You are on page 1of 5

COMPOSTELA VALLEY STATE COLLEGE

Montevista Branch
Purok 4, San Jose, Montevista, Davao de Oro
School Year 2019-2020
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
Pangatlong Markahan
Marso 10, 2021

I. LAYUNIN: Sa pagtatapos ng talakayan ang mga bata ay inaasahang:


1. Natutukoy at nalalaman ang tamang pang-angkop sa salita;
2. Napapahalagahan ang wastong paggamit ng pang-angkop sa
paggawa ng pangungusap; at
3. Nakakagawa ng pangungusap gamit ang wastong pang-angkop.

II. PAKSANG ARALIN:


A. Paksa: Pagtukoy at Paggamit sa Pangungusap ng mga
Pang-angkop
B. Sanggunian: Hiyas sa Wika, p 164
C. Kagamitan: Dyaryo, Cartolina, Manila Paper, Laptop
D. Kowd: F6WG-IIIi-10
E. Pagpapahalaga: Pag-unawa, pagiging makata

III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng
Diyos Espiritu Santo. Amen.
manalangin.
2. Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat Magandang umaga po Sir!
mga bata!
3. Atendans
Sabihin ang “Narito po” kapag Opo.
tinawag ang iyong pangalan.
4. Paunang Gawain
Kantahin natin ang Magtanim ay di Magtanim ay di biro, maghapong
Biro nakayuko, di man lang makatayo…..
5. Balik-aral
(5.1) Ano ba ang ating tinalakay
kahapon? (5.1) Nagagamit nang wasto ang
pangatnig sa pakikipag talastasan
(5.2) Magbigay ng mga halimbawa ng (5.2) upang , dahil, datapwat,
pangatnig. subalit, ngunit……
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Basahin ang tula

Magigiting na Pilipino

Ang nilikha ni Bathala’y paraisong


ubod ganda
Pitonglibo’t isangdaang pulo, mga
bundok na may mina
kayumangging katutubo’y may
kultura at bihasa
Pinangala’y Pilipinas ni Magellan
ng Europa.

Nang manghasa na manakop ang


Kastilang Kanluranin
Lapu-lapu ng Bisaya’y di pumayag
alipin
Si Kudarat ng Mindanao kailanma’y
di nasupil
Si Sulayman nitong Luzon lumalaban
nang boung giting.

Di naglaon paglalaba’y namayani sa


buong kapuluan
Rizal, Bonifacio, Aguinaldo, del Pilar,
Silang, at marami pang ibang
nagtanggol sa bayan
May likas na tapang at angking
kagitingan
Nag-alay ng buhay upang mabawi
ang kinuhang kalayaan ng mga
mapang-aping dayuhan.

2. Pag-alis ng mga Sagabal


Pang-angkop – ito ay ang mga katagang
nag-uugnay sa at salitang tinuturingan. Ito
ay nagpapaganap lamang ng mga
pariralang pinaggagamitan.
3. Presentasyon
May ipapabasa akong maikling tula para
sa lahat at sabay sabay na basahin. Isipin
kung ano ang mensahe ng maikling tula.

4. Mga Pamantayan
(4.1) Anu-ano nga ba ang dapat (4.1)
gawin tuwing tayo ay nagkakaroon Umupo ng maayos.
ng leksyon? Huwag pong mag-ingay.
Makinig po ng maayos.
Magaling! Huwag pong makipag-usap sa
(4.2) Maasahan ko ba yan sa inyo katabi.
mga bata?
(4.2) Opo Sir!
5. Gawain
1. Pagbabasa ng tula

Kasabay ng pagsikat ng araw


Kalayaan mo'y aming sinisigaw
Taas noong iwinawagayway
Ang watawat at malakas na
pagpupugay

Kadakilaan at karangalan
Nawa'y pahalagahan

Ng bawat mamamayang Pilipino


Ito ang siyang tanging dalangin
ko.

Maligayang Araw ng Kalayaan,


lnang Bayan!

2. Pagtatalakay
(2.1) Ano ang ipinapahiwaatig ng (2.1) tungkol sa katapangan ng
tulang binasa? pinoy sir!
(2.2) Ano ang magandang pamagat (2.2) Kalayaan sir!
sa tula?
(2.3) Para kanino ang tula? (2.3) para sa mga Pilipino sir?

(2.4) Magaling!!
6. Pagsusuri

(6.1)Ano nga uli ang pang angkop mga (6.1) ay ang mga katagang nag-
bata? uugnay sa at salitang tinuturingan.
Ito ay nagpapaganap lamang ng
mga pariralang pinaggagamitan.
Ang pang-angkop ay may tatlong uri. Ito ay
na, ng, at g. Ang mga ito ay nag-uugnay sa
dalawang salita sa pangungusap.
a. na – ito ay ginagamit na pang-ugnay ng
dalawang salita kung ang unang salita
ay nagtatapos sa katinig maliban sa n.
b. ng – iyo ay ginagamit na pang-ugnay ng
dalawang salita kung ang unang salita
ay nagtatapos sa patinig. Ikinakabit ang
ng sa unang salita.
c. g – ito ay ginagamit na pang-ugnay ng
dalawang salita kung ang unang salita
ay nagtatapos sa katinig na n.
7. Paghahalaw
(7.1) Ano ang natutunan natin ngayon? (7.1) Ang pang-angkop, ginagamit
sa pag-uugnay ng mga salitang
naglalarawan at inilalarawan
(7.2) Ano ang tatlong uri nito? (7.2) ito ay na, -ng, at -g

(7.3) Bakit mahalaga itong matutunan? (7.3) upang makagawa ng malinaw


na mensahe..
8. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Ang boung klase ay hahatiin sa
tatlong pangkat.

Unang Pangkat
Panuto: Lagyan ng wastong pang-
angkop ang mga sumusunod.

1. luma simbahan
2. pinto sarado
3. kamay bakal
4. marupok pinto
5. matigas bato

Pangalawang Pangkat
Panuto: Lagyan ng wastong pang-
angkop ang mga sumusunod.

1. bayan api
2. kilusan propaganda
3. tulay kahoy
4. sanayan aklat
5. maitim budhi

Pangatlong Pangkat
Panuto: Lagyan ng wastong pang-
angkop ang mga sumusunod.

1. dahon berde
2. aklat makapal
3. bata malikot
4. kahon maliit
5. aso puti
IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang wastong pang-angkop na na, ng at g, sa puwang upang mabuo
ang pangungusap.

1. Ang magaling manggagamot ay dinarayo ng marami.


2. Ang mga kabibi uwi ni Ate ay gagawin niyang palamuti sa aming hardin.
3. Ang pilyo si Boyet ay anak ni Mang Isidro.
4. Ang tubig mainit ay isasalin ko sa termos.
5. Mabibili ang pahayagan pang-umaga sa tindahan ng mga dyaryo.

V. Takdang Aralin
Panuto: Isulat sa assignment notebook.
Sumulat ng dalawang pangungusap sa bawat pang-angkop na na, -ng at -g.

Inihanda ni:
MELCHIZEDEC S. MENDEZ BEED 4E
Pre-service Teacher

Iniwasto ni:
MICHAEL C. MORRE Jr. (For FS and Practicum)
Cooperating Teacher

__________________________ (For In-house Demonstration)


Subject Area

__________________________ (For In-house Demonstration)


Program Head

You might also like