You are on page 1of 15

MGA DAKILANG AMA NG

PANITIKANG PILIPINO
Dr. Jose P. Rizal
Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa
Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco
Mercado at Gng. Teodora Alonzo.
Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa
bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng
Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan.
Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at
Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia
noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at
Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng


mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan
tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at
maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Bonifacio at ipinatapon sa Dapitan
noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga
maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito
sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.

Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano
at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon
nakulong siya sa Fort Bonifacio.
Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang
nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.
Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang
Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay
Luneta).

Marcelo H. Del Pilar


Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (Agosto 30, 1850 - Hulyo 4, 1896), kilala rin
bilang ang "Dakilang Propagandista", ay isang ilustrado noong panahon ng Espanyol. Ang
kanyang pangalan sa dyaryo ay Plaridel. Binili niya kay Graciano Lopez Jaena ang La
Solidaridad at naging patnugot nito mula noong 1889 hanggang 1895. Dito niya isinulat ang
kanyang pinakadakilang likha ang La Soberania Monacal en Filipinas at La Frailocracia Filipina.
Isinulat rin niya ang “Dasalan at Tuksuhan” na tumitira sa mga mapang-abusong prayle.

Isinilang si Marcelo H. del Pilar sa isang nayon sa Cupang, San Nicolas, Bulacan noong
Agosto 30, 1850. Siya ang bunso sa sampung magkakapatid ng mayamang pamilya nina Don
Julian del Pilar, isang gobernadorcillo at Doña Blasa Gatmaitan. Hilario ang dating apelyido ng
pamilya niya. Ang apelyido ng pamilya nila'y isina-Kastila bilang pagsunod sa kautusan ng
Gobernador-heneral Narciso Claveria noong 1849. Ang kanyang kapatid na si Padre Toribio H.
del Pilar ay isang pari na ipinatapon ng mga Kastila sa Guam noong 1872.

Si del Pilar ay nagsimulang mag-aral sa kolehiyong paaralan ni Ginoong Jose A. Flores at


lumipat sa Colegio de San Juan de Letran at muling lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas
kung saan huminto siya ng walong taon sa pag-aaral pero natapos din sa kursong abogasya
noong 1880. Noong Hulyo 1, 1882, itinatag niya ang Diariong Tagalog (ayon kay Wenceslao
Retana, isang Kastilang manunulat, ang unang labas ay inilathala noong Hunyo 1, 1882) kung
saan binatikos niya ang pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan. Humingi siya
ng mga kaukulang pagbabago. Ilan pa sa kanyang mga isinulat ay ang mga sumusunod: Dudas,
Caiingat Cayo, Kadakilaan ng Diyos, Dasalan at Tuksuhan, Sagot ng Espanya sa Hibik ng
Pilipinas, Pasyong Dapat Ipag-alab nang Puso ng Taong Babasa, La Soberania Monacal en
Filipinas, at La Frailocracia Filipina. Nakipag tulungan si Marcelo sa kaniyang mga kakampi
upang mapatalsik nila ang mga kalaban.

Noong 1888, sumulat siya ng manipesto na naglalayong patalsikin ang mga prayle sa
Pilipinas, na nilagdaan ng 810 katao sa isang pambayang demonstrasyon at iniharap sa
Gobernador ng Maynila. Ipinagtanggol din niya ang mga sinulat ni José Rizal kagaya ng Noli
Me Tangere laban sa mga prayleng sumasalakay rito. Nang pinag-uusig siya ng mga Kastila at
noong 1888, tumakas siya patungo ng Espanya sanhi ng kanyang panawagang pagpapatapon sa
Dominikanong Arsobispo Pedro P. Payo.

Pagdating sa Espanya, pinanguluhan niya ang pangkat pampulitika ng La Asociacion


Hispano-Filipino (Ang Samahang Kastila-Pilipino) noong Enero 12, 1889, isang samahang
pambayan na binubuo ng mga Pilipinong propagandista at mga kaibigang Kastila sa Madrid
upang manawagan sa pagkakaroon ng pagbabago sa Pilipinas. Pagkatapos, pinalitan niya si
Graciano Lopez Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad noong Disyembre 15, 1889, isang
pahayagang pampulitika na inilathala minsan tuwing ikalawang linggo na siyang nagsilbi bilang
tinig ng Kilusang Propaganda. Naglathala din siya ng mga liberal at progresibong artikulo at
sanaysay na nagbunyag sa kalagayan ng Pilipinas.

Labis na naghirap si del Pilar sa pagpapalimbag ng La Solidaridad. May panahong hindi


kumakain at may panahong hindi natutulog ang manunulat. Upang makalimutan ang gutom, may
panahong namumulot siya ng mga nahithit na sigarilyo sa mga daan. Ang pondo para sa pag-
papalimbag ng pahayagan ay paubos na. Malaking suliranin sa kanya ang walang tulong
pinansyal na dumarating mula sa Pilipinas dahilan kung bakit huminto ang paglalathala ng
pahayagan noong Nobyembre 15, 1895 sanhi ng kakulangan sa pondo. Kahit gaano ang hirap na
dinadanas niya, nagpatuloy pa rin siya sa pagsusulat para sa ikalalaya ng Pilipinas.

Katulad ni Andres Bonifacio, naniwala siya sa paghihimagsik. Dahil dito, nagpasya


siyang umuwi ng Pilipinas upang tumulong kay Bonifacio. Sa Barcelona ay nagkasakit siya ng
tuberkulosis. Malubha man ang kalagayan ay tinangka pa ring magtungo sa Hong Kong upang
doon man lang ay mapakilos niya ang kanyang mga kababayan. Ito'y di na niya naisagawa
sapagkat namatay siya sa isang maliit na ospital sa Barcelona, Espanya noong Hulyo 4, 1896 sa
gulang na 45.
Jose Palma
Si Jose Palma ay isang makata at sundalong Pilipino. Siya ay naging tanyag sa pagsulat
niya ng Filipinas, na naging titik ng pambansang awit ng Pilipinas.

Siya ay isinilang sa Tondo, Maynila noong ika-6 ng Hunyo, 1876. Siya ay kapatid ni
Rafael Palma na naging pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang kanilang mga magulang ay
sina Hermogenes Palma at Hilaria Velasquez. Nakatagpo ni Jose Palma noong nag-aaral siya sa
Ateneo Municipal de Manila, si Gregorio del Pilar na naging pinakabatang heneral ng mga
hukbong manghihimagsik. Kahit bata pa sa Ateneo Municipal, si Jose Palma ay kumatha ng mga
lirikong tula at pinahanga ang marami sa pamamagitan ng pagpapalimbag ng isang aklat ng mga
tula noong siya’y labimpitong taong gulang pa lamang. Ayon sa kanyang kapatid na si Dr.
Rafael Palma, si Jose ay tahimik at mahiyain subalit emosyonal at romantiko.

Ang kanyang pag-aaral ay naantala nang maganap ang Unang Sigaw sa Balintawak
noong Agosto, 1896. Dahil sa pag-ibig sa bayan ay sumama siya sa pangkat ni Koronel Rosendo
Limon at nakipaglaban sa ilalim ni Heneral Servillano Aquino.

Noong ikalawang bahagi ng labanan sa pakikipaglaban sa mga Amerikano para makamit


ang kalayaan ay nakasama siya sa editorial staff ng noo'y popular na pahayagang La
Independencia. Dito niya napatunayan na higit siyang isang manunulat kaysa isang kawal.

Sumama sa himagsikan noong ito’y maging laban sa mga Amerikano. Nguni’t kahit
taglay niya ang damdamin at sigla ng paghihimagsik, ang mahina niyang katawan ay hindi
mailaban sa higpit at hirap ng buhay sundalo, kaya’t ginugol niya ang kaniyang panahon sa
panlilimbag sa mga kawal na manghihimagsik sa pamamagitan ng kaniyang mga kuniman.

Nakilala siya sa kanyang tulang Filipinas na siyang pinaghanguan ng mga titik na inilapat
sa tugtuging nilikha ni Julian Felipe bilang tugon sa kahilingan ni Heneral Emilio Aguinaldo kay
Julian Felipe na gumawa si Felipe ng isang tugtuging martsa. Ang ambag niya sa panitikang
Pilipino, ang mga titik ng Pambansang Awit ng Pilipinas, sa Kastila. Sinusulat niya ang mga titik
na ito habang ang pulutong ng kawal na kinabibilangan niya ay nakahimpil sa Bautista,
Pangasinan. Ang Filipinas na sinulat ni Palma noong buwan ng Agosto, 1899, ay nalimbag sa
unang pagkakataon sa pahayagang La Independencia noong Setyembre, 1899. Ang mga letra ni
Palma ay bihira nang awitin ngayon sapagka’t ang salin sa Ingles at Tagalog ang siyang lalong
gamitin. Ang isa sa mga pinaka-madamdaming tula ni Jose Palma ay ang tulang De Mi Jardin
(Mula sa Aking Hardin).

Ang iba pang mga tulang makabayan ni Palma na nasulat ay Rizal en la Capilla, Al
Album Muerto, Filipinas Por Rizal Al Martir Filipino at La Ultima Vision.

Ang kanyang talambuhay na sinulat niya sa anyo ng tula ay may pamagat na Iluciones
Marcitas (1893). Sa tulang ito ay idinaing niya nang paulit-ulit ang matindi niyang pagdaramdam
sa kaisa-isang babaing kanyang minahal na si Florentina Arellano.

Ang mga kundiman ni Jose Palma ay punung-puno ng damdamin ng pag-ibig.


Pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano noong 1902 ay nagpatuloy siya sa pagsusulat. Ito
ang naging hanapbuhay niya. Nagkaroon siya ng pitak na Vida Manileija sa pahayagang El
Renacimiento. Sumulat din siya ng mga tula at artikulo sa mga pahayagang El Comercio, La
Moda Filipina, La Patria, La Union, at Revista Catolica.

Ang kanyang mga tulang madamdamin na sa ngayon ay mahalagang bahagi ng ating


panitikan ay tinipon at ipinalimbag ng kanyang kapatid na si Dr. Rafael Palma. Ang kanyang
mga tula, tinipon sa isang aklat na pinamagatang “Melancolicas” (Mga Panimdim) ay inilathala
ng kanyang kapatid ng panahon na ng Amerikano.

Maaga siyang binawian ng buhay sa edad na 30 noong Pebrero 12, 1903.

Apolinario Mabini
Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864—Mayo 13, 1903), kilala bilang ang "Dakilang
Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay isang Pilipino theoretician na nagsulat ng konstitusyon ng Unang
Republika ng Pilipinas noong 1899-1901, at naglingkod bilang ang kauna-unahang punong ministro
noong 1899. Ipinanganak siya sa Talaga, Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina
Inocencio Mabini at Dionisia Maranan.

Siya ay natuto ng abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay sa kanyang ingkong natutuhan.
Nag-aral siya sa mataas na paaralan at nagpatuloy sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan natamo
ang katibayan sa pagka-Bachiller en Artes at naging propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng Santo Tomas
naman siya nakapagtapos ng pagkaabogado noong 1894. Samantalang nag-aral ng batas, sumapi siya sa
La Liga Filipina ni Jose Rizal.

Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng "infantile paralysis" na lumumpo sa kanya. Ipinasundo


siya ni Aguinaldo at sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na ipinatawag ni Aguinaldo at hinirang siyang
opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini
bilang kalihim panglabas (prime minister) at pangulo ng mga konseho. Sa panahong ito isinulat niya ang
kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo".

Noong 1899, si Mabini ay nadakip ng mga Amerikano sa Nueva Ecija at ipinabilanggo. Kanyang
isinulat noon ang "Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang Filipino", "El Simil de Alejandro", at "El
Libra". Noong ika-5 ng Enero, 1901, si Mabini ay ipinatapon sa Guam, ngunit kusa siyang nagbalik sa
bansa noong Pebrero, 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa Estados Unidos. Siya ay nagkasakit ng
kolera at namatay noong ika-13 ng Mayo, 1903 sa Nagtahan, Maynila.

Ayon sa paglalarawan sa kaniya ni Arthur MacArthur, Jr., “Mabini is a highly educated young
man who, unfortunately, is paralyzed. He has a classical education, a very flexible, imaginative mind, and
Mabini's views were more comprehensive than any of the Filipinos that I have met. His idea was a dream
of a Malay confederacy. Not the Luzon or the Philippine Archipelago, but I mean of that blood. He is a
dreamy man, but a very firm character and of very high accomplishments. As said, unfortunately, he is
paralyzed. He is a young man, and would undoubtedly be of great use in the future of those islands if it
were not for his affliction.”

Jose Corazon de Jesus


Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz , Manila noong Nobyembre 22, 1896
na anak nina Vicente de Jesus, ang unang direktor ng kagawaran ng kalusugan ng pamahalaang
Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng Pampanga. Bininyagan siyang Jose Cecilio de Jesus
ngunit pinalitan niya ang celio ng Corazon (puso sa Español) dahil iyon daw ang tumutugma sa
kanyang katauhan.

Lumaki si De Jesus sa bayan ng kanyang ama, sa Santa Maria, Bulacan. Nag-aral siya sa
nasirang Liceo de Manila kung saan siya nagtapos noong 1915. Ang una niyang tula na
nailimbag ay ang Pangungulila na lumabas noong 1913 sa nasirang Ang Mithi noong siya ay 17
taong gulang. Sino nga ba ang asawa niya?

Noong 1918, nakuha niya ang kanyang batsilyer ng batas mula sa nasirang Academia de
Vera ngunit hindi niya pinagpatuloy ang kanyang pagiging abogado dahil abala na siya sa
pagsulat ng isang kolum ng mga tula sa pahayagang Tagalog na Tuliba. Ang kolum ay tinawag
na Buhay Cavite na isinulat niya sa pangalang-pluma na Huseng Batute. Sa pamamagitan ng
kanyang kolum, pinuna ni De Jesus ang lipunan sa ilalim ng mga mananakop na Amerikano at
pinalaganap niya ang mithiin ng kasarinlan ng Pilipinas na noo'y isang commonwealth sa ilalim
ng pamahalaang Estados Unidos.

May mga 4,000 tula siyang naisulat sa kanyang kolum na Buhay Cavite. Sumulat din siya
ng mga 800 kolum na pinamagatang Ang Lagot na Bagting. Paborito niyang pangalang-pluma
ang Huseng Batute ngunit sumulat din siya sa ilalim ng mga pangalang Pusong Hapis, Paruparu,
Pepito Matimtiman, Mahirap Dahong Kusa, Paruparong Alitaptap, Amado Viterbi, Elyas,
Anastacio Salagubang at Tubig Lily'

Noong Marso 28, 1924, si De Jesus ay isa sa mga pangunahing manunulat sa Tagalog na
nagpulong sa Instituto de Mujeres sa Tondo, Manila upang pagusapan ang pagdiriwang ng
kaarawan ng makatang Tagalog na si Francisco Balagtas sa Abril 2. Ang pulong ay tinawag at
pinamunuan ng manunulat na Rosa Sevilla. Napagpasyahan ng mga manunulat na magpalabas
ng tradisyonal na duplo, o isinadulang debate sa tula na uso noong araw ngunit nalalaos na
noong mga 1920. Pinalitan nila ang porma ng duplo at binansagan itong balagtasan para kay
Balagtas.

May tatlong pares ng mga makata na sumali sa unang balagtasan na ginanap noong Abril
6, 1924 sa Instituto de Mujeres, na itinatag ni Sevilla. Naging matagumpay ang balagtasan at
nakagiliwan ng mga manonood ang pares nina De Jesus at Florentino Collantes.

Sumikat ng lubusan ang balagtasan at ito ay naging karaniwang palabas sa mga


pinakamalaki at pinakamahal na teatro sa Maynila hanggang noong dekada ng 1950. Pinagtapat
sina De Jesus at Collantes at ginawa silang magkaribal at nagtakda ng isang tagisan ng galing
noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium. Si De Jesus ang nanalo ng tagisan na iyon at
binansagan siyang Hari ng Balagtasan. Hinawakan niya ang titulo hanggang mamatay siya
noong 1932.

Sikat na si De Jesus bilang Huseng Batute sa buong Pilipinas noong inanyayahan siyang
umarte sa pelikulang Oriental Blood. Kasama niya ang mga bantog na aktres ng panahong iyon
(Atang dela Rama at Maria Santos). Kasama rin sa kast ang kanyang anak na si Juliano de Jesus,
na naging aktor sa ilang mga pelikulang Pilipino.
Ngunit nagkasakit si Huseng Batute habang ginagawa ang pelikula at lumala ang
kanyang sakit hanggang siya ay mamatay noong Mayo 26, 1932. Iniwan niya ang kanyang
asawang si Asuncion Lacdan de Jesus at mga anak Teresa, Jose Jr. at Rogelio.

Noong siya ay mamatay, binigay ng pamilya niya ang kanyang puso sa isang museo ng
pamahalaan kung saan ito itinago hanggang ilibing ito sa libingan ng kanyang ina. Inilibing siya
sa ilalim ng dagat sa Visayas, alinsunod sa kagustuhan niyang nakatala sa kanyang mga tulang
Isang Malalim na Dagat at Ang Visayas.

Mga Mananalumpati
Graciano Lopez Jaena
Si Graciano Lopez Jaena ay tinatawag na Prinsipe ng Mananalumpating Tagalog. Kasama
sina Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar, binuo nila ang triumvirate ng Kilusang Propaganda.

Ipinanganak siya noong 18 Disyembre 1856 sa Jaro, Iloilo at supling nina Placido Lopez
ar Maria Jacob Jaena. Sa gulang na anim, sumailalim siya sa pagtuturo ni Padre Francisco Jayne
ng Colegio Provincial ng Jaro.

Dukha ang mga magulang nang isilang si Graciano Lopez Jaena sa Jaro, Iloilo, noong
Disyembre 18, 1856. Ang ina niya, si María Jacoba Jaena, ay isang mananahi lamang habang
ang ama, si Plácido López, ay hamak na tagakumpuni ng kahit ano na lamang. Subalit nagkapag-
aral nang kaunti si Placido samantalang lubhang matimtiman si Jacoba kaya tatag sa pag-aaral at
sa pagsamba ang tinubuan ni Graciano.
Sa gulang na anim na taon, nang ipadala ng mga magulang kay Fray Francisco Jayme, na
noon ay nagtuturo sa Colegio Provincial de Jaro, upang maturuan. Personal na tinuruan ni Padre
Francisco Jayme si Graciano. Agad napansin ng frayle ang dunong ni Graciano at ang galing
niyang magsalita.

Noong 1870, nag-aral siya ng Teyolohiya at Pilosopya sa seminaryo ng San Vicente.


Labag sa nais ng ina, hangad ni Graciano na maging manggagamot (medico, physician). Nang sa
wakas ay pumayag ang mga magulang, tinangka niyang pumasok sa Universidad de Santo
Tomas sa Manila subalit tinanggihan siya. Hindi kasi siya nakatapos ng Bachiller en Artes na
hindi itinuro sa seminario sa Jaro. Sa halip, ayon sa payo sa kanya, sa ospital ng San Juan de
Dios siya nagsilbi bilang turuan (apprentice) ng mga manggagamot duon. Hindi pa tapos ang
pag-aaral ni Graciano nang naubos ang tustos ng dukhang mga magulang, at napilitan siyang
bumalik sa Iloilo. Ginamit niya kung ano na lamang ang natutunan, nanggamot sa mga barrio at
baranggay sa pali-paligid.

Sa kanyang mga namasdan, lalong sumidhi ang puot niya sa lupit ng pag-api ng mga
frayle sa mga tao. Nuong 1874, nang 18 taon gulang lamang, nakainitan na siya ng mga frayle
dahil sa sinulat niyang “Fray Botod,” prayleng bundat na matakaw at mahilig sa babae. Sabi niya
na "Lagi nang banggit ang Dios at Mahal na Birhen samantalang panay ang daya at
pagsamantala sa mga tao.”

Hindi ito nalathala kailanman subalit maraming sipi (copias, copies) ang umikot-ikot sa
Visayas. Lalong napuot ang mga frayle kay Graciano nang patuloy siyang kumalampag
(campaña, campaign) ng katarungan para sa mga tao. Talagang nagpahamak siya nang patayin
ng Español na alcalde ng Pototan ang ilang bilanggong katutubo. Pinilit, tumanggi si Graciano na
ipahayag na “natural” ang pagkamatay ng mga bilanggo. Nagsimula siyang tumanggap ng babala
na papatayin siya ng mga frayle. Nuon siya tumakas sa España.

Noong Pebrero 15, 1889, inilunsad nila sa Barcelona ang pahayagang "La Solidaridad".
Ang pahayagan niyang ito ay sumikat nang husto. Marami sa kanyang mga artikulo ay nailathala
sa iba't ibang pahayagan. Ginamit na sandata ni Lopez-Jaena ang kanyang panulat upang
ipaglaban ang makatao at makatarungang karapatan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang
Kastila.

Namatay si Lopez-Jaena sa sakit na tuberculosis sa edad na 40 sa Madrid, Espanya.


Epifanio de los Santos
Si Epifanio de los Santos ay isang manananggol, mamamahayag, mananalaysay
(historian), musikero, pintor, kritiko, manunulat, pilosopo ("philosopher") at masugid na kolektor
ng mga antique.

Isinilang siya sa bayan ng Malabon noong Abril 7, 1871. Kaisa-isang anak ng mayamang
hasyendero na si Escolastico de los Santos at Antonina Cristobal, isang kolehiyala na mahusay
tumugtog ng piyano at alpa. Pagkatapos tapusin ang kanyang mga unang taon ng pagaaral sa
ilalim ng isang pribadong guro na si Jose A. Flores, nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Ateneo de
Manila. Maliban sa mga araling akademiko sa Ateneo, ay nag-aral din siya ng musika at
pagpipinta na nanguna sa mga gantimpala. Tinapos niya sa Ateneo ang Bachiller en Artes ng
may pinakamataas na parangal na summa cum laude at pagkatapos ay kumuha ng Law sa
Unibersidad ng Santo Tomas. Nanguna siya sa pagsusulit ng Ktt. Hukuman.

Masugid siyang mambabasa ng iba't ibang babasahing pampanitikan lalung-lalo na ng


mga nobelang sinulat ni Juan Valera, isang manunulat na Kastila at may-akda ng isang nobela ng
pag-ibig na kanyang kinalugdan, ang Pepita Jimenez. Dahil sa mahilig siyang magbasa,
nagkaroon siya ng malaking koleksiyon ng mga aklat sa Sining at Panitikan. Sa katunayan, ang
unang palapag ng kanyang tirahan sa Magallanes, Intramuros ay nagmistulang laybrari at museo
na naging tagpuan ng kanyang mga kaibigan na may hilig din sa Sining at pagsusulat tulad nina
Cecilio Apostol, Fernando Ma. Guerrero, Rafael Palma, Jaime de Veyra at Clemente Zulueta. Isa
rin siyang dalubwika natutuhan niya ang mga wikang dayuhan tulad ng Latin, Griyego, Kastila at
Pranses. Siya ang naging unang Pilipinong naging kasapi ng Spanish Royal Academia sa Madrid
at nakilalang unang Academician ng bansa.

Itinatag ni Don Panyong (tawag sa kanya) at ng kanyang kaibigang si Clemente Zulueta


ang pahayagang La Libertad sa Malabon. Naging editor din siya ng unang rebolusyonarong
pahayagang La Independencia. Sa pagsusulat sa pahayagang ito ay ginamit niya ang sagisag na
G. Solon.
Naging District Attorney siya ng San Isidro, Nueva Ecija at doon din siya naging Kalihim
Panlalawigan. Noong 1902 nahalal siyang Gobernador ng Nueva Ecija at naulit ng 1904 .
Pagkatapos ng dalawang taon ay hinirang siyang miyembro ng Philippine Commission para sa
St. Louis Exposition. Naglakbay siya sa iba't ibang bansa tulad ng Pransya, Inglatera, Espanya,
Italya at iba pang mga bansa sa Europa upang bumisita sa mga aklatan at museo at mamili ng
mga aklat para sa kanyang koleksyon sa sariling aklatan.

Noong 1906, nahirang siyang piscal ng dalawang lalawigan - Bulakan at at Bataan.


Noong 1918, hinirang siya ni Gobernador Heneral Francis Burton Harrison na Technical
Director ng Philippine Census. At noong Mayo 16, 1925 itinalaga siya ni Gobernador Heneral
Leonard Wood bilang Direktor ng Kawanihan ng Biblioteka at Museo bilang kapalit ni Dr.
Trinidad Parde de Tavera na binawian ng buhay.

Dalawang beses nag-asawa si Don Panyong. Ang kanyang unang asawa ay si Donya
Ursula Paez ng Malabon at ang pangalawa ay si Margarita Toralba ng Malolos. Ang isa niyang
anak sa kanyang unang asawa ang nagmana sa kanya ng mahilig sa kasaysayan at pananaliksik.
Nakilala siya bilang mahusay na manunulat ng kasaysayan, talambuhay at kolektor tulad ni Don
Panyong.

Kung si Don Panyong ay di nakilalang tagapagsalita (speaker) siya naman ay nakakitaan


ng kagalingan sa panunulat na umani pa ng papuri sa ibang bansa. Ang unang nalathalang sinulat
ni Don Panyong ay ang Algo de Prosa (1909) isang koleksiyonng mga sanaysay at maikling
kuwento. Ilan pa sa kanyang mga sinulat ay Literatura Tagala (1911), El Teatro Tagalo (1911),
Nuestra Literatura (1913), El Proceso del Dr. Jose Rizal (1914), at Folklore Musical de Filipinas
(1920).

Sinulat din niya ang mga talambuhay nina Dr. Trinidad Pardo de Tavera, Marcelo H. del
Pilar, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Ignacio Villamor. Ang kanyang salin sa Kastila mula
sa Tagalog ng Florante at Laura ni Balagtas ay itinuring na isang klasiko sa panitikang Pilipino.
Isa ring mahusay na musikero si Don Panyong. Mahusay siyang tumugtog ng piyano at gitara. Sa
kanyang panahon ay tatlo lamang ang kinikilalang mahusay sa pagtugtog ng gitara sa buong
Pilipinas -isa si Don Panyong at ang dalawa niyang kasama ay si Hen. Fernando Canon, isang
rebolusyonaryo, at si Guillermo Tolentino, kilalang iskultor. Inihambing siya ng musikong editor
na si Griffith kay Segovia ng Espanya sa natatanging talento niya sa paggitara.

Mahusay din siya sa pagpipinta, lamang ay hindi niya ito nabigyan ng panahon upang
ang kanyang kakayahan ay lalo pang pagyamanin at paunlarin.

Binawian ng buhay si Don Panyong noong Abril 28, 1928 sa Maynila sa eded na 57 dahil
sa atake sa utak (cerebral attack). Bilang paggalang sa kanyang kontribusyon sa sining at kultura,
ang Highway 54 na nagdudugtog sa Lungsod ng Caloocan hanggang Lungsod ng Pasay ay
ipinangalang Abenida Epifanio de los Santos o kilala bilang EDSA.
Francisco Baltazar
Si Francisco Baltazar ay ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa (ngayon ay
Balagtas), Bulacan. Tinatawag rin siyang Kiko at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana
dela Cruz at Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa. Pumasok
siya una sa paaralang parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Sunod,
naging katulong siya ni Donya Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San
Jose sa Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro
niya si Padre Mariano Pilapil.

Natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula dahil kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na
kinikilalang pinakabantog na makata sa Tondo. Si Jose dela Cruz ay nagsilbing hamon kay Kiko para
higit na pagbutihin ang pagsulat ng tula. Anupa't kinalaunan ay higit na dinakila si Kikong sa
larangan na panulaan.

Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria
Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga na nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na
"Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura. Naging karibal niya
si Mariano "Nanong" Capule sa pagligaw kay Celia, isang taong ubod ng yaman at malakas sa
pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Celia, ipinakulong siya ni Nanong Capule para
hindi na siya muling makita ni Celia. Habang nasa kulungan siya, ipinakasal ni Nanong Capule si
Selya kahit walang pag-ibig nadarama si Selya para kay Nanong Capule. Doon sa kulungan, isinulat
niya ang Florante at Laura para kay Selya. Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan at pumunta na
siya sa Udyong, Bataan. Doon, nagkaroon siya ng 11 anak kay Juana Tiambeng.

Nabilanggong muli si Kiko sa sumbong ng isang katulong na babae sa di umano'y pagputol


ng buhok niya. Nakalaya siya noong 1860. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit
at korido nang siya ay lumaya. Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa, Juana Tiambeng at ang 7
niyang anak noong Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74, namatay siya sa pulmonya at katandaan.

You might also like