You are on page 1of 4

Mambusao National High School

Tumalalud, Mambusao, Capiz


BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
I.LAYUNIN:

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin. F9WG-IIIb-c-53

II. PAKSANG ARALIN:

a. Paksa: Paggamit ng mga Angkop na Pang-uri na Nagpapasidhi ng Damdamin


b. Sanggunian: Panitikang Asyano 9 pahina 209-210
c. Kagamitan: Aklat, Laptop, LED TV

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


III. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain:
Pag-aayos at paglilinis ng silid aralan. Magandang hapon sa Magandang hapon po maam!
lahat. Bago tayo magsimula sa ating klase, maaaring
pulutin niyo muna ang mga kalat sa ilalim ng inyong upuan.
Tapos na? Opo maam!
a. Panalangin:
Tumayo ang lahat para sa panalangin, Ciedy, maaari mo Mga kaklase handa na ba kayo para sa panalangin?
bang pangunahan ang panalangin?
b. Pagtala ng liban sa klase:
Sino ang liban sa klase ngayong hapon? Sa online class, Si Genalyn po maam wala po yata baka mahina ang
pindutin ang button na (present) o kaway-kaway kung kayo kanyang koneksiyon.
ay naririto o wala. Paki off o pakipatay lang ang
microphone o ang camera. Sa mga modular class
padadalhan ko kayo ng inyong gawain o modyul.
c. Pagbabalik-aral:
Bago tayo dumako sa panibagong aralin ngayong hapon,
sasariwain muna natin ang nakaraang tinalakay.
1. Tungkol saan ang tinalakay natin kahapon? Tungkol sa Ponemang Suprasegmental po maam.
2. Magaling! Ano ang ibig sabihin ng ponemang
suprasegmental? Ang Ponemang Suprasegmental- Ito ay
makabuluhang tunog. Sa paggamit ng
suprasegmental, malinaw na naipahayag ang
damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng
Tama! matutukoy natin ang kahulugan, layunin o nagsasalita.
intensiyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng
haba o diin, tono o intonasyon, at antala o hinto sa
pagbibigkas at pagsasalita. Tama? Opo maam!
d. Pagganyak/Motibasyon:
INDICATOR 3
Ngayon, mayroong akong inihandang mga larawan na
ipapakita o ipapanood sa inyo. Tunghayan ninyo kung ano
ang masasabi ninyo sa inyong nakita o napanood.
.
a. Ano ang masasabi ninyo sa mga larawan na inyong
nakita?
b. Tumpak! Mga larawan na nagpapakita ng Maganda, kaakit-akit, napakalinis, mabangis
kagandahan, kalinisan o kaya katangian na
maaaring masasabi natin sa ating mga nakikita kung
saan may kaugnayan sa ating layunin o paksang
tatalakayin ngayon. Tama? Opo, maam
2. PAGLINANG NG GAWAIN:
A. PAGLALAHAD:
Ngayong hapon aalamin natin ang tungkol sa paggamit ng
angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin.
Isahang Gawain: DUGTUNGAN MO!
INDICATOR 3 (ICT)
Pansinin ang mga halimbawa. Punan ang puwang ng
tamang salita upang mabuo ang pangungusap na naaayon
sa larawan.
Mga sagot:

1. Mataas na mataas ang ___.

puno
2. Ang pula-pula ng______.
bulaklak

3. Napakaganda ni_______.
Rabiya

4. Napakalakas ng_________.
kalabaw

5. Maraming-marami ang mga__. lobo


Mahusay!
c. Ano ang napapansin ninyo sa inyong nabuong mga Naglalarawan po maam sa kung ano ang nakikita
pangungusap? natin.
Tama! Nasasabi natin ang ating saloobin o
damdamin hinggil sa katangian ng tao, bagay,
hayop o kaya pook.
B. PAGTALAKAY
PAGBIBIGAY-INPUT NG GURO
Alam mo ba…..
Sa pagpapahayag ay mahalagang maipakita ang
damdaming nais bigyang diin upang higit na maipahayag
ang kaisipang nais iparating. Malalaman natin kung ano ang
angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin. Ang
pang-uri ay sallitang naglalarawan sa mga pangngalan o
panghalip o nagbibigay turing sa tao, bagay, hayop o pook.
Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng
pagpapahayag ng saloobin o emosyon.

 Ang pag-uulit ng pang-uri: Pagpabasa sa mga mag-aaral ng mga sumusunod


Inihanda ni: Nabatid ni:
GENA B. VILLANUEVA GENALYN S. SALAYA
Guro sa Filipino Filipino Koordineytor

You might also like