You are on page 1of 8

SCHOOL Libmanan South Central School GRADE Grade III

TEACHER Vivian B. Cupal SUBJECT Filipino


TIME & QUARTER III
DATE

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at
Pagnilalaman pag unawa sa napakinggan.
B. Pamantayan sa
Pagganap
C. Mga Kasanayan Nagagamit ang tamang salitang kilos/Pandiwa sa
sa Pagkatuto pagsasalaysay ng mga personal na karanasan F3PB-IIIb-e-4
II. NILALAMAN Paggamit ng tamang salitang kilos/pandiwa sa
pagsasalaysay ng mga personal na karanasan
II. MGA
KAGAMITANG
PANTURO
Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Batang Pinoy Ako: Manwal ng Guro, pp. 208-209
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Batang Pinoy Ako: Kagamitan Mag-aaral sa Filipino 3, pp. 106
Kagamitang Panturo -107

3. Mga Pahina sa
Teksbok
4. Karagdagang
Kagamitan Mula sa
Learning Portal (LR)
5. Iba pang
Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Balik-Aral sa Ano ang ating tinalakay
nakaraang aralin at/o noong nakaraang araw?
Ang tinalakay natin noong
pagsisimula ng
nakaraan ay tungkol sa mga
bagong aralin
Pangunahing Kaisipan.
Maraming Salamat!
Tingnan nga natin kung
talagang alam niyo na kung
pano mahanap ang
pangunahing kaisipan.
Mayroon ako ditong mga
maikling kwento. Hanapin
ninyo kung ano ang
pangunahing kaisipan nito at
bilugan ang tamang sagot.
1. Ako si Jose, tuwing
umaga ako ay gumigising ng
maaga. Tinutulungan ko si
Nanay sa pagluluto at
paglilinis ng bahay. Pag sapit
ng ika-pito ng umaga, ako ay
pupunta na ng paaralan.
Kasama ko ditong maglakad
ang aking mga kaibigan.
Masaya ako buong
maghapon dahil ako ay
mabait na bata.
a. Mabait na bata si Jose.
b. Tamad si Jose.
c. Tanghali na pumapasok si
Jose sa paaralan.

Sino ang makakasagot? Ako po. Ang sagot ay A,


mabait na bata si Jose.

2. Tuwing hapon, pakatapos


ng klase, ako ay naglilinis ng
aming silid aralan.
Tinutulungan ko ang aking
guro at kamag- aral na
magwalis at magdilig ng
halaman. Bago ako umuwi,
sinisiguro ko na malinis at
maayos na ang aming
paaralan.
a. Masipag na mag-aaral.
b. Hindi responsable.
c. Tamad na mag aaral.
Sino naman ang gustong Ako po, ang sagot ay A,
sumagot? Masipag na mag-aaral.

Magaling natukoy niyo kung


ano ang pangunahing
kaisipan.
Ngayon naman, balikan natin
ang maikling kwento.
Hanapin ninyo ang mga
salitang kilos ay lagyan ng SAGOT:
guhit ang mga ito. 1. Ako si Jose, tuwing
umaga ako ay gumigising ng
maaga. Tinutulungan ko si
Nanay sa pagluluto at
paglilinis ng bahay. Pag sapit
ng ika-pito ng umaga, ako ay
pupunta na ng paaralan.
Kasama ko ditong maglakad
ang aking mga kaibigan.
Masaya ako buong
maghapon dahil ako ay
mabait na bata.

2. Tuwing hapon, pakatapos


ng klase, ako ay naglilinis ng
aming silid aralan.
Tinutulungan ko ang aking
guro at kamag- aral na
magwalis at magdilig ng
halaman. Bago ako umuwi,
sinisiguro ko na malinis at
maayos na ang aming
paaralan.

Magaling mga bata! Natukoy


niyo ang lahat ng mga salita
na may kilos.
AKTIBITI Ngayon naman, dumako
tayo sa isa pang aktibiti. Ang
gagawin natin ay "LISTA MO,
HAHATULAN KO!"
Sa inyong mga grupo,
maglista ng sampung kilos
na inyong ginagawa araw-
araw. SAGOT:
Halimbawa: Pagsusulat, - Kumakain
Paglalaba at marami pang
iba. - Naliligo
- Nagsisipilyo
- Naglalaro
- Nagsusuklay
- Naghuhugas ng plato
- Naglalakad
- Sumasayaw
- Nagsusulay
- Nagbabasa

Ngayon naman, dumako tayo


sa pagtatalakay ninyo ng
inyong mga sagot. At
pagkatapos tingnan natin
kung paano niyo mahahanap
ang mga salitang may kilos o
gawa sa isang talata o
pangungusap.
ANALISIS Magaling mga bata, nakalista
kayo ng mga gawain o kilos
na inyong ginagawa araw-
araw.

SAGOT:
Ito naman ang tanong, Tungkol sa paglilista ng mga
tungkol saan ang inyong kilos.
ginawa?
Magaling!

Ngayon naman, talakayin


natin ang mga salitang kilos
o pandiwa.

Pandiwa -isang salita (bahagi


ng pananalita) na nagsasaad
ng kilos o galaw.
Halimbawa:
• Tuwing umaga, si tatay ay
nagbabasa ng diyaryo.
• Naglalakad ako papunta sa
aming paaralan.
• Nagbabasa ako ng libro.
• Nag-aaral ako para sa aking
exam.
• Naglalaba ako ng damit sa
araw ng sabado.

Ngayon, sa inyong dating


grupo, pumili kayo ng limang
salitang kilos na inyong
naging sagot sa naunang
gawain at ito ay gawan niyo
ng maikling pangungusap. SAGOT:

Halimbawa: 1. Kumakain ako ng


masusustansyang pagkain
1. Tuwing umaga, ako ang katulad ng gulay at prutas.
naghuhugas ng aming
pinagkainan at pati ng mga 2. Naliligo ako araw-araw
pinaglutuan ni Nanay ng para ako ay mabango.
pagkain. 3. Nagsisipilyo ako umaga,
tanghali at gabi upang hindi
masira ang aking ngipin.
4. Naglalaro ako ng
basketball tuwing sabado.
5. Nagsusuklay ako ng buhok
para ito ay palaging madulas
at maganda tingnan.

Mahusay mga bata.


ABSTRAKSYON Ngayon naman, tingnan natin
kung naunawaan ninyo ang
ating tinalakay.
SAGOT:
1. Ano ang pandiwa?
1. Ang pandiwa ay salitang
2. Magbigay ng isang kilos o
kilos o gawa.
gawain na iyong ginagawa
upang makatulong sa 2. •Nagwawalis ako upang
paaralan. malinis ang aming paaralan.
•Nagtatanim ako ng gulay at
3. Bakit mahalaga na
halaman sa aming paaralan.
malaman mo ang pandiwa?
3. Mahalaga na malaman
natin ang kahalagahan ng
pandiwa dahil dito natin
malalaman kung paano tayo
magsusulat o gagamit ng
mga salitang kilos o gawa.

4. Dito sa maikling
pangungusap, hanapin ang
pandiwa na ginamit.
• Nagdididlig ng halaman si
Aling Koring tuwing umaga at
hapon.
• Naglalaba si ate ng mga
damit sa sapa.
• Nagluluto ako ng
masasarap na pagkain.
• Nagsusulat ako ng maikling
kuwento.
• Pinapaliguan ko ang aming
mga alagang baboy dahil ito
ang bilin ni Nanay sa akin.

Magaling mga bata!


Palakpakan ninyo ang inyong
mga sarili.
APLIKASYON Sa aking palagay, kayo ay
talagang natuto na. Magaling
mga bata.
Ngayon naman kumuha kayo
ng isang malinis na papel.
Panuto: Gamitin ang salitang
kilos o pandiwa sa bawat
pangungusap. Pumili ng
sagot sa kahon sa ibaba. SAGOT:
Nagdidilig Nagluluto 1. Sinusulat
Naglalaro Nagbabasa
2. Nagbabasa
Sinusulat Naglilinis
3. Nagluluto
4. Naglilinis
5. Nagdidilig
1. _____ namin ang aming
pangalan sa papel.
2. _____ kami ng iba't ibang
kwento sa paaralan.
3. Si Nanay ay _____ ng
masasarap na almusal araw-
araw
4. Kami ay _____ ng aming
kapaligiran sa pamayanan
5. Tuwing umaga ay ____
kami ng tanim.

Makipagpalit ng papel sa
inyong katabi. Sagutan natin
ang mga tanong. Lagyan ng
tsek kung tama ang sagot ng
inyong kamag-aral at ekis
kung hindi tama.

Bilangin na ang nakuhang


tama at ipasa na dito sa
unahan.

Takdang- Bago tayo matapos, kumuha


Aralin/Karagdagang muna ng notebook at isulat
Gawain ang inyong takdang aralin.
1. Gumawa ng tatlong
pangungusap na may
salitang kilos.
2. Bilugan ang mga salitang
kilos na inyong inilagay.
3. Lagyan ng lagda ng
magulang ang inyong
kwaderno, ito ang
magpapatunay na kayo ay
gumawa ng inyong takdang
aralin sa inyong mga
tahanan.

Paalam mga bata, bukas ay


magkita kita ulit tayo.

Prepared by:
VIVIAN B. CUPAL
Teacher Intern

Checked and Observed by:

NERISSA D. QUIÑONES
Master Teacher II

You might also like