You are on page 1of 4

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 5

NAKALILIKHA NG ISANG MALIKHAING PROYEKTO (PAGGAWA NG POTHOLDER)

Home Economics
KWARTER 3
IKALIMANG LINGGO

Pangalan: ___________________________ Grade & Section: ____________ Score: _______


Guro: ___________________________________ Petsa: _______________________________

Ano ang mga kagamitan sa bahay ang inyong makikita? Kapakipakinabang ba ito?

Unawain Natin

Sa isang tahanan mahalaga na mayroon tayong mga kagamitan na


makakatulong sa atin upang maging maayos at maaliwalas sa loob ng ating bahay.
Ilan sa mga ito ay ang mga gamit na makikita sa loob ng kusina. Narito ang halimbawa
ng mga kagamitan sa ating tahanan.

Apron
Towel

Ano anong mga kagamitan sa bahay ang pwede ninyong magawa sa


pamamagitan ng pananahi? Magbigay ng halimbawa.
Ang apron ay isinusuot upang maiwasan ang pagkalat ng pagkain sa damit habang
nagluluto o naghuhugas ng pinagkainan.

Ang towel naman ay pamunas sa mga kamay para manatiling malinis ang mga ito.

Ang potholder ay isang makapal na tela na isinusot sa kamay para hawakan ang
mainit na palayok o iba pang bagay na ginamit sa pagluluto. Paano nga ba ang
proseso sa paggawa ng potholder? Madali lang ba itong gawn? Narito at alamin natin.

1
Paggawa ng potholder:

1. Pagpapatung-patungin ang mga natirang retaso.


2. Gumawa ng dalawang pardon para sa
pang-ibabaw na hawakan.
3. Linyahan ang pardon. Ilagay ang inayos na retaso
sa loob ng pang-ibabaw na hawakan.
4. Ihilbana ang mga gilid.
5. Tahian ng overcasting ang mga gilid.
6. Pagtapatin ng maayos. Ihilbana at tahiin sa makina.

Ilapat Natin

A. Panuto: Basahin ang kaisipan. Sa iyong papel, ilagay ang tsek (√) sa bawat
bilang kung nakadaragdag sa kasanayan ng pananahi at ekis (X) kung hindi.

________1. Ginagamit ko ang aking ngipin sa pagputol ng sinulid.


_______ 2. Pinagsisikapan kong maging tuwid ang takbo ng sinulid sa tinatahi ko.
_______ 3. Kompleto palagi ang kagamitan sa aking kahong panahian.
_______ 4. Nagpapahibla ako kung ako ay nagmamadali.
_______ 5. Nagpapasalamat ako kung may pumupuna sa tinahi ko, mabuti man ito o
naglalayong magpabuti.

B. Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang ilang bagay na ginagamit sa pananahi. Ibigay
ang kahulugan ng bawat isa.

1.

2.

3.

2
Suriin Natin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong. Ilagay ang sagot sa loob ng
kahon.

1. Bakit kailangang planuhing mabuti ang kagamitang tatahiin?

2. Ano-ano ang panuntunang dapat sundin sa pagpili ng telang gagamitin sa


proyektong tatahiin?

3. Bakit mahalaga ang pagsasanay sa pagkuha ng tamang sukat ng iyong tinatahi?

4. Bakit mahalaga ang kaalaman sa paggawa ng iba’t ibang uri ng kagamitan sa


bahay?

5. Ano-ano ang suliranin sa pananahi? Paano isasaayos ang bawat suliranin?

3
Likhain Natin

Layunin: Nakalilikha ng isang malikhaing proyekto.

Tungkulin: Bilang isang mag-aaral sa ikalimang baitang, ikaw ay inaasahang makagagawa


ng iyong sariling disenyo ng potholder.

Tagapanood: Guro at Magulang/Tagapag-alaga

Sitwasyon:

Sa klase ni Bb. Pabelonia sa EPP 5, inatasan niya ang mga bata na mag-isip at gumawa
ng kanilang sariling disenyo ng potholder.

Tayain Natin

Panuto: Humanap ng lumang damit na hindi na ginagamit o tela na maaaring gawing


potholder. Kuhaan ng larawan na nagpapakita ng paggawa ng potholder at ang natapos na
proyekto. Ipakita ang natapos na proyekto.

Rubric sa Paggawa ng Potholder


Puntos
Pamantayan
5 4 3 2 1
1. May kaalaman sa pananahi at maayos ang
pagkakatahi.
2. Walang himulmol, walang nakausling sinulid, malinis
at may disenyo.
3. Naipasa ng maaga at sa tamang oras.

4. Maganda at maayos ang pagkakagawa.

Pagpapakahulugan:

Napakahusay = 16 – 20
Mahusay = 11 – 15
Hindi gaanong mahusay = 6 – 10
Dapat pang paghusayan =1–5

You might also like