot. Ang babae’y si
Nagmalitong Yawa, anak nina Buyong Labaw Donggon at Uwa Matan-ayon.

Humiling si Humadapnon ng permiso sa magulang na maglakbay para hanapin


ang kaniyang mapapangasawa. Sa tulong ng mag-anak, pinagsama-sama nila ang
kanilang mga dugo mula sa daliri at nakalikha sila ng isang datung kapamilya na si
Buyong Dumalapdap. Si Dumalapdap ang makakasama ni Humadapnon sa kaniyang
adbentura, sakay ng ginintuang biday o barangay na pamana pa ng magulang sa
binata.

Bilang preparasyon sa paglalakbay, dumaan muna si Buyong Dumalapdap sa


pagsasanay. Anim ulit siyang sinibat ng kapatid at namatay. Muli naman siyang
binibuhay hanggang sa sumapit ang ikapitong pagsibat at nakayanan ni
Dumalapdap ang iwasan ang rumaragasang patalim na kasimbilis ng kidlat.

39
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Sumulong na ang ginintuang biday ni Humadapnon. May ritwal muna bago ito
isulong sa dagat: pinausukan ng kamanyang at dinasalan para sa maayos na
paglalakbay. Pinaalalahanan ang binata ng kaniyang magulang na mag-ingat sa
engkantadong isla ng Tarangban. May puwersa itong bumubura sa konsepto ng
pinagmulan. Hindi naman natinag si Humadapnon. Hanggang sa narating nila ito at
kaniyang narinig ang paanyaya ng yuta-yutang binukot. Napakaganda ng mga tinig.
At nahalina ang binata. Pinigil naman siya ni Dumalapdap at laging pinapaalala na
marapat nilang puntahan.

Ang Tarangban ay isla ng mga binukot (well-kept maidens). Sa una, ayaw


pagbigyan ni Humadapnon ang paanyaya ngunit nang lumitaw ang pinakabunso,
pinakabatang binukot na si Malubay Hanginon, naakit ang binata at umibis ng
kaniyang sinasakyan. Tinanggap niya ang inaalok na nganga ng binukot. Doo’y
siya’y nakapagtalik sa yuta-yutang mga dalaga. Itinuring ng binata na kalaro at
laruan lamang ang mga binukot. Inabot ng pitong taon ang pakikipagtalik niya ang
mga binukot sa isla.

Nang natauhan si Humadapnon at nagtangkang umalis, nagsara ang yungib ng


Tarangban. Naging bihag ang binata. Nagluksa naman si Dumalapdap sa kapalaran
ng nilang magkapatid. Hindi sila nagtagumpay sa paghahanap ng tamang binibini at
sa pagpapatnubay sa isa’t isa sa tama.

Bumalik sa kanilang tahanan si Dumalapdap. Ipinaalam niya ito sa kaniyang


magulang. Nangako naman ang magulang na gagawin ang makakaya. Hindi
nagtagumpay ang mag-anak. Nangako sila ng pabuyang kayamanan (para sa
lalaking tagapagligtas) at kasal (para sa babae). Hindi nagtagumpay ang
kalalakihan, gayundin ang mga dalagang babaylan. Nanangis sa harap ng

40
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Tarangban si Dumalapdap hanggang sa makaisip ang kaniyang mga kaibigang


espiritong sina Duwindi, Taghuy, at Hangin na pakiusapan ang binibining talaga
naman nilang pakay sa paglalakbay. Mangyari, siya lamang ang maaaring
makapagligtas sa nakulong na binata dahil magkasinlakas sila. Sa paanyaya, pang-
uudyok, at pananakot ng mga espirito, napapayag na rin si Nagmalitong Yawa. Una,
sinabi nilang kapatid ang nakulong. Ngunit ipinagtapat nilang iyon ang binatang ang
diwata ang pakay. Nagbalatkayo si Nagmalitong Yawa bilang lalaki (buyong, datu).
Ang hindi lamang siya maitago ay ang kaniyang matamis na amoy ng isang binukot.
Pagdating nila sa Tarangban, naakit muli ang mga binukot. Binuksan nila ang
Tarangban sa galak na makakitang muli ng makisig na binata.

Bilang nagbabalat-kayong lalaki, nagsa-mandirigma si Buyong Sunmasakay.


Pinaslang niyang lahat ng mga binukot sa isla, maging ang pinakapinunong si Lubay
Hanginon ay kaniyang sinaksak. Tumambad naman si Humadapnon na naengkanto.
Wala na ito sa kaniyang sarili. Sa tulong ni Buyong Sunmasakay at ng mga
kaibigang espirito, ibinalik nila ang buhay (tubig buhat sa ikapitong antas ng langit)
at katinuan ng nabihag na bayani. Hindi naman nagpakilala si Nagmalitong Yawa
bilang tagapagligtas ng lalaki.

Epiko ng Tagalog
 Isang halimbawa ng tagalog kwentong bayan. Karaniwang mga kuwento ng
tauhan na nagsasagupaan laban sa kasamaan at tagumpay sa dulo.
Maraming ibat-ibang uri ng mga epikong tagalog. Ang mga kwento ay
karaniwang maipasa sa pamamagitan ng bibig dahil sa panahon at hindi
nagkaroon ng pagsulat. Sa pre-hispanic, karamihan sa mga komunidad o
mga tribo ay nagkakaroon ng pagtitipon at karamihan sa kanila ay nagsasabi
at nagbabahagi ng mga kwento kaya nagkaroon ng dulaan o Philippine play.

41
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Epiko ng Kumintang:
Kabilang dito ang kaharian ng kumintang, ang epikong ito’y kasaysayan ng
pagsusugo ng Haring Soledan sa kanyang tatlong anak na sina Bagtas, Mandukit
at Dikyaw buhat sa kaharian ng Madjapahit tungo sa Ma-I at Lusong na bahagi
ng kahariang Lontok. Ito ay kasaysayan ng mga pakikidigma ng mga kawal nina
Datu Dumangsil ng Taal at Datu Balkasusa ng Quezon, at Baing Talim at
maraming salawikain at kasabihan ang nailalahad nito.
Iisa ang kanilang pakay at mithiin sa pinapangarap na kaharian sa buong
katagalugan, ang ilugmok at agawin sa mga pinga ang muling nabubuong
kahariang tagalog na pinamumunuan ng dalawang katutubong tagalog na sina
Dayang Pi at Harang Nga noong mas unang panahon. Kasama nila sina Gat Timog
sa pamamahala ng mga balangay sa katagalugan na pinagsisimulan ng adhikaing
magdiwang ayon sa mga itinagong ulat ng kasaysayan na hindi naging pamantayan
ng kasalukuyan. Ang dalawang magkapatid na tagalog na sina Martin at Agustin ay
mula sa angkan ng Pinga na siyang nagpahintulot sa mga Moro at Bisayang Muslim
na nainirahan sa paligid ng lawa ng Maynilad. Umaasa’t naniniwala ang mga
maginoo na ang mga dayuhang tinuran ay mananahan ng tahimik at payapa dito sa
katagalugan. Ganito rin ang iginawad nila sa mga pulutong ng Kapangpangang
nagbalikbayan mula sa timog na pinahintulutan ng mga katutubong mandirigmang
tagalog na makabalik sa Kalookan at Tundo. Sa dakong huli ay sa mga pangpang ng
mga ilog ng lupaing tinawag naman nila noon na pampanga sila naitaboy at
tuluyang nanirahan. Nagmanman ang mga mandirigma at timawang taga-ilog sa
kilos at galaw ng mga dayuhang nagpugad sa gilid ng lawang Maynila. Inabangan
nila kung paano ipagtatanggol ng mga bisaya’t Muslim ang lawa at lupaing naging
kanilang pamayanan laban sa Intsik na si Lim-ah-ong, Hapon na si Siyoko at mga
alagad nila na sa kung anong dahilan o batayan, ay tinaguriang mga pirata o
corsair. Walang ginawang pagtatanggol ang mga nanirahang dayuhan sa lawang

42
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Maynilad. Sa madaling sabi, ang mga mandirigmang tagalog sa pamumuno ng


magkapatid na pinga ang humabol at nagtaboy sa mga pirata daw na nagkaripasan
sa pagtakas dahil sa bangis ng pagtugis ng ating sariling mamamayan, hanggang
makarating sa mga kabundukan at buhanginan ng anawangin ng mga kapatid na
sambal. Hanggang doon sa dalampasigan ng Bulinaw sa Pangasinan na lugar ng
daungang pabalik sa malaking pulo sa kabila ng kanlurang dagat na kanilang
pinagmulan, matapos ang madanak na habulan doon sa lugar ng bani. Karamihan
sa mga Intsik na umurong sa sagupaan at nagtago ay nagpasyang manirahan na
lamang sa pulo ng ginto. At huwag ng bumalik sa kanilang sariling bayan sa ibayong
dagat, at ito ang naging simula ng mga haluang-lahi ng mga intsik sa buong
katagalugan. Mga mahilig sa kasaysayang-mababaw ang nagsabi na ang
Pangasinan ay kaharian ng dayang-dayang dibuka na binaybay ng mga banyaga sa
anyong urdujah pero hindi nila nalaman ang dalagitang si Dibuka ay isang maginoo
at mandirigmang mula sa angkan ng mga katutubong pinga. Isang bulaklak na bago
pa laang bumubuka na ang ibig sabihin ay dalaginding na tapat na igalang ng mga
katutubo ng bulubunduking pamayanan na tinawag nila noon na bagyo. Ayon
naman sa mga matatabil ang dila at isipang malaswa, kasama raw ng mga intsik
ang mga dugong kapangpangan sa pagbalak sa naunsiyaming paglusob sa Maynila,
at ang alyansang Intsik, Kapangpangan aat Kastila. Kasama na rin ang samahang
Meksikano’t Morong bisaya, ang siyang tumupok sa kasaysayang tagalog na dinilig
ng alaala ng isang tunay na maginoong angkan. Paniwala daw ng mga
Kapangpangan na makakatulong nila ang mga intsik sa tuluyang pagsakop nila sa
buongkatagalugan na malaon na nilang pangarap noon pang sila ay naatasan ng
mga maginoong tagalog sa pagpunta sa malayong pulo ng saba, at sila diumano ay
nanggaling sa lahi ng mandirigmang tagalog. Sa kasalukuyang panahon, hindi pa rin
malirip kung paano at bakit malalim ang pananagalog ng mga Kapangpangan.Hindi
sila lubos na tinaggap ng mga namumunong Gat at Dayang sa kahariang Mabunga
dahil sa ang kanilang ugali at wika o pananalita ay nag-iba at nahaluan na ng ibang

43
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

dila. Ito ang dahilan upang ang ating mga katutubo ay magkaroon ng alinlangan sa
hangarin ng mga kapangpangan na itinuturingna nilang mga kapatid sa dugo pa
mandin; na naging dahilan kung kaya sila itinaboy sa dakong hilaga ng pulo ng
ginto sa lugar ng Kandaba upang doon ay mamuhay na payapa at malaya.
Kalaunan, ang kanilang mga sariling angkan ay lumaganap na siyang humarang sa
malayang daluyan ng taal na lahing tagalog sa pagitan ng mga bayan ng Bataan at
Kamaynilaan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maipaliwanag ng mga dalubhasa
daw sa karunungan ang dahilan ng pagkalagot ng malayang daloy ng salitang
tagalog sa dalampasigan at baybayin mula sa Bataan, Pampanga, Tundo at Kawit
na paikot sa lawang Maynila. Ang mga maiitim na layunin ng mga dayuhan ay alam
na ng mga tagalog, at sa pagtatalakayang ginanap ng mga Gat at Dayang, nag-isip
sila ng mga paraan para maampat ang tuluyang pangingibabaw ng lahat ng
banyagang dayuhan dito sa mga lupain at kaharian ng mabunga. Laganap na ang
mga iringang inihahasik ng mga haluang-dugo o mestiso at kailangang kumilos ang
mga katutubo upang labanan ang kakaibang kilusan ng mga bagong mamamayan.
Ang kahariang Mabunga ay malawak na lupaing sinukat ng abot-tingin mula sa
isang amang bundok, na kung bakit binansagan ng mga Kastila na Sierra Madre ay
hindi maipaliwanag. Ang mga tuktuk ng bundok ay namamaybay sa gilid ng
napakalaking dagat ng Luzon at ang amang bundok ang lumalang ng mga ilog at
pangpang ng mga mahiwagang wawa na ang kahulugan ay luha ng langit para sa
mga katutubo. Lumulusong ang tubig nito mula sa mga kambal na burol tulad ng
Pamitinan at Binitayan na humantong o nagbabatis sa dakong timog na tinawag
namang bitukang manok. Ang ilog Wawa naman ay kumakabit sa isang ilog na
tinawag nila na Pasig at parang bitukang nagdurugtong sa lawa Maynilad at lawang
Babaye. Kilala ngayon ang mga ito na Laguna Bay at Manila Bay at ang mga ito ay
ang tahanang katutubo ng mga Pinga sa lalawigan ng Mabunga na nangyari din sa
lumbang at marami pang mga ilog. Mula sa kahariang Mabunga ay nabuhay ang
mga lalawigang nalimutan na rin, gaya ng Kalilaya, Kabikulan, Kalookan, Talam-

44
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

asim at Kumintang na hindi rin nababanggit sa mga aklat ng alaala. Ang mga
lalawigang tinuruan ang bumuo sa pulo ng ginto o luson, na siya namang
bininyagan ng mga bagong pangalan na probinsya ng mga Kastila. Ang ilog Wawa
ay sumusuyod pa lamang noon sa ilog Pasig na malaya pang tumutuloy sa isa pang
lawa na tinatawag noon na Baye o Bai na siyang paanan ng dalawang bantog na
bundok na may taguring Banahaw at Makiling na kapusod ng bundok Mayon sa
katimuran ng kahariang tagalog. Ang mga lupain sa magkabila ng dalawang lawa,
mga ilog at bundok, ang kabuuang lupain ng Mabunga na kaharian ng mga
maginoong tagalog noong unang panahon ay siyang tahanan ng sinaunang lahi ng
mga Pinga. Napakalapit sa katotohanan na ang magkapatid na Martin at Agustin ng
kaharian ng mabunga ang pinagmulan ng maginoong angkan, sila ang mga supling
ng pag-iibigan nina Haring Nga at Dayang Pi, pati na ang iba pang mga sumunod na
angkan na nagkaroon na ng iba’t ibang apelyido na pinagyaman ng maraming dugo
at salin-salin. Ang lawak ng kahariang mabunga ay umabot sa mga pook na kilala
ngayong Bataan, Zambales, Cavite, Laguna, Batangas, Nueva Ecija, Tarlac,
Pampanga, Pangasinan, Quezon at Albay, na humantong din hanggang sa Davao at
Bukidnon. Ang mga bayan ng Gapan, Gumaca, Camalig, Rosario, Baungon,
Bansalan at sa iba pang mga pook ay makikita pa ang pangalan ng barangay na
hindi maipaliwanag maging ng mga katutubo doon kung bakit at paano. Ilan sa mga
naging lahi ng mga maginoong Pinga ay ang mga diwa, malay, isip, mulat, ginoo,
puno, digma, gerero, marselo, pangan, rason, makaraeg, salasar, sanog, sumulong,
salonga, sagisag, pena, pinea, pigna at marami pang mga apelyidong hindi na
mabilang.Intsik, Astek o Mayan, ay napakarami na ang mga henerasyon ng kanilang
lahi na namunga ng marami pang mga pangalan sa maraming sulok ng mundo,
hindi lamang dito sa ating bayan kundi sa ibang bansa na rin at mga pulo ng
napakalawak na dagat na tahimik, na ang naging palatandaan lamang ng kanilang
pinagmulang lahi ay ang mga ilog sa kanilang lugar, maging sa Corsica na pinag-
agawan ng Italya at France sa panahon nina Columbus at Bonaparte. Ang dahilan

45
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

nito ay ang pagkakaiba sa estilo ng mga manunulat at eskribong dayuhan ng siyang


nagbago ng anyo ng ating mga pangalan dahil sa kanilang dilang baluktot. Ang
alpabetong Romano ang pumalit sa baybaying tagalong na dahilan ng pagkalimot
ng identiting tagalong kaya, hindi pa rin mababago ang tunay na hubog at anyo ng
isnag pangalan at ang tunay na kahulugan nito at angking kahalagahan ng
pagkadalisay sa gintong hulmahan ng mga katutubong tagalog. Ang mga
dokumento ng kasaysayan ay nagkakaiba sa paglimbag o pagkasulat, sa lahat ng
mga panahon ng Kastila, Ingles, Hapon, Bisaya, Muslim o Madjapahit o Shri-bidyaya
man, maging mga Hindu at Intsik at iba pang dayuhanng nagbalak at nagbabalak
pa na ipailalim ang kahalagahan ng isang natatanging lahing tagalog. Ano pa man
ang gawin ng mga imbing manunulat, mananalaysay at mananaliksik upang maging
tiwali ang pagkalantay ng pangalang panga, ay hindi sila magtatagumpay kailanman
at saan man, sina Dayang-dayang Pi at Haring Nga ay mananatiling buhay na may
kahulugan bilang dalawa sa pinagmulan ng mga lahi ng mga taong tumubo’t
umusbong sa pulo ng ginto.
Ang Epiko ng Bikol
IBALON

BIKOL
Sentro ng rehiyon
Lungsod ng Legazpi, Albay
Populasyon
5,420,411
Wika
Bikol-Rinconada, Bikol-Albay, Bikol-Pandan, Tagalog, Sorsoganon, Minasbate

Ang Bikol ay isang rehiyon sa Pilipinas at tinatawag ding Rehiyon V.


Binubuo ito ng anim na lalawigan at anim na lungsod: Albay, Camarines Norte,

46
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon. Ang mga Lungsod ay ang mga
sumusunod:

• Lungsod ng Legazpi, Albay


• Lungsod ng Tabaco, Albay
• Lungsod ng Ligao, Albay
• Lungsod ng Masbate, Masbate
• Lungsod ng Naga, Camarines Sur
• Lungsod ng Sorsogon, Sorsogon
Matandang Kasaysayan ng Ibalon
• Ang panahong nasasaklaw ng matandang kasaysayan ng Kabikulan ay
nagsimula noong sinauna hanggang sa pagdating ng mga Kastila sa
pangunguna ni Juan Salcedo noong 1573. “IBALON ” o Ibalnon ang naging
tawag ng mga Kastila sa pook na ito at sa pangalang ito naunang nakilala
ang lupain ng mga sinaunang bikolano.
• Ang naging batayan nito ay ang “ibal” o “ibay” na siyang kauna-unahang
pangalan ng tangway ng Bikol. Ang ibal ay salitang pinaikli na ang Ibalyo
(Bikol) o Ibaylo (Bisaya) na nangangahulugang maging tawiran mula sa
Bisaya patungo sa kabilang ibayo sa dakong timog Luzon.
Katangian ng Epikong Ibalon
• Ito ay binubuo ng animnapung saknong na may apat na taludtod ang bawat
saknong.
• Ang sukat ay labindalawang pantig ang bawat taludtod.
• Ito ay isinalin ni Fr. Jose Castaño sa Kastila
• Ang kayarian ng epikong Ibalon ay nahahati sa dalawang bahagi.
Dalawang bahagi ng Epikong Ibalon
Unang bahagi

47
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Ang kahilingan ni Iling kay Kadugnung na awitan nito ng huli ang mga
pangyayaring nagpapakilala sa kabayanihan ng bayaning si Handyong.
 Ito ay may anim na saknong
Ikalawang bahagi
 Ang awit ni Kadugnung na naglalaman at naglalahad ng mga
pangyayaring naganap noong matagal na panahon.
 ILING
Isang ibon na laganap sa Kabikulan at kung inaalagaan ay maaring
turuang bumigkas ng ilang salita.
 KADUGNUNG
Mang-aawit at matalinong makata at sa kahilingan ni iling ay inawit
niya ang epiko. Siya ang nagsasalaysay ng epiko kay Fr. Jose Castaño.
Ang Ibalon ay matandang pangalan ng Bikol.
Ibalon is an old name for the Bicol region of the Philippines
• Noong 1895, si Prayle Jose Castaño ay may kinaibigang lagalag na mang-
aawit na si Cadungdung. Sa kanya narinig ng pare ang epikong Ibalon.
Itinala at isinalin ng pare sa Kastila ang isinalysay sa kanya ni Cadungdung.
• Ang epiko ay nababahagi sa trilohiya. Inilalarawan dito ang kabayanihan nina
Baltog, Handiong at Bantong.

BUOD NG IBALON
Ayon sa salaysay ni Pari Jose Castaño, batay sa narinig niyang kuwento ng
isang manlalakbay na mang-aawit na si Cadugnong, ang epikong Ibalon ay tungkol
sa kabayanihan ng tatlong magigiting na lalaki ng Ibalon na sina Baltog, Handiong,
at Bantong.  Ibalon ang matandang pangalan ng Bikol.
Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang
malaking baboy-ramo.  Siya'y nanggaling pa sa lupain ng Batawara.  Mayaman ang
lupain ng Ibalon at doon na siya nanirahan.  Siya ang kinilalang hari ng Ibalon.
48
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Naging maunlad ang pamumuhay ng mga tao.  Subalit may muling kinatakutan ang
mga tao, isang malaki at mapaminsalang baboy-ramo na tuwing sumasapit ang gabi
ay namiminsala ng mga pananim.  Si Baltog ay matanda na upang makilaban.
Tinulungan siya ng kanyang kaibigang si Handiong.
Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang
mga dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating at
mga halimaw na kumakain ng tao.  Napatay nila ang mga ito maliban sa isang
engkantadang nakapag-aanyong magandang dalaga na may matamis na tinig.  Ito
ay si Oriol.  Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang mga masasamang hayop sa
Ibalon.
Naging payapa ang Ibalon.  Ang mga tao ay umunlad.  Tinuruan niya ang mga
tao ng maayos na pagsasaka.  Ang mga piling tauhan ni Handiong ay tumulong sa
kanyang pamamahala at pagtuturo sa mga tao ng maraming bagay.
Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural.  Itinuro ni Dinahong Pandak ang
paggawa ng palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan sa pagluluto.
Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela.  Si Ginantong ay
gumawa ng kauna-unahang bangka, ng araro, itak at iba pang kasangkapan sa
bahay.
Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon.  Subalit may isang halimaw na
namang sumipot.  Ito ay kalahating tao at kalahating hayop.  Siya si Rabut.
Nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop na kanyang maengkanto.  May
nagtangkang pumatay sa kanya subalit sinamang palad na naging bato.  Nabalitaan
ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay Handiong upang siyang pumatay kay
Rabut.
Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut.  Kaniya itong
pinatay habang natutulog.
Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut.  Diumano,
masama man si Rabut, dapat ay binigyan ng pagkakataong magtanggol sa sarili

49
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

nito.  Pinarusahan ng Diyos ang Ibalon sa pamamagitan ng isang napakalaking


baha.
Nasira ang mga bahay at pananim.  Nalunod ang maraming tao.  Nakaligtas
lamang ang ilang nakaakyat sa taluktok ng matataas na bundok.  Nang kumati ang
tubig, iba na ang anyo ng Ibalon.  Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon ay sa
pamumuno ni Bantong.

EPIKONG ILOKO – BI-AG NI LAM-ANG


Epiko ng Ilokano - isang epikong patula na mula sa rehiyon ng Ilokos sa
Pilipinas. Sinalaysay at sinulat sa orihinal na wikang Ilokano, sinulat noong 1640 ng
isang bulag na manunulat na si Pedro Bucaneg. 

Tauhan
Lam-ang 
- bayani sa epiko, matapang na mandirigmang may kakaibang lakas.
Igurot tatuan
- tribong nakalaban ni Lam-ang sa paghahanap niya sa ama.
Don Juan
- Ama ni Lam-ang na pinatay ng Igorot tatuan, siya ay isang hasyendero.
Namongan
- Ina ni Lam-ang. 

50
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Ines Kanoyan
- Ang babaeng inibig ni Lam-ang. 
Buod
Sa lambak ng Nalbuan sa Baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union ay may mag-
asawang kilala sa pangalang Don Juan at Namongan.
Nang malapit nang magsilang ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo ng
Igorot ang nayon at pinatay ang maraming tauhan ni Don Juan. Sa laki ng galit,
nilusob naman ni Don Juan ang mga Igorot upang ipaghiganti ang mga tauhan
niya. Hindi na nakabalik si Don Juan sa kanyang nayon. Ang naging balita, siya ay
pinugutan ng ulo ng mga Igorot.
Isinilang ni Namongan ang kanyang anak. Ang sanggol ay nagsalita agad at siya
na ang pumili ng pangalang Lam-ang at siya na rin ang pumili ng kanyang magiging
ninong.
Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama, sumumpa
siyang ipaghihiganti niya ito. Sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay malakas,
matipuno at malaking lalaki na siya. Ayaw man siyang payagan ng kanyang ina
upang hanapin ang bangkay ng kanyang ama, ay nagpilit din si Lam-ang na
makaalis.
Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ang isang mahiwagang
tandang, ang tangabaran, at mahiwagang aso. Baon rin niya ang kanyang talisman
mula sa punong saging. Sa tulong ng kanyang talisman ay madali niyang nalakbay
ang mga kabundukan at kaparangan. Sa laki ng pagod ni Lam-ang, siya ay
nakatulog. Napangarap niya ang mga Igorot na pumatay sa kanyang ama na
nagsisipagsayaw at nililigiran ang pugot na ulo ng kanyang ama. Nagpatuloy si
Lam-ang sa paglalakbay at narating ang pook ng mga Igorot. Nakita niya ang ulo ni
Don Juan na nasa sarukang, isang haliging kawayan.
Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot. Pinauwi ng mga Igorot si Lam-ang upang
huwag siyang matulad sa ginawa nila kay Don Juan. Sumigaw ng ubos lakas si Lam-

51
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

ang at nayanig ang mga kabundukan. Ang tinig niyang naghahamon ay narinig ng
marami kaya’t dumating ang maraming Igorot at pianulanan si Lam-ang ng kanilang
mga sibat. Hindi man lamang nasugatan si Lam-ang. Nang maubusan ng sibat ang
mga Igorot ay si Lam-ang naman ang kumilos. Hinugot niya ang mahaba niyang
itak at para lamang siyang tumatabas ng puno ng saging, na pinapatay niya ang
mga nakalaban.
Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng mga
dalaga ng tribu. Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang mga isda
sa Ilog Amburayan at nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang.
Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang patungo sa Kalanutian upang
manligaw sa isang dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni Lam-ang ang
kanyang mahiwagang tandang at mahiwagang aso.
Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya nag higanteng si Sumarang.
Pinahipan ni Lam-ang sa hangin si Sumarang at ito ay sinalipadpad sa ikapitong
bundok.
Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin ni Lam-ang. Tumahol
ang mahiwagang aso ni Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang mahwagang
tandang. Muling tumayo ang bahay. Napansin si Lam-ang.
Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni Lam-ang
si Ines. Hindi naman tumutol ang mga magulang ni Ines kung magbibigay si Lam-
ang ng panhik o bigay-kaya na kapantay ng kayamanan nina Ines.
Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan ang
mga magulang ni Ines.
Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa simbahan.
Pagkatapos ng kasalan, bilang pgtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian,
kailangang manghuli si Lam-ang ng mga isdang rarang. Nakikinikinita ni Lam-ang
na may mangyayari sa kanya, na siya ay makakain ng pating na berkahan.
Ipinagbilin ni Lam-ang ang dapat gawin sakaling mangyari ito.

52
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat. Nakain siya ng berkahan. Sinunod ni Ines


ang bilin ni Lam-ang. Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang. Tinipon ito at
tinakpan ng saya ni Ines. Inikut-ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang
aso. Tumilaok ang tandang at tumahol ang aso.
Walang anu-ano’y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si
Lam-ang na parang bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog.
Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang niyakap din ang aso at ang tandang.
At namuhay silang maligaya sa mahabang panahon.

Kahalagahan Ng Epiko
Ang epikong Ilokano ay nagpapakita ng magandang kaugalian tulad ng pagiging
matulungin sa kapwa. Sila ay matapang, malakas at matalino.
Masasalamin rin sa epiko ang pagmamahal sa pamilya dahil kaya niyang
ipagtanggol ang kanilang minamahal.

Parang Sabir/Sabil

Parang Sabil
Ang tawag sa patulang salaysay ng mga Tausug ng archipelago ng sulu. Ang sabil
din ay katumbas ng epikong-bayan sa wikang Filipino.
Mula ito sa dalawang salitang Tausug: ang perang na nagangahulugang digmaan
o kaya’y espada at sabil na nagmula sa sabilullah, ibig sabihin ay “sa pamamaraan
ni Allah” kung kaya masasabing ang kahulugan ng parang sabil “lumaban gamit
ang espada ayon sa kagustuhan ni Allah” o kaya “pakikidiigma ayon sa kagustuhan
ni Allah.”

53
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Kadalasan ang parang sabil ay kinakanta tuwing gabi, depende sa bilis ng


tagakakanta.
Habang kinakanta ang parang sabil, sinasabayan ito ng gabbang, instrumentong
gawa sa kawayan na kawangis ng xylophone.
Isang litaw na tema ng parang sabil ang pakikidigma ng Tausug sa dayuhang
mananakop lalo na ang mga espanyol at mga Amerikano. Sa parang sabil ni
Abdulla at Putli Isara na niyurakan ng isang sundalong Espanyol. Isang tampok na
akdang pampanitikan ng mga Tausug ang “Parang Sabil nina Abdulla at Putli’ Isara.”
Inilalahad ng awitin ang danas ng pagtutol batay sa paniniwala, pangarap, at
pagnanasa ng grupo- mula sa armadong pakikibaka hanggang sa pakikidigma sa
pamamaraang itinatakda ng kanilang kultura’t tradisyon.
Hango sa dalawang salita ang parang sabil. Sa pagpapakahulugan sa salitang
parang,apat ang lumalabas na kahulugan nito: una, ang parang na galing sa
parrang na ang ibig sabihin ay paglaban; pangalawa, ang parang na
nangangahulugang uri ng damo; pangatlo, ang Parang na pangalan ng isang maliit
na bayan sa Jolo; at pang-apat, ang parang na mula sa salitang Malay na perang na
tumutukoy sa digmaan. Sa kabilang banda, ang sabil naman ay galing sa salitang
Arabo na Fil-sabill-Allah na ang kahulugan ay “sa paraang ginusto ni Allah”
(Abubakar 1990; Tuban 1992; Rixhon 2010). Kung gayon, ang parang sabil ay isang
paraan ng paglaban.

Sa madaling sabi, ang parang sabil ay nangangahulugang pakikidigma batay sa


historikal, kultural, politikal, panlipunan, pang-ekonomiya, at panrelihiyong
paniniwala ng mga Tausug.

54
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

BATIS, PINAGMULAN, AT IMPLUWENSYA:


ANG PARANG SABIL NG MGA TAUSUG

Ayon kay Thomas Kiefer (1981), ang paniniwala ng mga Tausug tungkol sa
karahasan ay “ultimately of a man’s passion, either in his raw unexamined emotions
or in a rational attempt to reach a passionately desired object” (95). Sa inihaing
depinisyon na ito, mahihinuha ang mga salitang “bugso ng emosyon” (unexamined
emotions) at “katuwiran” (rational). Kung gayon, maipapalagay na ang konsepto ng
mga Tausug ng karahasan ay nagmumula sa bugso ng emosyon at katuwiran o
konstruktibong pagtatangka sa pag-asam sa isang minimithing bagay.
“PARANG SABIL NINA ABDULLA AT PUTLI’ ISARA”
BILANG DISKURSIBONG ARMAS AT HIMIG NG PAGTUTOL
NG MGA TAUSUG

Paksa ng naratibo ang pag-iibigan ng magkasintahang Abdulla at Putli’ Isara, ang


dalagang anak ng panglima—tagapamahala ng bawa’t distrito sa loob ng sultanato
ng Sulu. Ngunit, ang relasyon na ito ay nauwi sa trahedya nang pagsamantalahan
ng isang tenyeteng Espanyol si Putli’ Isara. Nagluwal ang pangyayaring ito ng
tatlong parang sabil: ang parang sabil nina Abdulla at Putli’ Isara; ang parang sabil
ni Matagpis, ang ina ni Putli’ Isara; at ang parang sabil ng nakababatang kapatid ni
Putli’ Isara
Nagsimula ang naratibo sa paglalatag ng pangunahing problemang kinakaharap ng
mga Tausug, ang pagtatayo ng mga dayuhang Espanyol ng hukbong sandatahan sa
Sulu. Sa kasaysayan ng Pilipinas, itinuturing ang taon na 1565 bilang taon ng
pagsisimula ng kolonyalismong Espanyol. . Ito ang taon na dumating ang
ekspedisyon ni Miguel Lopez de Legaspi sa Pilipinas at ang taon din na sinasabing
pagsisimula ng una sa limang yugto ng “Moro Wars” sa pagitan ng mga Muslim at
Espanyol.

55
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Sa naratibong awit, nalalapit na ang takdang araw ng pag-iisang dibdib ng


magkasintahang Abdulla at Putli’ Isara. Ngunit, bago pa man sumapit ang kasal,
nagpaalam ang magiting na si Abdulla kung maaari itong maglayag papuntang
Sandakan kung saan bibilhin niya ang isang mahalagang hiyas na kinakailangan sa
kanilang kasal. Ang Sandakan ang itinuturing na ikalawa sa pinakamalaking bayan
sa Sabah.

Maaaring ipagpalagay na sa panahong saklaw ng naratibong awit, ang Sandakan ay


bahagi at pag-aari pang maituturing ng Sultanato ng Sulu. Matatandaan na
ipinagkaloob ng Sultan ng Brunei ang Hilagang Borneo (Sabah) sa Sultanato ng Sulu
noong 1658 dahil sa pagtulong ng huli sa pagpapapayapa ng madugong rebelyon sa
Brunei.
Sinasabing ang Sulu ang sentro ng kalakalan ng mga bansang gaya ng Tsina,
Pilipinas, Borneo, at Mollucas. Dagdag pa rito, ang Sulu rin ang tumatayong
hangganan na naghihiwalay sa pandagat na rehiyon ng mga Muslim noong ika-18 at
19 dantaon mula sa rehiyon ng mga Kristiyano sa hilaga (Warren 1985, xxi)

Samantala, sa pagkabagot sa pagkawala ni Abdulla, kahit labag sa kautusan ng


amang panglima, nagtungo si Putli’ Isara kasama ang nakababatang kapatid sa
pinakamalapit na ilog upang maligo. Sa hindi inaasahang pangyayari, doo’y
nakatagpo nila ang grupo ng mga dayuhang Espanyol. Hindi nakalampas ang
katangi-tanging rikit at ganda ni Putli’ Isara sa pagsasamantala ng tenyeteng
Espanyol.

Ang Parang Sabil nina Abdulla at Putli’ Isara

56
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Matapos pagsamantalahan si Putli’ Isara habang naliligo sa ilog, nagpahaging na


siya sa amang panglima sa kagustuhang gawin ang parang sabil. Nang malaman ni
Abdulla pangyayaring ito, mabilis ang naging tugon ng binata. Agad itong naghanda
upang maibalik ang malatabat ng kasintahan at mawaksi ang kasipugan. Kasama si
Putli’ Isara, nagtungo si Abdulla sa punong himpilan ng mga Espanyol upang
magsagawa ng parang sabil.
Sa kulturang Tausug, mayroon daw paniniwala na kapag ang isang babae ay
nahawakan ng isang lalaki kahit na sa pinakadulong bahagi ng daliri nito, itinuturing
ito bilang isang malaking kahihiyan o kasipugan dakula (Tuban 1977). Kaya’t
masasabing ang ginawang pagsasamantala ng tenyeteng Espanyol kay Putli’ Isara
ay isang kapangahasan na magpapagalit sa mga Tausug upang lumaban at
ipagtanggol ang kanilang puri.

Magiting mang nakipaglaban ang magkasintahang sina Abdulla at Putli’ Isara at


napatay man ang tenyeteng utak nang pagsasamantala, sa huli, magkasama pa rin
silang nagupo ng grupo ng mga Espanyol. Ngunit masasabi naman na ang
pagkamatay nang magkasintahan ay may basbas at pabuya mula kay Allah.
Tingnan ang tagpo kung kailan namatay ang magkasintahan
When the firing ceased,
The two had already died
They had fallen side by side;
The [Burak] horse nosed them in.
Timbak tagna’ himugpay,
Duwa sila miyatay.
Naligag nag-aabay;
Sin kura’ siyusungay

57
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Ang burak ay sinasabing kalahating kabayo at kalahating tao. Pinaniniwalaang ito


ang nagdadala patungong langit sa mga naghihingalong Muslim na nanatiling
matapat sa kanilang relihiyon hanggang sa kanilang huling hininga (Rixhon 2010).
Sa kultura at tradisyong Tausug, ang sinumang gumawa ng parang sabil (paglaban
sa paraang itinakda ni Allah) ay bibigyang pabuya sa pamamagitan ng paglalakbay
sa langit sa pamamagitan ng pagsakay sa nakasisilaw na burak.

Ang Parang Sabil ni Matagpis, ang ina ni Putli’ Isara

Mabilis kumalat ang balita tungkol sa sinapit ng magkasintahang Abdulla at Putli’


Isara. Nakarating na din ito sa amang panglima ni Putli’ Isara, ngunit, hindi pa rin
ito natinag sa narinig na balita. Samantala, nang malaman ni Matagpis, ang ina ni
Putli’ Isara, ang sinapit ng anak, nagdesisyon itong kunin ang bangkay ni Putli’
Isara. Pangunahing motibasyon ni Matagpis ang muling ibangon ang dangal ng
pamilya at anak sa pamamagitan ng parang sabil.
Kahit na labag sa kagustuhan ng asawang panglima na kunin ang bangkay ng
nasawing anak dahil sa ginawa nitong pagsuway, hindi nagpapigil si Matagpis sa
pasya nitong ituloy ang parang sabil. Maging ang nakababatang kapatid ni Putli’
Isara ay nagnais ding sumama sa kanyang ina, ngunit hindi ito pinayagan ng amang
panglima.
Hindi tulad ng asawang panglima, nakidigma si Matagpis upang ipagtanggol at
ipaghiganti ang anak at liping Tausug na inabuso ng mga dayuhang Espanyol.
Narito ang isang tagpo sa naratibong awit na naglalarawan
sa ugali ng panglima:

The panglima then said,


“I will never pick [her] up.
Whatever is the problem,

58
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

That is up to you.”
123 “There is nobody like you;
You’re too much of a coward
That you do not feel shame
Before men like you.”
124 “Why should I feel ashamed
When I have plenty of money after all?
If the people can see what I have
At home, they would be envious.”

Balangkas ng Kurso
An Outcome – Based Education (OBE) Course Syllabus

I. Bilang at Pamagat ng Kurso: Filipino 323 – Mga Epikong Filipino


II. Deskripsyon ng Kurso:
Ang kursong ito ay tungkol sa pag-aaral ng mga Epikong Filipino at
angkaugnayan nito sa pag-uugali o katangian at kasalukuyang pamumuhay ng tao.
III. Prerekwesit ng Kurso: Wala
IV. Bilang ng Yunit: 3 yunit
V. Kinalabasan ng Kurso:
Pagkatapos ng kursong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang magkaroon ng :
1. Natutukoy ang mga katangian at pag-uugali ng mga Pilipinong ipinapakita sa
mga epikong Pilipino.

59
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

2. Nakakatiyak sa kung anu-anong sangkap sa mga epiko ang nagpapatunay na


ang mga ito ay bahagi nan g ating kultura bago pa man dumating ang mga
dayuhan.
3. Napapalawak ang kaalaman sa iba’t ibang epiko.
VI. Mga Nilalaman ng Kurso
1. Ang Epiko
A. Pagpapakahulugan
B. Kaligirang Pangkasaysayang ukol sa Kapanahunan ng mga Epiko:
 Ang mga Malay
 Impluwensya ng Cambodia
 Ang Kaharian ng Madyapahit
 Ang Pananakop ng mga Intsik
 Ang kaharian ng Malacca
C. Mga Katangian ng Kapanahunan ng mga Epiko
D. Ang mga Epiko Bago Dumating ang Kastila
 Epiko ng Ipugaw
 Ang Hudhud
 Ang Alim
 Ang “Darangan” ng mga Moro
 Ang Prinsipe Bantugan
 Ang Daramoke-a-babay
 Ang Indarapatra at Sulayman
 Ulahingan (Mindanao/Manobo)
 Ang Bidasari (Mindanao/Muslim)
 Mga Epiko ng Bisaya
 Maragtas
 Humadapnon
 Labaw Donggon (Iloilo)

60
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Haraya
 Lagda
 Hari ng Bukid
 Hinilawod
 Bundok Kanlaon
 Ang Epiko ng mga Tagalog
 Kumintang
 Ang Epiko ng Bikol
 Ibalon
 Ang Epiko ng mga Iloko
 Biag ni Lam-ang
 Ang Epiko ng Bagobo
 Tuwaang
 Mga iba pang Epiko:
 Parang Sabir
 Dagoy at Sudsud
 Kabunian at Bondian
VII. Krayterya sa Pagmamarka

Katayuan sa klase - 20%


Pagdalo sa klase - 10%
Mga Kinakailangang Kurso - 30%
Panggitna/Panghuling Pagsubok- 40%
Kabuuan - 100%

VIII. Iba pang kailangan ng kurso


 Pag-ulat
 Modyal
61
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

 Kopya ng Ulat

62

You might also like