You are on page 1of 10

LA CONCEPCION COLLEGE, INC.

Francisco Homes and Kaypian Rd., City of San Jose del Monte, Bulacan
Telephone No.: (044) 769-0686
Website: www.laconcepcioncollege.com

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino

A.Y. 2021-2022

Kinder 2 - Cherry
Grade/Section

Chyrish Camille M. Orcana


Student Teacher

Ms. Maria Cecilia Cruz


Cooperating Teacher

June 8, 2022 (10:05 – 11:05 am)


Date of Demonstration

oug-bzgs-itn
Google Meet I.D.
Petsa: Hunyo 8, 2022
Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino
Kinder 2 – Cherry
I.Layunin
A. Pangkalahatang Layunin
Sa pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag -aaral ay inaasahang maunawaan ang salitang
kilos.
B. Tiyak na Layunin
a. Nalalaman ang salitang kilos.
b. Nabibigyang halaga ang moral na kwento.
c. Nakapagsasagawa ng mga gawain patungkol sa mga salitang kilos.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Mga Salitang Kilos
b. Sanggunian: Lunsaran sa wika at pagbasa, pahina 230-231.
c. Akda: Evangeline C. Lindayag
d. Kagamitan: Laptop, mga larawan, powerpoint presentation at video clip.
e. Pagpapahalaga: Kooperasyon, pakikinig at pag bibigay interes sa mga salitang kilos

III. Pamamaraan

Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral


1. Panimulang Gawain
1.1 Patakaran sa online class
Narito ang ating classroom rules na dapat ninyong
sundin tuwing tayo ay nagkaklase.

1.2. Panalangin
Bago tayo magsimula tayo muna ay manalangin. Panalangin: We praise you Lord and we
_____________, buksan ang iyong mic at thank you for the opportunity to study and
pangunahan mo ang ating panimulang panalangin sa prepare for a good life in the future. Bless our
araw na ito. teachers who inspire and guide us. Bless our
parents who work hard to support us. Bless
our classmates and all the people who care for
us. Bless us, help us to be more attentive,
patient and diligent to understand the lessons
that our teachers teach us. Bless our beloved
country that we may have unity, peace and
prosperity. These we pray in the name of
Jesus Christ, our Lord, Amen.
1.3. Pagbati
Magadang umaga mga bata!
Magandang umaga rin po titser!

1.4 Pagtatala ng Lumiban at Pumasok


Para sa ating attendance maari bang ipakita kay (Ang mga mag-aaral ay ngingiti sa kamera.)
titser ang inyong matamis na ngiti?

1.5 Pamukaw Sigla


Ngayon, mayroon akong ihinandang bidyu upang ang (Ang mga mag-aaral ay tatayo at sasayaw ng
ating mga diwa ay mabuhayan. Maari bang “Lulaley”.)
magsitayo ang lahat at sumayaw?

Maari ng umupo ang lahat.

1.6 Pagsasanay
Bago tayo magpatuloy tayo muna ay magsasagawa
ng maikling pagsasanay.

Panuto: Basahin ang grupo ng mga salita. Tukuyin


kung ito ba ay parirala o pangungusap.

1. ibon sa puno Mga sagot:


1. parirala
2. Siya ay mabait na bata. 2. pangungusap
3. tubig sa timba 3. parirala
4. parirala
4. pagkain sa mesa
5. pangungusap
5. Ang yoyo niya ay tatlo.

1.7 Pagbabalik Aral


Bago tayo magpatuloy sa ating bagong aralin, ano Ang atin pong pinag-aralan noong nakaraan
ang ating pinag-aralan noong nakaraan? ay tungkol po sa mga salitang ngalan.

Magaling! Ang ating pinag-aralan noong nakaraan ay Ang mga salitang ngalan ay tumutukoy sa
ang mga salitang ngalan. pangalan ng tao, bagay, hayop, at lugar.

Ano ang ibig sabihin ng salitang ngalan?

Mahusay!

1.8 Pagwawasto ng Takdang Aralin


Para naman sa ating takdang aralin, lahat ba ay
nakapagpasa ng takdang aralin sa ating Filipino
Edmodo Class?
Sa mga hindi pa nakapagpasa ay maaari pa rin (Ang mga mag-aaral ay ipapakita ang
kayong magpasa hanggang mamaya. pagsang-ayon.)

2. Paghawan ng Sagabal
Hinahangaan - mataas na pagtingin sa isang tao
dahil sa talento, talino o maaaring may walang
katulad na kakayahan.

3. Pagganyak
Bago natin simulan ang ating talakayan ngayong Mga dapat tandaan sa pakikinig ng
araw, mayroon akong inihandang isang kwento. kuwento:
Ngunit bago ako magsimulang magbasa narito muna
ang inyong mga dapat tandaan.

" Mga Sikreto ni Esang"

Ako si Esang. Hinahangaan ako sa aming


barangay dahil sa aking pagiging malinis at alisto.
Inaalam ng aking mga kaibigan ang aking mga
sikreto. Tinatanong pa nga nila ako kung paano
mapanatili ang pagiging malinis at alisto.
Sinabi ko sa kanila na maaga akong
gumigising araw-araw. Inililigpit ko kaagad ang
aking higaan ng maayos. Pagkatapos, dumidiretso
ako sa banyo upang maligo. Naghuhugas ako ng
kamay bago kumain. Pagkatapos kong kumain ako
ay nagsisipilyo, nagbibihis ng malinis na damit at
nag- aayos ng aking buhok. Ako si Esang at ito ang
aking mga sikreto.
(Ang mga mag-aaral ay ipapakita ang
Nagustuhan n’yo ba ang kuwento? pagsang-ayon.)

Mga katanungan:
1. Ang pangunahing tauhan sa kwento ay
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
si Esang.

2. Ang nais makaalam ng mga sikreto ni


2. Sino-sino ang nais makaalam ng sikreto ni
Esang ay ang kanyang mga kaibigan.
Esang?
3. Maaga siyang gumigising araw-araw.
3. Ano-ano ang mga sikreto ni Esang?
Inililigpit niya kaagad ang kanyang
higaan ng maayos. Naliligo siya araw-
araw. Naghuhugas siya ng kamay
bago kumain. Siya ay nag sisipilyo.
Nag bibihis ng malinis na damit. Nag-
aayos siya ng kaniyang buhok.
4. Ano-ano ang magagandang maidudulot ng 4. Malalayo ka sa sakit, ikaw ay
pagiging malinis at alisto? magiging masigla, magaling sa klase
at mga gawain.
Mahusay!

4. Paglalahad
Napansin nyo ba ang mga salitang may salungguhit (Ang mga mag-aaral ay ipapakita ang
sa kuwento na ating binasa? kanilang pagsang-ayon.)

Ngayon, muli nating basahin ang mga salitang may


salungguhit na nagmula sa ating kwento.

gumigising inililigpit
maligo naghuhugas
kumain nagsisipilyo (Ang mga bata ay magbabasa ng mga salita.)
nagbibihis inaayos

Base sa ating mga binasang salita, ano sa tingin


ninyo ang ating pag-aaralan ngayong araw? Ang atin pong pag-aaralan ay tungkol sa mga
salitang-kilos.
Tama, magaling! Ang ating pag-aaralan ngayong
araw ay tungkol sa mga salitang kilos.

5. Pagtatalakay
Mga Salitang Kilos
Ang mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw ay
tinatawag na salitang kilos.

Mga halimbawa:

nagsusulat nagwawalis

nag-aaral umiinom
nagdidilig nagdarasal

kumakain sumasayaw

6. Paglalahat
Naunawaan ba ninyo ang paksang ating tinalakay Opo, titser!
ngayong araw?
Ang salitang kilos ay nagsasaad ng kilos o
Ano nga muli ang salitang kilos? galaw.

Mga halimbawa ng salitang kilos:


Magbigay ng halimbawa ng salitang kilos. sumasayaw, kumakanta, kumakain,
nagsusulat, nagbabasa, naliligo at iba pa.

Magaling. Bigyan ninyo ang inyong sarili ng limang


(5) palakpak.

7. Paglalapat
Ngayon mayroon hinandang aktibidad si titser na
tinatawag na "Aksyon ko, hulaan mo".

Panuto: Tukuyin ang angkop na gawain ang


ipinapakita sa larawan. Piliin ang tamang sagot sa
kahon.

1. Mga sagot:
1. naglalakad
2. nagluluto
3. lumalangoy
4. kumakanta
5. natutulog
2.
3.

4.

5.

8. Pangkatang Gawain
Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng pangkatang
gawain.

Pangkat 1 –itaas ang mga kulay pulang watawat. (Itataas ng mga mag-aaral ang kanilang
Pangkat 2 - itaas ang mga kulay berde na watawat. watawat.)
Pangkat 3 - itaas ang mga kulay asul na watawat.
Pangkat 4 - itaas ang mga kulay dilaw na watawat.

Mga Alintuntunin:
1. Gumawa ng tahimik.
2. Tapusin ang aktibidad sa oras na binigay.
3. Panatilihing naka bukas ang inyong kamera.
4. Itaas ang watawat kung tapos na.

Pamantayan:

⭐⭐⭐
Paggawa ng tahimik

⭐⭐
Presentasyon

⭐⭐⭐⭐⭐
Kabuuan

Panuto: Buuin ang larawan. Tukuyin kung ano ang


salitang kilos na isinasaad ng larawan. Pagkatapos
buuin, maghanda para sa presentasyon ng bawat
pangkat.

Pangkat 1 – tumatalon
Pangkat 2 – tumatakbo

Pangkat 3 – nagsusulat

Pangkat 4 – pumapalakpak

(Ang mga mag-aaral ay uumpisahan na ang


kanilang gawain.)

(Ang mga tapos na mag-aaral ay magtataas ng


kanilang watawat.)

(Itatapat ang natapos na gawain sa camera.)


Bibigyan ko lamang kayo ng dalawang minuto upang
buuin ang larawan. Maaari na kayong mag-umpisa.

Tapos na ba? Itaas ang watawat para sa mga tapos na.

(Ibabahagi ng mga natawag na mag-aaral ang


Itapat sa camera ang inyong nabuong larawan. kanilang nabuong larawan.)

Magaling! Maari na ninyong ibaba ang inyong


ginawa.

Ngayon naman ay tatawag ako ng isang mag-aaral sa


bawat grupo upang ibahagi sa klase ang kanilang
nabuong larawan. (Ipapakita ang kanilang pagsang-ayon.)
Magaling! Kayong lahat ay mayroong limang bituin. Maipapakita ko po ang pagiging malinis at
Tayo ay pumalakpak ng “ang galing-galing clap”. alisto sa pamamagitan ng pagligo araw-araw,
pag susuot ng malinis na damit, pagsisipilyo
at iwasan ang ugaling maging madumi sa
9. Pagsasabuhay aking katawan at aking kapaligiran.
Naaalala pa ba ang kwento na ating binasa?
Malalayo ka sa sakit, ikaw ay magiging
Base sa kwentong ating binasa kanina, paano mo masigla, magaling sa klase at mga gawain.
ipinapakita ang pagiging malinis at pagiging alisto
mo?

Ano-ano ang magagandang maidudulot ng pagiging


alisto at malinis?

Mahusay!

IV. Ebalwasyon
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Bilugan ang salitang kilos na ginamit sa bawat
pangungusap.

1. Si John ay nagbabasa ng libro.


Tamang sagot:
2. Umiinom ng gatas si Hanna.
1. nagbabasa
3. Si Jen ay kumakain ng gulay at prutas. 2. umiinom
3. kumakain
4. Tumakbo nang mabilis ang mga bata. 4. tumatakbo
5. kinagat
5. Kinagat sila ng langgam.

Sinong nakakuha ng limang puntos?


Bigyan ang inyong sarili ng limang palakpak.

Sinong nakakuha ng apat na puntos?


Bigyan ang inyong sarili ng apat na palakpak.

Sinong nakakuha ng tatlong puntos pababa?


Bigyan ang inyong sarili ng tatlong palakpak.

Kayong lahat ay bibigyan ko ng limang star dahil kayo ay magagaling. Bigyan ang inyong sarili
ng “ang galing-galing clap”.

V.Takdang Aralin
Mga Panuto:
1. Sagutan ang pahina 232-235. Kuhanan ng larawan at ipasa sa Filipino Edmodo Class.
2. Basahin ang pahina 236-237 para sa susunod nating aralin.
Inihanda ni:
Chyrish Camille M. Orcana Ms. Maria Cecilia Cruz
Student Teacher Cooperating Teacher

You might also like