You are on page 1of 8

Bawat Bata

Bumabasa 3B’s
Initiative
(DM 173, s. 2019)
Pambansang Pagsasanay sa Pagtuturong Panliterasi

Sesyon Blg. 2.0


PAGTUTURO NG PASALITANG-WIKA
TUNGO SA PAGLINANG NG
KOMUNIKATIBONG KASANAYAN
Learning Action Cell Session Guide
Filipino K-10
Inihanda ni:

MICHELLE FALCULAN-TOLENTINO
Senior Education Program Specialist
Kawanihan sa Pagpapatupad ng Pagkatuto-
Sangay ng Pagtuturo at Pagkatuto
Layunin
Pagkatapos ng sesyon, ang mga guro ay:
A. Pangunahing Layunin
Nailalapat ang pagtuturo ng pasalitang-wika tungo sa paglinang ng
komunikatibong kasanayan.
B. Mga Tiyak na Layunin
1. Natutukoy ang kahalagahan ng pasalitang-wika sa paglinang ng
komunikatibong kasanayan;
2. Naipaliliwanag kung paano malilinang ang kasanayang komunikatibo sa
pamamagitan ng pagtuturo ng pasalitang wika; at
3. Napahahalagahan ang pagtuturo ng pasalitang-wika sa pamamagitan ng
pagsusuri kung paano ito itinuturo upang malinang ang komunikatibong
kasanayan.

Susing Pang-unawa o Mga Punto ng Pag-unawa

1. Pangunahing mithiin sa pagtuturo ng Filipino ang makabuo ng buo at


ganap na Filipinong may kapaki-pakinabang na literasi. Ano ba ng
literasi? Ang literasi ay hindi lamang kaalaman sa pagbasa at pagsulat
kundi higit pa gaya ng kakayahang magamit ang mga kasanayang ito sa
mas malawak at makabuluhang pag-unawa sa mundo. Ito ay set ng
pagkatuto na nakatutulong sa bawat indibidwal na makamit ang kaniyang
mithiin at maging kapaki-pakinabang sa lipunan.

2. Matatamo ang mithiing kapaki-pakinabang na literasi sa pamamagitan ng


pagpapatatag sa pundasyon na pasalitang-wika (oral language). Ito ay isa
sa “BIG 6 COMPONENTS OF READING”. Ang kasanayan sa pasalitang-
wika ay tinatawag na orasi na tulay upang makamit ang literasi.

3. Ang pasalitang-wika ay gumaganap bilang pundasyon tungo sa literasi


at pamaraan sa pagkatuto sa paaralan at sa labas nito. (Fillmore & Snow,
2002).

4. Ang pundasyong ito ang magdadala sa kanila tungo sa kasanayan sa


pagbasa at pagsulat, at sa iba pang kasanayang panliterasi bilang mga
pangunahing kasangkapan ng kaisipan para sa pagtamo ng mga kaalaman
sa hinaharap. (Roskos, Tabors, & Lenhart, 2009).

5. Ang pasalitang-wika ang una, pinakamahalaga, at pinakagamiting


nakaestrukturang midyum sa komunikasyon ng isang indibidwal.
Pangunahin ito upang mahulma, masuri, mailarawan, at makontrol ang
kanilang mga karanasan. Ito rin ang susing tagapag-ugnay sa kanilang
kultura, sa paraang nailalapat nila ang sarili sa kanilang mundo at
nabibigyang-kahulugan ang sarili kasama nito at kabilang dito.(Cregan,
1998)

2
6. Sa simula pa lamang, bago pa man ang pormal na pag-aaral dapat
pinalalakas at pinatatag na ang pundasyong ito. Gayundin, patuluyan ang
paglinang nito, dahil nagpapatuloy ang kahalagahan ng mga kasanayan sa
pasalitang wika sa lahat ng buong taon ng pag-aaral –sa katunayan, sa
buong buhay.

7. Ang matatag na pundasyon nito (pasalitang wika) ang tutulong sa mga


mag-aaral na maging matagumpay na mambabasa at mananalita,
gayundin, ang magtataguyod sa kanilang tiwala sa sarili at
pangkalahatang kagalingan bilang indibidwal. (Reeder and Baxa, 2017)

8. Upang malinang ang komunikatibong kasanayan, mahalagang unahing


patatagin ang pundasyon sa pasalitang-wika ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng sumusunod:
● Pagtuon sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pakikinig at pagsasalita
● Pagtuturo ng aktibong pakikinig
● Pagtuturo ng aktibong pakikinig
● Pagbuo sa klasrum bilang komunikatibong kapaligiran
● Pagbibigay ng pagkakataon para sa awtentikong
interaksiyon/komunikasyon
● Pagpapahalaga sa pangangailang panggramatika sa bawat aralin
● Pagmomodelo
● Pagsubaybay sa pag-unawa ng mag-aaral
● Pag-aangkop ng wika sa pangangailangan at lebel ng mag-aaral
● Pagbilang ng paglinang sa pasalitang-wika sa pang-araw-araw na
rutina o gawaing pangklasrum
● Pagsipat sa mga kuwentong babasahin nang magkatuwang
● Pagwawasto

Mga Kagamitan Inaasahang Haba ng Oras


2-3 oras
● video, powerpoint presentation,
pentel pens, meta cards Alignment to the PPST
Domain 1
Content Knowledge and Pedagogy

Diversity of Learners
Learners’ gender, needs, strengths,
interests, and experiences

Curriculum and Planning


Relevance and responsiveness of learning
programs

Planning and management of teaching and


learning process

3
Mga Sanggunian
Fielding, L., Kerr, N., & Rosier, P. (2007). Annual Growth for all students, Catch-Up
Growth for those who are behind. Kennewick, WA: The New Foundation Press, Inc.
Cain, K., & Oakhill, J. (Eds.), (2007). Children’s comprehension problems in oral and
written language. New York: Guilford.
Lyle, Susan (1993). "An Investigation into Ways in Which Children Talk Themselves
into Meaning." Language and Education, 7(3), 181-87. [EJ 485 116]
Fillmore, Lily W. & Catherine E. Snow (2002). What Teachers Need to Know about
Language. McHenry, IL:Delta Systems.
Erin Reeder and Baxa Julie (2017), The Importance of Oral Language for Literacy
Success. GrapeSEED Media, Ltd.
Roskos, Kathleen A., Tabors, Patton O., & Lenhart, Lisa A. (2009). Oral language
and early literacy in preschool: Talking, reading, and writing. Newark, DE:
International Reading Association.
Himmele, P. & W. Himmele (2009). The Language-Rich Classroom: A Research-
Based Framework for Teaching English Language Learners (pp. 30–33). Alexandria,
VA: ASCD.

PAMAMARAAN:
A. Panimula (Introduction)
1. Ipakilala ang sarili. Mungkahing sasabihin:
“Isang mapagpalang araw sa inyong lahat. Ako si __________________ ng
___________. Buong galak ko kayong tinatanggap sa sesyong ito. Tunay na
nakasasabik ang ating sabay-sabay na pagtuklas sa panibagong kaalamang
ating matututuhan. Kaya naman, tara na! Pakinggan at unawain ang ating
tagapanayam: Gng. Michelle Falculan-Tolentino, Senior Education Program
Specialist mula sa Teaching and Learning Diviison, Bureau of Learning
Delivery, Department of Education, Central Office.

2. Ilahad ang mga layunin at magiging daloy ng sesyon.

A. Pangunahing Layunin
Nailalapat ang pagtuturo ng pasalitang-wika tungo sa paglinang ng
komunikatibong kasanayan

B. Mga Tiyak na Layunin

1. Natutukoy ang kahalagahan ng pasalitang-wika sa paglinang ng


komunikatibong kasanayan;
2. Naipaliliwanag kung paano malilinang ang kasanayang komunikatibo
sa pamamagitan ng pagtuturo ng pasalitang wika; at

4
3. Napahahalagahan ang pagtuturo ng pasalitang-wika sa
pamamagitan ng pagsusuri kung paano ito itinuturo upang malinang
ang komunikatibong kasanayan.

3. Ilahad ang magiging daloy ng sesyon:


A. Gawain
B. Pagsusuri
C. Paglalahad ng mga Ideya at Konsepto
D. Paglalapat
E. Pagpapahalaga/Pagwawakas

4. Ipagawa ang kasunod na gawain: Larong Oho, Oha, ho!

B. Gawain (Activity)
1. Pangkatin sa tatlo ang mga kalahok.
2. Isagawa ang Larong Oho, Oha, ho!
3. Sabihin ang sumusunod na panuto:

● Magpangkat sa tatlo. Bawat pangkat ay papangalanan ng:


Pangkat 1 – Oho!
Pangkat 2 – Oha!
Pangkat 3 – Ho!
● Magsisimula ang laro sa pamamagitan ng pagtawag sa pangalan ng
alinman sa tatlong pangkat
● Ang tinawag na pangalan ay dapat sumagot nang dalawang beses sa
kaniyang pangalan kasunod ang pagtawag sa pangalan ng isa pang
pangkat na pipiliin at sila naman ang sasagot at magtatawag muli. Ito ay
magpapatuloy hanggang sa maging nakalilito ang pagtawag at
pagsagot sa pangalan ng bawat pangkat.
● Ang pangkat na hindi makasagot at magkamali sa pagsagot ay
matatanggal na sa laro.
● Ang matitira ang mananalo.

Halimbawa (para sa tagapagdaloy):

 Unang tatawagin ang pangalan ng Oho!


 Sasagot ang Pangkat Oho! nang Oho! Oho! Oha! (dalawang beses
dapat ang pagbanggit ng sariling pangalan at susundan ng pangalan
ng pangkat na nais tawagin, gaya rito Oha! Ang ididugtong)
 Sumunod na sasagot ang pangkat Oha! na sasagot naman nang Oha!
Oha!
 Ho! (kung halimbawang si Ho! Ang nais nila sumagot)

5
*Ang layunin ng gawaing ito ay para sa pagsagot sa mga tanong sa bahaging
ANALISIS. Kailangang mapalitaw rito ang dalawang mahalagang kasanayan na
pagsasalita at pakikinig na mahalaga sa pasalitang-wika.

4. Pagkatapos ng Larong Oho, Oha, ho! Itanong ang sumusunod:


● Ano ang mahahalagang kasanayan ang nilinang sa ating gawain o laro?
● Bakit mahalaga ang paglinang sa mahahalagang kasanayang ito?

5. Magpatuloy sa PAGSUSURI.

C. Pagsusuri (Analysis)

(Pag-usapan ang mga sagot sa tanong)

1. Sabihin at itanong: “Tunay na mahahalagang mga kasanayan ang pakikinig


at pagsasalita, kung gayon, paano ninyo ito mabisa at epektibong nililinang
o itinuturo sa inyong mga mag-aaral? Sa anong yugto ito ng pag-aaral dapat
pinatatag?

Magpatuloy sa pagsusuri at talakayan:

● Bakit dapat higit na matatag ang paglinang sa pakikinig at


pagsasalita sa unang yugto ng pag-aaral?
● Paano magiging matatag ang pundasyon na ito sa mga mag-aaral?

*Sa unang tanong pa lamang, dapat lumabas sa sagot na ang paglinang sa


kasanayang ito ay depende sa antas ng mga mag-aaral. Kailangang mapalabas na
higit na dapat bigyang diin ang pakikinig at pagsasalita sa unang yugto ng pag-aaral
bagaman nagpapatuloy ito sa lahat ng yugto. Dahil ito ang magsisilbing pundasyon
ng mga mag-aaral para sa pagkamit ng mithiing literasi.

2. Sabihin at itanong: “Maliwanag ang ating mithiin sa pagtuturo ng Filipino,


ang makahubog ng Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi. Kung
gayon, paano natin ito maisasakatuparan? Ano ang isa sa mga
pangunahing dapat nating bigyang-tuon sa ating pagtuturo para makamit
ang mithiing pagkakaroon ng kapaki-pakinabang na literasi ng bawat
Filipinong mag-aaral?

6
D. Paglalahad ng mga Ideya at Konsepto
(Abstraction)
1. Ibigay ang mga gabay na tanong sa panonood ng Video.

Sabihin: Habang pinanonood ninyo ang video, inaasahang masasagot ang


sumusunod na tanong:

● Ano ang literasi?


● Ano ang mahahalagang kasanayang kaugnay orasi? Bakit mahalaga ang
mga ito sa pagtamo ng literasi?
● Ano ang pasalitang-wika? Bakit ito mahalagang linangin sa mga mag-
aaral?
● Sa anong yugto ng pag-aaral nararapat patatagin ang pasalitang-wika?
Bakit?
● Bakit itinuturing na mahalagang pundasyon ang pagkakaroon ng
kasanayan sa pasalitang-wika?
● Paano ang pagtuturo ng pasalitang-wika upang malinang ang
komunikatibong kasanayan?
● Itala ang inyong “AHA MOMENTS”.

2. Ipanood ang video:


Paksa: Pagtuturo ng Pasalitang-wika tungo sa Paglinang
ng Komunikatibong Kasanayan
Tagapanayam: Gng. Michelle Falculan-Tolentino
Senior Education Program Specialist

3. Pagkatapos panoorin ang video, magkaroon ng pagpoproseso sa


pamamagitan ng talakayan. Hayaang iproseso ng mga kalahok sa kanilang
kaisipan ang mga impormasyon na kanilang napakinggan sa pamamagitan
ng pagsagot sa mga ibinigay na tanong.

4. Matapos maiproseso, ang tagapagdaloy ay muling papasadahan ang


tinalakay sa video (gamit ang mga nilalaman na nasa video), at pipili sa mga
kalahok na siyang maglalahat ng naunawaan sa sesyon.

E. Paglalapat (Application)
1. Ipagawa nang pangkatan ang sumusunod:

Sabihin ang panuto: Pumili ng dalawa o higit pang sitwasyon ng paggamit ng


wika mula sa talahanayan. Batay rito, bumuo ng makabuluhang gawaing
lilinang sa kasanayan sa pasalitang-wika. Ilahad kung paano ninyo malilinang
ang komunikatibong kasanayan sa binuong gawain.

7
2. Ipaulat ang ginawa ng bawat pangkat.

F. Pagpapahalaga/Pagwawakas
Sabihin: Bilang pagpapahalaga, baunin nating lahat ang mensahe ng pahayag na ito:

“We live
“We live atat the
the level
level of
of our
our language.
language.
Whateverwe
Whatever we can
can articulate
articulate we
we can
can imagine
imagine
orunderstand
or understandor orexplore.”
explore.”
(Ellen Gilchrist,2000)
(Ellen Gilchrist,2000)

Inihanda ni:

MICHELLE FALCULAN-TOLENTINO
Senior Education Program Specialist
Kawanihan sa Pagpapatupad ng Pagkatuto-
Sangay ng Pagtuturo at Pagkatuto

You might also like