You are on page 1of 1

Ang Panitikang Filipino

Bakit natin kailangan sumulat ng tula?


Kung ang nais lang naman nati’y magpahiwatig ng nadarama
Kailangan bang may sukat ang ating mga salita
May estropa, taludtod, pangkat at tugma?

Bakit natin kailangang pag aralan ang maikling Kwento?


Ano ba ang halaga sa atin ng buhay ng ibang tao
Kung lahat naman ng tagpo
Sa kapighatian ang tungo

Nasubokan ko ring sumulat ng sanaysay


Ang pamagat nito’y “Ang magandang Buhay”
Handog ko sa aking ama’t Inay
Katuwang ko sa aking paglalakbay

Sumulat din ako ng mga awit


Inspirasyon ko ang mga iyak ng ibong marikit
Sa kanilang pighati’t pasakit
Sa kaibutoran ng puso ko’y umuukit

Sa intablado bentang benta ang mga dula


Ibat ibang tagpo at drama
May kababalaghan, aksyon at trahedya
Meron ding nakakainis at nakakatawa

Bata pa ako’y mahilig ako sa kwentong epiko


Malalakas, may kapangyarihan at lumilipad na tao
Dahil dito naging makulay ang aking mundo
Sa mundo ko ako ang superhero

Ngayon akoy napapaisip at nagtataka


Mula simula at wakas nitong aking tula
Ako’y ngay nagulat at namangha
Ang panitikang filipino tunay ngang kahanga-hanga

You might also like