You are on page 1of 43

Filipino 5

Teacher Emylie
Jesus Loves you and so do I
Yunit 5
Pag-iimpok sa Bangko

Aralin 1: Paggawa ng Balangkas: Paksa at Pangungusap

Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Paglalarawan

Aralin 3: Panghalip: Palagyo at Paari

Aralin 4: Pagsulat ng Panuto: Pagsagot ng Form


Aralin 1
Kuwento: Paggawa ng Balangkas: Paksa at Pangungusap
Paliwanag:

Ang halimbawang balangkas ay


naglalaman ng salita o
pariralang naglalahad ng mga
kaisipan sa pagtalakay ng bawat
bahagi ng
tekstong “Pag-iimpok sa
Bangko.” Mapapansing ginamit
ang mga pamilang Romano sa
pagbabalangkas ng mga
pangunahing kaisipan at
malalaking letra sa paglalahad
ng kaugnay na kaisipan.
Maaaring magdagdag ng iba
Paliwanag:

Ang halimbawang balangkas ay


naglalaman ng mga
pangungusap na patanong
(maaari ding paturol o
deklaratibo) sa bawat bilang
na naglalahad ng mga kaisipan
sa pagtalakay ng bawat bahagi
ng tekstong “Pag-iimpok sa
Bangko.”
Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang balangkas?
Ito ay tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga
pangunahing kaisipang bubuo sa pagsulat ng isang teksto.
2. Ano ang balangkas ayon sa paksa?
Ang balangkas sa anyong paksa ay gumagamit ng salita o
parirala sa paglilista ng mga kaisipan.

3. Ano ang balangkas ayon sa pangungusap?


Ang balangkas sa anyong pangungusap ay gumagamit ng buong
pangungusap sa paglilista ng mga kaisipan. Ito ay maaring
pangungusap na paturol o patanong.
Pag-isipan Natin
Tukuyin kung ang mga impormasyon ay bahagi ng balangkas sa
anyong paksa o anyong pangungusap.
Jesus Loves you and so do I

See you next class…❤❤❤


Filipino 5
Teacher Emylie
Jesus Loves you and so do I
Aralin 2
Kahulugan ng Salita: Paglalarawan

Ang paglalarawan ay isang uri o paraan ng pagpapahayag ng mga


kaisipan tungkol tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari sa
pamamagitan ng makukulay, maaanyo, at iba pang pandamang
pananalita.
Sa paglalarawan, madalas na ginagamit ang mga pang-abay o pang-
uri upang matukoy ang bagay na nais ipabatid. Maaari ding gamitin sa
paglalarawan ang mga pandama kagaya ng nakikita, naamoy,
naririnig, nalalasahan, o kaya ay nahahawakan, upang mas madaling
maintindihan ang inilalarawang bagay.
Paliwanag:
Sa halimbawang ito, inilalarawan ang salitang araw:
• init • nakapapaso • pagkasilaw • pagpapawis
Sa pamamagitan ng paggamit ng mga pahayag na may kaugnayan sa
pandama ng tao, nabibigyang kahulugan ang salitang araw.
Paliwanag:

Sa halimbawang ito ay inilalarawan ang salitang bangko:


• maliit • malinis • malamig • maaliwalas

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga pang-uring may kaugnayan sa salitang


inilalarawan, nabibigyang kahulugan ang salitang bangko.
Paliwanag:
Sa halimbawang ito ay inilalarawan ang salitang teller:
• naka-uniporme
• nagbibigay ng maikling pirma bilang katibayan sa pagdedeposito

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang may kaugnayan sa salitang


inilalarawan, nabibigyang kahulugan ang salitang teller.
Subukan Natin
Sagutin ang sumusunog na mga tanong:
1. Ano ang paglalarawan?
Ang paglalarawan ay isang uri o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan
tungkol tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari sa pamamagitan ng makukulay,
maaanyo, at iba pang pandamang pananalita.
2. Ano ang mga bahagi ng pananalita na kadalasang ginagamit sa
paglalarawan?
Sa paglalarawan, madalas na ginagamit ang mga pang-abay o pang-uri
upang matukoy ang bagay na nais ipabatid.
3. Anong mga pandama ang nakatutulong sa paglalarawan ng isang salita?
Maaari ding gamitin sa paglalarawan ang mga pandama kagaya ng nakikita,
naamoy, naririnig, nalalasahan o kaya ay nahahawakan, upang mas madaling
maintindihan ang inilalarawang bagay.
Takdang Aralin:
Pag-ugnayin ang paglalarawan sa hanay A at salitang inilalarawan nito sa hanay B.
Hanay A
1. Pook kung saan may interaksyon ang mamimili at nagbebenta ng produkto o Hanay B
serbisyo
2. Isang institusyon kung saan nagtuturo ang guro sa mga mag-aaral upang a. pera
paunlarin ang kanilang kasanayan b. Ulap
3. Lugar kung saan pinakamainam manirahan ang mga tao, hayop, halaman, c. watawat
at iba pang nabubuhay
4. Isang piraso ng tela na may iba’t ibang disenyo na karaniwang ginagamit d. pamiliha
bilang simbolo ng isang bansa n
5. Bagay na lumulutang sa langit na karaniwang kulay puti at ditto e. pera
nagmumula ang ulan o niyebe
6. Isang uri ng halaman na may maliit, mabango, at maputing bulaklak f. pakwan
7. Papel o barya na ginagamit sa pakikipagkalakalan g. tseke
8. Halamang gumagapang na may malaki at bilog na bunga na makatas ang h. Mundo
laman
9. Sasakyang dumadaan sa riles i. sampagui
10. Papel na kinasusulatang ng halagang maaaring kunin sa bangko ta
Jesus Loves you and so do I

See you next class…❤❤❤


Filipino 5
Teacher Emylie
Jesus Loves you and so do I
Aralin 3
Panghalip: Palagyo at Paari

Ang panghalip ay bahagi ng pananalita na ginagamit na pamalit sa


ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, at gawain o pangyayari.
May mga kaukulan ang panghalip. Dalawa sa mga ito ang sumusunod:
1. Panghalip sa Kaukulang Palagyo
-Ang kaukulang palagyo ay ginagamit na paksa o simuno ng pangungusap.
2. Panghalip sa Kaukulang Paari
- Ang kaukulang paari ay nagsasaad ng pang-aangkin o
pagmamay-ari ng isang bagay sa pangungusap. Pag-aralan ang
tsart
Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang panghalip?


Ang panghalip ay bahagi ng pananalita na ginagamit na pamalit sa ngalan
ng tao, hayop, bagay, lugar, at gawain o pangyayari.

2. Ano ang panghalip na nasa kaukulang paari?


Ang panghalip na nasa kaukulang paari ay nagsasaad ng pag-aangkin o
pagmamay-ari ng isang bagay sa pangungusap.

3. Ano ang panghalip na nasa kaukulang palagyo?


Ang panghalip na nasa kaukulang palagyo ay ginagamit na paksa o
simuno ng pangungusap.
Pag-isipan Natin
Piliin ang angkop na panghalip sa mga patlang upang mabuo ang mga pahayag.
1. Bumili si Arnel ng bagong sapatos. Ang ________ sapatos ay kulay asul.
a. inyong b. kaniyang c. kanilang d. aming
2. ______ ay nasa ikaapat na baitang. Ang paborito kong asignatura ay Filipino.
a. Siya b. Tayo c. Ako d. Kami
3. Ako, si Mayumi, at Eloisa ay kabilang sa isang pangkat. Magpupulong _____ mamaya upang
pag-usapan ang aming proyekto.
a. Kami b. sila c. kata d. atin
4. Ikaw at ako ay magbabakasyon sa Cebu. ________ ay pupunta sa
Magellan’s Cross.
a. Ikaw b. Sila c. Amin d. Kata
5. Sina Jeremy, Christian, at Xavier ay magkakapatid. Sa ________ ang mga laruang nakalagay
sa kahon.
a. amin b. kanila c. kaniya d. kami
6. Sumulat _____ ng liham sa aking kaibigan. Inilakip ko rin ang larawan naming
sa loob nito.
a. ikaw b. ako c. mo d. akin
7. Sa ____ ba ang larawang ito? Mahusay ang pagkakaguhit mo.
a. akin b. mo c. iyo d. ikaw
8. Arravela, _______ ang naatasan bilang lider ng pangkat. Gumawa ka ng
listahan ng mga kasapi at mga gagawin.
a. siya b. niya c. ikaw d.niya
9. Sina Kuya Alex at Ate Rachelle ay mga kapatid ni Naomi. _________ ay
mababait.
a. Kami b. Nila c. Sila d. Tayo
10. ______ ang aking matalik na kaibigan kaya nalungkot ako sa pag-alis mo.
a. Siya b. Mo c. Ako d. Ikaw
Jesus Loves you and so do I

See you next class…❤❤❤


Filipino 5
Teacher Emylie
Jesus Loves you and so do I
Aralin 4
Pagsulat ng Panuto: Pagsagot ng Form

Ang panuto ay detalyadong impormasyong nagsasaad ng mga


paraan kung paano dapat gawin o isakatuparan ang isang tiyak
na bagay, gawain, at iba pang nangangailangan nito. Maaari itong
maibigay sa paraang pasalita, ngunit ito ay mas madalas na
nakasulat.
Ang isang panuto ay dapat sundin nang maayos o tama upang
maisakatuparan ang layunin ng pagbibigay nito. Mahalaga ang
kasanayan sa pagsunod ng mga panuto sa paaralan, bahay,
lansangan, sasakyan, tanggapan, at iba pa.
Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang panuto?


Ang panuto ay detalyadong impormasyong nagsasaad ng mga paraan kung
paano dapat gawin o isakatuparan ang isang tiyak na bagay, gawain, at iba pang
nangangailangan nito.

2. Ano ang isang mahalagang dapat tandaan sa pagsulat ng panuto?


Dapat ay may wastong kaalaman o karanasan ang magsusulat ng panuto
tungkol sa nais ipagagawa.

3. Saang mga lugar o sitwasyon laging nakababasa o nakatatanggap ng panuto?


Nakakatanggap tayo ng mga panuto sa paaralan, bahay, lansangan, sasakyan,
tanggapan, at iba pa.
Pag-isipan Natin
Piliin sa kahon kung anong impormasyon ang angkop ilagay sa hinihinging datos sa
bawat bilang.

____1. Tirahan
____2. Pangalan ng Nagdeposito
____3. Edad
____4. Kasarian
____5. Numero ng Account
____6. Araw ng Kapanganakan
____7. Petsa
____8. Halaga ng Idedeposito
____9. Nasyonalidad
____10. Pirma o lagda
Jesus Loves you and so do I

See you next class…❤❤❤

You might also like