You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 1 (4TH QUARTER)

Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at mga tunog.

Tatas: Nababasa ang usapan, tula, talata, kwento nang may tamang bilis, diin, tono , antala at ekspresyon.

I. Layunin: Nakikilala ang mga tunog na bumubuo sa pantig ng mga salita. (F1KP-IIIa-5-)
Nakakasulat ng mga salita nang may tamang laki at layo (FIPU-Iva-1.2)
Nakapagbibigay ng sagot sa mga gawain

II. Paksang Aralin: Mga tunog na bumubuo sa pantig ng mga salita.

III. Kagamitang Panturo: K-12 CG


A. Sanggunian:
Kagamitan ng Mag-aaral (Bumasa at Sumulat), pp 210-212
Patnubay ng Guro (Bumasa at Sumulat), pp 403-404

B. Kagamitan: Mga larawan, tula sa tsart, panulat, television o monitor, laptop, sagutang papel
at iba pa.
C. Integrasyon:
Araling Panlipunan: (paggamit ng ibat-ibang katawagan kanan, kaliwa, itaas, ibaba upang
matukoy ang kalagyan ng isang bagay.)
Music: (pag-awit ng isang kanta tungkol sa alitaptap)
ESP: (pagtukoy sa mabuting asal na natutunan sa kwento)

IV. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:

1. Pagsasanay:
Idikit
Ipangkat ang klase. Bawat isang pangkat ay magtalaga ng isang kamag-aral na siyang didikit sa
pisara upang idikit ang bahagi ng alitaptap na nasa pisara na nakapiring. Bawat kapangkat nila ay
kailangang magbigay ng clue sa kanilang kamag-aral na kakamping magdikit. Ang mag-aaral na
nakadikit sa pinakamalapit sa tamang lugar ang panalo.

Sabihin: Ngayong araw magkakaroon tayo ng laro. Bibigyan ko kayo ng isang bahagi ng
katawan ng alitaptap (ilaw ng katawan ng alitaptap). Ididikit ninyo ito na nakablindfold upang
mabuo ang katawan ng alitaptap. Gamitin ang salitang kanan, kaliwa, itaas, ibaba upang
matukoy ang kalagyan ng kanyang ilaw.

2. Balik-Aral:
Pagtatanong tungkol sa kwentong napakingggan si Dindo Pundido.
1. Sino ang pamilyang alitaptap na sikat sa ating kwento?
2. Sino ang pinaka-aabangan ng lahat?
3. Bakit nagulat ang lahat?
4. Ano ang nangyari sa kanyang mga kapatid?
5. Saan niya nakita ang kanyang mga kapatid?
6. Paano niya iniligtas ang kanyang mga kapatid?

Pagpapahalaga:
Ano ang mararamdaman mo kapag ikaw ay nakatutulong sa iyong mga kapatid o kapwa?

3. Pagganyak: Pag-awit ng “Alitaptap” (Sa tono ng Paru-parong Bukid)

Ang alitaptap, na lilipad lipad;


Kay gandang pagmasdan, kumikislap-kislap;
Tulad niya ay tala, may angking liwanag;
Insektong makislap, kukuti-kutitap.

B. Bagong Aralin

1. Pamantayan
Ano ang dapat gawin habang nagtuturo ang guro?

2. Paglalahad: Basahin

Alitaptap
Ang alitaptap ang alitaptap
Sa hatinggabi ay lumilipad
Kay gandang masdan
Kikisap-kisap
Tulad ng bituing may munting liwanag.

Ang alitaptap ang alitaptap di mo makita, di maapuhap


Sa kadiliman pag lumilipad
Ay parang bituing kukuti-kutitap.

3. Pagtatalakay
a. Kamalayan sa Pag-unawa: ( Comprehension check-up)
1. Ano ang alitaptap?
2. Kalian ito lumilipad?
3. Saan inihahalintulad ang alitaptap?

b. Ginabayang pagsagot sa isang gawain para sa pagpapalalim ng talakayan:


Ano ang alitaptap?
Ano ang mga pantig nito?
Ano-anong tunog ang bumubuo nito?

Pag-aralan.

Alitaptap

a • li• tap• tap

a•l•i•t•a•p•t•a•p
ang salitang alitaptap ay binubuo ng apat na pantig.
Ang bawat pantig naman ay binubuo ng mga tunog na:

a- -a

-li- -l i

-tap- - t a p

-tap- - t a p

4. Pangkatang Gawain

Gawin ninyo
Pumili ng limang salita mula sa tulang “Alitaptap”. Isulat ang mga pantig at tunog na bumubuo sa
bawat isa. (Bigyan ng manila paper ang bawat pangkat, ibahagi sa klase ang kanilang gawain.)

Salita

Pantig Mga Tunog

5. Pagpapahalaga

Paano mo ipakikita ang paggalang sa mga taong may kapansanan?

6. Paglalahat

Paano nabubuo ang isang salita?

V. Pagtataya

Isulat ang mga pantig at tunog na bumubuo sa bawat isa.

Salita Pantig Mga Tunog


bituin
kislap
lipad
kutitap
alitaptap

VI. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin.

Isulat Mo.
Isulat nang wasto.
isang tanyag na bayani si apolinario mabini

Inihanda ni:

JANE D. CUESTAS

Teacher 1

You might also like