You are on page 1of 9

Paaralan MOONWALK ELEMENTARY SCHOOL Baitang IKAANIM

Guro GNG. ELISA R. MAYOR Asignatura FILIPINO

September 13, 2023


Wednesday
Petsa/ Oras
GRADE 6 6:30-7:20 P-Positibo
DAILY LESSON PLAN 7:40-8:10 Masipag Markahan Unang Markahan
( Pang-araw-araw na 8:10 – 9:00 Masipg
Tala sa Pagtuturo ) 9:10- 10:00 Matiyaga
10:00-10:50 Mabait

I.LAYUNIN

Pagkatapos ng Ikaanim na Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa


A. Pamantayan ng Ikaanim
pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga sa wika, panitikan at
na Baitang
kultura upang makaambag sap ag-unlad ng bansa.

(3) Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at


B. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon
(F6WG-Ia-d-2)
II. NILALAMAN 3.4 Nagagamit ang panghalip bilang paksang pangungusap at
pinaglalaanan sa mga pangungusap
III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Unpacked MELCs


Definitive Budget of Work (DBOW) sa Filipino
2. Mga Pahina sa Kagamitang ADM Modyul 1 sa Filipino 6
Pang-aaral

3. Mga Pahina sa Teksbuk Alab Filipino

4. Karagdagang Kagamitan mula


sa portal ng Learning
Resources

ADM modyul, power point ,pisara, chalk, drill board, Graphic Organizer,rubriks
5. Iba pang Kagamitang Panturo
Integrasyon: EsP at Sining

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin A. Pagsagot sa Takdang-Aralin


at/o pagsisimula ng bagong B. Drill Board
aralin Panuto: Kumpletuhin ang salitang angkop sa patlang
upang mabuo ang diwa ng talata.

1.Ang _______________ tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook,


hayop, at pangyayari.
2. _________________ ito ay pangngalang nagsisimula sa malaking
titik na tumutukoy sa tiyak na ngalan.
3. Ang __________________ ay tumutukoy sa di-tiyak na ngalan at
nagsisimula ito maliit na titik.
4.____________________ pangngalan nagagamit natin ang ating
pandama sa pagtukoy nito.
5. Ang __________________ ay pangngalang mga ideya o
pangyayari na walang pisikal na katangian.
6. Ang _________________ ay nangangahulugan ng dami o bilang na pinagsama-
sama ngunit ang bilang walang katiyakan

Drill Board
Naalala mo ba ang mga salitang ipinapalit sa ngalan ng tao na tinawag nating
panghalip na panao? Piliin ang mga ito sa pangungusap.
1. Maraming humahanga kay Mang Pedring dahil siya ay
masipag na ama ng tahanan.
2. Maaga pa ay napakain na niya ang mga alagang manok.
3. Ang mga anak ni Mang Pedring ay mababait kaya pinupuri sila
ng mga kapitbahay.
4. Ang kanilang munting bakuran ay malinis at maganda.
5. “Mag-aral kayong mabuti,” ang laging payo niya sa mga anak.
6. “Tayo ay mahirap lamang kaya kailangang magsikap” ang
B. Paghahabi ng layunin ng aralin laging paalala sa mga anak.
at paglalahat (Pagmomodelo at 7. Dagdag pa niya, “Sikapin ninyong maging mga kapaki-
paglalahat) pakinabang na mamamayan.”
8. Sa kanila nakatuon ang pansin ng mga kapitbahay.
9. Siya ang huwaran ng mga kabarangay.
10. Maipagmamalaki nila ang kanilang pamilya.

Tingnan mo kung nasa loob ng kahon ang iyong sagot.


siya sila kanila nila niya tayo ninyo inyo kayo

Siya sila kanila nila niya tayo ninyo


kayo inyo

 Sa inyo bang lugar ay may taong may kapansanan o kapintasan? Paano


siya tinanggap ng mga tao? Basahin natin ang kuwento tungkol sa isang
taong may kapintasan
C. Pag-uugnay ng halimbawa sa Dugtungang Pagbasa
bagong aralin (Pinatnubayang Ang Alamat ng Pakwan Sa isang liblib na baryo ay may naninirahang lalaki na
Pagsasanay) laging tampulan ng biro ng mga tao. Siya ay si Mang Juan. Pinagtatawanan siya
dahil sa kanyang anyo. Maitim siya at tadtad ng bulutong ang mukha bukod pa sa
may kaitiman ang kanyang balat. Mabait siya at matulungin ngunit ang
kapangitan ang laging nakikita sa kanya. Minsan, siya ay pumunta sa taniman
upang mamitas ng bungangkahoy. Ipamimigay niya ang mga ito sa kapitbahay.
Kasiyahan na ang gawaing ito para sa kanya. Ilang mahaharot na kabataan ang
nakakita sa kanya. Nagsigawan ang mga iyon. “Si Juang pangit, hayan, batuhin
natin!” Dahil dito, siya ay nagbalik sa kanyang bahay at paiyak na nanalangin,
“Dakilang Ama, buti pa ay kunin na ninyo ako kaysa lagi na lamang akong
inaalipusta at pinagtatawanan ng aking kapwa”. Pagkatapos niyang manalangin
biglang kumulog nang malakas at umulan, sabay ang pagbagsak niya nang walang
buhay. May mga kabataang nakakita sa bangkay niya sa bakuran. Sila ay nabigla at
napatakbo sa takot. Napasigaw ang mga ito ng pa-Juan! pa-Juan! na ang ibig
sabihin ay patay na si Juan. Pagdating ng mga kapitbahay ay wala na ang bangkay
nito sa bakuran. Nagtaka ang mga kapitbahay niya. Pagkaraan ng ilang araw ay
may tumubong malalagong halaman na gumagapang sa lugar na kinakitaan sa
bangkay ni Juan. Ito ay nagbunga ng malalaking luntiang bunga. Binuksan nila ito.
Mapula, ngunit maraming butong maiitim sa loob. Nang kanila itong tikman ay
matamis at masarap ang lasa. Ito’y tinawag nilang pa-Juan na nang lumaon ay
naging pakwan.

Sagutin ang mga tanong.


1. Ilarawan si Mang Juan.
2. Anong gawain ang nagbibigay-kasiyahan sa kanya?
3. Bakit siya napaiyak at nagdasal?
4. Paano dininig ng Dakilang Ama ang kanyang hinanakit?
5. Naniniwala ka bang si Juan ang tumubong halaman?
Ipaliwanag.
Suriin natin ang mga pangungusap. Bigyan pansin ang gamit ng panghalip.

 Si Mang Juan ay maraming inaaning bungangkahoy sa taniman. Siya ay


namimigay sa mga kapitbahay

 Sa ating pangungusap, alin ang panghalip na panao? Tama ka, ang


panghalip na panao ay siya.

 Sino ang namimigay sa mga kapitbahay? Kung ang sagot mo ay siya,


D. Pagtalakay ng bagong muli ay tama ka. Ito ang gumaganap ng kilos. Sa ating pangungusap, ang
konsepto at paglalahad ng siya ay ginamit bilang paksa sapagkat siya ang gumaganap ng kilos.
bagong kasanayan #1 Tingnan naman natin ang susunod na pangungusap.
(Pinatnubayang Pagsasanay)
 Ang mahaharot na kabataan ay patuloy na nanunukso sa kanya.

Ano ang panghalip na panao sa pangungusap? Kung ang sagot mo ay


kanya, tama ka!
Ano ang ginagawa ng mga kabataan sa kanya? Oo, tinutukso siya. Sa
ating pangungusap ang panghalip na pananong na kanya ang
tumatanggap ng kilos . Ang kanya ay ginamit bilang pinaglalaanan ng
kilos.

E. Pagtalakay ng bagong Panuto: Gumuhit ng bulaklak kung ang panghalip sa pangungusap ay paksa at
konsepto at paglalahad ng dahon kung pinaglalaanan.
bagong kasanayan #2 1. Nangako siyang daraan muna bago umuwi.
(Pagpapalawak ng kasanayan) 2. Tinapos niya ang gawaing sinimulan ni Beta.
3. Ikaw na muna ang tumulong sa kanya.
4. Magtulungan tayo sa lahat ng pagkakataon.
5. Ang aklat na kinuha ni Bb. Legaspi ay ibibigay sa iyo.

F. Paglinang sa Kabihasnan Pangkatang-Gawain


(Tungo sa Formative Pangkat I- Sumulat ng limang pangungusap. Gamitin ang panghalip
Assessment 3) (Pagpapalawak bilang paksang pangungusap.
ng Kasanayan) Pangkat II. Dayalogo
Bumuo ng dayalogo . Gamitin ang panghalip bilang
pinaglalaanan sa pangungusap.
Pangkat III- Gumawa ng maikling kuwento. Gamitin ang panghalip
bilang paksang pangungusap at pinaglalaanan sa mga
pangungusap.
Pangkat IV-Sumulat ng apat na taludtod at tatlong saknong na tula.
Gamitin ang panghalip bilang paksang pangungusap at
pinaglalaanan sa mga pangungusap.

RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN


MGA BATAYAN 5 PUNTOS 3 PUNTOS 1 PUNTOS

NILALAMAN Nasagot nang May kaunting Maraming


buong husay ang kamalian sa kakulangan sa
itinakdang Gawain itinakdang Gawain itinakdang Gawain

PRESENTASYON Buong husay na Naiulat at Hindi gaanong


naiulat at naipaliwanag ang naipaliwanag ang
naipaliwanag ang Gawain Gawain
Gawain

KOOPERASYON Naipamalas ng Naipamalas ng Naipamalas ng


buong miyembro halos lahat ng iilang miyembro
ang pagkakaisa sa miyembro ang ang pagkakaisa sa
paggawa pagkakaisa sa paggawa
paggawa

TAKDANG-ORAS Natapos ang Natapos ang Hindi natapos ang


Gawain nang Gawain ngunit gawain
buong husay sa lumagpas sa
loob ng itinakdang takdang oras
oras

Paano natin dapat pakitunguhan ang mga taong may kapansanan? Kung sa iyong
paglalakad ay may nasalubong kang pilay, ano ang iyong saloobin? Iwasto natin
ang iyong sagot.
1. Si Mang Juan ay maitim at tadtad ng bulutong ang mukha ngunit
G. Paglalapat ng aralin sa pang- mabait at matulungin.
araw-araw na buhay (Malayang 2. Nasisiyahan siyang mamigay ng mga bungangkahoy sa mga
Pagsasanay) kapitbahay.
3. Sinigawan siya ng ilang kabataan at pinagbabato.
4. Humiling siya sa Dakilang Ama na siya ay kunin na. Kasabay ng
kulog at malakas na ulan ay namatay si Juan.
5. Maaaring oo maaari ring hindi dahil ang kuwento ay isang alamat na
nagsasabi ng pinagmulan
H. Paglalahat ng Aralin Tandaan
Ang panghalip ay maaaring gamiting paksa o
pinaglalaanan sa pangungusap.
Paksa ito kung gumaganap ng kilos o pinag-usapan sa pangungusap.
Pinaglalaanan o layon kung tumatanggap ng kilos.
Sa ang pananda sa layon at ang para sa ay pananda sa pinaglalaanan.
Panuto :Basahin ang mga pangungusap. Bigyang pansin ang gamit ng panghalip.
Ito ba ay ginamit bilang paksa o pinaglalaanan?
Paksa
Panuto: itoIsulat
kapagkung
gumaganap ng ng
ang gamit kilos.
panghalip ay paksa o pinaglalaanan.
Pinaglalaanan ito kapag tumatanggap ng kilos. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
1. Si Ramon ang pangulo ng samahan. Siya ang nanguna sa
proyekto sa paaralan.
1.2.Si Mang
May Juansaay
tiwala mabuting
kanya ang mgatao kasapi.
ngunit siya ay may kapintasan.
2.3.Ang
Angmga pag-uyam
kanilang guro nangsiibang tao ay ay
Bb. Reyes patungkol kanya.
nakiisa sa kanila.
I. Pagtataya ng Aralin 3.4.May mabubuti
Maraming rin ang
punla namang kapitbahay
ibinigay si Juan.
ng barangay Sila
para sa ay hindi
proyekto.
nanlilibak sa kapwa.
Bilang pangulo, ibinigay ang mga punla sa kanya.
4.5.Ang
Sila mga kabutihangmag-aaral
ay mabubuting ginagawa sa ni paaralan.
Juan ay para sa kanila.
5. Tayo ay dapat umunawa sa kalagayan ng iba.
1.paksa
2. pinaglalaanan
1.paksa 3. pinaglalaanan
2. pinaglalaanan 4. pinaglalaanan
3. paksa 5. paksa
4. pinaglalaanan
5. paksa

Magbasa ng isang uri


J. Karagdagang gawain para sa
takdang-aralin at remediation

ng pabulang gusting
gusto mo. Suriin ang
mga elemento ng
pabula at ipaliwanag
ang aral ng kwentong
nabasa.
Magbasa ng isang uri
ng pabulang gusting
gusto mo. Suriin ang
mga elemento ng
pabula at ipaliwanag
ang aral ng kwentong
nabasa.
Magbasa ng isang uri
ng pabulang gusting
gusto mo. Suriin ang
mga elemento ng
pabula at ipaliwanag
ang aral ng kwentong
nabasa
Magbasa ng isang uri
ng pabulang gusting
gusto mo. Suriin ang
mga elemento ng
pabula at ipaliwanag
ang aral ng kwentong
nabasa
V. MGA TALA ____ Natapos ang aralin. Magpatuloy sa susunod na layunin.
____Hindi natapos ang aralin dahil:
__________________________________________________________
_________________________________________________________
VI. PAGNINILAY
Bilang ng mag-aaral na VI-P-POSITIBO ________
nakakuha ng 80% pataas sa pagtataya VI-MASIPAG_______
A. Bilang ng mag-aaral na
VI-MATIYAGA______
nakakuha ng 80% sa pagtataya VI-MABAIT______

Bilang ng mag-aaral na VI-P-POSITIBO ________


B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang VI-MASIPAG_______
nangangailangan ng iba pang gawain para sa pagbibigay lunas VI-MATIYAGA______
VI-MABAIT______
gawain para sa remediation

___Oo ____Hindi VI-P-POSITIBO ________


C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral ng VI-MASIPAG_______
Bilang ng mag-aaral na
na nakaunawa mag- aaral sa aralin VI-MATIYAGA______
nakaunawa sa aralin VI-MABAIT______

Bilang ng mag-aaral VI-P-POSITIBO ________


na magpapatuloy sa pagbibigay lunas VI-MASIPAG_______
D. Bilang ng mga mag-aaral na VI-MATIYAGA______
magpapatuloy sa remediation VI-MABAIT______

E. Alin sa mga istratehiyang __ Inobatibo __ Dula-dulaan __ Interaktibo


pagtuturo nakatulong ng __ Talakayan __ Pagtuklas __ Debate
lubos? Paano ito nakatulong? __ Paglutas ng suliranin __ Panayam
Bakit? ________________________________________
F. Anong suliranin ang aking
__ Pambubulas __ Pag-uugali
naranasan na solusyunan sa
__ Sanayang aklat
tulong ng aking punungguro at
__ Kakulangan ng kagamitang pangteknolohiya
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo __ Lokalisasyon / Kontekstwalisasyon na panoorin/ Musika/ Laro
ang aking nadibuho na nais __ Indigenosasyon
kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
Inihanda ni :
ELISA R. MAYOR
Teacher II
Iniwasto ni:
RUBINA A. AGUILAY
Master Teacher I

Binigyang Pansin ni:


JOSEPHINE S. DE OCAMPO
Principal III

You might also like