You are on page 1of 5

Module 1.

Pangalan:

Mga Akdang Lumaganap Bago Dumating Ang Mga Espanyol

Gawain 1.1
Ibigay ang Kahulugan ng mga sumusunod at magbigay ng tig iisang halimbawa.

1. Salawikain - _______________________________________________________
Halimbawa: _______________________________________________________
2. Sawikain - _________________________________________________________
Halimbawa: ________________________________________________________
3. Kasabihan - ________________________________________________________
Halimbawa: ________________________________________________________
4. Kuwentong Bayan - __________________________________________________
Halimbawa: ________________________________________________________

DISCUSSION:
Paghahambing

Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalahad. Ito ay nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa isang paksa sa
pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambing.

1. Pahambing na Magkatulad – sa magkatulad na katangian ay ginagamit ang mga panlaping gaya ng magka-, sing-,
sim-, sin-, magsing-, magsin-, ga-, pareho, kapwa.
2. Pahambing na Di-magkatulad
a. Palamang – nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing. Ginagamit ang higit,lalo,mas,di-
hamak
b. Pasahol – kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing. Ginagamit ang di-gaano, di-gasino, di-
masyado.

Gawain 1.2
Isulat ang angkop na pahambing sa pangungusap gamit ang mga gabay na salita sa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa
patlang.

1. ________________(gusto: di-magkatulad) kong magbasa kaysa manood ng telebisyon kapag wala akong
ginagawa.
2. _______________( maganda:magkatulad) ang pananaw naming magkaibigan sa buhay dahil ito ang turo n
gaming magulang.
3. Ako ay ______________(matanda: di-magkatulad) kaysa sa aking mga kalaro kaya’t pinipilit kong maging
mabuting halimbawa sa kanila.
4. _________________(mahirap:di-magkatulad) ang buhay ng aking magulang kumpara sa magandang buhay na
ibinigay nila sa akin ngayon.
5. Ang aking tatay at nanay ay ________________(bait: magkatulad) kaya’t mahal na mahal ko silang dalawa.
DISCUSSION:
Elemento ng Alamat (BANGHAY)

Ang alamat ay isang salaysay na tuluyan at nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay o lugar. Maaaring magpaliwanag ito
kung paano pinangalanan o kung bakit nagkaroon ng ganoong mga pook o bagay. Karaniwang hubad sa katotohanan ang
mga kuwentong ito dahil ito’y mga likhang-isip lamang ng ating mga ninuno sa pagtatangka nilang ipaliwanag ang
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa paligid.

Gaya ng ibang akdang tuluyan ang banghay ng alamat ay nagtataglay rin ng tatlong bahagi: simula, gitna, at katapusan.
Sa simula matatagpuan ang dalawang mahalagang sangkap o elemento, ang tauhang ipinakilala ayon sa kaanyuan o
papel na gagampanan o katayuang sikolohikal, kung sino ang bida at ang kontrabida. Ang ikalawa ay ang tagpuan o ang
pangyayarihan ng aksiyon o mga eksena na naghahayag ng panahon – kung tag init o tag-ulan kung anong oras at kung
saang lugar.

Sa gitna naman ay makikita ang banghay o ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o eksena. Dito rin
nakapaloob ang pinakamahalagang bahagi ng kuwento-walang iba kundi ang diyalago. Ang diyalogo ay ang usapan ng
mga tauhan. Kailangang ang diyalogo ay magawang natural at hindi artipisyal. Kaya rin ng ibang akdang tuluyan, sa gitna
rin makikita ang sumusunod na katangian ng isang kuwento: ang saglit na kasiglahan na magpapakita ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa problema; ang tunggalian na tahasan nang magpapakita ng labanan o
pakikibaka ng tanging tauhang inilalahad at ito ay maaring ang kanyang pakikipagtunggali sa sarili, sa kapwa, sa
kalikasan. At ang panghuli ay ang kasukdulan, ang pinakamadulang bahagi ng kuwento kung saan iikot ang kahihinatnan
ng tanging tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay.

Sa wakas naman matatagpuan ang kakalasan at ang wakas nito. Sa kakalasan unti-unting bababa ang takbo ng istorya.
Dito rin sa bahaging ito mababatid ang kamalian o kawastuhan ng mga di inaasahang naganap na pagbubuhol na dapat
kalagin. Mababatid naman sa katapusan ang magiging resolusyong maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o
pagkapanalo.

Gawain 1.3
Magbasa ng isang Alamat at gamit ang Story Mountain Organizer ay suriin ang pagkakabuo o pagkakabalangkas ng mga
pangyayari ng binasang Alamat batay sa element ng banghay nito sa pamamagitan ng pagtatala ng mahahalagang
pangyayaring naganap sa akda.

Gitna

Simula Wakas
Pamagat
DISCUSSION:
Pang –abay

Pang-abay ang tawag sa salita o lipon ng mga salitang nagbbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. May
iba’t ibang uri ng pang-abay.

1. Pamanahon – pang-abay na nagsasaad kung kalian ginanap, ginaganap o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa
pangungusap. Napapangkat sa dalawa ang ganitong uri ng pang-abay. Ang may pananda at yaong walang
pananda. Ang may pananda ay yaong gumagamit ng nang, sa, noong, kung, tuwing, buhat, mula, umpisa, at
hanggang bilang mga pananda ng pamanahon. Samantalang ang mga pamanahon na walang pananda ay ang
kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa.
Halimbawa: Ayon sa “Alamat ng Alamat” ay naganap ang pangyayaring ito noong unang panahon.

2. Panlunan – pang-abay na tinatawag na pariralang sa. Kumakatawan ito sa lugar kung saan ginagawa ang kilos.
Halimbawa: Sa buong mundo ay laganap ang iba’t ibang kuwento o alamat tungkol sa pinagmulan ng iba’t ibang
bagay.

3. Pamaraan – pang-abay na sumasagot sa tanong na paano ginanap, ginaganap o gaganapin ang sinasabi ng
pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa: Masayang nagbabasa ang mga batang mahilig sa karunungang bayan gaya ng mga alamat.

4. Panggaano- ang pang abay na nagsasaad ng sukat o timbang.


Halimbawa: Ang mga taong nakabasa ng alamat ay dumami nang isang daang porsiyento.

5. Kataga o Ingklitik – Katagang karaniwang sumusunod sa unang salita ng pangungusap. May 16 na kilalang pang-
abay na ingklitik. Ito ay ang sumusunod:

man kasi sana nang


kaya yata tuloy lamang/lang
din/rin ba pa muna
pala na naman daw/raw

Halimbawa: Makikita rin ang paniniwala at kultura ng isang pamayanan sa pamamagitan ng alamat.

Gawain 1.4

Isulat ang mga pang-abay na may diin sa tamang hanay ayon sa uri nito.
Ang mga Habilin
Ang bilin ng matatanda’y parang huling tagubilin kaya’t matapat mo nga itong ingatan sa iyong puso. Ngayon,
bukas, sa makalawa ay magagamit mo itong parang isang bunga ng halamang pinatubo nang ilang taon. Kapag
ito naman ay iyong kinalimutan at napadako sa malayong lugar ay maaaring pagsisihan sa mahabang panahon.
Tandaan mo na ang unang habilin ay sambahin mo’t dakilain ang ating Panginoon. Magsimba sa araw ng Linggo
o mangilin sa piyesta o opisyal upang madaling lumago ang iyong pananampalataya. Tumagal man nang
mahabang panahon ay hindi ito mawawaglit sa iyong isipan dahil sa sapat na kaalamang dadalhin sa lahat ng
dako.
Pamanahon Panlunan Pamaraan Panggaano Ingklitik

DISCUSSION:
MGA HUDYAT NG SANHI AT BUNGA

Ang malinaw, mabisa, at lohikal na pagpapahayag ay naipakikita sa maayos na paguugnayan ng mga salita, parirala at
pangungusap. Mahalaga rin sa pagpapahayag ang maingat na pagpili ng mga salitang gagamitin upang higit itong maging
malinaw sa lahat. Kagaya na lamang sa pagpapahayag ng sanhi at bunga, may mga hudyat na ginagamit upang
maipahayag ito nang may kalinawan.

 Hudyat na nagpapahayag ng sanhi o dahilan:


o Sapagkat/pagkat
o Dahil/dahilan sa
o Palibhasa, at kasi
o naging
 Hudyat na nagpapakita ng bunga o resulta:
o Kaya/ kaya naman
o Kung kaya
o Bunga nito
o tuloy

Gawain 1.5
Panuto: Mag-isip ng bunga para sa bawat sanhi na ibinigay. Sumulat ng pangungusap kung saan pinagsama ang sanhi na
ibinigay at ang bunga na naisip mo.

1. Umuulan nang malakas.


2. Hindi nakapag-aral si Joshua para sa pagsusulit.
3. Napansin ni Melody na pagod na si Nanay.

Panuto: Mag-isip ng sanhi para sa bawat bunga na ibinigay. Sumulat ng pangungusap kung saan pinagsama ang bunga
na ibinigay at ang sanhi na naisip mo.

1. Nahuli sa klase si Bea.


2. Masayang-masaya si Rommel.
3. Walang pasok bukas ang mga mag-aaral.
Gawain 1.6
Napaghahambing ang mga katangian ng Haiku at Tanaga

Gamit ang venn diagram paghambingin ang haiku at tanaga. Pagkatapos ay bumuo ka rin ng iyong sariling halimbawa ng
haiku at tanaga hinggil sa paksang Pag-ibig sa Bayan.

Halimbawa ng Haiku: Halimbawa ng Tanaga:

___________________________________ ________________________________
________________________________________________ ____________________________________________
________________________________________________
HAIKU PAGKAKA
____________________________________________
TANAGA
________________________________________________ ____________________________________________

PAGKAKAIBA PAREHO PAGKAKAIBA

You might also like