You are on page 1of 31

1

KABANATA Ⅰ

INTRODUKSIYON

A. PANIMULA

Ayon kay Hemphill, ang wika ay isang masistemang kabuuan ng mga sagigag na

sinasalita o binibigkas na pinag-kaisahan o kinaugalian ng isang pangkat ng tao, at sa

pamamagitan nito’y nagkakaugnay, nagkakaunawaan, at nagkakaisa ang mga tao. Saad din ni

Sapiro na ang wika ay isang makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin,

at mga hangarin. Ang paaralan ay isang institusyon kung saan ang mga mag-aaral ay

nagkakaroon ng pormal na edukasyon at kaalaman, personal at sosyal na pag-unlad kung kaya’t

napakahalaga ang pagkakaintindihan. Isa sa mga sanhi ng pagkawala ng interes ng mga mag-

aaral ay ang hirap nilang maintindihan ang mga asignatura at ang kawalan ng kakayahan nilang

maibahagi ang kanilang saloobin dahil sa hindi nila kayang magamit, ang naayong wika sa isang

asignatura, nang may kahusayan.

Sa konstekto ng saliksik na ito, ang pangunahing layunin ay ang pagsusuri sa saloobin ng

mga mag-aaral patungkol sa paggamit ng konseptong pangwika partikular ang bilingguwalismo

at multilingguwalismo bilang wikang panturo.

B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang ilan sa mga mag-aaral ay walang kakayahang magamit ang mga naayong wika sa

mga asignatura sa paaralan. Dahil dito, labis na pagtutok ang kailangang ipataw upang mapansin,

malaman ang mga saloobin ng mga mag-aaral at mabigyang solusyon kung kinakailangan.
2

I. PANGUNAHING SULIRANIN

Narito ang ilan sa mga pangunahing suliranin na siyang dahilan kung bakit

sumibol sa isipan ng mga mananaliksik na simulan ang pag-aaral na ito.

1. Ano ang kanilang mga saloobin tungkol sa paggamit ng konseptong pangwika partikular

na ang bilingguwalismo at multilingguwalismo sa pagtuturo?

2. Sang-ayon ba kung sakaling papahintulutan na gamitin ang konseptong pangwika sa lahat

ng mga asignatura?

3. Malaking tulong ba sa ilan ang bilingguwalismo at multilingguwalismo sa paglalahad ng

kanilang ideya?

C. KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL

Sa pag-usbong ng modernong pamumuhay at iba’t ibang wika ang ating nakasanayan,

mapa-ingles, tagalog o kahit mga wika sa iba’t ibang bansa, hindi maikakaila na may mga mag-

aaral na mas nakakaalam sa wikang tagalog kaysa sa wikang ingles at may mga mag-aaral din na

mas nakakaalam sa wikang ingles kaysa sa wikang tagalog. Dahil dito, naisipan ng mga

mananaliksik na ito ay gagamitin sa isang pag-aaral na nakatuon sa paglikom ng iba’t ibang

persepsyon ng mga respondente sa paggamit ng mutlilingguwalismo at at bilingguwalismo.

Tunay na napakahalaga ng wika sa buhay ng tao sa kadahilanang ito ang susi sa ating

pagkakaisa, pagkakaunawaan at pagbubuklod sa atin tungo sa kapayapaan. Ang pag-aaral na ito

ay tiyak na magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:


3

a. Sa mga Mag-aaral: Ang kanilang ideya o opinyon ay napakahalaga para sa mas

magandang komunidad. Malalaman ang mga saloobin at karanasan ng mag-aaral hinggil sa

paggamit ng bilingguwalismo at multilingguwalismo sa pagtuturo, sa kanilang buhay-mag-aaral,

at sa pagpalalahad ng kanilang ideya.

b. Sa mga susunod pang mga Mananaliksik: Malalaman ang mga saloobin ng mga

mag-aaral lalo na sa mga mag-aaral sa SPSHS. Magagamit din ang pag-aaral na ito bilang

batayan sa gagawing pananaliksik upang mapalalim pa ang pagmamahal sa edukasyon lalong

lalo na sa mga kabataan.

c. Sa mga Guro: Matutuklasan nila ang mga suliranin ng bawat mag-aaral ang maaaring

magkaroon sila ng sariling solusyon tungkol dito upang mas ganahan ang mga mag-aaral na

ibahagi ang kanilang mga ideya sa iba’t ibang paksa.

D. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus lamang sa saloobin ng mag-aaral sa Siquijor

Provincial Science High School. Ang mga mananaliksik ay mayroon lamang kabuuan na 60 na

mga respondente sapagkat kukuha lamang ng 10 mag-aaral sa bawat baitang. Lahat ng mga mag-

aaral ay may pantay-pantay na mapili bilang respondente sa. Nakatuon lamang ito sa mga

opinion at karanasan ng mga mag-aaral hinggil sa paggamit ng bilingguwalismo at

multilingguwalismo sa pagtuturo sa ibat’ ibang asignatura. Hindi din isinasalang-alang ang iba

pang salik na maaaring makaapekto sa pagkatuto ng mga kabataan tulad ng iba’t ibang patakaran

ng paaralan, kalidad o paraan ng guro sa pagtuturo at mga kagamitan sa pag-aaral. Ang

konseptong pangwika na nakasentro sa pag-aaral na ito ay ang Bilingguwalismo at


4

Multilinggwalismo lamang. Isinagawa ang pag-aaral na ito sa panuruang taon 2023-2024, sa

Barangay Caipilan, Siquijor, Siquijor.

E. MGA SALITA AT KATAWAGANG GINAGAMIT SA PAG-AARAL

Upang mapabilis at mapadali ang pag-unawa sap ag-aaral na ito, narito ang ilan sa mga

salita o parirala ginagamit sa pag-aaral na binibigyang katuturan:

a. Wikang Panturo – Tumutukoy sa wikang ginagamit ng guro at ng mga nasa

akademiya para sa kanilang pagtuturo sa loob ng silid-aralan at paaralan

b. Konseptong Pangwika – Ito ang pangunahing ideya, prinsipyo, at teorya na nauugnay

sa wika at paggamit nito

b.1. Billingguwalismo – Isang sa mga konseptong pangwika kung saan may

kakayahan o kalagayan ang isang indibidwal na makapagsalita, magbasa, magsulat, at mag-

unawa ng mga mensahe sa dalawang wika nang may kahusayan

b.2. Multilingguwalismo – Isang sa mga konseptong pangwika kung saan ang

isang indibidwal ay may kasanayan ang na gumamit at umunawa nang higit sa dalawang wika

F. TEORETIKAL NA BALANGKAS

Ang teoretikal na balangkas ng pagaaral tungkol sa "Ang Tinig sa Pagbabago: Saloobin

ng mga Mag-aaral Tungkol sa Paggamit ng Konseptong Pangwika bilang Wikang Panturo" ay

maaring tumuon sa sumusunod na aspeto: Teoryang Socio-Cultural. Ang Tinig sa Pagbabago:

Saloobin ng mga Mag-aaral Tungkol sa Paggamit ng Konseptong Pangwika bilang Wikang

Panturo ay isang teoryang Socio-Cultural dahil ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng


5

kapaligiran at kultura sa pagkatuto ng wika. Ito din ay nagpapakita kung paano ang wikang

ginagamit sa edukasyon ay nakakaapekto sa pag-iisip, kaalaman, at identidad ng mga mag-aaral.


6

KABANATA Ⅱ

KAUGNAY NA LITERATURA

A. KAUGNAY NA LITERATURA

Ang paggamit ng multilingguwalismo at bilingguwalismo bilang wikang panturo ay isa

sa mga pinakamahalagang isyu sa larangan ng edukasyon.

Sa isang pag-aaral ni Baker (2011), ipinakita niya na ang multilingguwalismo ay may

positibong epekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sinasabing ang paggamit ng iba't ibang wika

sa loob ng silid-aralan ay nagbibigay ng mas malawak na kaalaman at pag-unawa sa mga

kultural na aspeto ng mga wika. Ipinapahiwatig rin sa kanyang pag-aaral na ang bilingguwal na

pagtuturo ay nagpapabuti sa kasanayan sa pag-iisip at pag-unawa sa mga konsepto.

Bukod dito, isang pag-aaral naman ni García (2014) ang nagpapakita ng kahalagahan ng

multilingguwalismo sa konteksto ng globalisasyon. Ayon sa kanya, ang paggamit ng iba't ibang

wika sa edukasyon ay nagbibigay ng oportunidad sa mga mag-aaral na maging kompetitibo sa

pandaigdigang merkado ng trabaho. Ipinapakita rin ng pag-aaral na ang mga mag-aaral na

exposed sa bilingguwal na kapaligiran ay mas malawak ang kaalaman at mas handa sa mga

hamon ng globalisasyon.

Sa isang pag-aaral naman ni Cummins (2008), ipinakita niya ang kahalagahan ng

bilingguwalismo sa pagpapaunlad ng kognitibong kakayahan ng mga mag-aaral. Ayon sa kanya,

ang paggamit ng unang wika bilang medium of instruction ay nagbibigay ng mas malalim na
7

pag-unawa sa mga konsepto at nagpapabuti sa kasanayan sa pag-iisip. Ipinapakita rin ng pag-

aaral na ang bilingguwal na pagtuturo ay nagpapabuti sa pagkatuto ng pangalawang wika.

B. KAUGNAY NA PAG-AARAL

Multilingguwal na Pagtuturo

Ayon kina Grimes at Grimes (2000), ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na may

napakaraming wika. May isang daan at animnapu’t walo na buhay na wika sa ating bansa. Ang

pagkakaroon ng maraming varayti ng wika ay nagbunga ng iba’t ibang pagtingin, pananaw at

atityud tungkol sa wika. Ang midyum ng wika o pagtuturo ay siyang tunay na tumutulong upang

matamo ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang kaalaman sa mga nakalimbag na teksto.

Wika bilang intrumento ng Pagtuturo

Ayon kay Credo, et. al, 2018, Mahalaga ang wika sapagkat ito ang midyum ng

pakikipagtalastasan o komunikasyon. Atin itong ginagamit upang mas maging malinaw at

epektibo nating maipahayag ang ating damdamin at kaisipan at bukod dito, ang wika rin ay

sumasalamin sa ating kultura at pagkakakilanlan


8

KABANATA III

METODOLOHIYA

A. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito, kailangan ng mga mananaliksik ang

sumusunod na bagay: Ang mga mananaliksik ay gumamit ng isang talatanungan/survey paper

kung saan limitado lamang ang mga tanong at sagot na naglalahad ng isang multiple choice,

tatlonh closed-ended at isang open-ended na katanungan. Ang tatlong closed-ended na

katanungan ay naglalaman ng kwalitatibong tanong kung saan ang sagot lamang ay oo at hindi.

At ang isang open-ended na katanungan ay kinapapalooban ng mga saloobing maglalaman

lamang ng isa hanggang dalawang pangungusap. Gumamit din ang mga mananaliksik sa mga

kagamitan tulad ng panulat, papel, kalkyulator, at mga electronic na kagamitan tulad ng selpon,

laptop, printer.

B. DISENYO NG PANANALIKSIK AT RESPONDENTE

Ang pag-aaral na pinamagatang "Ang Tinig sa Pagbabago: Saloobin ng mga mag-aaral

tungkol sa paggamit ng konseptong pangwika bilang wikang panturo" ay isang kwalitatibong

pananaliksik upang suriin ang saloobin ng mga mag-aaral tungkol sa paggamit ng konseptong

pangwika, partikular sa bilingguwalismo at multilingguwalismo bilang wikang panturo sa

Siquijor Provincial Science High School. Gagamitan din ito ng Simple Random Sampling na uri

ng pangangalap ng datos. Ang mga mananaliksik ay pipili ng 60 na random na mag-aaral sa

baitang 7-12 kung saan 10 na mag-aaral sa kada baitang ang sasagot sa surbey. Bago isinagawa

ang pagpapasagot sa mga talatanungan, pinapaintindi ng mga mananaliksik ang mga mag-aaral
9

nang sa gayon ay mas epektibo at tugma ang kanilang maisasagot. Humingi din ng permiso ang

mga mananaliksik sa mga mag-aaral na nais sumagot sa talatanungan. Ang mga mag-aaral na

napili ang magsisilbing basehan kung ano ang mas gustong konseptong pangwika ang gagamitin

sa wikang panturo sa Siquijor Provincial Science High School.

C. PARAAN NG PAGKALAP NG DATOS

Ang paraan ng pagkalap ng datos ay isinagawa nang maayos sa pamamagitan ng maingat

na pagsasagawa ng mga tiyak na tanong. Ang tamang pagtatanong ay nagbibigay-daan para sa

wastong pagkuha ng impormasyon mula sa mga respondente. Mahalaga rin ang pagpili ng mga

respondenteng nararapat para sa layunin ng iyong pagsusuri, upang maging repleksyon ito ng

pangkalahatang populasyon o grupo na iyong ini-study. Pagkatapos ng pagsusuri, ang paggawa

ng tally ay nagbibigay daan para sa mabilis at maayos na pagsusuri ng data. Ang tally ay

nagiging basehan para sa masusing pagsusuri ng mga resulta ng iyong survey. Ito'y nagbibigay-

daan sa mga mananaliksik na makagawa ng mga konklusyon at rekomendasyon batay sa mga

natuklasang impormasyon.
10

C.1 FLOWCHART

Paggawa ng talatanungan

Pagpili ng Respondente

Pagpairal ng survey sa mga respondente

Pag-tally ng mga datos mula sa surbey

Pag-unawa ng resulta mula sa surbey

Gumawa ng konklusyon base sa naunawang datos

D. ISTATISTIKAL NA TRITMENT

Ang Istatistikal na tritment na ginamit sa pag-aaral na ito ay ang pagkuha ng

porsyento o bahagdan upang makuha ang resulta sa pag-aaral na ito.

Dami ng Sumagot
Kabuuang Bilang ng respondente x 100
11

KABANATA Ⅳ

RESULTA AT PAGSUSURI

Sa kabanatang ito, ay nagpapakita ng interpretasyon at pagtatasa ng mga datos na

nakalap. Mayroong 40 respondenteng mag-aaral sa Junior High School at 20 respondenteng

mag-aaral naman sa Senior High School mula sa Siquijor Provincial Science High School, na

may kabuuang 60 na respondent.

IV.1. RESULTA

Q1. Ilang wika ang kaya Prikwensya Poryento

mong maunawaan at

maggamit ng may

kahusayan?

Isa 0 0%

Dalawa 18 30%

Tatlo 35 58.3%

Higit sa tatlo 7 11.7%


12

Unang Grapiko: Bilang ng mga sagot sa unang tanong ng mga mag-


aaral

11.7%

30% ISA
DALAWA
TATLO
HIGIT SA TATLO

58.3%

Sa unang grapiko, ipinakita ang bilang ng mga sagot sa unang tanong sa talatanungan

na binigay ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral. Ang unang tanong na nasa talatanungan

ay,”Ilang wika ang kaya mong maunawaan at maggamit ng may kahusayan?”.

Mayroong 0% sa mga respondent ang sumagot sa isa. Mayroong 30% naman sa mga

respondent ang pumili sa dalawa. At mayroong 58.3% sa mga respondent ang pumili sa tatlo.

At mayroon namang 11.7% sa mga respondent ang pumili sa higit sa tatlong wika.
13

IV.2. RESULTA

Q2. Bihasa ka ba o marunong Prikwensya Poryento

kabang gumamit at

nakakaintidi ng wikang

Filipino sa paglahad ng iyong

ideya o Saloobin?

Oo 44 73.3%

Hindi 16 26.7%

Ikalawang Grapiko . Bilang ng mga sagot sa ikalawang tanong ng


mga mag-aaral

26.7%
sumagot ng Oo
sumagot ng Hindi
73.3%

Sa ikalawang grapiko, ipinakita na mayroong 73.3% ang sumagot ng Oo at 26.7%

naman ang sumagot ng Hindi sa tanong na,” Bihasa ka ba o marunong kabang gumamit at

nakakaintindi ng wikang Filipino sa paglahad ng iyong ideya o saloobin?”. Ito ay


14

nagpapatunay na mas maraming mag-aaral ang bihasa o marunong gumamit at nakakaintidi

ng wikang Filipino sa paglahad ng kanilang ideya o saloobin.

IV.3. RESULTA

Q3. Bihasa ka ba o marunong Prikwensya Poryento

kabang gumamit at

nakakaintidi ng wikang Ingles

sa paglahad ng iyong ideya o

Saloobin?

Oo 60 100%

Hindi 0 0%

Sa ikatatlong tanong na”Bihasa ka ba o marunong kabang gumamit at

nakakaintindi ng wikang Ingles sa paglalahad ng iyong ideya o saloobin?”, ay mayroong

100% ang sumagot ng Oo. Ibig sabihin nito ay lahat ng mag-aaral ay marunong gumamit at

nakakaintindi ng wikang Ingles sa paglalahad ng kanilang ideya o saloobin.


15

IV.4. RESULTA

Q4. Sang-ayon kaba kung sakaling Prikwensya Poryento

gamitin ang wikang Bilingguwalismo at

Multilingguwalismo sa pagturo, sa

paglalahad ng iyong punto o ideya sa

iba’t ibang asignatura?

Oo 55 91.7%

Hindi 5 8.3%

Grapiko 3. Bilang ng mga sagot sa ika-apat na tanong ng mga mag-


aaral

8.3%

sumagot ng Oo
sumagot ng Hindi
91.7%

Sa grapiko 3, mayroong 91.7% ang sumagot ng Oo at 8.3% naman ang sumagot ng

hindi sa tanong na” Sang-ayon kaba kung sakaling gamitin ang wikang Bilinnguwalismo

at Multilinnguwalismo sa pagturo, sa paglalahad ng iyong punto o saloobin sa iba’t

ibang asignatura?”. Nagpapatunay ito na mas maraming sang-ayon na gamitin ang wikang
16

Bilingguwalismo at Multilingguwalismo sa pagturo, sa paglalahad ng kanilang punto o

saloobin sa iba’t ibang asignatura.

Ilan sa ibang paliwanag ng mga respondenteng mag-aaral sa kung bakit sila sang-ayon

na gamitin ang wikang Bilinnguwalismo at Multilinnguwalismo sa pagturo, sa paglalahad ng

punto o saloobin sa iba’t ibang asignatura ay:

“Oo, sang-ayon ako dahil mas maipahayag ng maayos ang nais na ipahayag ko.”

“Dahil kapag ang wikang Bilinnguwalismo at Multilinnguwalismo ay gamitin sa pagturo, sa

paglalahad ng aking punto o ideya sa iba’t ibang asignatura mas mailalahad ko ng maayos, If

I forgot the word that I’m looking for in the language that I’m using I will use the word in

other language with the same meaning nga akong gipangita at I can understand the lesson

more if ganito.

“Ang paggamit ng pangkonseptong wika ay nagbibigay ng mas malaking option sa mga mag-

aaral na ilahad ang kanilang mga ideya o punto sa wikang mas komportable sila, kaya sang-

ayon ako”

At narito naman ang ilang paliwanag ng mga respondenteng mag-aaral na hindi sumang-ayon

na gamitin ang wikang Bilinnguwalismo at Multilinnguwalismo sa pagturo, sa paglalahad ng

punto o saloobin sa iba’t ibang asignatura:

“Dahil walang silbi ang pagtuturo ng asignaturang Ingles o Filipino kung gagamit tayo ng

dalawa. I mean unsay purpose sa pagtudlog English if puyde ra ta makastoryag other

languages.”

“Hindi ako sang-ayon dahil para sa akin, mas maiintindihan ko ang aralin kung isang

lingguwahe lamang ang ginamit.”


17

Ayon sa pag-aaral ni Orelus(2010) na “Rethinking Literacy Development of Bilingual

Students with Special Needs: Challenges, Struggles and Growth”, sa pamamagitan ng

paggamit ng wikang bilingguwalismo ng mga mag-aaral ay mas nagkaroon sila ng

motibasyon at suporta sa kanilang pamilya. Ayon naman sa pag-aaral ni Halai (2009) na

“Making the Use of Bilingual Interview data: Some of the Experience from the field”, na sa

pamamagitan ng wikang bilingguwalismo ay magkakaugnay sa globalisasyon. At ayon

naman sa pag-aaral ni Angela Rogers (2014) na “Multilingualism in Education: The Role of

First Language”, na ang wikang multilingguwalismo ay pinakamahusay sa paraan na gamitin

sa edukasyon upang magkaroon ng ugnayan sa mundo.

Sa pag-aaral na ito, itinatangi na ang paggamit ng wikang konsepto ay may malaking

kontribusyon sa tagumpay ng mga mag-aaral sa pagsusuri at pagsasalaysay ng kanilang mga

ideya at saloobin sa iba't ibang asignatura. Ang wikang ito ay nagsisilbing daan upang

maging malinaw at masusing mailarawan ang kanilang kaisipan, nagbubukas ng mas

malawak na pag-unawa sa iba't ibang konsepto at paksa. Ang paggamit ng wikang konsepto

ay nagbubunga ng isang masusing diskusyon sa pagitan ng mga mag-aaral, na naglilikha ng

masiglang palitan ng ideya at pananaw. Ito ay nag-aambag sa masiglang palitan ng kaalaman

at nagbibigay daan sa mas mataas na antas ng kritisismo at analisis.

Bukod dito, ang pagkakaroon ng wikang konsepto ay nagbubukas ng pintuan tungo sa

mas malawakang komunikasyon hindi lamang sa loob ng paaralan kundi maging sa lokal,

nasyonal, at pandaigdigang antas. Ito ay nagtataglay ng potensyal na magsilbing tulay ng

pag-unlad at pang-unawa sa pagitan ng iba't ibang kultura at lipunan.

Sa ganitong paraan, ang pag-aaral na ito ay nagtuturo ng kahalagahan ng wikang

konsepto hindi lamang bilang kasangkapan sa pag-aaral kundi bilang instrumento ng


18

pakikipag-ugnayan at pang-uunawa sa mas malawakang komunidad, nag-aambag sa

paghubog ng mga mag-aaral bilang mapanagot at makabuluhang bahagi ng lipunan.


19

KABANATA V

LAGUM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

V.1. LAGUM

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa saloobin ng mga mag-aaral sa paaralang Siquijor

Provincial Science High School tungkol sa paggamit ng iba’t ibang wika sa anumang

asignatura sa pagpapahayag o paglahad ng kani-kanilang saloobin o ideya sa isang partikular

na paksa. Ayon sa sarbey na isinagawa, mas gusto ng mga mag-aaral na gumamit ng

bilingguwalismo at multilingguwalismo sa pag-aaral. Subalit may iba ring sumalungat sa

kadahilanang mawawala ang tunay na halaga ng isang partikular na wika na ginagamit sa

isang asignatura kung gagamitan ng iba. Sa pangkalahatan, ang paggamit ng wikang

Bilingguwalismo at Multilingguwalismo ay ang mas pinili ng mga mag-aaral sa SPSHS sa

pagtuturo.

V.2 KONKLUSIYON

Matapos gawin ng mga mananaliksik ang kanilang pag-aaral, nahinuha nila na mas

gusto ng mga mag-aaral na gumamit ng Bilingguwalismo at Multilingguwalismo o paggamit

ng ibang wika sa paglalahad ng kanilang ideya. Ayon sa nakalap na datos, may 91.7% ang

tinatayang sumang-ayon sa paggamit nito habang nasa 8.3% lamang ang hindi.

Mahihinuha din mula sa datos na karamihan sa mga respondente ay mga multilingual

at nakakaintindi ng tagalog at ingles na madalas ginagamit sa pagtuturo.

V.3 REKOMENDASYON

Marami mga limitasyon ang nasa loob ng pag-aaral na ito kagaya ng paggamit lamang

ng kabuuang 60 na mag-aaral mula sa Siquijor Provincial Science High School bilang


20

respondente. Kung kaya ay mairerekomenda ng mga mananaliksik na gumamit ng mga mag-

aaral sa iba pang paaralan dito sa Siquijor o sa ibang lugar, pagdagdag ng mga respondente.

At mas mainam din kung gagamit ng mas tamang istatistikal tool upang matama ang mga

puwang o mga pagkakamali na makikita sa pag-aaral na ito at mas tiyak at tugma kung ano

talaga ang mga saloobin ng mga mag-aaral sa paggamit ng maraming wika sa iba’t ibang

asignatura sa paaralan.
21

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

Baker, C. (2011). Foundations of bilingual education and bilingualism. Multilingual Matters.

Cummins, J. (2008). BICS and CALP: Empirical and theoretical status of the distinction. In

Encyclopedia of language and education (pp. 71-83).

Halai, N. (2009). Making the use of bilingual interview data: Some experiences from the

field. Qualitative Report, 12(3), 344-355

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Self-Learning Module

Orelus, P. W., & Hills, M. D. (2010). Rethinking literacy development of bilingual students

with special needs: Challenges, struggles, and growth. International Journal of Special

Education, 25(2), 136-147.

Springer. García, O. (2014). Bilingual education in the 21st century: A global perspective.

John Wiley & Sons.


22

APENDIKS

A. LIHAM NG PAHINTULOT

Department of Education
Siquijor Provincial Science High School
Caipilan, Siquijor, Siquijor

Ginoo/Binibini,

Magandang araw po sa inyo!

Kami po ay ang mga mag-aaral sa ika-11 na baitang sa seksiyong Hertz. Nais po

naming makahingi ng kunting suporta sa aming pag-aaral na kasalukuyang ginagawa. Nais

po naming makahingi ng pahintulot na kayo ay maging isang respondente sa aming

pananaliksik ukol sa “Ang Tinig sa Pagbabago: Saloobin ng mga Mag-aaral Tungkol sa

Paggamit ng Konseptong Pangwika bilang Wikang Panturo”

Sana’y maunawaan niyo at pagbigyan ang aming munting hiling. Ang iyong suporta

ay napakahalaga.

Mga Mananaliksik,

Alyssa Angela A. Dela Peña


Dominic Mabayambang
Lorraine Herta M. Luedtke
Daves Earl V. Maata
Yasmien M. Nano
Josh Mathew Perales
Rona Alessandra Rylance
23

B. TALATANUNGAN

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa inyong mga saloobin tungkol sa paggamit ng


bilingguwalimo at multilingguwalismo sa pagtuturo sa iba’t ibang asignatura. Para sa mga
hindi nakakaalam, ang BILINGGUWALISMO ay ang kakayahan o kalagayan ng isang
indibidwal na makapagsalita, magbasa, magsulat, at mag-unawa ng mga mensahe sa
dalawang wika nang may kahusayan habang ang MULTILINGGUWALISMO ay ang
pagkaroon ng kasanayan ang isang indibidwal na gamitin at maunawaan ang higit sa
dalawang wika

Pangalan (Opsyunal):______________________________
Baitang at Seksyon:___________________

1. Ilang wika ang kaya mong maunawaan at maggamit ng may kahusayan?

□isa
□dalawa
□tatlo
□higit sa tatlo

2. Bihasa ka ba o marunong kabang gumamit at nakakaintidi ng wikang Filipino sa


paglahadng iyong ideya o Saloobin?

□Oo
□Hindi

3. Bihasa ka ba o marunong kabang gumamit at nakakaintidi ng wikang Ingles sa


paglalahadng iyong ideya o Saloobin?

□Oo
□Hindi

4. Sang-ayon kaba kung sakaling gamitin ang wikang Bilingguwalismo atMultilingguwalismo


sa pagturo, sa paglalahad ng iyong punto o ideya sa iba’t ibang asignatur?

□Oo
□Hindi

Kung Oo, bakit?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Kung Hindi, bakit?


24

C. MGA MANANALIKSIK

Pangalan: Alyssa Angela A. Dela Peña

Edad: 17 years old

Araw ng Kapanganakan: Ika-25 ng Mayo, 2006

Lugar ng Kapanganakan: Siquijor Provincial Hospital

Pangalan ng Ama: Rey M. Dela Peña

Pangalan ng Ina: Honeylene A. Dela Peña

Mga Kapatid: Ashley Aliyah A. Dela Peña

Address: Calunasan, Maria, Siquijor

Contact Details: 09550194009/ alyssadelapena528@gmail.com


25

Pangalan: Lorraine Herta M. Luedtke

Edad: 17 years old

Araw ng Kapanganakan: Ika-11 ng Oktubre, 2006

Lugar ng Kapanganakan: Siliman University Medical

Center

Pangalan ng Ama: Gerhard Luedtke

Pangalan ng Ina: Cherielyn Magsayo

Mga Kapatid: Joshua M. Luedtke

Roven M. Luedtke

Address: Candaping B, Maria, Siquijor

Contact Details: 09750933255/ luedtkelorraine6@gmail.com


26

Pangalan: Daves Earl V. Maata

Edad: 16 years old

Araw ng Kapanganakan: Ika-19 ng Marso, 2007

Lugar ng Kapanganakan: Lico-an, Maria, Siquijor

Pangalan ng Ama: Ed Daryll M. Maata

Pangalan ng Ina: Janice V. Maata

Address: Lico-a, Maria, Siquijor

Contact Details: 09061185636/ maatadavesearl@gmail.com


27

Pangalan: Dominic S. Mabayambang

Edad: 16 years old

Araw ng Kapanganakan: Ika-3 ng Mayo, 2007

Lugar ng Kapanganakan: Candaping B. Maria, Siquijor

Pangalan ng Ama: Ronie B. Mabayambang

Pangalan ng Ina: Gerlie S. Mabayambang

Mga Kapatid: Lindbelle Anne S. Mabayambang

Address: Candaping B. Maria, Siquijor

Contact Details: 09076002624/ mabayambangdominic@gmail.com


28

Pangalan: Yasmien M. Nano

Edad: 17 years old

Araw ng Kapanganakan: Ika-18 ng Enero, 2007

Lugar ng Kapanganakan: Napo, San Juan, Siquijor

Pangalan ng Ama: Russell T. Nano

Pangalan ng Ina: Rojaliza M. Nano

Mga Kapatid: Kurt Russell M. Nano

Zyrus Jhake M. Nano

Ayessha Khate M. Nano

Address: Napo, San Juan, Siquijor

Contact Details: 09553289281/ yasmiennano@gmail.com


29

Pangalan: Josh Mathew S. Perales

Edad: 17 years old

Araw ng Kapanganakan: Ika-30 ng Oktubre, 2006

Lugar ng Kapanganakan: Parañaque City, Philippines

Pangalan ng Ama: Edefel P. Perales

Pangalan ng Ina: Shiela O. Serania

Mga Kapatid: Philip Edinison S. Perales

Ande Roselle S. Perales

Address: Sitio Ompas, Lilo-an, Maria, Siquijor

Contact Details: thepalsenes@gmail.com


30

Pangalan: Rona Alessandra V. Rylance

Edad: 17 years old

Araw ng Kapanganakan: Ika-8 ng Agosto, 2006

Lugar ng Kapanganakan: Chong Hua Hospital, Cebu City

Pangalan ng Ama: Ronald K. Rylance

Pangalan ng Ina: Floribel V. Rylance

Address: Poblacion Norte, Maria, Siquijor

Contact Details: 09695210562/ ronarylance@gmail.com


31

Larawan ng Research Defense ng mga Mananaliksik na inaprobahan ni G. Rodson Jumalon

You might also like