You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
LUBAO WEST DISTRICT
SAN PEDRO SAUG ELEMENTARY SCHOOL
Daily Paaralan SAN PEDRO SAUG ELEM. Baitang/Antas III-
Lesson Log SCHOOL MATULUNGIN
Guro ALMA M. LAMPA Araw Martes
Petsa/Oras Ika-15 ng PEBRERO, 2022 Markahan Ikatlo

ASIGNATURA Filipino 3
1. Layunin
Mga Kasanayan sa
Pagkatuto: Isulat ang code  Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita na nanatili ang
ng bawat kasanayan
kahulugan F3PT – IIIci -3.1
 Nakabubuo ng mga tambalang salita.
 Naipakikita ang pagmamahal sa komunidad at bayan

II. Nilalaman Tambalang Salita Nananatili ang Kahulugan


Kagamitang Panturo Video Presentation, Laptop, papel, lapis
A. Sanggunian:
1. Mga pahina sa Gabay ng Module, Filipino 3 Quarter 3 Week 1, MELC
Guro
2. Mga pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Code.
B. Iba pang Kagamitang Youtube Video Presentation
Panturo
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at/o pagsisimula ng Ano ang pang-uri?
bagong aralin. Piliin ang angkop na pang-uri upang mabuo ang mga pangungusap.
1. Panalangin
2. Pag-awit ng “ Ang Pang-
uri”
3. Pag tsek ng attendance
4. Balik-aral

Ngayon naman bago tayo magtungo sa ating aralin ay magkakaroon muna tayo
B. Paghahabi ng layunin ng ng gawain. Ito ang Tambal-Larawan.
aralin.
Hanapin sa loob ng kahon ang katawagan ng mga larawan.

Pagmasdan ang larawan.


Ano ang masasabi ninyo sa ating larawan?

Tama!Kayo, ano ang pangarap nyo?


Tulad ninyo, ang bawat tao ay may pangarap na nais maabot. Marahil, ang iba
ay abot-kamay na nila ito.

-C. Pag-uugnay ng mga Bago natin basahin ang tula, alalahanin nating muli ang mga pamantayan ng
halimbawa sa bagong mabuting pagbasa.
aralin. 1. Umupo ng tuwid
2. Iwasan ang makipagkwentuhan habang nagbabasa
3. Unawaing mabuti ang binabasa.

Ngayon mga bata, ating basahin ang isang maikling kwento ng isang batang may
pangarap para sa kanyang komunidad o barangay na pinamagatang May Pag-asa
Pa! na isulat ni Cherry Mae C. Aguas.
May Pag-asa Pa!
May isang bata na nakaupo sa ilalim ng punongkahoy na nagngangalang
Arnold. Si Arnold ay namulat sa kahirapan. Simple lamang ang kanilang
pamumuhay. Nakatira silang mag-anak sa isang hindi kalakihang bahay-kubo.
Isang kapitan ang kanyang ama na si Mang Ambo at alam niya ang kalagayan
ng kanilang komunidad. Maliit lamang ang paaralan sa kanila. Kadalasan pa nga
ng pumapasok ang tubig-ulan sa mga silid-aralan kapag may bagyo na
dumarating dahil sa sira-sirang bubong.
Lumipas ang maraming taon ay ganoon pa rin ang kalagayan ng kanilang
barangay. Nagpasya si Arnold na magbalikbayan pagkatapos niyang mag-aral ng
medisina sa Maynila. Kilala na si Arnold sa kanyang larangan.Naging isa siyang
magaling na doktor.
Maraming ospital ang nais siyang kunin bilang doktor, ngunit tumatanggi siya.
Nais niya na sa kanyang kinagisnang lugar siya magbibigay ng serbisyo. Hindi
lamang si Arnold, kundi pati mga kababata niya na nakapagtapos ng kolehiyo ay
nais ring magbigay ng tulong sa kanilang lugar.
Sa isang maliit na pangarap noon, ito ay naging kalutasan sa kahirapan na
naranasan ng kanilang lugar.

D. Pagtalakay ng bagong Pag-unawa sa binasa.


konsepto at paglalahad ng Sagutin ang mga katanungan.
bagong kasanayan #1 1. Sino ang bata sa kwento?
2. Ano ang pangarap ni Arnold sa kanilang komunidad?
3. Ano naman ang nagawa ni Arnold sa kanilang barangay?
4. Maliban kay Arnold, sino pa ang may gustong magbigay ng tulong sa
kanilang lugar?
5. Sa palagay ninyo , tama ba ang ginawa ni Arnold at ng kanyang mga
kababata sa ating kwento? Bakit?

6. Napansin mo ba ang mga salita na nakaitim sa kwento? Ano-ano ang mga


ito?Ilang salita ang bumubuo sa mga salitang ito?

7. Sa palagay ninyo ano kaya ang tawag sa kayarian ng mga ito?

D. Pagtalakay ng bagong Tama!Ang tawag sa kanila ay Tambalang Salita.


konsepto at pagalalahad ng Ang salita ay may iba’t ibang kayarian. Isa na rito ang tambalang salita. Ito
bagong kasanayan #2 ay binubuo ng dalawang salita. Ang literal na kahulugan nito ay makikilala kung
ang kahulugan ng dalawang salitang pinagsama ay hindi nagbabago.
Ang tambalang salita na hindi nagbabago ang kahulugan kahit pinagtambal
ang dalawang salita ay tinatawag na tambalang di-ganap. Kadalasan, isinusulat
ito na may gitling ( - )sa pagitan ng dalawang salitang pinagtatambal.
Tingnan nating halimbawa ang tambalang salitang silid-aklatan.
Ang mga salitang “silid” at “aklatan” tumitindig sa sari-sariling
kahulugan; at kahit pa pinagsama’y tumutukoy pa rin naman sa
“isang silid na may lamang mga aklat.”
Narito pa ang ilan sa mga tambalang salita na nananatili ang kahulugan.
Bahay + kubo = Bahay-kubo ( isang bahay na kubo)
Tubig + ulan = Tubig – ulan ( tubig na nanggagaling sa ulan)
Silid + aralan = Silid-aralan ( silid ng paaralan )
Samantala, may mga tambalang salita na hindi na ginagamitan ng gitling.
Balik + bayan = Balikbayan ( Taong nangingibang lugar at bumalik sa
kinagisnang lugar )
Kapag ang unang salita ay nagtatapos sa patinig dadagdagan natin ito ng
ng at kung minsan hindi na ginagamitan ng gitling.
Halimbawa
Puno + kahoy = Punongkahoy

E. Paglinang sa Kabihasaan Marami pang


(Tungo sa Formative tambalang salita ang
Assessment iyong matutuklasan.
Halikayo at ating
buuin ang mga
tambalang salita sa
ibaba.
F. Paglalapat ng aralin sa pang- Integrasyon s Edukasyon sa Pagpapakatao
araw-araw na buhay
Balikan natin ang Kwentong May Pag-Asa Pa!
Kung kayo si Arnold tutulong rin ba kayo sa inyong barangay lalo na
ngayong panahon na may Covid-19? Paano?

Ngayon naman sagutin ang sumusunod na gawain.

G. Paglalahat ng Aralin Ano ang tambalang salitang di -ganap?


Kapag ang dalawang payak na salita ay pinagsama at hindi nagbago ang
kahulugan, ito ay tambalang salitang di-ganap.

H. Pagtataya ng Aralin Isulat ang tambalang salita sa patlang katumbas ng kanilang kahulugan.Pumili ng
sagot sa loob ng puso sa ibaba.

I. Karagdagang gawain para


sa takdang-aralin at
remediation
Inihanda ni:

ALMA M. LAMPA
Teacher III
Binigyang pansin ni:

CATHERINE G.
ANGELES
Principal I

You might also like