You are on page 1of 5

CLASSROOM OBSERVATION PLAN

School TACUL ELEMENTARY SCHOOL Grade Level THREE


Teacher MELVIN T. OTOM Araw Ikaanim na Linggo
GRADES 1 to 12 Date/ Time May 25, 2022/1:00-1:50 Quarter 4th Quarter
DAILY LESSON LOG Assignatura Filipino 3
I. Layunin Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang
A. Pamantayang Pangnilalaman talasalitaan
B. Pamantayan sa Pagganap F3TA-0a-j-3 Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may
tamang bilis, diin, tono, antala at ekspresyon
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita na nanatili ang
Isulat ang code ng bawat kasanayan kahulugan F3PT – IIIci -3.1
II. Nilalaman Tambalang Salita
Kagamitang Panturo
A. Sanggunian:
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Pahina 290-291
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral Batang Pinoy Ako, kagamitan ng mag-aaral sa Filipino, pahina 156-157.
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng DepEd Common
Learning Code.
B. Iba pang Kagamitang Panturo Tsart ,larawan, Powerpoint at Laptop
III.Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula Bago ang Balik-aralin, pakantahin at pasayawin muna ang mga mag-
ng bagong aralin. aaral. Ang pamagat nang kanta ay “Kung ikaw ay masaya”
Ano ang iyong natutunan sa ating nakaraang aralin?
PANUTO: Tukuyin ang ngalan ng bawat larawan. Lagyan ng tsek (
/ ) sa patlang ang akmang naglalarawan sa bawat isa.

1. bata
______ A. Ang bata ay masayang nagbabasa ng libro.
______ B. Ang bata ay umiiyak na nagbabasa ng libro.
______ C. Ang bata ay malungkot na nagbabasa ng libro.

2. mga lobo
______ A. Ang lobo ay iisa.
______ B. Ang mga lobo ay marami.
______C.
3. Ang mga lobo ay unti-unting nabibitak.
bahay
_______A. Ang bahay ay maliit at marumi.
_______B. Ang bahay ay malinis at maganda.
_______C. Ang bahay ay maraming halaman sa paligid.

4. bola
_______A. Ang bola ay kulay berde.
_______ B. Ang bola ay hugis tatsulok.
_______C. Ang bola ay hugis bilog at kulay kahel.

5. guro
_______ A. Ang guro ay masipag magturo.
_______ B. Ang guro ay masipag manggamot ng mga bata.
_______ C. Ang guro ay masipag mag-alaga ng mga bata.
B. Paghahabi ng layunin ng ara lin. Tingnan ang mga larawan. Bigyan pansin ang mga salitang
nakalimbag Na itim sa bawat pangungusap.
Ano ang pangarap mo sa buhay? Tulad mo, ang
bawat tao ay may pangarap na nais maabot.
Marahil, ang iba ay abot-kamay na nila ito.

Ikaw ba ay may kapit-bahay?


Isang taong nakatira na malapit
o nasa tabi lamang sa inyong
bahay.

Naranasan mo na bang makapasok sa isang


bahay-kubo? Makalanghap ng sariwa at preskong
hangin sa loob nito?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Basahin ang Dayalogo
aralin.
Juana: Alam mo na ba Jose kung ano pangarap mo na nais
maabot?
Jose: Oo naman, pangarap kong maging sundalo balang-araw.
Juana: Wow! Ang galing naman. Ako,pangarap ko naman
maging chef.

Jose: Mangyayari lamang yan kung pagbubutihan natin ang


ating pag-aaral. Darating ang araw ay pareho natin abot-kamay
ang mga pangarap na iyon.
Juana: Tama! Kaya habang inaantay natin iyon. Maglaro muna
tayo.
Jose: Dali! Kunin mo ang iyong palayuk- palayukan at pati na
ang aking sunda- sundaluhan.
Juana: Sige, kuya. Doon po tayo maglaro sa ating bahay-kubo.
Isasali ba natin ang ating kapitbahay?
Jose: O sige. Tawagin natin s’ya.
Juana: Oo para mas marami mas masaya.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Pag-unawa sa Binasa:
ng bagong kasanayan #1 1.Sino ang dalawang batang nag-uusap sa dayalogo?
2.Tungkol saan ang dayalogo? Ano ang mabuting ipinakita
ng dalawang bata?
Tingnan ang mga salitang may nakalimbag sa usapan.
3. Ano ang mga salitang ito?
4.Ilan salita ang bumubuo sa abot-kamay, bahay-kubo at
kapitbahay?
5. Ano ang tawag sa mga salita ito?
6.Ibigay ang kahulugan ng abot-kamay, bahay kubo at kapit
bahay
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Pagtalakay sa Paksa
pagalalahad ng bagong kasanayan #
Ang pagsasama ng dalawang magkaibang salita ay
ginagawa upang makalikha ng isang salita na posibleng
mayroon nang ibang kahulugan. Madalas, isinusulat ito na may
gitling sa pagitan ng dalawang salitang pinagtatambal tulad ng
mga salita sa itaas. Ito ay tinatawag na tambalang salita.
Mayroong umiiral na dalawang uri ang mga tambalang
salita. Tambalang salita na nananatili ang kahulugan at
tambalang salita na may bagong kahulugan. Ang nauna ang
mas bibigyan natin ng tuon sa araling ito.
A. Tambalang salita na nananatili ang kahulugan
Sinasabing may mga tambalang salita na ang
kahulugan o nais ipahiwatig ng dalawang salita ay nananatili at
hindi nababago. Ilan sa mga halimbawa nito ay abot-kamay,
kapit-bahay, at bahay-kubo.

Tingnan nating halimbawa ang tambalang


salitang silid-aklatan. Ang mga salitang “silid” at
“aklatan” tumitindig sa sari-sariling kahulugan;
at kahit pa pinagsama’y tumutukoy pa rin
naman sa “isang silid na may lamang mga
aklat.”
Narito pa ang ilan sa mga tambalang salita na nananatili ang
kahulugan.
• akdang-sining (gawaing sining)
• aklat-dasalan (aklat na naglalaman ng mga dasal)
• bahay-gagamba (tinitirhan ng mga gagamba)
• baybaying-dagat (lupang dinaraanan malapit sa dagat)
• gawang-kamay (bagay na likha ng mga kamay)
• hugis-puso (hugis na inilalarawan ang puso)
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Tingnang mabuti ang larawan. May ilang tambalang salita na
Assessment) nakatago sa mapa. Hanapin ito at sabihin ang ibig sabihin.
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na Indibidwal na Gawain
buhay
Direksyon: Tukuyin ang kahulugan o ibig sabihin ng bawat
tambalang-salita.
1. tubig-alat
A. tubig na ginagamit sa pagluluto
B. tubig na malamig
C. tubig sa dagat o kinuha mula sa dagat
D. tubig na malabo
2. labas-pasok
A. akto ng paulit-ulit na paglabas at pagpasok
B. hindi mapakali sa gagawin
C. magnanakaw
D. taong madalas na pinalalayas
3. ingat-yaman
A. taong matipid sa paggastos
B. pinunò ng tanggapan o samahan na may
tungkuling mag tago ng salapi at talaán ng mga
gastos
C. taong maramot
D. guwardiya ng makakapangyarihang tao
4. lampas-tao
A. malaking bilang ng mga tao sa isang grupo
B. mas mataas sa karaniwang tangkad ng tao
C. pangkat ng mga kabataan
D. malayo sa kasalukuyang kinalalagyan ng tao
5. ulilang-lubos
A. taong ipinaampon sa iba
B. taong patay na ang mga magulang; o wala
nang buhay na kamag-anak
C. labis na nalulungkot
D. naligaw ng landas
H. Paglalahat ng Aralin Sa pagsasama-sama ng dalawang salita, nakabuo ako ng bagong
salita na may kahulugan. Ang tawag dito ay _____________
salita.
Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng halimbawa.
I. Pagpapahalaga Integrasyon s Edukasyon sa Pagpapakatao
Panuto: Pumalakpak kung ang isinasaad ng bawat pangungusap
ay mabuting gawain, pumadyak naman kung hindi mabuti.
______1. Ang mga mag-aaral ng Tacul Elementary School ay
taos pusong tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.
______2. Sina Manny at Rowel ay naglinis ng kanilang silid-kainan
bago naglaro.
______3. Sina Jose at Juana ay masayang nakipaglaro sa
kanilang kapit-bahay.
______4. Ang mga bata ay nagtulong-tulong upang maalis ang
damong-ligaw sa kanilang sa paaralan.
______5. Si Jona ay hindi nakagawa ng kaniyang takdang-aralin
dahil nanood siya ng palabas sa telebisyon kagabi.

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Isulat ang titik sa patlang ng tamang kahulugan ng bawat
tambalang salita sa hanay A at hanay B.
Hanay A Hanay B
____1. Balik-aral a. nagtutulungan
____2. Kapit-bisig b. kuwarto na pinag-aaralan
____3. Likas-yaman c. muling pag-aaral sa dating
aralin.
____4. Palo-sebo d. isang larong lahi na
padulasan
____5.silid-aralan e. yaman na nanggagaling sa
kalikasan
J.Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at Maglista ng sampung halimbawa ng tambalang salita.Gamitin ito
remediation
sa pangungusap.

Inihanda ni:

MELVIN T. OTOM
Teacher I

Checked and Observed by:

RUENA T. GANAD, EdD, PhD


Master Teacher III

You might also like