You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Departamento ng Edukasyon
Rehiyon IV – MIMAROPA
Dibisyon ng Romblon
Mababang Paaralan ng Rizal
Odiongan, Romblon

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO BAITANG 2

Paaralan Rizal ES Baitang/Antas Baitang 2


Guro Renalyn Maligo Asignatura Filipino
Petsa/Oras Markahan Ikalawang Markahan
I. LAYUNIN; Pagkatapos ng animnapung(60) minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
A. Pamantayang
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa
Pagganap
C. Mga
Kasanayang
Pampagkatuto
D. Mga Tiyak na 1. Nailalarawan ang mga tauhan sa napakinggang teksto batay sa kilos,
Layunin sinabi o pahayag
2. Nakakabuo ng isang pangungusap na nagpapakita ng paglalarawan.
3.
Most Essential Learning Competencies: Filipino (F2WPN-1-12.2)
II. NILALAMAN
Nailalarawan ang mga tauhan sa napakinggang teksto batay sa kilos, sinabi o pahayag
III. MGA KGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Pahina sa
gabay ng guro
2. Pahina sa
Teksbuk
3. Iba pang Laptop, TV at Visual aids
kagamitang
panturo mula sa
Learning
Resource
IV. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A.
a. Panalangin Magandang Hapon! Bago tayo
magsimula, hingin muna natin
ang presensiya ng ating
Panginoon sa pamamagitan ng
isang panalagin na
pangungunahan ni Ana
(Mananalangin ang mga mag-aaral)
Maari na kayong umupo.

b. Pagtatala ng
liban Juan, maaari mo bang iulat ang
liban ngayon sa ating klase? (Nag-uulat ng liban ang mag-aaral)

Palakpakan ninyo ang inyong


sarili dahil walang liban
ngayon sa ating klase. (Magpapalakpak ang mga mag-aaral)

c. Balik-aral sa Paano nga ba ang


nakaraang aralin paglalarawan? Ano-anong mga
at/o pagsisimula salita ang gagamitin? Basahin
ng bagong aralin ang mga sitwasyon at piliin
ang mga salitang naglalarawan.
Itaas ang lanang kamay ng nga
nais sumagot.
1.May uwing pagkain ang
nanay at binigay niya kay
Venice. Natutuwa ang nanay sa
pagiging mapagbigay ng anak
ng hatian nito ang kanyang
kapatid. (Sasagot ang mag-aaral)

2.Si Veatriz ay di-gaanong


maganda na gaya ni Dana.
Pinagtatawanan ni Dana si
Veatriz sa harap ng ibang tao
sabay sabi na pangit si Veatriz. (Sasagot ang mag-aaral)

3.Nalaglag ang hawak na pera


ng bata. Agad iyong pinulot ng
matapat na batang si Shan at
(Sasagot ang mag-aaral)
iniabot sa may-ari.

4.May bagong asul na pantalon


si Liam na kanyang isusuot sa
kanilang programa. (Sasagot ang mag-aaral)

5.Si Sab ay mabait kaya


gustong-gusto makipaglaro ni
Ann palagi sa kanya. (Sasagot ang mag-aaral)

Magagaling! Tunay na
naunawaan niyo ang ating
aralin noong nakaraan.
B. Paghahabi sa Gusto niyo ba ng kwento mga
layunin ng aralin bata?
Opo.
Okay, ngayon ay magbabasa
tayo ng kwento at ang gagawin
ninyo ay suriing mabuti ang
pahayag at kilos ng mga tauhan
sa mga tekstong
mapapakinggan o mababasa
upang mailarawan ang
kanilang katangian. Basahin at
unawain ang kuwento dahil
mayroon akong mga
katanungan pagkatapos nating
basahin ang kwento.

Ang Pamilya kung Saan Ako


Masaya

Isang matulunging mag-anak


ang pamilya ni Mang Berto.
Naikuwento niya sa mga anak
niya ang pagiging matulungin
sa kapwa ng kanilang lolo at
lola.

Minsan, sa kaniyang pag-uwi


galing sa kaniyang trabaho,
masaya niyang binalita sa mga
anak na siya ay nabigyan ng
isang linggong bakasyon at
nais niyang gugulin ito sa
probinsiya upang madalaw ang
kanilang lolo at lola.

“Talaga, Tatay? Dadalaw tayo


doon kina Lola at Lola!”
masayang tanong ng bunsong
anak na si Lory na sinundan
din ng dalawa pang kapatid.

“Siyempre, mga anak, doon ay


malawak ang bukirin at
makakakain tayo ng mga tanim
na prutas at gulay ng inyong
lolo, “sabi ng ama.

“Mabuti naman at kahit sandali


ay makaiiwas tayo sa
maruming hangin dito” sabi ni
Aling Precy.

Ngayon, handa na ba kayo sa (Magbabasa ang lahat)


aking mga katanungan?

Mga Tanong: Opo guro!


1. Anong uri ng pamilya
mayroon si Mang
Berto?
(Sasagot ang mag-aaral)
2. Ano ang balitang dala
ni Mang Berto na
ikinasaya ng kaniyang
pamilya?

3. Masaya nga bang (Sasagot ang mag-aaral)


makita ang mga mahal
sa buhay na matagal
nang hindi nakikita?
Bakit?

Magagaling mga bata! (Sasagot ang mag-aaral)


C. Pag-uugnay ng Bilang isang anak, ano ang
mga halimbawa masasabi mo kay Mang Berto?
sa bagong aralin Gayundin kaya ang kaniyang
mga anak sa kaniya?

Ano ang katangiang


ipinagmamalaki ni Mang Berto
tungkol kay Lolo at Lola?

Anong katangian ang taglay ng


bawat tauhan sa kuwento? (Sasagot ang mga mag-aaral)
Magagaling! Tama ang lahat
ng inyong mga kasagutan
D. Pagtalakay sa Ang ating aralin ngayong araw
bagong Konsepto ay patungkol sa paglalarawan
at Paglalahad ng ng mga tauhan base sa inyong
Bagong nabasang teksto o mga
Kasanayan #1 pangungusap.

Ito ay mga salitang tumutukoy


o naglalarawan sa paksa na
pinag-uusapan sa isang
pangungusap o teksto.
Naunawaan ba nga bata?
Opo.
May mga katanungan ba?
Wala po.
Upang mas lubos niyong
maunawaan magbabasa tayo
ng isang teksto
E. Pagtalakay sa Pakinggan ang tekstong
bagong konsepto babasahin. Ibigay ang tamang
at Paglalahad ng paglalarawan ng katangian ng
Bagong tauhan sa talatang
Kasanayan #2 napakinggan.

Sabado noon. Isinama ng


nanay sa palengke si Jaicy.
“Inay, marami palang tao rito
sa palengke,” nasabi ni Jaicy.
“Talagang maraming tao rito.
Bukod sa maraming tindera,
napakarami ang bumibili,”
paliwanag ni Aling Linda.
Naalala bigla ni Jaicy ang
ipinagbilin ng kanyang Tatay
na bibili ng saging kaya
sinabihan niya ang kanyang
nanay. Inuna nila ang pagbili
ng isang piling na lakatan na
nagkakahalaga ng P64.00 Isang
isandaang pisong papel ang
nakita ni Jaicy na ibinayad ng
nanay niya. Nagbigay ng sukli
ang tindera. Sa halip na P36.00
lang ay sobra ito. “Inay, sobra
po ng sampung piso ang sukli
ng ale. Ang ibinayad po natin
ay isang daang piso, “sabi ni
Jaicy. “Naku!Aling tindera,
sobra nga naman ho ng
sampung piso ang sukli niyo sa
amin,” natatawang sabi ni
Aling Linda. “Salamat ho,”
nakangiting wika ng tindera.
“Hoy, Ine, halika,” nakangiting
tawag ng tindera kay Jaicy.
“Dahil sa iyong katapatan, heto
naman ang alaala ko sa iyo…
isang matamis na atis.”
“Salamat po,” nasabi ni Jaicy
habang tinatanggap ang atis na
kaloob ng tindera.

Sagutin ang mga sumusunod


na katanungan. Itaas ang
kanang kamay ng nais
sumagot. Sabihin ninyo ang
salitang naglalarawan at kung
ano o sino ang inilalarawan
nito.
Naunawaan ba?

Magaling! Opo!

1. “Inay, sobra po ng sampung


piso ang sukli sa ating ng ale,”
sabi ni Jaicy. Si Jaicy ay
A. magaling
B. masinop
C. matapat

2. Ilarawan ang katangian ni (Sasagot ang mag-aaral)


Aling Linda?
A. mabait
B. matapang
C. masungit

3. “Tanggapin mo ito, Ine. (Sasagot ang mag-aaral)


Ito’y para sa iyo. Ang tindera
ay isang
A. matulungin
B. mapagbigay
C. masungit

4. Sinabihan ni Jaicy si Aling (Sasagot ang mag-aaral)


Linda tungkol sa ipinagbilin ng
tatay. Si Jaicy ay
A. matapat
B. masunurin
C. maalalahanin

5. “Salamat po,” nasabi ni (Sasagot ang mga mag-aaral)


Jaicy habang tinatanggap ang
atis.
A. maunawain
B. masayahin
C. mapasalamatin

Magagaling mga bata! (Sasagot ang mag-aaral)


Naunawaan na ba ng lahat ang
ating aralin ngayong umaga?

Opo!
F. Paglinang ng Para lubos na maintindihan ang
kabihasnan ating paksang aralin ngayong
(Formative hapon, mayroon akong
Assessment) gawaing inhanda para sa inyo.
Ngunit bago iyan ay
papangkatin ko muna kayo sa
dalawa.
Gawain: “Ilarawan Mo! “
Pumili kayo ng inyong
kaparehas at ang gagawin
ninyo ang mag-iisip kayo ng
pwedeng ilarawan sa inyong
kapareha at pagkatapos niyong
makapag-isip ay pupunta kayo
dito sa harapan at sasabihin sa
amin ang inyong paglalarawan
sa isa’t isa, naintindihan ba?
Opo.
Maaari na kayong magsimula.

Tapos na ba? (Mag-uusap ang magkakapares)

Inyo nang ipepresenta ang Opo.


inyong paglalarawan.

Tunay ngang naunawaan niyo (Magpepresent ang mga mag-aaral)


ang ating aralin.
G. Paglalapat ng Mga Katanungan
Aralin sa pang- Mahalaga bang matutunan
araw-araw na ninyo kung paano
maglarawan? Bakit?
buhay. (Sasagot ang mga mag-aaral)
Tama!
H. Paglalahat ng Ang paglalarawan ng
Aralin. katangian ng isang tauhan ay
maaaring mahinuha sa
pamamagitan ng pag-unawa
kung ano ang kaniyang
ikinikilos, paano ito nagsasalita
at kung paano nagpapakita ng
kaniyang naging reaksyon sa
mga sitwasyon sa kwento.

I. Pagtataya ng Pangwakas na Pagtataya


Aralin Panuto: Basahin at unawain
ang mga sitwasyon sa bawat
bilang. Ibigay ang katangian ng
tauhan batay sa kanyang sinabi
o kilos. Piliin ang sagot sa
kahon at isulat sa sagutang
papel ang sagot.
Mapagbigay

Masunurin

Mapagmahal

Tamad

Matulungin
1. Wala ang nanay ni Vincent.
Siya lamang ang naiwan sa
bunso niyang kapatid. Maya-
maya niyaya siya ng kaibigan
niyang maglaro sa kanilang
bahay. Ito ang kanyang sagot
Si Vincent ay isang

_________________ bata.

2. May batang nadapa at


umiiyak siya dahil nagkabutas
ang kaniyang pantalon at
nasugatan pa ang kaniyang
tuhod. Ang sabi ni Leo

Si Leo ay isang
__________________bata.

3.Nagtatanim sa bakuran ang


nanay ni Rudy. Kailangan niya
ang tagahawak ng paso.
Tinawag niya ang anak. Ngunit
ito ang sagot ni Rudy.
Si Rudy ay isang
________________ anak.

4.Naglaro isang araw ang


magkaibigang Jack at Jill.
Dahil si Jill ay isang mahirap
lamang sabik na sabik siyang
mapaglaruan ang laruan ni
Jack. Ang sabi ni Jack

Si Jack ay isang
__________________ anak.

5.Marami ang labada ni Aling


Maria. Nilabhan niya ito nang
maagang-maaga. Ang sabi niya

(Nagsasagawa ng gawain ang mga mag-


aaral)

Si Aling Maria ay isang


____________________ ina.

Mga Kasagutan:
1.Masunurin
2.Matulungin
3.Tamad
4. Mapagbigay
5. Mapagmahal
J. Karagdagang Magbasa ng inyong aklat para
Gawain para sa sa mga sususnod na aralin.
Takdang Aralin
at Remediation
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng
mag-aaral na
nakakuha ng 80%
sa Pagtataya
B. Bilang ng
mag-aaral na
nangangailangan
ng iba pang
gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mag-
aaral na
nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga
estratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong nang
lubos? Paano ito
nakatulong?

You might also like