You are on page 1of 19

DAILY LESSON PLAN Paaralan: Paaralang Elementarya ng Tunasan

(Pang-araw – araw na Guro: Jellyca Rose O. Montebon


Tala sa Pagtuturo) Asignatura: Filipino 3
Petsa: Marso 18, 2024
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
Pangnilalaman sariling ideya, kaisipian, karanasan at damdamin.
B. Pamantayan sa Naipapahayag ang ideya, kaisipan, damdamin, reaksyon nang may
Pagganap wastong tono, diin, antala at intonasyon.
I. Layunin a. Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita.

b. Naisusulat ang kahulugan ng tambalang salita.

c. Napahahalagahan ang sariling pangarap.

Project ICARE Integration: Napagsusunod-sunod ang mga


pangyayari sa kwento.

LC Code F3PT-IIIci-3.1
II. Nilalaman

Paksa Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita.

Sanggunian https://youtu.be/h_-6DuHmFYs?si=AEnYFBcCiNIQrKZe
Curriculum Guide (DBOW)
Kagamitan ng mag-aaral sa MTB-MLE 3

Kagamitan Tsart, PPT, laptop at mga larawan

Integration within the curriculum


MTB-MLE 3
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari mula sa kwentong
binasa.

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay/Project Basahin ang mga sumusunod na
ICARE mga salita.

● silid-tulugan
● silid-aklatan
● hapag-kainan
● bahay-kubo
● silid-aralan
● abot-kamay
● takdang-aralin
● hanap-buhay
● punong-kahoy
2. Balik-Aral Tayo muna ay magbalik-aral ‘’Opo’’
bago dumako sa ating
talakayan.

Sino sainyo ang nakakaalam sa *tataas ang kamay ng mga


kantang tatlong bibe? bata*

Magaling! Lahat pala kayo alam


yun.

Magsitayo kayo at tayo’y await.

Magaling!
Palakpakan niyo ang inyong mga
sarili!

Anu-ano ang mga salitang *sasagot ang mga bata*


ginamit sa paglalarawan sa mga
bibe?

Mahusay! Ang mga salitang iyon


at napag-aralan natin nung
nakaaran.

Ano nga ang tawag sa mga ‘’Pang-uri po’’


salitang iyon?

Magbigay nga kayo ng *tataas ng kamay ang mga


halimbawa ng pangungusap na bata*
ginagamitan ng pang-uri.

Magaling!

B. Panlinang na Gawain Bago tayo dumako sa ating


1.Pagganyak/Paghawan bagong talakayan ngayong
ng Balakid araw, Tingnan muna natin ito.

Gamit ang show-me-board isulat


ang salita na ipinapahayag ng
larawan.

Handa na ba kayo? ‘’Opo!’’

*Ipapakita ang sagot


pagtapos ng lahat*
Ang mga salita na inyong nabuo
ay may kinalaman sa ating aralin
ngayon.

2. Paglalahad Bago ko simulan ang ang ating


aralin ay may babasahin muna
kayong maikling kwento, at
pagkatapos ay meron kayong
sasagutan.

Handa na po ba? ‘’Opo’’

‘’Ang Batang may Pangarap’’

Maaga pa lang ay gising na ang


batang si Miguel. Pagkagising ay
inaayos niya agad ang kanyang
silid-tulugan at tinulungan niya
ang kanyang nanay sa
paghahain sa hapag-kainan.
Tinulungan din niya ang kanyang
tatay sa pag-aayos ng mga isda
na ititinda sa palengke. Mahirap
lamang ang kaniyang pamilya. Sa
bahay-kubo sila nakatira at
pangingisda ang hanap-buhay
ng kanyang mga magulang.
Pagkatapos niyang tulungan ang
kanyang tatay ay maaga siyang
pumapasok sa paaralan upang
magbasa ng aralin sa kanilang
silid-aralan. Araw-araw rin siyang
dumaraan sa silid-aklatan upang
gumawa ng kanyang takdang-
aralin.
Kahit mahirap sila, hindi ito naging
hadlang sa kanyang pag-aaral.
Nais niyang maabot at matupad
ang kaniyang pangarap. At dahil
sa kanyang pagsisikap nakikinita
niya na abot-kamay lamang niya
ang kanyang pangarap. Lagi din
niyang iniisip na kahit mahirap
basta nagsisikap ay
makapagtatapos siya ng pag-
aaral.

Alam kong nagustuhan ninyo


ang ating kuwento.

Balikan natin ang maikling


kuwento sa pamamgitan ng
pagsusunud-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento. Isulat sa
patlang ang letra ng tamang
sagot.
*PAGWAWASTO*
_____1. Araw-araw rin siyang
dumaraan sa silid-aklatan upang 1. E
gumawa ng kanyang takdang-
aralin.
2. C
_____2. Tinutulungan niya ang
kanyang tatay sa pag-aayos ng
mga isda na ititinda sa palengke.
3. D
_____3.Maaga siyang pumapasok
sa paaralan upang magbasa ng
aralin sa kanilang silid-aralan. 4. A

_____4. Maaga pa lang ay gising


na ang batang si Miguel. 5. B

_____5. Pagkagising ay inaayos


niya agad ang kanyang silid-
tulugan at tinutulungan niya ang
kanyang nanay sa paghahain sa
hapag-kainan.

*Sino nakakakuha ng
5..4..3..2..1?*
3.Pagtatalakay Ngayon balikan natin yung
kwento na inyong binasa.

May ilang mga katanungan ako


sainyo tungkol sa kwento na
inyong sasagutin.
‘’Ang Batang May Pangarap’’

Maaga pa lang ay gising na ang


batang si Miguel. Pagkagising ay
inaayos niya agad ang kanyang
silid-tulugan at tinulungan niya
ang kanyang nanay sa
paghahain sa hapag-kainan.
Tinulungan din niya ang kanyang
tatay sa pag-aayos ng mga isda
na ititinda sa palengke. Mahirap
lamang ang kaniyang pamilya. Sa
bahay-kubo sila nakatira at
pangingisda ang hanap-buhay
ng kanyang mga magulang.
Pagkatapos niyang tulungan ang
kanyang tatay ay maaga siyang
pumapasok sa paaralan upang
magbasa ng aralin sa kanilang
silid-aralan. Araw-araw rin siyang
dumaraan sa silid-aklatan upang
gumawa ng kanyang takdang-
aralin.
Kahit mahirap sila, hindi ito naging
hadlang sa kanyang pag-aaral.
Nais niyang maabot at matupad
ang kaniyang pangarap. At dahil
sa kanyang pagsisikap nakikinita
niya na abot-kamay lamang niya
ang kanyang pangarap. Lagi din
niyang iniisip na kahit mahirap
basta nagsisikap ay
makapagtatapos siya ng pag-
aaral.

TANONG:

Ano ang pamagat ng kwento na ‘’Ang Batang May Pangarap


ating binasa? po’’

Sino-sino ang tauhan sa kwento? ‘’Si Miguel, nanay at tatay


niya po’’

Sino ang batang may pangarap? ‘’Si Miguel po’’

Ano ang inaayos ni Miguel ‘’Ang kanyang Silid-tulugan


pagkagising niya sa umaga? po’’

Saan inihahain ni Miguel at ng ‘’Sa hapag-kainan po’’


kanyang nanay ang kanilang
pagkain?

Saan nakatira ang pamilya ni ‘’ Sa bahay-kubo po’’


Miguel?

Punan ang tamang salita, Ayon ‘’Hanap-buhay po’’


sa kwento, pangingisda ang
_____ ng kanyang Tatay?

Saan nagbabasa ng aralin si ‘’silid-aralan po’’


Miguel?
Saan pumupunta si Miguel ‘’sa silid-aklatan po’’
pagkatapos ng klase?

Ano ang ginagawa niya doon? ‘’gumagawa po sya ng


takdang-aralin’’

Ano ang nakikita niya sa kanyang ‘’abot-kamay nya na po ang


pangarap? kanyang pangarap’’

Kung kayo ay tatanungin, paano *sasagot ang mga bata*


niyo mapapahalagahan ang
inyong sariling pangarap?

Magaling!

Sa puntong ito, nais kong


pansinin niyo ang dalawang
salita na pinagsama o
pinagtambal na ginamit sa
kwento na ating binasa

Ano-ano nga yun? ● bahay-kubo


● silid-tulugan
● hapag-kainan
● silid-aralan
● silid-aklatan
● takdang-aralin
● abot-kamay
● hanap-buhay

Pansinin niyo ang mga salitang ‘’Mayroon po itong dalawang


ito. Ano ang napansin niyo sa magkaibang salita na
mga salita? pinagsama o pinagtambal’’

Ano pa? Ano ang ginamit natin ‘’Ginamitan po ito ng gitling’’


para mabuo ang mga
pinagtambal na salita?

Magaling na obserbasyon! Sa
pamamagitan ng pagdagdag
ng gitling sa pagitan ng
dalawang salita, nabuo ngayon
ang tambalang salita.

Ngayon, basahin natin ang


kahulugan ng bawat tambalang
salita na ito.

1. Silid-tulugan
- Isang silid na kung saan
natutulog ang mga tao sa
gabi.

Kung mapapansin niyo meron


itong dalawang magkaibang
salita na pinagsama o
pinagtambal.

Nang pinagsama o pinagtambal


ang salitang silid at tulugan
nakabuo tayo ngayon ng isang
panibagong kahulugan.

2. Hapag-kainan
- Dito pinapatong ang mga
pagkain sa oras ng
almusal, tanghalian,
meryenda o hapunan.

Ilang salita ang meron sa hapag- ‘’dalawa po Bb. Jellyca’’


kainan?

Tama! Kung mapapansin niyo


meron itong dalawang
magkaibang salita na may
magkaibang kahulugan na
pinagsama o pinagtambal.

Ang kahulugan ng hapag, ito ay


isang lamesa o mesa.

Ang kahulugan naman ng kainan


ay mga pagkain.

Nang pinagsama o pinagtambal


ang salitang hapag at kainan
nakabuo tayo ngayon ng isang
panibagong kahulugan.

3. Bahay-kubo
- bahay na gawa sa nipa.

Kung mapapansin niyo meron


itong dalawang magkaibang
salita na pinagsama o
pinagtambal.

Nang pinagsama o pinagtambal


ang salitang bahay at kubo
nakabuo tayo ngayon ng isang
panibagong kahulugan.

4. Hanap-buhay
- bagay na ginagawa ng
tao para kumita ng pera.

Meron ulit tayong dalawang


magkaibang salita dito na
pinagtambal.

Kung mapapansin niyo


magkaiba ang kahulugan ng
hanap sa buhay.

Ano ba kahulugan ng hanap? ‘’naghahanap po ng isang


bagay Bb. Jellyca’’
Ano naman ang kahulugan ng
buhay? ‘’buhay na ginagawa ng
isang tao’’
Kung mapapansin niyo ng
pinagsama o pinagtambal ang
salitang hanap at buhay ito ay
nangangahulugang ‘’bagay na
ginagawa ng tao para kumita ng
pera’’

Kaya nang pinagsama o


pinagtambal ang salitang hanap
at buhay nakabuo ulit tayo
ngayon ng isang panibagong
kahulugan.

5. Silid-aralan
- Isang silid na kung saan
natututo ang mga bata at
matanda ng iba't ibang
mga bagay.

Kanina nabanggit na natin yung ‘’Ito po ay isang uri ng


silid. Ano kaya ang kahulugan ng kwarto’’
silid?

Tama! At Madaming
pinanggagamitan ang silid.
Meron tayong silid-tulugan, silid-
aralan, silid-aklatan at marami
pang iba.

Ngayon, pag sinabi nating silid- ‘’kwarto po kung saan kami


aralan, ano kaya ang ibig-sabihin nag-aaral’’
ng silid-aralan?

Tama! At kung mapapansin niyo


meron itong dalawang
magkaibang salita na may
magkaibang kahulugan na
pinagsama o pinagtambal.

Kaya nang pinagtambal ang


salitang silid at aralan tayo
ngayon ay nakabuo ng isang
panibagong kahulugan

6. Silid-aklatan
- Isang silid na kung saan
nakalagay ang mga aklat
o libro.

Katulad ng sinabi ko kanina, ang


silid ay isang uri ng kwarto na
may madaming
pinanggagamitan.

At ano naman ang kahulugan ng ‘’Ito po yung mga libro’’


aklatan?

Very good!

Kung mapapansin niyo


magkaiba ang kahulugan ng
salitang silid at aklatan.
Kaya nang pinagtambal ang
salitang silid at aklatan tayo
ngayon ay nakabuo ulit ng isang
panibagong kahulugan

7. Takdang-aralin
- Gawaing iniatas sa mag-
aaral upang pag-aralan
pagkatapos ng klase.

Meron ulit tayong dalawang


magkaibang salita dito na
pinagtambal.

Kung mapapansin niyo, iba ang


kahulugan ng salitang ‘’takda sa
aralin’’

Kaya nang pinagsama o


pinagtambal ang salitang takda
at aralin nakabuo ulit tayo
ngayon ng isang panibagong
kahulugan.

8. Abot-kamay
- Nangangahulugang
malapit mo ng maabot
ang iyong pangarap o
mithiin sa buhay.

Kung mapapansin natin


magkaiba ang kahulugan ng
abot sa kamay.

Pag sinabi nating abot, ito yung


mga bagay na ipinaaabot sayo
o inaabot mo.

Ano naman ang kamay? ‘’Ang kamay po ay bahagi ng


ating katawan’’

Very good!

Kung mapapansin niyo ng


pinagsama o pinagtambal ang
salitang abot at kamay ito ay
nangangahulugang ‘’malapit mo
ng maabot ang iyong pangarap
o mithiin sa buhay

Kaya nang pinagsama o


pinagtambal ang salitang abot
at kamay nakabuo ulit tayo
ngayon ng isang panibagong
kahulugan.

Ngayon nalaman na natin ang


bawat kahulugan ng tambalang
salita na ito.

Sa tingin niyo, ano ang nangyari ‘’Nakabuo po tayo ng mga


sa kanilang mga kahulugan ng panibagong kahulugan’’
sila ay pinagsama bilang
tambalang salita?

Tama! Lahat ng salitang ito,


bahay-kubo, silid-tulugan,
hapag-kainan, silid-aralan, silid-
aklatan, takdang-aralin, hanap-
buhay at abot-kamay ay mga
tambalang salita na binubuo ng
dalawang magkaibang salita na
pinagsasama upang makabuo
tayo ng isang bagong
kahulugan.

Ano ang tawag sa mga salitang ‘’tambalang salita po’’


ito?

Magaling! Ngayon, ano ang ‘’ito po ay ang dalawang


tambalang salita? magkaibang salita na
pinagsama upang makabuo
ng isang bagong kahulugan.

Tama! Ano pa? ‘’Ang tambalang salita po ay


ginagamitan ng gitling’’

Magaling!

Alam kong naintindihan niyo po


ang pinag-aralan natin ngayon.

Upang mas lalo niyong


maintindihan ang ating aralin
ngayong araw, magkakaroon
tayo ng pangkatang gawain.

Handa naba kayo? ‘’Handa na po kami!’’

4. Pangkatang Gawain Para sainyong pangkatang


gawain. Hahatiin ko kayo sa 4 na
grupo. At bibigyan ko kayo ng
task card.

Mayroon lamang kayong limang


minuto upang gawin ito. Pero
bago tayo dumako sa ating
pagpapangkatang gawain, may
mga pamantayan tayo sa
pagpapangkat. Ano-ano nga
yun?

A. Pamantayan sa Pangkatang
Gawain:

1. Lahat ay makikilahok sa 1. Lahat ay makikilahok sa


gawain gawain

2. Magsalita ng mahinahon 2. Magsalita ng mahinahon

3. Unawain at sagutan ng tama


ang mga tanong 3. Unawain at sagutan ng
tama ang mga tanong
4. Tapusin sa itinakdang oras ang
gawain. 4. Tapusin sa itinakdang oras
ang gawain
Pumunta rito sa unahan ang lider
ng pangkat upang kuhain ang
mga gamit na kanilang
gagamitin sa pagpapangkatang
gawain.

Handa na ba ang lahat? ‘’Opo’’

Kung malinaw na ang gagawin,


maaari ng tumungo ang bawat
pangkat sa inyong
nakalatalagang lugar.

B. PANGKATANG GAWAIN

PANGKAT 1:
PANUTO:
Tukuyin ang kahulugan ng bawat
tambalang salita. Isulat sa
patlang ang letra ng tamang
sagot.

____1. Takip-silim

a. Kwarto kung saan


natutulog ang mga tao
b. Mag-gagabi
c. Maputi at makinis

____2. kapit-bisig

a. Nakakaawa ang
kalagayan
b. Pagkakaisa at
pagtutulungan
c. Madaling makakuha ng
pansin o atensyon

____3. boses-palaka

a. Pagsulyap ng isang tao


b. Pinuno ng mga guro sa
paaralan
c. Pangit kumanta

____4. Madaling-araw

a. pasulyap ng isang tao


b. pinuno ng mga guro sa
paaralan
c. unang paglitaw ng
araw sa umaga.

____5. sirang-plaka
a. silid kung saan nagluluto
b. silid kung saan
natutulog ang mga tao
sa gabi.
c. Pauulit-ulit ang sinasabi

PANGKAT 2:

PANUTO:

Buuin ang kahulugan ng


tambalang salita sa bawat
patlang. Piliin ang sagot sa
ibaba.

PANGKAT 3:
PANUTO:
Basahin ang pangungusap. Isulat
sa ibaba ang tambalang salita
na ginamit sa pangungusap at
piliin ang tamang kahulugan sa
kahon.
1. Si Jose ay laking-Maynila
kaya siya ay maputi.
________ = __________

2. Ang bahay nila Alma ay


abot-tanaw na rito.
________ = __________

3. Si Rosa ay agaw-pansin
noong dumating sila galing
Maynila dahil sya ang
tinitingnan ng mga tao.
________ = __________

4. Ang presyo ng mga bilihin


ngayon ay abot-kaya na
ng mga tao.
________ = __________

5. Ang nanay niya ay may


bagong-lutong pinakbet sa
kanilang kusina.
________ = __________

PANGKAT 4:
PANUTO:
Isulat ang kahulugan ng
tambalang salita. Piliin ang sagot
sa kahon sa ibaba.
5. Paglalahat Naintindihan ba ang aralin natin ‘’Opo’’
ngayong araw?

Ano ang tambalang salita? ‘’Bb Jellyca! Ang tambalang


salita po ay ang dalawang
magkaibang salita na
pinagsama upang makabuo
ng isang bagong kahulugan.‘’

Magaling! Ano pa? ‘’Ito rin po ay ginagamitan ng


gitling’’

Mahusay!

Bigyan ng ang galing clap ng *1..2..3.. Ang galing galing mo


bawat isa sainyo. clap*

6. Paglalapat PANUTO:
Lagyan ng masayang mukha 🙂
ang bilog sa unahan ng bawat
pangungusap na nagsasaad ng
mabuting gawain sa paaralan at
malungkot na mukha 🙂 kung
hindi.

1. Ang mga mag-aaral ng


Paaralang Elementarya ng
Caniogan ay taos pusong
tumulong sa mga nasalanta ng
bagyo.

2. Sina Manny at Rowel ay


naglinis ng kanilang silid-aralan.

3. Sina Jose at Juana ay


masayang nakipaglaro sa
kanilang kapit-bahay.

4. Ang mga bata ay


nagtulong-tulong upang maalis
ang damong-ligaw sa kanilang
taniman sa paaralan.
5. Si Jona ay hindi
nakagawa ng kaniyang takdang-
aralin dahil nanood siya ng
palabas sa telebisyon kagabi.

7. Pagpapahalaga Meron akong maikling teksto na


ipapabasa sa inyo. Basahin at
unawain itong mabuti, sapagkat
may mga katanungan ako
pagkatapos. Naiintindihan ba? ‘’Opo’’

Hating-gabi noon ng yumanig


ang paligid dahil sa malakas na
lindol. Umalingawngaw ang
sigaw ng mga tao. Urong-sulong
ang mga tao at hindi nila alam
kung saan sila pupunta. Taos-
puso ang kanilang pananalangin
upang sila ay mailigtas.

Tungkol saan ang binasang ‘’Tungkol po sa nararanasang


teksto? kalamidad’’

Ano-anong tambalang salita ang


binanggit sa teksto? ● Hating-gabi
● taos-puso
● urong-sulong

Ano kaya ang nararamdaman ‘’Urong-sulong po ang mga


ng mga tao ng maranasan nila tao at hindi po nila alam kung
ang malakas na pag yanig? saan sila pupunta’’

‘’natatakot po sila’’

‘’taos-puso din po ang


kanilang panalangin upang
sila po ay maligtas’’

Mahusay!

Ano ang dapat gawin sa ‘’Manatiling kalmado po,


panahon ng kalamidad tulad ng huminga ng malalim at
lindol? huwag po mag panic’’

Tama! Ano pa? ‘’Mag drop, cover and hold


po. Dumapa po at sumilong
sa matibay na mesa at
protektahan ang ulo gamit
ang mga kamay. ’’

Mahusay! Pakita niyo nga sa akin


kung paano ang drop, cover and *ipapakita ng mga bata*
hold

Meron pa bang ibang ‘’Maghanda po sa


kasagutan? aftershocks. Kung nasa labas
po tayo, umiwas po tayo sa
mga gusali at maghanap po
ng open area.
Magaling!

At huwag din tayong mag urong-


sulong kapag may sakuna.
Magkapit-bisig din tayo at
magtulungan sa lahat ng oras.

Naintindihan po? ‘’opo’’

Mahusay! Bigyan ng very good *1..2..3.. very good*


clap ang inyong mga sarili!

IV. Pagtataya
Para sa ating huling gawain.
Basahing mabuti ang bawat
tanong. Piliin ang titik ng tamang
kahulugan ng bawat tambalang
salita.

1. Ang mga korales, talaba,


bangus at mga iba pa ay
nabubuhay
sa tubig-alat. Ano ang kahulugan
ng tubig-alat?

A. Tubig na malamig
B. Tubig na galing sa gripo
C. Tubig na galing sa dagat

2. Natapos ni Rosa ng maaga


ang kanyang takdang-aralin
dahil
ginawa nya agad ito sa kanilang
bahay pag-uwi galing sa
paaralan. Ano ang kahulugan ng
takdang-aralin?
A. Isang gawain sa paaralan
lamang
B. Isang gawain sa tahanan na
bigay ng magulang
C. Isang gawain na ibinigay ng
guro upang kumpletuhin sa
bahay.

3.Buong-puso na tinanggap ng
mga mag-aaral ang kanilang
bagong kakalase. Ano ang
kahulugan ng buong -puso?

A. Hindi tinanggap
B. Tinanggap ng buong loob
C. Binigyan ng buong pagkain

4.Mabait sa mga mag-aaral at


mga guro ang punung-guro ng
aming paaralan. Ano ang
kahulugan ng punung-guro?

A. Guro sa paaralan
B. Pinuno ng mag-aaral
C. Pinuno ng mga guro sa
paaralan

5.Masipag ang tatay ni Helen sa


kanyang hanap-buhay,
natatapos nya agad ang
kanyang trabaho. Ano ang ibig
sabihin ng hanap-buhay?

A. laro
B. bahay
C.trabaho

V. Takdang-Aralin Magbigay ng limang (5)


pangungusap gamit ang
tambalang salita na nananatili
ang kahulugan.

VI. Remarks

VII. Reflection

A. No. of learners who


earned 80% on the
formative assessment. ___ of learners who earned 80% above.

B. No. of learners who


require additional activities
for remediation. ___ of learners who require additional activities for remediation.

C. Did the remedial lessons


work? No. of learners who ___ Yes ___ No
have caught up with the
lesson. ___ of learners who caught up to the lesson.

D. No. of learners who


continue to require
remediation. ___ of learners who continue to require remediation.

Prepared by: Jellyca Rose O. Montebon

Student Teacher (SPCBA)


Approved by:

Regina Comisario Jessie B. Arroyo


Cooperating Teacher Master Teacher

Melissa Columna
Master Teacher

Noted by:

Olivia G. Elloso

Principal

You might also like