You are on page 1of 2

Ang Naguguluhang Galunggong

Lumalangoy-langoy si Gigi sa dagat habang naghahanap ng mga


sagot sa katanungan na ibinigay ng kaniyang guro sa klase. Marami-
rami na rin ang mga tanong ng guro kahit na halos wala pang isang
buwan nang magsimula ang klase sa Paaralan ng Pulang Basura.
"Magandang araw, Aling Maya-maya!" wika ng batang
galunggong kay Aling Maya-maya, ang kilalang manininda ng
arosep sa kanilang pamayanan. bang "Napadaan ka, Gigi. Ano'ng
atin?" tanong ng tindera. "Ah, kasi may takdang-aralin po kami sa
eskuwelahan," wika ng bata. Binanggit ni Gigi ang takdang-aralin
tungkol sa lawak ng karagatan sa mundo. "Gigi, paumanhin. Kaunti pa lang ang nalalangoy ko sa ating
pamayanan. Takot akong pumunta sa madilim na bahagi ng ating lugar. Hindi ko alam ang kasagutan sa iyong
tanong. Maaari kang pumunta sa lugar ni Mang Sapsap," wika ni Aling Maya-maya. Agad na tumungo sa
pagupitan ng kaliskis ni Mang Sapsap si Gigi. "Magandang araw, Mang Sapsap! Puwede bang magtanong sa
inyo?" wika ni Gigi.
Ibinaba ni Mang Sapsap ang hasaan sa tukador at tumingin kay Gigi. Tinanong niya ang tanong ni Gigi at
magiliw naman itong sinabi ni Gigi. Umiling lang si Mang Sapsap sa tanong ni Gigi. "Sa iba ka na lang
magtanong Gigi, hindi ko alam ang sagot. Simula pa nang ipinanganak ako ng aking ina, dito na ako namuhay,
hindi ko hinangad na lumayo pa. Mabuti siguro kung pumunta ka sa mga kapulisan at maaari mong itanong
ito," wika ni Mang Sapsap.
Agad naming pumunta si Gigi sa presinto. Naabutan niya sina Tinyente {usit, Kapitan Hiwas, at ilan pang
kababayan sa karagatan.
"Magandang umaga sa inyo, Tenyente Pusit at Kapitan Hiwas! Sa inyo rin, Ate Imelda at Kuya Lapulapu.
Sino po ba rito ang ang nakalangoy na sa pinakamalayong bahura sa ating karagatan?"
"Ako! Nakapagpatrol na ako sa pinakamalayong kabihasnan sa katubigan!" pagmamayabang ni Tenyente
Pusit. tanong ni Gigi.
"Gaano naman po kalayo ang napuntahan ninyong bahura?" tanong ni Gigi. Hindi nakasagot si Tenyente
Pusit. Nag-isip siya nang malalim, nagtataka, at hindi lubos masukat ang lawak ng napuntahang bahura. "Hindi
ko na masukat, Gigi. Basta sobrang layo nito," wika ni Tenyente Pusit.
"Para saan ba ang iyong itinatanong mo, Gigi?" nagtatakang tanong ni Kapitan Hiwas. "May takdang-aralin
po kami sa Paaralan ng Pulang Bahura," wika ng batang galunggong. "Kailangan naming malaman ang lawak
ng karagatan, at kung saan ang pinakamalalim. Kailangan naming kapanayamin ang mga may edad na para
malaman ang sagot," nagtatakang sambit ni Gigi.
Nag-usap-usap ang naroon sa piitan. Naghuntahan sila kung sino ba ang maaaring mapagtanungan ni Gigi.
Kailangan naming malaman ang lawak ng karagatan, at kuns naming kapanayamin ang mga may edad na para
malaman ang sagot," Gigi. Nag-usap-usap ang naroon sa piitan. Naghuntahan sila kung sino ba ang maaaring
mapagtanungan ni Gigi.
"Pumunta ka sa aklatan sa Bahurang Bughaw. Naroon ang sagot. Malaki ang maitutulong ni Ginoong
Alimango sa 'yo," wika ni Kuya Lapulapu na sinang-ayunan naman agad ni Ate Imelda. "Subalit tanghaling-
tapat na! Baka hanapin ka ng iyong ina," pahabol pa ni Ate Imelda.
"Nagpaalam po ako kay Ina. Maraming salamat sa inyo! Agad na akong pupunta!" masayang sambit ni
Gigi.
Naglalangoy na siya tungo sa aklatan. Hindi niya maubos-maisip kung gaano kalaki ang karagatan. Hindi
niya namalayang nasa pinto na siya ng aklatan. "Magandang araw, Ginoong Alimango!" bati ni Gigi.
"Magandang araw rin, Gigi. Ano'ng atin?" wika ni Ginoong Alimango. "Nais ko po sanang malaman ang
lawak ng karagatan at ang pinakamalalim na bahagi nito," wika ni Gigi. "lyon lang ba? Halika, samahan mo ako
sa loob at kunin natin ang Libro ng Karagatan," wika ni
Ginoong Alimango.
Lawak ng Pinakamalalim
Nang makuha na ang libro, nakita na ni Gigi ang karagatan=
sagot. Nakuha na niya ang sagot sa kaniyang tanong. na bahagi=
3.6 X 108KM2
10,994METRO
"Maraming maraming salamat po, Ginoong
Alimango! Ibabahagi ko ang kaalaman sa aking mga
kasamahan at kakilala sa aming lugar," wika ng isda.
Pauwi sa bahay-bahura ni Gigi, nasalubong niya ang
matatandang napagtanungan at sinabi ang kasagutan sa
kaniyang tanong.

GAWAIN 3. Pagtatalakay sa akda


Panuto: Sagutin ang mga tanong.
1. Bakit mahalagang magtanong para makatuklas ng bagong kaalaman?
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
3. Ano ang kaniyang takdang aralin?
4. Sino-sino napagtanungan niya tungkol sa takdang aralin? Ano ang sagot nila?
5. Sino ang nakapagbigiay ng impormasyon sa kaniya?
6. Ano ang mabuting katangian ni Gigi na nakatulong upang malaman niya ang sagot sa kaniyang
takdang aralin?

You might also like