You are on page 1of 4

DETALYADONG Paaralan Isabang Elementary School Baiting Ikaapat

BANGHAY Guro Mercedita F. Sanchez Asignatura Filipino


ARALIN Petsa at Oras Nobyembre 16, 2023 Markahan Ikalawa

I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
Pangnilalaman sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa Naisasalaysay muli ang binasang kuwento
Pagganap
C. Mga kasanayan sa Nagagamit nang wasto ang pang-uri (lantay, paghahambing, pasukdol) sa
Pagkatuto. Isulat ang paglalarawan ng tao, lugar, bagay at pangyayari sa sarili, ibang tao at katulong
code ng bawat sa pamayanan. (F4WG-IIa-c-4)
kasanayan
II. Nilalaman Ang Pang-uri
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay
ng Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina saTeksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang tarpapel, PowerPoint presentation
Panturo
III. Pamamaraan
Balik-Aral (Review)
Paano matutukoy ang paksa ng isang tekstong binabasa o pinakikingan?

Pagganyak (Motivation)
Kung ikaw ang papipiliin, saan mo nais manirahan sa lungsod o sa probinsya?
Bakit?
Paglinang ng Talasalitaan

Hanapin sa Hanay A ang kahulugan ng salita sa Hanay B.


A. Panimulang Gawain Hanay A Hanay B
(Preparatory Activities)
_____1. hitik A. berde
_____2. batis B. marami/ puno
_____3. estero C. kanal
_____4. luntian D. makikita
_____5. matatanaw E. tubig-bukal na patuloy na umaagos
mula sa pinanggagalingan nito,

Sa araling ito, inaasahang maipapahayag ninyo ang sariling opinyon o


B. Pagsasagawa ng reaksyon sa isang napakinggang isyu o usapan at matutuhan ang wastong
itinakdang gawain paggamit ng pang-uring lantay, paghahambing, pasukdol sa paglalarawan ng
(Introduction) tao, lugar, bagay at pangyayari sa sarili ibang tao katulong sa pamayanan.

C. Paglalahad at 1. Pakikinig: Babasahin ng guro ang tungkol sa tekstong:


Pagtalakay/Pagmomod
elo Sa Lungsod o sa Probinsya?
(Teaching/Modeling) Melanie O. Laniog

Laking Maynila si Camille at narito sya sa probinsya upang


magbakasyon sa kanyang lolo at lola. Kinaumagahan, ginising siya ng
mga katok sa pinto, “Camille apo, handa na ang agahan bumangon ka na
diyan, wika ng kanyang Lola Carmen. “Opo, lola, lalabas na po”, ang
pahikab na tugon nito. Nasanay kasi siyang gumising ng tanghali sa
Maynila kaya’t inaantok pa siya sa mga oras na iyon.
Palabas na sana siya ng pinto nang matanaw niya mula sa
bukas na bintana ang napakagandang tanawin sa labas. Maganda ang
sikat ng araw ng umagang iyon. Napadungaw siya sa bintana at
napahanga sa ganda ng kanyang nakita. Napapikit pa ito sa samyo ng
preskong hangin na bumati sa kanya. Sa bakuran ng bahay ay may
mga tanim na makukulay na bulaklak. Luntian ang paligid ang
matatanaw mula kinatatayuan nito. Nariyan ang masaganag bukid na
napapaligiran ng mga punong hitik sa bunga, sariwang mga gulay at
prutas, maririnig ang mahinang lagaslas ng napakalinaw at napakalinis
na tubig mula sa batis na dumadaloy patungo sa malawak na palayan.
Ang tanawing ito ay kakaiba sa kanyang nakikita sa lungsod. Puro
usok mula sa mga sasakyan at pabrika ang malalanghap mo, ingay ng
mga sasakyan ang maririnig, kulay itim na tubig ang dumadaloy mula
sa estero, gabundok na basura, at mga naglalakihang mga gusali ang
matatanaw mo. Hindi niya maiwasang ikumpara ang lugar na kanyang
kinatatayuan at ang lungsod na kanyang pinanggalian. “Masarap
kayang mamuhay rito?”, naitanong niya sa kanyang sarili. “Malalaman
ko ang kasagutan sa pamamalagi ko sa lugar na ito”. Naputol ang
kanyang pagmumuni-muni nang muli siyang tawagin ng kanyang lola
Carmen.

2. Pagtalakay

1. Saan pumunta si Camille upang magbakasyon?


2. Ano-anong mga tanawin ang makikita sa probinsya?
3. Bakit nasabi ni Camille na kakaiba ang tanawin sa
probinsya kaysa sa lungsod?

4. Paghambingin ang LUNGSOD at PROBINSYA at gamitin sa


pangungusap ang mga salita.

LUNGSOD PROBINSYA
1. 1.
2. 2.
3. 3.

5. Anong mga salitang naglalarawan ang ginamit sa kwento?

Anong antas ng pang-uri ang mga ito?


(Muling balikan ang aralin tungkol sa Kaantasan ng Pang-uri, Lantay,
Pahambing at Pasukdol)

Kaantasan ng Pang-uri
Lantay -naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan
o panghalip na walang pinaghahambingan.
Pahambing -nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang
pangngalan o panghalip. Ginagamitan ito ng mga salita/katagang
mas, higit, magkasin
Pasukdol -ang pasukdol ay katangiang namumukod o
nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan. Ginagamitan ito
ng mga panlaping pinaka-, napaka-, na iniuunlapi sa salitang
ugat. Maaari ring gamitin ang mga salitang ubod ng, saksakan
ng, at nuno ng na isinasama sa salitang-ugat.
Gamitin ang sumusunod na pang-uri sa paglalarawan ng inyong lugar
na kinabibilangan

Mas sariwa payapa


Napakalinaw abala
Mas maingay pinakamabilis
Magalang mas malawak

hal 1. Sa totoo lang, mas sariwa ang mga prutas at gulay sa probinsya
kaysa sa lungsod sapagkat doon ang mga taniman nito.
4.Sa iyong palagay, saang lugar ang magandang
manirahan, sa lungsod o probinsya? Bakit?

(Saglit na balikan ang aralin tungkol sa pagbibigay reaksyon sa isang isyu.)

Anong dapat tandaan sa pagbibigay reaksyon?

 Opinyon/Reaksyon - Pahayag ng saloobin at damdamin sa isang isyu


o pangyayari.

Dapat Tandaan sa Pagbibigay Reaksyon

 May sapat na kaalaman sa paksa upang mapagtanto at


masusing mapagtimbang ang mga bagay at maging
katanggap-tanggap ang ating opinyon.
Mahalagang matutuhan ang wastong gamit ng mga salita upang maging
kapani-paniwala o kahika-hikayat ang pahayag., katulad ng: Sa aking palagay,
Sa tingin ko, Sa totoo lang, Sa aking pananaw, Naniniwala ako, at iba pa.

Paglalahat (Generalization)
Kailan ginagamit ang pang-uring lantay, pahambing, at pasukdol?

D. Ginabayang Panuto: Ilahad ang opinyon sa paraang maayos kahit pasalungat ang iyong
Pagsasanay (Guided pananaw sa pananaw o opinyon ng iba.
Practice)
Panuto: Salungguhitan ang angkop na pang-uri upang mabuo ang diwa ng
reaksiyong ipinapahayag. Pagkatapos tukuyin ang kaantasan nito.

Pahambing 1. Sa palagay ko, (masarap, mas masarap, pinakamasarap)


magbakasyon ngayong summer sa Baguio kaysa sa Tagaytay.

Pahambing 2. Naniniwala ako na (Matimbang, mas matimbang,


pinakamatimbang) ang pamilya kaysa kaibigan.
E. Malayang Pagsasanay
Pahambing 3. Iginagalang ko ang opinyon mo, ngunit naniniwala akong
(Independent Practice)
(makabubuti, mas makakabuti) sa iyo na magpagaling ka muna bago pumasok
sa trabaho.

Pasukdol 4. Sa totoo lang, ikaw ang (maganda, mas maganda,


pinakamaganda) sa lahat ng kandidata.

Lantay 5. Maniwala ka sa hindi, (mayaman, mas mayaman, Napakayaman) na


ni Dennis ngayon.

F. Pagtataya (Evaluation) A. Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-uri upang mabuo ang diwa
ng sumusunod na pahayag. Salungguhitan ang inyong sagot.

1. Tinanghal na Ms. Universe 2018 ang kandidata ng Pilipinas. Walang


dudang siya ang (magaling, mas magaling, pinakamagaling) sa lahat.

2. Gusto ko ang prutas na dalandan ngunit (gusto, mas gusto,


pinakagusto) ko ang pinya.

3. Ang aming bagong kaklase ay (mahinhin, mas mahinhin, napakahinhin).

4. Sa lahat ng manggagawa sa pabrikang pinapasukan ng aming ama, siya


ang (pinakamasipag, masipag, mas masipag). Araw at gabi siyang
nagtatrabaho.

5. (Matamis, Mas matamis, Napakatamis) ang tanim naming papaya.

B. Pakinggan ang mga isyu. Ibigayang opinyon.

1. Maraming trabaho ang pwedeng pasukan sa lungsod.


Opinyon/Reaksyon______________

2. Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay sa bayan.

Opinyon/Reaksyon______________

Panuto: Gumupit ng isang artikulo sa pahayagan. Salungguhitan ang mga


G. Takdang Aralin
pang-uring ginamit at magbigay ng reaksiyon tungkol dito.
(Assignment)
REMARKS

COMPASSION HUMILITY SIMPLICITY CORDIALITY GENEROSITY

5 5 5 5 5

4 4 4 4 4

3 3 3 3 3

2 2 2 2 2

1 1 1 1 1

0 0 0 0 0

Total Total Total Total Total

PL: PL: PL: PL: PL:

VI. TALA

Inihanda ni: Isinumite kay: Puna :

Gng. Mercediat F. Sanchez Gng Lucena D. Galit Gng. Editha B. Huelva


Teacher III Master Teacher II Principal III

You might also like