You are on page 1of 8

 

Bawat Bata Bumabasa 


3B’s Initiative 
(DM 173, s. 2019)
Pambansang Pagsasanay sa Pagtuturong Panliterasi
 
Sesyon 8.0
PAGTUTURO NG PAGHIHINUHA
Learning Action Cell Session Guide 
Filipino K-10   
Inihanda nina:

CRISTY S. AGUDERA
Tagamasid Pansangay
Sangay ng Lungsod Tagum
Rehiyon 11

ANNABELLE M. PAREL
Tagamasid Pansangay
Sangay ng Pangasinan II
Rehiyon 1
Layunin

Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na ang mga guro ay:

Pangunahing Layunin:
1. Napalalalim ang kaalaman sa pagtuturo ng paghihinuha gamit ang ibat ibang
estratehiya o pamamaraan
Tiyak na Layunin:
1. Natutukoy ang kahulugan ng kasanayang paghihinuha
2. Natatalakay ang iba’t ibang estratehiya at pamamaraan sa pagtuturo ng
paghihinuha
3. Nailalapat ang mga kaalamang natutuhan sa pagtuturo ng kasanayan sa
paghihinuha

Susing Pang-unawa

1. Pangunahing mithiin sa pagtuturo ng pagbasa ay ang makalinang ng isang


batang marunong bumasa at isang batang magbabasa. (A child who can read
and a child who will read.)
2. Komprehensiyon ​- Ang pagbasang may komprehensyon ay pagbuo ng mga
tulay na mag-uugnay sa dating kaalaman tungo sa bagong kaalaman ​[Pearson
at Johnson, 1978]​. ​Sa madaling salita, ugnayan ng teksto at ng kaalaman ng
mambabasa.
3. Apat na antas sa pagsusuri ng mga kasanayan sa pag-unawa ​(Nila Banton
Smith 1969)
a. Pag-unawang Literal
b. Interpretasyon
c. Kritikal/Mapanuring Pagbasa
d. Malikhaing Pagbasa
4. Mga Kasanayan sa Pang-Unawa
● Pagkakatulad At Pagkakaiba
● Pagtukoy Ng Pangunahing Ideya At Mga Pansuportang Detalye
● Pagsunod-Sunod
● Paghihinuha
● Panghuhula
● Pagwawakas
● Pagkilatis Sa Katotohanan At Opinyon
● Pag-Ebalweyt Sa Ebidensiya At Argumento
● Pagtukoy Sa Layunin Ng Teksto
● Pagkilala Sa Estilo Ng Awtor
● Pagbubuod O Paglalagom
5. Paghihinuha - Tinatawag sa ingles na ​inferencing.​ Ito ay maaring batay sa
mga clues, bakas, palatandaan, ebidensya o mga implikasyong ipinapakita sa
isang kuwento, akda o pangyayari. Madalas ginagamit ito sa kuwento at
nobela.

2
6. Ang paghihinuha ay isang “​foundational skill”​ – prerequisite skill sa ​mataas na
antas ng pag-iisip at kasanayang pang ika-21 siglo ​[Marzano, 2010]Dahil ito’y
nangangailangan ng ​mataas na antas ng pag-iisip [​ HOTS], mahirap itong ituro
subalit ito ay naituturo sa mga bata s a pamamagitan ng ​direktang pagtuturo
gamit ang mga ​estratehiya sa paghihinuha [​ inferential strategies].
7. Estratehiya sa Pagtuturo ng Paghihinuha
a. DRTA
b. Reciprocal Teaching
c. QAR
d. Justifying Answers
e. Graphic Organizers

Mga Kagamitan Inaasahang Haba ng Oras


2 oras
● PowerPoint Presentation
● Kopya ng mga teksto Alignment to the PPST
● templates ng repleksiyon at gawain Domain 1
sa aplikasyon Content Knowledge and Pedagogy
Applies knowledge of content within and
across curriculum teaching areas
Diversity of Learners
Learners’ gender, needs, strengths,
interests, and experiences
Curriculum and Planning
Relevance and responsiveness of learning
programs
Planning and management of teaching and
learning process

Mga Sanggunian
• Academia.educ.
• https://www.youtube.com/watch?v=R9npERdHWPs&list=PLibY2lrd8yt24q8T3
XY7BwNrTHLCbDW-s&index=4&t=3s
• https://www.slideshare.net/AlbertineDeJuanJr/mga-istratehiya-safilipino
• file:///C:/Users/HP/Desktop/FILIPINO%20FILES/Panitikang_Pilipino_Filipino_M
odyul_ng_M.pdf
• file:///C:/Users/HP/Desktop/FILIPINO%20FILES/Supplemental%20Filipino%20
High%20School%20Grade%207%203rd%20Q.pdf

3
• Alvermann, Donna Stephen Phelps. Content Reading and Literacy. Boston
Allyn Bacon
2002, 3rd ed.
• Atkinson, Rhonda Holt. Reading Enhancement and Development USA West
Publ. Co. 1990
• Earle, Cynthia and Christine Zimmermann. The Reading/Writing Connection,
N.Y. Longman, 2003
• Study.com/academy/lesson/reciprocal-teaching-strategies-definition-examples.
htm/
• [http://www.thoughtco.com]

Pamamaraan
A. Panimula ​(Introduction)
1.​ Ipakilala ang sarili. Mungkahing sasabihin:

Isang magandang araw sa inyong lahat. Ako si ______________________. Ating


pag-uusapan ngayon ang pagtuturo ng paghihinuha sa mga mag-aaral sa
elementarya at sekundarya. Ang pagtuturo ng paghihinuha ay mahirap ngunit ito ay
maaaring matutuhan ng mga mag-aaral. Mahalaga ang pagtuturo ng paghihinuha
upang maihanda ang mga mag-aaral sa mas mataas at mapanuring paraan ng pag
iisip na magiging susi sa pang unawa sa pagbasa. Mabigat ang gampanin ng bawat
guro sa kasalukuyan sapagkat marami sa ating mga mag-aaral ang hirap sa pagbasa
at sa pang unawa sa pagbasa. Nakasalalay sa ating mga gawain sa aralin ang
paglinang sa pagbasa nang may pang unawa. Ang pagtuturo sa paghihinuha ay isa
sa mga kasanayang dapat na malinang mula sa Grade 1 hanggang sa Grade 10.

Handa na ba kayong makinig at makilahok?​ (​Inaasahang sagot:​ ​Aba, siyempre!​ )

2.​ Ilahad ang mga layunin at magiging daloy ng sesyon.

Sabihin: ​Sa araw na ito, tatalakayin natin ang tungkol sa Pagtuturo ng Paghihinuha.
Sa araling ito, inaasahang matulungan o magabayan ang mga guro sa kahandaan sa
kasanayan sa pagtuturo ng paghihinuha sa kanilang mga mag-aaral. Bago ang
lahat, alamin muna natin ang mga inaasahang tiyak na layunin na dapat nating
matamo sa loob ng dalawang oras na talakayan.​ (SLIDE 3)

Pangunahing Layunin:
1. Napalalalim ang kaalaman sa pagtuturo ng paghihinuha gamit ang ibat
ibang estratehiya o pamamaraan

Tiyak na Layunin:
1. Natutukoy ang kahulugan ng kasanayang paghihinuha
2. Natatalakay ang iba’t ibang estratehiya at pamamaraan sa pagtuturo ng
paghihinuha

4
3. Nailalapat ang mga kaalamang natutuhan sa pagtuturo ng kasanayan sa
paghihinuha

*Gabay para sa tagapagdaloy ng LAC:​ Magbigay ng kaunting paliwanag bilang


pagbibigay-linaw sa mga layuning nabanggit. Maaari ring tanungin ng tagapagdaloy ang mga
partisipante ng kanilang sariling ideya hinggil sa mga nabanggit na layunin.

B. Gawain ​(Activity)

Sabihin: ​Sa puntong ito, may panonoorin tayong isang maikling pelikula. May mga
inihandang mga tanong sa bawat yugto ng pelikula na inyong sasagutin.” Ipakita ang
slide #4 bilang gabay ng mga partisipante sa gawain. Ang bawat pangkat ay bibigyan
ng isang tsart na sasagutin habang pinapanood ang maikling pelikula. (TSART NG
HINUHA)

Gawin Natin: Ano ang palagay mo?

Tanong Ebidensya Palagay


Ano kaya ang ipinahiwatig - may kaba may gusto ang lalaki sa
ng kilos ng lalaki? - nakaw-tingin babae
- namangha sa
ganda
Ano sa palagay ninyo ang - aberya sa elevator: Gusto niyang masabi ng
papel ng elevator sa (pinahinto ang lalaki ang damdamin niya
pelikula? elevator, sa babae
brown-out)
Paano mo ilalarawan ang - itsura pogi ngunit torpe at
katangian ng lalaki? - ipinakitang kilos duwag
nang
- mag-brown-ou
Paano nagwakas ang - paghabol ng lalaki naglakas ng loob ang
kuwento? sa babae lalaki na ipagtapat ang
- -reaksyon ng damdamin
elevator at simbolo
ng puso

*Gabay para sa tagapagdaloy ng LAC:​ Saglit na ihihinto ayon sa nakasaad na oras at hayaang
sagutin ang mga ibinigay na tanong Gagawin ang proseso hanggang sa matapos ang video at
pag usapan ang kanilang mga sagot. Isulat ang mga sagot sa manila paper na ibibigay sa bawat
pangkat. Bigyan ng 15 segundo sa pagsulat ng kanilang sagot

Itanong ang sumusunod:

5
• Paano ninyo naibigay ang wastong hula/hinuha sa mga tanong batay sa
pangyayari sa napanood? Ano ang inyong naging batayan sa pagbibigay ng
tamang sagot.
• Ano- ano ang inyong isinaalang-alang sa pagbibigay ng hula? Naging epektibo
ba ito sa pagbibigay ng tamang sagot sa mga tanong?

C. Pagsusuri ​(Analysis)
(Pag-usapan ang mga sagot sa tanong)

● Ano ang mahahalagang kasanayan ang nilinang sa ating gawain?


● Bakit mahalaga ang paglinang sa mahahalagang kasanayang ito?
● Nabanggit ninyo ang kahalagahan ng mga kasanayang ito, kung gayon,
paano ito dapat mabisa at epektibong maituturo sa mga mag-aaral?

D. Paglalahad ng mga Ideya at Konsepto


​ (Abstraction)
1.​ Gabay na Tanong sa Panonood para sa ​Video

Sabihin: ​Habang pinanonood ninyo ang video, inaasahang nasasagot ang


sumusunod na tanong:

● Ano ang paghihinuha?


● Ilarawan ang pagkakaiba ng paghuhula sa paghihinuha.
● Bakit dapat pagtuunan ng pansin ang pagtuturo ng paghihinuha?
● Paano ituturo ang paghihinuha?
● Paano naiba ang pagtuturo ng paghihinuha mula sa Key stage 1
hanggang sa key stage 3?
● Ano ang dapat isaalang-alang sa mabisang pagtuturo ng kasanayan sa
paghihinuha?

2.​ Ipanood ang ​video​:

​ aksa:​ P
P ​ agtuturo ng Paghihinuha
Tagapanayam: Bb. Annabelle M. Parel
Principal II

*​Gabay para sa tagapagdaloy ng LAC: Maaring hatiin ang video sa bawat bahagi at
magkaroon ng talakayan habang sinasagot ang mga gabay na tanong.

6
3. Pagkatapos panoorin ang ​video​, magkaroon ng talakayan. Hayaang iproseso
ng mga kalahok sa kanilang kaisipan ang mga impormasyon na kanilang
napakinggan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga ibinigay na tanong.

*Gabay para sa tagapagdaloy ng LAC: Ang ilan sa mga slides sa mga modelong aralin ay
hindi isinama sa videong panonoorin ngunit maari itong ipakita ng tagapagdaloy bilang
halimbawa ng modelo sa pagtuturo ng paghihinuha.

E. Paglalapat (Application)
1.​ Ipagawa nang pangkatan.
● Gamit ang teksto ibibigay, ipakita ang mga estratehiyang natutuhan sa
pagtuturo ng kasanayang paghihinuha sa pamamagitan ng isang maikling
presentasyon.
● 15 minuto ang ilalaan sa paghahanda at 3 minuto sa presentasyon

2.​ Ipaulat ang ginawa ng bawat pangkat. (Presentasyon)

F. Pagpapahalaga/Pagwawakas
Sabihin:​ ​Bilang pagpapahalaga, baunin nating lahat ang mensahe ng pahayag na ito:

Inihanda nina:

CRISTY S. AGUDERA
Tagamasid Pansangay
Sangay ng Lungsod Tagum
Rehiyon 11

7
ANNABELLE M. PAREL
Tagamasid Pansangay
Sangay ng Pangasinan II
Rehiyon 1

You might also like