You are on page 1of 4

ang kagamitang pampagtuturo

Isang ulat-papel na ipinapasa kay Dr. Jane K. Lartec sa PhLEd 314: Special Topics in Language ni JENEFER
C. TIONGAN

I. PANIMULA:

Ang aming paksang tatalakayin ngayon ay tungkol saDeveloping Instructional Materials


in Language Teaching o Paghahanda ng Kagamitang Pampagtuturo sa Wika. Tatalakayin namin ang mga
pananaw ng pagtuturo ng wika ayon sa mga Behaviorist at sa mga makabagong pananaw , mga
modelo ng pagtuturo ng wika. ang kahalagahan ng Kagamitang Pampagtuturo, mga salik sa paghahanda
ng kagamitan , mga modelong disenyo ng kagamitang pampagtuturo ng wika, at mga isyu tungkol sa
paghahanda ng kagamitang pampagtuturo.

Sa mga nakaraang dekada, nagsimulang nagkaroon ng ibayong pansin sa


pangangailangan ng mga kagamitang panturo bilang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga mag-
aaral at upang magkaroon ng makahulugan at mabisang pagtuturo at pagkatuto. Sa punto ng mga
tradisyunal na pag-iisip, ang kagamitang panturo ay binubuo ayon sa paniniwala na sa pagtuturo dapat
magsimula sa malinaw na layunin at pagtataya upang mataya kung balido ang layunin, nilalaman, at
pagkatuto ng mga mag-aaral. Samakatuwid, ang pagtuturo noon ay nakatuon lamang saANO ang
ituturo at PAANO ituturo. Nakatuon pa rin ang pagtuturo sa mga tuntuning pangwika. Ito ay umaayon sa
teorya ng mga “Behaviorist Psychology of Learning,” na ang paniniwala sa pagtuturo at pagkatuto ng
wika ay “habit formation” na binubuo ng stimulus at response.

Sa bagong pananaw sa pagtuturo ng wika, nakatuong higit ang pansin sa pagkalinang


ng kakayahang komunikatibo kaysa sa kabatiran tungkol sa wika. Ang kakayahang komunikatibo ay
nauukol sa kakayahan sa aktwal na paggamit ng wika sa mga tiyak na pagkakataon.

Sa puntong ito, hindi natin makalilimutan ang ipinaliwanag ni Chomsky na pagkakaiba


ng COMPETENCE at PERFORMANCE. Ayon sa kanya, ang COMPETENCE ay nauukol sa kaalaman sa
wika ng isang tao, samantalang ang PERFORMANCE ay ang kakayahang gamitin ang wika sa angkop na
paggagamitan.

Samantala, pinaunlad naman nina Canale at Swain (1980) ang kakayahang


komunikatibo ni Chomsky. Para raw masabi na ang isang tao ay may kakayahang komunikatibo sa isang
wika kailangang tinataglay niya ang apat na elemento; linguistic o grammatical competence, socio-
linguistic competence, discourse competence, at strategic competence. Ang linguistic competence ay
kakayahang umunawa at makabuo ng mga istruktura sa wika na sang-ayon sa tuntunin ng gramatika. Sa
batayang ito, ipinakikita ng isang tao ang kanyang kahusayan sa paglalapat ng tuntunin ng wika.
Ikalawa, angsociolinguistic competence ay isang batayang interdisciplinary. Isinasaalang-alang ng isang
tao ang ugnayan ng mga nag-uusap, ang impormasyong pinag-uusapan, at ang lugar ng kanilang pinag-
uusapan. Isinasaalang-alang dito ang kontekstong sosyal ng isang wika. Ang ikatlo, angdiscourse
competence ay kakayahang bigyan ng interpretasyon ang isang serye ng mga napakinggang
pangungusap upang makagawa ng isang makabuluhang kahulugan. Ang tagumpay ng pag-unawa sa
isang diskurso ay sang-ayon sa kaalamang taglay kapwa ng nag-uusap, “world knowledge” ng mga nag-
uusap at maging ng kaalamang lingwistika, istruktura at diskurso, at kaalaman sa social setting. Ang
panghuling elemento na strategic competence ay tumutukoy sa mga estratehiya na ginagawa ng isang
tao upang matakpan ang mga imperpektong kaalaman natin sa wika.
Ipinakita rin ni Dell Hymes (Sining ng Komunikasyong Filipino:Ikatlong
Edisyon,2010) sa binuo niyang akronim na SPEAKING ang kakayahang komunikatibo at ang mahalagang
salik na sosyokultural at iba’t ibang sangkap na dapat isaalang-alang sa pagkakaroon ng epektibong
pagpapahayag.

S-ettings (Saan-Lunan kung saan nag-uusap)

P-articipants (Sinu-sino ang mga kausap o nag-uusap)

E-nds (Ano ang layunin sa pag-uusap)

A-ct Sequence (Paano ang takbo ng usapin)

K-eys (Pormal o di-pormal ang takbo ng usapan)

I-nstrumentalities ( Pasalita ba o di-pasalita)

N-ouns ( Ano ang paksa ng pinag-uusapan)

G-enre (Nagsasalaysay, nakikipagtalo o nagmamatuwid)

Ano ngayon ang kaugnayan ng mga pananaw na nabanggit sa paghahanda ng


kagamitang pampagtuturo sa wika?

Sa pagtuturo ng wika, dapat nating isaalang-alang ang mga apat na mahahalagang


elemento o komponent: (1) mag-aaral, (2) guro, (3) metodo sa pagtuturo, (4) at pagtataya o
ebalwasyon. Samakatuwid , ganun din dapat sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo. Ano ba ang
papel ng kagamitang pampagtuturo sa ating pagtuturo at pagkatuto ng wika?

Ayon kay Alwright (1990), ang mga kagamitan ay komokontrol sa pagtuturo at


pagkatuto. Ang mga ito”y dapat na katulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral, ito
ay magsisilbing pagmumulan ng mga ideya at mga gawain para sa pagtuturo at pagkatuto (resource of
ideas and activities for instruction and learning), at magsisilbing batayan o gabay ng guro sa mga
gawain.Ayon naman kay Kitao, K. (1995) sa kanyang papel na binuo tungkol sa paghahanda ng mga
kagamitang pampagtuturo, iginuhit niya ang ilustrasyon na ganito:

Pagkakaiba ng BEC at SEC


COURSE OUTLINE:

· BEC: Iba’t ibang uri ng aralin batay sa texto ng Araling Panlipunan ang bumubuo sa bawat markahan.
Hiwalay na ituturo ang araling pangwika(gramatika) at mga aralin sa texto.

2010SEC: Nakatuon lamang sa isang akdang pampanitikan at angkop naaraling pangwika kasama
ang pamantayan sa pagganap ang bawat markahan. Magkasanib na itututro ang panitikan
at gramatika.

CONCEPTUAL FRAMEWORK:

BEC: Lilinang sa apat (4) na Kasanayang Makro: Pakikinig, Pagsasalita, Pagsulat at Pagbasa para sa
Kakayahang Komunikatibo.

2010 SEC: Lilinang sa limang (5) Kasanayang Makro: Pakikinig, Pagsasalita, Pagsulat, Pagbasa
at Panonood (naidagdag ito bilang pag-angkop sa makabagong teknolohiya) para sa Kakayahang
Komunikatibo at Kahusayan sa Pag-unawa’t Pagpapahalagang Literari.

CURRICULUM DESIGN:

BEC: Nagsisimula ang disenyo ng kurikulum sa Mga Layunin (Anu-ano ang mga layunin sa
aralin?), Nilalaman (Ano ang paksa ng aralin?), Mga Kagamitan (Anu-ano ang mga kagamitang
pampagtuturo na gagamitin ng guro?), Mga Istratehiya (Anu-ano ang mga pamamaraang gagamitin ng
guro sa pagtututro?) at nagtatapos sa Pagtataya (Anu-ano ang mga panukat na gagamitin ng guro sa
pagkatuto ng mag-aaral?).

2010 SEC: Nagsisimula ang disenyo sa (Antas 1) Inaasahang Bunga o Resulta (Ano ang dapat matutunan
ng mag-aaral?), sinusundan ng (Antas 2) Pagtataya (Ano ang inaasahang produkto o pagganap na
maipapakita ng mag-aaral?) at nagtatapos sa(Antas 3)Plano sa Pagkatuto (Anu-ano ang mga gawaing
instruksyunal na gagamitin ng guro at ng mag-aaral?)

LESSON PLAN OUTLINE:

BEC: Ang balangkas ng Banghay-aralin ay pang-isang linggong aralin. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi
batay sa araw-araw na talakayan.

2010 SEC: Ang bawat paksa (topic) ay may istandard na Antas 1 at Antas 2 (given). Ang Antas 3 ang
maaaring baguhin/ayusin ng guro kung kinakailangan batay sa

kakayahan ng kanyang mga mag-aaral.

MGA ARALIN SA UBD

BATAYANG KONSEPTWAL NG FILIPINO

( Deskripsyon )
Tunguhin ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 (Secondary Education Curriculum)
ang Kapakipakinabang na Literasi para sa Lahat

(Functional Literacy For All ) na ibinatay sa mithiing Edukasyon para sa Lahat 2015 (Education For
All 2015).

Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, at (2)
kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literari

ng mga mag-aaral sa lebel sekondari. Lilinangin ang limang makrong kasanayan - pakikinig, pagbasa,
panonood, pagsasalita at pagsulat sa tulong ng iba’t ibang

dulog at pamamaraan tulad ng Komunikatibong Pagtuturo ng Wika (KPW), Pagtuturong Batay sa


Nilalaman (PBN) ng iba’t ibang tekstong literari(rehiyunal,

pambansa, saling-tekstong Asyano at pandaigdig), at Pagsasanib ng Gramatika at Retorika sa Tulong ng


Iba’t ibang Teksto (PGRT).

Isinasaalang-alang din ang pagsasanib ng mga pagpapahalagang pangkatauhan (Values Integration) sa


pag-aaral at pagsusuri ng iba’t ibang tekstong literari.

Sa pamamagitan nito at matapos mapag-aralan, masuri at magamit ang iba’t ibang teorya sa
pagkatuto at paggamit ng wika, at pagsusuring literari,

inaasahang matatamo ng mga guro ng Filipino ang mga layuning nabanggit batay sa inilarawan sa
batayang konseptwal.

Ang Konteksto/Kaligiran

Kalimitan, ang pagpapalit o pagbabago ng kurikulum sa Pilipinas ay isinasagawa tuwing ikasampung taon. Ngunit bunga
ng mabilis na pagbabago sa larangan ng edukasyon at patuloy na paglaganap ng mga makabagong kaalaman at impormasyon,
naniniwala ang Kawanihan ng Edukasyong Sekondari na dapat nang isaayos ang kasalukuyang kurikulum upang sa gayo’y
makaagapay at matugunan nito ang mga pangangailangan ng ating lipunan at ng mga mag-aaral ng kasalukuyang panahon.

Naging batayan sa pagsasaayos ng kurikulum ang mithiin ng Edukasyon para sa Lahat 2015 (Education For All 2015) - ang
magkaroonng Kapakipakinabang na Literasi ang Lahat (Functional Literacy For All). Tiniyak na ang mga binuong pamantayan,
kakailanganing pag-unawaat nilalaman ng bawat asignatura ay makapag-aambag sa pagtatamo ng nasabing mithiin.

Isinaalang-alang din ang resulta ng ginawang ebalwasyon ng implementasyon ng Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002
(2002 Basic Education Curriculum) sa pagsasaayos at pagdisenyo ng bagong kurikulum, gayundin sa ginawang pagsasanay ng
mga guroat pagpapaunlad ng kakayahan ng mga punong-guro ng 23 pilot schools upang mahusay nilang mapamahalaan ang
panimulang pagsubok (pilot testing) ng binagong kurikulum.

You might also like