You are on page 1of 4

SCHOOL ALANGALANG 1 CENTRAL Grade Level THREE

GRADE 1 to 12 SCHOOL
DAILY LESSON TEACHER ANNALIZA P. PORE Quarter THIRD
PLAN SUBJECT FILIPINO DATE

I. LAYUNIN
(OBJECTIVE)
A.PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN
(CONTENT STANDARDS)
B.PAMANTAYAN SA
PAGGANAP
(PERFORMANCE STANDARDS)
C.MGA KASANAYAN SA Nagagamit ang tamang salitang kilos/ pandiwa sa pagsasalaysay ng mga
PAGKATUTO personal na karanasan
(LEARNING COMPETENCIES) F3WG-IIIe-f-5
[KBI: Makinig ng mabuti sa nagsasalita]
II. NILALAMAN Paggamit ng Salitang KIlos
(CONTENT)
A. KAGAMITANG PANTURO
(LEARNING RESOURCES)
B. SANGGUNIAN (References) Grade 3, Quarter 3, Module 5
K-12 MELCS, p. 150

1.Mga Pahina sa Gabay ng K-12 MELCS, p. 150


Guro
2.Mga Pahina sa Kagamitang Grade 3, Quarter 3, Module 5
Pangmag-aaral
4.Karagdagang kagamitan mula Learning Activity Sheet
sa postal ng Learning
Resources
C. IBA PANG KAGAMITANG plaskard ng bagong salita, larawan, tsart, Frayer model manila paper, pentel pen, powerpoint,
PANTURO laptop at totoong bagay

III. PAMAMARAAN
A. PAGBABAYBAY AT a. pag-awit “Kung IKaw ay Masaya”
PAGBIGKAS NG MGA SALITA b. Pamantayan sa loob ng silid-aralan

Panuto: Baybayin at bigkasin ang mga sumusunod na salita:

1. pumalakpak
2. pumadyak
3. naglakad
4. tumawa
5. kumain

B. PANIMULANG GAWAIN Panuto: Tingnan ang mga larawan at sabihin kung ano ang ginagawa ng tao o hayop sa larawan.
1. Pagsasanay

Nagbibihis nagsusulat umiinom naghuhugas nagluluto

2. BALIK-ARAL SA Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari:


NAKARAANG ARALIN AT/O Magpaskil ng mga larawan. Lalagyan ng mga bata ng bilang ang mga larawan
PAGSISIMULA NG BAGONG batay sa pagkakasunud-sunod nito. (Numeracy Skills)
ARALIN.
(Reviewing previous lesson/ Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga larawan ayon sa pagkakasunod-sunod ng
presenting the new lesson) pangyayari. Lagyan ng bilang ang mga kahon.

3. PAGGANYAK Isang Laro: CHARADES


* Bigyan ang bawat grupo ng ‘flaglets’. Tumawag ng isang miyembro. Bubunot sa kahon. Iaarte
sa harap ng klase ang sinasaad na kilos ng nabunot na papel. Ang grupo na handang sumagot
ay magtatas ng kanilang ‘flaglet’. Grupong makatama ng sagot ang magkakaroon ng
pagkakataon na pumunta sa harap at magpahula ng salitang kilos.

- maglakad
-tumakbo
-sumayaw
-tumalon
-pumalakpak

4. PAGLALAHAD AT
PAGTATALAKAY Naranasan niyo na bang mahuli sa klase?
Ano ang naramdaman ninyo nang mahuli kayo sa klase?
Upang hindi ka mahuli sa klase, ano ang gagawin mo?

Ngayong umaga ay babasahin natin ang kwento ng batang si Esang na hindi pa kailanman
nahuli sa klase.

Si Esang

Ako si Esang. Hinahangaan ako sa aming barangay dahil sa aking pagiging alisto at malinis.
Inalam pa nga ng aking mga kaibigan ang aking mga sikreto. Tinanong nila ako kung paano
mapanatili ang pagiging malinis at alisto. Sinabi ko sakanila na maaga akong gumigising araw-
araw. Inililigpit ko kaagad ang aking higaan nang maayos. Pagkatapos, dumederetso ako sa
banyo upang maligo. Naghuhugas ako ng kamay bago kumain. Pagkatapos kong kumain, ako ay
nagsisipilyo. Nagbibihis ng malinis na damit at nag-aayos ng aking buhok. Ako si Esang, ang
batang hindi nahuhuli sa klase.

Itanong:
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Saan naganap ang kuwento?
3. Anu-ano ang mga sikreto ni Esang upang maging malinis at alisto?
4. Ano ang magandang maidudulot ng pagiging malinis at alisto?

Basahin ang mga pangungusap mula sa kwento :

Maaga akong gumigising araw-araw


Inililigpit ko kaagad ang aking higaan nang maayos.
Dumederetso ako sa banyo upang maligo.
Naghuhugas ako ng kamay bago kumain.
Nagbibihis ng malinis na damit

Itanong:
1. Ano ang tawag sa mga salitang ating binasa?

Ang salitang kilos ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw. Ito ay ginagamit sa
pagsasalaysay ng mga pangyayaring natapos na, kasalukuyang ginagawa, katatapos lamang at
gagawin pa. Tinatawag din itong pandiwa.
Ang mga salitang kilos ay magagamit mo rin sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.

Halimbawa:
inayos- Inayos ko ang laruan ni Mila.
naligo- Maaga kaming naligo sa sapa ni Kiko.
kumain- Kumain ako ng gulay upang maging malusog.

5. PAGSASANAY 1: Panuto: Basahin ang pangungusap na inyong naranasan na at piliin ang tamang salitang kilos
(TEACHER TO PUPIL) sa bawat kahon.

1. Dumederetso ako sa banyo upang _________. maligo, naliligo, maliligo

2. ____________ ako ng kamay bago kumain. Naghuhugas, Naghugas, Maghuhugas


3. Ako ay ____________araw-araw. Nagsisipilyo, Nagsipilyo, Magsisipilyo
4. ____________ ako ng malinis na damit. Nagbibihis, Nagbihis, Magbibihis
5. ___________ ako ng aking buhok. Nag-aayos, Nag-ayos, Mag-aayos
PAGSASANAY 2: (PUPIL TO Panuto: Hanapin ang pandiwa o salitang kilos sa tsart. Gamitin ang mga salitang ito sa
MATERIALS) pangungusap na naranasan mona sa plasa habang ikaw ay naglalaro. Ang unang grupo ay
hahanap ng isang salitang kilos, tatawag ng kaklase sa ibang grupo para bumuo ng
pangungusap gamit ang salitang nahanap.

PAGSASANAY 3: (PUPIL TO PANGKATANG-GAWAIN:


PUPIL) Ibigay ang pamantayan kapag nasa isang pangkatang-gawain. Hatiin ang klase sa dalawang
grupo.

Pangkat A: Gawin ang mga sumusunod ayon sa binigay na sitwasyon na inyong narnasan na sa
mga sumusunod na lugar.

1. nagdasal sa simbahan
2. tumakbo sa plasa
3. sumayaw sa entablado

Pangkat B: Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salita na may larawan
batay sa sariling karanasan.

1. nagluluto - ______________________________________

2. nagliligpit - ______________________________________

3. nagwawalis -_____________________________________

Pangkat C: Gamitin ang mga sumusunod na salitang kilos sa pangungusap batay sa karanasan
ninyo sa loob ng bahay.

naligo kumain nagwalis


D. PAGLALAHAT Ano ang salitang kilos o pandiwa? Magbigay ng halimbawa

E. PAGLALAPAT Panuto: Gamitin ang mga salitang kilos o pandiwa sa pangungusap batay sa
sariling karanasan.

nagsampay nagsulat nag-igib

IV. PAGTATAYA NG ARALIN Panuto: Gamitin ang wastong salitang kilos o pandiwa sa bawat pangungusap ayon sa inyong
sariling karanasan. Pumili ng sagot sa kahon sa ibaba.

nagdidilig sinusulat naglilinis


nagluluto naglalaro nagbabasa

1. _____________ namin ang aming pangalan sa papel.


2. _____________ kami ng iba’t ibang kwento sa paaralan.
3. Si nanay ay _______________ ng masarap na almusal araw-araw.
4. Kami ay _______________ng aming kapaligiran sa pamayanan.
5.Tuwing umaga ay ____________kami ng mga tanim.

V. KARAGDAGANG GAWAIN Gawaing-bahay:


PARA SA TAKDANG ARALIN Panuto: Gamitin ang mga salitang ito sa pangungusap ayon sa mga naranasan mo habang ikaw
AT REMEDIATION. ay nagwawalis, naghugas at naligo sa inyong bahay.

VI. REMARKS

Prepared by:

ANNALIZA P. PORE
Teacher III
Checked by:

HAZEL E. VELARDE
Master Teacher I/TA Provider
Noted by:
ROWENA L. OBERA
Principal III

You might also like