You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
District of Taytay 1B
CORAZON C. AQUINO ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.
B. Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ng radio
broadcast/teleradyo, bigsaywit, dula-dulaan, awit at tula.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Nabibigyang kahulugan ang Idyoma o
Matalinghagang salita

Code: F6PT-IVe-4.4

II. Paksa
A. Aralin: Pagtukoy ng Kahulugan ng Idyoma o Matalinghagang salita at
mga halimbawa nito
B. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide pahina 107
: Yamang Filipino 6 pahina 385 at 406
: LRMDS - MISOSA 5, Matalinghagang Salita pahina 1-10
C. Kagamitan: Projector, tsart, larawan, speaker, realia (tunay na bagay)
D. Pagpapahalaga: Pakikiisa
E. Lokalisasyon: Sitwasyong nangyayari sa bayan ng Taytay
: Mga hanapbuhay ng mga mamamayan sa bayan ng
Taytay
F. Integrasyon: Health, A.P., Mathematics, MAPEH

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda
Dasal
Pagbati
Awit sa Filipino
2. Balik-aral
 Ano ang sanhi, bunga at solusyon?

Tukuyin ang sanhi at bunga sa pangungusap at bigyan ito ng


solusyon.

1. Laging bumabaha sa Taytay, Rizal tuwing umuulan dahil sa


mga basurang nakakalat sa paligid.
3. Pagganyak
Alamin kung ano ang tinutukoy ng mga larawan.
(Gagamiting ang isang palaro na tinatawag na mahiwagang kahon)
makakakuha ka ng…

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
1.1. Pamantayan sa Pakikinig sa Kwento
 Unawaing mabuti ang binasang kwento
 Tumahimik habang nakikinig
1.2. Pangganyak na Tanong
 May pagkakataon bang litong-lito kayo sa sinasabi ng inyong
guro?
1.3. Pagbasa ng maikling kwento - “Litung-lito si Ben”
2. Pagtatalakayan
2.1. Pagtalakay sa kwento
(Gagawa ng tanong ang mga mag-aaral na siyang sasagutin din
ng kapwa nila mag-aaral) (Gamit ang puppet na si Corazong
mananahi na mula sa bayan ng Taytay)
 Mga Tanong:
 Sino ang batang di mahilig mag-aral sa kwento?
 Ano kaya ang makukuha ni Ben kung nag-aaral siya ng
mabuti?
 Bakit kaya litong-lito si Ben sa sinasabi ng kanyang
guro?
 Kung kayo si Ben, ano ang dapat niyong gawin upang
hindi kayo bumagsak sa klase?
 Nagustuhan niyo ba ang kwento ni Ben? Bakit oo? Bakit
hindi?
2.2. Pagtalakay sa idyoma o matalinghagang salitang hango sa
kwento
2.3. Pangkatang Gawain
 Pamantayan sa Paggawa ng Pangkatang Gawain
 Magbigay ng opinyon ang bawat miyembro ng grupo
 Makinig sa lider
 Huwag masyadong maingay

Hatiin ang klase sa limang (5) pangkat. Bawat pangkat ay magbibigay ng 2 o


higit pang idyoma o matalinghagang salita na gagamitin nila sa paggawa ng mga
sumusunod:

 Dula-dulaan
 Teleradyo
 Awit
 Bigsaywit
 Tula

C. Paglalahat

1. Ano ang Idyoma?


 Ang Idyoma o matalinghagang salita ay malalim na pagbibigay-kahulugan sa
mga salita.

D. Paglalapat

Ibigay ang kahulugan ng idyoma at gamitin ito sa pangungusap. Piliin sa kahon


ang tamang sagot.(Gamit ang puppet na si Alden na karpintero na galing sa bayan ng
Taytay)

maingay magsalita sunod lahat ng gusto makinis ang balat


nagkatotoo ang sinabi gumagawa ng walang nag-uutos

1. Kutis porselana
2. Laki sa layaw
3. Kusang palo
4. Patuka sa manok
5. Nagdilang-anghel

IV. Pagtataya
A. Alamin ang kahulugan ng idyoma base sa pangungusap. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

1. Ang damit ni Ana ay hinahabol ng plantsa.


a. tastas ang tahi c. malawak
b. gusot-gusot d. madumi
2. Ang palayan nila Mang Kanor ay di-maliparang uwak.
a. malawak c. maganda
b. mabaho d. maingay
3. Pasang krus sa puso niya ang alaala ng lumipas.
a. di alam ang pipiliin c. masakit sa damdamin
b. maganda ang hinaharap d. masama ang ugali

B. Sagutin ang mga tanong.

4. Bilang mag-aaral paano mo gagamitin ang mga natutunan mong mga


matatalinghagang salita?
5. Bakit mahalaga na matutunan ang mga matatalinghagang salita?

V. Takdang Aralin
Sumulat ng limang (5) pangungusap na may idyoma o matalinghagang salita.

Inihanda ni: Iwinasto ni:

BB. MARIECON M. RESURRECCION GNG. SYREL P. CULVERA

Student Teacher MT II

Ginabayan ni:

GNG. AMOR B. GUMANAD

Cooperating Teacher

You might also like