You are on page 1of 91

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
Borongan City Division

TEST ITEM BANK


In
FILIPINO 6
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at
pang-unawa sa napakinggan
COMPETENCY: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang pabula
CODE: F6PN-I a-g3.1

Test I
Panuto: Basahin at intindihin nang mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
1. Bakit hindi kaagad umahon si pagong mula sa tubig?
a. Takot siyang muling makita ni matsing.
b. Wiling-wili siyang maglaro sa tubig.
c. Nagkasakit siya nang mahabang panahon.
d. Wala siyang kasamang umahon sa tubig.
2. Pagka-ahon sa tubig, saan unang nakarating si pagong?
a. sa isang piging
b. sa isang dampa
c. sa taniman ng sili
d. sa gulayan
3. Bakit galit na galit si matsing kay pagong?
a. Sinunog ni pagong ang bahay ni matsing.
b. Malaki ang utang ni pagong sa kanya.
c. Niloko niya si matsing.
d. Sinaksak niya si matsing.
4. Paano natapos ang makulay na buhay ni matsing?
a. Lumundag siya sa loob ng kawa ng kumukulong tubig.
b. Nahulog siya sa ginawang patibong ni pagong.
c. Nilason siya ni pagong.
d. Nagpakamatay siya.
5. Batay sa pananalita at pagkilos ni pagong sa kuwento, anong katangian ang
mailalapat mo sa kanya?
a. hangal c. mapagbigay
b. mautak d. mangmang

Test II
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang T kung
tamang impormasyon ang isinasaad nito at M kung hindi tama.
1. Nagkitang muli sina pagong at matsing sa isang malaking handaan. ____
2. Hangal si matsing kaya palaging naiisahan ni pagong. ____
3. Nilagyan ni pagong ng sili ang mga mata ni matsing. ____
4. Matalik na magkaibigan sina pagong at matsing. ____
5. Palaging naiisahan ni pagong si matsing.

Test III
Panuto: Intindihin nang mabuti ang tanong. (5puntos)
Kung ipapabago sa iyo ang wakas ng kuwento, paano mo ito babaguhin? Isulat sa
isang talata ang sagot na binubuo ng 15-20 na mga salita.
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
COMPETENCY: Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa
pakikipag-usap sa iba’t-ibang sitwasyon
CODE: F6WG-Ia-d-2

Test 1
Panuto: Salungguhitan ang panghalip na ginamit sa pangungusap.
1. Bumili ang nanay ng damit para sa kanya.
2. Ang nanalo sa paligsahan ay kami.
3. Ibinigay ko sa kanila ang liham ni Josefa.
4. Kayo ang tintawag ng guro.
5. Ang mga bisita ay pupunta sa inyo bukas

Test II
Panuto: Isulat sa patlang ang angkop na panghalip na bubuo sa pangungusap.
1. May karapatan din _________ mga babae tulad nilang mga lalaki.
2. Pagmamahal sa bayan ang nag-udyok sa _________ na dito magtrabaho sa halip na
sa ibang bansa.
3. _________ mga Pilipino ay lahing magigiting.
4. Ipinagmamalaki _______ ang ating kultura.
5. Nasaan kaya ang _______ aklat?

Test III
Panuto: Isulat sa patlang ang angkop na panghalip upang mabuo ang talata.

Mayaman ang ________ bansa sa mga likas-yaman. Kabilang na rito ang iba’t-
ibang halaman at hayop na dapat ________ pangalagaan at ipagmalaki. Sa mga bukirin,
________ itinatanim ang iba-ibang gulay tulad ng ampalaya, sitaw, talong, kalabasa at
patola. May taniman din dito sa _______ ng kawayan at iba’t-ibang puno sa gubat. Tanyag
din ang kahoy na nagmumula sa _______ mga puno ng narra, apitong, giho, ipil, lawaan,
tangile at yakal.
LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang teksto
at napalalawak ang talasalitaan
COMPETENCY: Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan
CODE: F6PB-Ia-1

Test I
Panuto: Bilugan sa loob ng panaklong ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit
sa pangungusap.
1. Naging bugnutin ang mga marino dahil sa gutom at pagkainip.
( masasakitin magagalitin maramdamin maawain)
2. Mahirap lusubin ang kampo ng mga katutubo.
( pasukin labanan gipitin batuhin)
3. Umali-aligid ang mga marino sa kapatagan.
( lumalakad umikot-ikot naglalakad-lakad nagsasayaw-sayaw)
4. Napahinuhod din siyang sumali.
( napakiusapan naloko napagawa napasulat)
5. Dahil sa kanyang pagsusumamo pumayag din ang hari.
( pagmamalaki pakikiusap pagkagalit pagdadabog)

Test II
Panuto: Basahin at intindihin nang mabuti ang bawat katanungan.
1. Isalaysay mo ang iyong karanasang gumawa ng isang bagay na ikinarangal ng iyong
paaralan o ng iyong mga magulang? ( 5 puntos)
2. Isalaysay mo ang iyong kakilala o kaibigang hinahangaan mo nang labis dahil sa
kaniyang pagiging marangal, maginoo o matapat? (5puntos)
LEARNING CONTENT: Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t-ibang uri ng
sulatin
COMPETENCY: Nasisipi ang isang talata mula sa huwaran

CODE: F6PU-Iac.2

Test I
Panuto: Mula sa mga pangungusap na ginamit sa pagpapaliwanag tungkol sa
pagdiriwang ng Bonok-bonok, piliin ang mga pangungusap na may tuwiran at di-tuwirang
layon at isulat ito sa tsart.
Tuwiran Di-Tuwiran

Ang kapistahan ng mga Bonok-Bonok Maradjao-Karadjao ay ginagawa sa


Lungsod ng Surigao. Ang salitang bonok-bonok ay nangangahulugang “sagana”. Ang
maradjao-karadjao naman ay may kahulugang “napaka”. Ang pagsasama ng dalawang
salita ay may kahulugang “napakasagana”. Ito’y pagdiriwang ng pasasalamat sa
masaganang aning iniaalay sa patron na si Señor San Nicolas ng Lungsod ng Surigao.
Ginagawa ito tuwing ikalawang Linggo ng Setyembre. Nagsisimula ang pagdiriwang sa
ikapito ng umaga at nagtatapos sa ikaapat ng hapon. Nagsasayaw sila sa daan sa saliw ng
gong, agong at tambol. Napupuno ang daan ng mga taong nagsisisayaw.

Test II
Panuto: Pumili ng dalawa sa sumusunod na mga paksa o isyu at isulat sa isang talata
ang iyong reaksiyon gamit ang dalawang ayos ng pangungusap. Limang puntos bawat isa

1. Pagdaraos ng marangyang pista sa mga lugar sa bansa


2. Pagkalimot na ng kabataang gumalang sa matatanda
3. Pagiging tamad nan g mga taong magtanim
4. Pagiging materyalista o mahilig sa mga kagamitan ng mga Pilipino
5. Paninira sa mga bagay sa kapaligiran
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at
Pag-unawa sa napakinggan
COMPETENCY: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang
kuwento
CODE: F6PN-Ia-g 3.1

Test I
Panuto: Makinig nang mabuti sa kuwentong babasahin. Piliin ang titik ng tamang sagot
sa mga katanungang nasa pisara.

Si Lola Miling na yata ang pinaka-espesyal na matandang nakilala ko.


Humigit kumulang sa apatnapu’t limang taong gulang nang siya ay nagsimula sa
pagmamaneho ng kanyang trak para magdeliver ng yelo sa palengke. Pinagpapahinga na
siya ng kanyang mga anak sa mabigat na gawaing ito. Ganito ang madalas sabihin ng
kanyang mga anak, “ Sa edad ninyong iyan, kailangan huminto na po kayo inay, sa inyong
gawain.” Ito naman ang kanyang sagot, “Hindi pa yata ako matanda, kalabaw lamang ang
tumatanda.”
Taglay ni Aling Miling ang kasipagang minana natin sa ating mga ninuno. Para
raw siyang walang pagod sa paggawa ayon sa mga nakakasalamuha niya. Tila lumalakas pa
lalo ang kanyang katawan kaya talagang masipag siya sa kanyang ginagawa.

1. Ano ang ipinakitang katangian ni Lola Miling batay sa sagot niya sa kanyang mga anak?
a. matalino at mapagmahal
b. masipag at matiyaga
c. matipid at masikap
d. mabait at masipag
2. Ano ang katangian ni Lola Miling nang sabihin niyang, “Hindi pa ako matanda, kalabaw
lamang ang tumatanda.”?
a. Masipag maghanapbuhay
b. Matipid gumastos ng pera
c. Matiyagang pinalaki ang mga anak
d. Marunong makisalamuha sa tao
3. Ano ang dahilan ng tila walang kapagurang paggawa ni Lola Miling?
a. Ibig niyang maging katulad ng isang kalabaw sa lakas.
b. Gusto niyang tularan siya ng kanyang mga anak.
c. Nais niyang ipagpatuloy ang nakasanayan niyang ugali.
d. Ibig niyang maging maganda ang kanilang pamumuhay.
4. Ano ang naging bunga ng pagtitiyaga sa buhay ni Lola Miling?
a. Lumakas lalo ang katawan niya.
b. Umani siya ng maraming pananim.
c. Gumanda ang kanilang pamumuhay.
d. Dumami ang nagrarasyon ng yelo sa palengke.
5. Ano ang kaisipang ipinahihiwatig ng kuwento?
a. Sa sipag at tiyaga ay makakamit mo ang ginhawa sa buhay.
b. Gaganda ang iyong pamumuhay kung ikaw ay maabilidad.
c. Walang bata at matanda kung ibig maging maayos ang buhay.
d. Ipinamamana ang pagiging matiyaga sa mga susunod na henerasyon.
Test II
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tugmang sagot sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

Hanay A Hanay B
1. Edad ni Lola Miling nang magsimulang a. masipag
magmaneho ng trak
2. Nagpayo kay Lola Miling na tumigil na b. umunlad ang kanilang buhay
sa pagtatrabaho
3. Katangian ni Lola Miling na dapat tularan c. apatnapu’t limang taon
4. Bunga ng pagtatrabaho ni Lola Miling d. nagrarasyon ng yelo sa
palengke
5. Negosyo ni Lola Miling e. mga anak

f. limampu’t limang taon

Test III
Panuto: Suriing mabuti ang tanong bago sagutan.

Ayon sa kuwentong pinakinggan, bakit dapat tularan si Lola Miling? (limang


puntos)
LEARNING CONTENT: Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t-ibang uri ng
sulatin
COMPETENCY: Nabibigyang kahulugan ang mga salitang hiram
CODE: F6PT-II-4.2

Test I
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik ng angkop na pakahulugan o ang katumbas ng
mga pahayag o salitang may salungguhit.
1. Siya raw ay listo at masigla.
a. tagasulat b. mabilis c. hindi mahiyain d. hindi patatalo
2. Smart at makabago ang ate ko.
a. malakas ang tinig c. magalang magsalita
b. magilas ang tindig d. matalim magsalita
3. “Oh my God!” ang naibulalas ko.
a. Por Diyos por Santo! c. Diyos na maawain!
b. Aba! Panginoon ko! d. O Diyos ko!
4. Iba-ibang grupo ng mang-aawit ang dumalo.
a. yunit b. angkan c. kombo d. pangkat
5. “I don’t care!” ang sabi niya sabay kibit ng balikat.
a. Wala akong gusto c. Hindi ko ito ginusto
b. Hindi ako mag-aalala d. Wala akong pakialam
6. Huwag kang pumasok diyan dahil exit ang nakalagay sa pintuan.
a. labasan b. daanan c. kuwarto d. palikuran
7. Kantahan sila nang kantahan.
a. takbuhan b. sayawan c. sigawan d. awitan
8. Thank you very much sa lahat-lahat nang ginawa mo sa akin.
a. maraming salamat b. walang masabi c. walang anuman d. natutuwa
9. Isa siyang modernang babae.
a. masinop b. mabait c. makaluma d. makabago
10. Talagang bibo ang batang ito.
a. malikot b. matalino c. matamlay d. madaldal

Test II
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na mga hiram na salita:
1. moderna
2. smart
3. listo
4. entrance
5. I don’t care
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at
pang- unawa sa napakinggan
COMPETENCY: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento
CODE: F6PN-Ia-g-3.1

Test I
Panuto: Makinig at unawain nang mabuti ang kuwentong babasahin ko. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa mga katanungang nasa ibaba.

Talagang pista na. Nagpapagaraan sa ganda ang mga arko sa panulukan ng


kalye. Ang banderitas ay may iba’t-ibang kulay. Makikita ito sa mga lansangan at sa maliit
na kalye man. Sa isang umpukan ay may usapan din tungkol sa pista. Nagtanong ang isang
lalaki, “eh bakit ba may pista? Hindi ba’t gastos na malaki ito?”. Sagot naman ng isa,
“nakalulungkot na isipin na parang pistang kainan at busugan na lamang at nawala na ang
ispiritu ng pagkikita-kita dahil sa okasyon.” Ang sabat naman ng isa, “Gusto ko na ngang
maiba ang pagdaraos ng pista, para may maipon ako sa isang anak kong mag-aaral na sa
Maynila. Tayong limang naririto ay huwag nang gumastos nang malaki sa susunod na pista.
Hindi naman ito kasalanan sa patron at tayo’y kanyang mauunawaan.”

1. Ano ang bunga sa pagdaraos ng pista para sa mga tauhan sa akda?


a. Makikita ang mga kamag-anak at kaibigan.
b. Maraming mabubusog sa mga handing pagkain.
c. Magkakaroon ng malaking gastos at mapapagod sa paghahanda.
d. Mabigyang saya ang mga bisita sa ganda ng arko at banderitas.
2. Batay sa akda, anong katangian ang naglalarawan sa mga tauhan?
a. bugnutin b. matipid c. kuripot d. mausisa
3. Ano ang opinyon na ipinahahayag sa binasang talata?
a. Ang banderitas ay may iba’t-ibang kulay.
b. ang pista ay pagsasayang ng panahon.
c. Maiba sana ang pagdaraos ng pista.
d. Naggagandahan ang arko sa kalye.
4. Sa talata, ang lansangan ay katumabas ng kahulugan ng kalye. Ukol sa anong pag-uugnay
ang mga salitang may salungguhit?
a. kahulugan b. pandaman c. damdamin d. kaisipan
5. Ano ang kadalasang makikita kapag pista?
a. makukulay na banderitas c. magagarang sasakyan
b. naggagandahang bahay d. mga tao
Test II
Panuto: Basahin at intindihin nang mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang
ang T kung ito ay nagpapahayag ng tamang kaisipan at H kung hindi.
1. Di-makabuluhang okasyon ang pagdiriwang ng pista.
2. Maraming makukulay na banderitas kung araw ng pista.
3. Ang mga batang lalaki ay nag-uusap-usap tungkol sa pista.
4. May naganap na pag-uusap sa may umpukan tungkol sa pista.
5. Ang pista ay ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa mga biyayang natanggap

Test III
Panuto: Basahin at intindihin nang mabuti ang tanong. Isulat sa isang talata ang sagot.
(limang puntos)
Ayon sa binasa, makatwiran ba ang gagawin ng mga tauhan na huwag nang
gumastos nang malaki sa susunod na pista? Ipaliwanag ang sagot.
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpa-
pahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin
COMPETENCY: Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa
pakiki-pag-usap sa iba’t-ibang sitwasyon
CODE: F6WG-Ia-d-2

Test I
Panuto: Salungguhitan ang pangngalan sa bawat pangungusap at isulat sa patlang ang uri
ng pagkakabuo nito: payak, maylapi, tambalan o inuulit.
1. Apat kaming magkakapatid. ______________
2. Nakakaawa ang mga batang lansangan. _____________
3. Ang kanyang buntong-hininga ay abot-abot. ______________
4. Masalsa at masarap ang nilutong adobo ni nanay. _____________
5. Unti-unting naubos ang lahat ng ari-arian ni Don Pepot. _____________

Test II
Panuto: Palitan ng panghalip ang mga salitang nasa loob ng panaklong. Isulat ang
wastong sagot sa patlang upang mabuo ang pangungusap.
1. ( Sa kaklase) _________ ba ang bag na ito?
2. Nagpunta ( ang kuya) ___________ sa Maynila.
3. Naniniwala ba (ang mga kausap) sa manananggal?
4. (Sarili) _________ ay nakapulot ng isandaang libong piso
5. Nagbakasyon (ang pamilya ko) __________ sa Bohol noong isang taon.
6. Ang mga sinulat (kaklase ko) __________ tula ay hinahangaan ng marami.
7. Sumali (ang mga mag-aaral) __________ sa pampurok na Tagisan ng Talino.
8. (Ako at Kayo) ____________ lahat ay may pananagutang alagaan ang kalikasan.
9. Ipinamana sa (akin at mga kapatid ko) __________ ni nanay at tatay ang magandang
edukasyon.
10. (Mga kausap) _________ ba ay naniniwalang may Panginoon na siyang lumikha ng
lahat ng bagay sa mundo?
.
LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng
teksto at napalalawak ang talasalitaan
COMPETENCY: Nabibigyang kahulugan ang mga salitang hiram
CODE: F6PT-Ii-4.2

Test I
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit ayon sa gamit nito sa
pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ang komedor sa bahay ng lola ko ay napakalaki.
a. lutuan b. kainan c. paliguan d. labahan
2. Si Ramon ang representative ng aming klase sa talumpatian.
a. kalahok b. karamay c. kaagapay d. kinatawan
3. Ang relihiyong Kristiyanismo ay impluwensiya sa atin ng mga Espanyol.
a. itinuro b. ipinagbili c. ipinagkait d. ibinigay
4. Isa ang ginto sa mga inieksport natin sa ibang bansa.
a. ibinibigay b. inaangkat c. iniluluwas d. inaayos
5. Ang kapatid niya ang bagong manedyer sa bangkong pinagtatrabahuan ng ate ko.
a. tagapatnubay b. tagapamahala c. tagapagmasid d. tagapagsalita
6. Si Dr. Cruz ay isang eksperto sa larangan ng Panitikang Pilipino.
a. dalubhasa b. matalino c. mangmang d. guro
7. Malaking porsiyento ang mawawala sa iyong kita kapag nangutang ka sa Bombay.
a. kalahati b. bahagdan c. bahagi d. buo
8. “Mag-aral kayo ng iyong leksiyon,” ang bilin ni nanay sa amin.
a. takdang-aralin b. babasahin c. aralin d. sulatin
9. Mabuti na lang nahuli na ang kilabot na kriminal sa lugar namin.
a. salarin b. makata c. sira-ulo d. manggagantso
10. Ang ating bansa ay binubuo ng iba’t-ibang pangkat-etniko na may sari-sariling
lengguwahe.
a. paniniwala b. kaugalian c. tradisyon d. wika

Test II
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na hiram na salita
1. leksiyon 4. manedyer
2. porsiyento 5. impluwensiya
3. lengguwahe
LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng
teksto at napalalawak ang talasalitaan
COMPETENCY: Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong
ng nakalarawang balangkas
CODE: F6PB-Ib-5.4

Test I
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na kuwento. Isaayos ang mga pangyayari ayon sa
wastong pagkakasunud-sunod sa pamamagitan ng paglalagay ng tamang bilang sa patlang.

A. Noon ay halos malukuban na ng mga Amerikano ang hukbo ni Emilio Aguinaldo.


Bumagsak na noon ang Tarlac kaya kailangang makarating ang hukbo ni Hen. Emilio
Aguinaldo sa Pangasinan. Doon sila magtatagpo ng hukbong pinamumunuan ni Hen.
Gregorio del Pilar.
Sa paglikas nila’y dinapuan ng sakit ang babaeng anak ni Hen. Aguinaldo. Inalagaan
ito ni Dr. Barcelona, ang puno ng Kawanihan ng Kalusugan. Namatay ang bata nang hindi
nalalaman ng mga magulang.
Nang malapit na ang hukbo sa Pangasinan, saka naipagtapat ni Dr. Barcelona kay Hen.
Aguinaldo ang pagkamatay ng anak. Ang pangyayaring ito’y hindi naipagtapat ni Hen.
Aguinaldo sa kanyang asawa. Pagdating nila sa Bayambang, inilibing ang bata. Si Padre
Gregorio Aglipay ang nagbasbas. Nang magkatagpo sina Hen. Aguinaldo at ang asawang si
Donya Hilaria ay saka ipinagtapat ang pangyayari. Dito nagsimula ang sakit ng kalooban at
hirap ng katawan ni Aguinaldo hanggang ang kanyang hukbo’y magapi ng mga Amerikano.

_________ Namatay ang anak ng Heneral nang binabagtas nila ang ilog ng Alcala.
_________ Nagsimula ang sakit ng kalooban at hirap ng katawan ni Aguinaldo.
_________ Magtatagpo ang mga hukbo nina Aguinaldo at del Pilar sa Pangasinan.
_________ Inilibing ang anak ni Heneral Aguinaldo sa isang simbahan sa Bayambang.
_________ Kailangang makarating ang hukbo ni Hen. Aguinaldo sa Pangasinan.

B. Nagbakasyon si Lina sa bayan ng kanyang ama sa Bisaya. Nang siya’y dumating doon,
dinala siya ng kanyang Tiyo Iking sa tabing-dagat. Naibigan niya ang tanawin at masarap na
hangin.
Niyaya siya ng kanyang pinsang si Carl na maligo sa dagat. Sa kanilang paglalangoy ay
nalibang sila. Nasa malalim na lugar na pala sila. May dumating na malakas na alon at dinala
si Lina sa lalong malalim na lugar. Sumigaw siya ngunit hindi siya malapitan ni Carl pagkat
hindi pala ito marunong lumangoy.
Sa kasisigaw ni Lina ay narinig siya ng isang lalaking nasa pampang. Agad tumakbo sa
tubig ang lalaki at lumangoy sa kinaroroonan ni Lina. Nanghihina na ang dalagita pero nang
madala siya sa pampang ay bumuti na ang pakiramdam niya. Hiyang-hiya si Carl. Kamuntik
nang mamatay si Lina sa pagbabakasyon sa kanila.
_________Nadala si Lina ng malaking alon sa lalong malalim na lugar.
_________Nagbakasyon si Lina sa bayan ng kanyang ama.
_________Naligo sa dagat si Lina at ang kanyang pinsan.
_________Nailigtas siya ng isang tao.
_________Hiyang-hiya si Carl.

C. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat muli ito sa isang talata ayon sa
nararapat na tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

1. Bumaba ang tsuper at pinuntahan si Ruel sa likod ng dyip at hinila pababa.


2. Isang araw sumabit nanaman siya.
3. Napikon ang tsuper nang hindi niya mapababa si Ruel.
4. Ugali ni Ruel na sumabit sad yip.
5. Hindi niya pansin ang pagsaway ng tsuper.
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang iba’t-ibang kasanayan upang maunawaan ang
iba’t-ibang teksto
COMPETENCY: Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian
CODE: F6EP-Ib-6

Test I
Panuto: Hanapin sa hanay B ang inilalarawan sa hanay A. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

Hanay A Hanay B
1. Dito nakatala ang mga seleksiyon o a. Paunang Salita
kuwento sa isang aklat
2. Ibig mong makita ang mapa ng b. Obituaryo
isang bansa
3. Dito nakasulat ang opinyon o pananaw c. Balitang Internasyonal
ng editor/patnugot ng pahayagan
4. Ibig mong makahanap ng trabaho d. Nilalaman
5. Kahulugan ng mga salitang ginamit sa e. Editoryal
aklat
6. Balita tungkol sa mga pangyayari sa f. Atlas
ibang bansa
7. Naglalaman ng mga layunin, mahalagang g. Punong Patnugot
nilalaman at instruksiyon ng aklat
8. Mga opinyon, impormasyon o pagtutuwid h. Classified Ads
ng mga mambabasa ay matatagpuan sa
seksiyong ito
9. Inilalarawan o iginuguhit ang isyung tina- i. Glosaryo
talakay sa editoryal ng pahayagan
10. Anunsiyo ukol sa mga taong yumao at j. Kartong Editoryal
pasasalamat sa mga nakiramay
k. Komiks

Test II
Panuto: Isulat ang titik ng angkop na sanggunian na naglalaman ng mga sumusunod
na impormasyon
A – Diksiyonaryo C. - Atlas
B – Almanac D. – Ensayklopedya

1. Baybay ng salita __________


2. Mapa ng Pilipinas __________
3. Tungkol sa Kalayaan ng Pilipinas __________
4. Distansiya o layo ng Maynila sa New York __________
5. Mahalagang pangyayari noong Disyembre 8, 1941 __________
LEARNING CONTENT: Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t-ibang uri ng
sulatin
COMPETENCY: Nakasusulat ng idiniktang talata

CODE: F6PU-Ib-2.8
Test I
Panuto: Isulat sa papel ang talatang ididikta ko. Gawing gabay ang rubriks sa baba sa
pagkakaroon ng puntos

Wastong Pagbaybay Wastong Gamit Malinis at Wasto ang Kabuuan


ng Bantas Pagkakasulat

Walang Mali 5 5 5 15

1-2 Mali 4 4 4 12

3-5 Mali 3 3 3 9

6-8 Mali 2 2 2 6

9 pataas 1 1 1 3

Ang pagtatanim ng mga punongkahoy ay isang positibong hakbang para labanan


ang mga masasamang epekto ng polusyon.
Marahil hindi natin alam na ang mga halaman at punongkahoy ay gumamit ng
carbon dioxide sa paggawa ng pagkain. Ang carbon dioxide ay maruming gas na itinatapon
ng tao, hayop, pabrika, pugon at makina ng sasakyan. Kasama ng iba pang maruming gas,
ang carbon dioxide ay nakalalason kapag natipon o kapag marami. Isang halimbawa ay ang
paglubog sa malalim na balon. Nariyan ang peligro ng paghihirap na huminga dahil sa
kakulanga ng oxygen. Pero ang totoo, higit na makapal ang carbon dioxide sa malalim na
balon at iyon ang lumalason sa taong lumulusong sa ganoong balon.
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-
unawa sa napakinggan
COMPETENCY: Nabibigyang kahulugan ang kilos ng mga tauhan sa napakinggang
pabula

CODE: F6PN-IIc-19

Test I
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang pabulang iyong maririnig. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa mga katanungan.

A. Ang Pusa at ang Asong Gubat


“Kaibigan, daig na daig na kita,” paghahambog ng asong gubat sa pusa.
Napakarami kong paraan para makalusot sa kaaway. Madali ko silang malilinlang.”
“Mabuti ka pa,” mahinahong sagot ng pusa. “Iisa lang ang alam kong paraan.”
Dumating ang isang pangkat ng mangangaso. Agad umakyat sa puno ang
pusa habang nag-iisip pa ang asong gubat ng gagawin.
Nakarating na ang mga mangangaso ay wala pang plano ng paglikas ang
asong gubat. Nahuli siya. Hinila-hila siya ng mga mangangaso.

1. Anong katangian ng pusa ang nagligtas sa kanya laban sa mga mangangaso?


a. listo b. hambog c. mabait d. mapagmasid
2. Anong katangian mayroon ang aso batay sa kanyang mga sinabi sa unang bahagi ng
talata?
a. mapamaraan b. matalino c. hambog d. mapagmatyag
3. Paano mailalarawan ang pusa batay sa sinabi niyang “Mabuti ka pa, iisa lang ang alam
kong paraan.”?
a. mapagkumbaba b. hangal c. hambog d. matalino
4. Bakit nahuli ng mga mangangaso ang asong gubat?
a. Wala siyang maisip na paraan kong paano maililigtas ang sarili.
b. Naunahan siya nga takot kaya di-nakapag-isip ng tama.
c. Nabigla siya nang makita ang mga mangangaso.
d. Siya ay hangal.
5. Alin sa mga sumusunod na katangian ang ipinakita ng pusa sa kuwento?
a. listo, mapamaraan
b. hambog, listo
c. matalino, hambog
d. listo, hangal
B. Ang Agila at ang Kalapati
Mayabang na inilatag ng Agila ang malapad niyang pakpak sa kaitaasan. Nang
mapansin ng aroganteng Hari ng mga Ibon na ikinakampay din ng mabagal na Kalapati ang
mga puting pakpak nito ay naghamon ang Agila.
“Hoy, Kalapati. Lalaban ka ba sa akin sa pabilisan ng paglipad?”
Sa sobrang yabang ng Agila ay naisip ng Kalapati na bigyan ng aral ang humahamon.
“O sige,” sagot ng Kalapati, “Kailan mo gustong magtunggali tayo?”
Hindi ipinahalata ng Agila na nagulat siya sa matapang na kasagutan ng hinamon.
“I....ikaw ang bahala kung kailan mo gusto.”
Napansin ng Kalapati na nakaamba ang maitim na ulap sa kalawakan. Alam niyang
ilang sandal laman ay uulan na.
“Kung payag ka ay ngayon din. Upang maging masaya ang laban, kailangang may
kagat-kagat tayong anumang bagay sa paglipad natin. Dadalhin ko paitaas ang isang tipak
ng asin. Ikaw naman ay magdadala ng isang bungkos ng bulak. Payag ka ba?”
Napangiti ang Agila sa pag-aakalang higit na magaan ang bulak sa asin.
Napagkayariang sa tuktok nga Asul na Bundok magsisimula ang paglipad at magtatapos sa
tuktok ng Berdeng Bundok.
Habang naglalaban sila sa paglipad ay bumuhos na ang malakas na ulan. Ang bulak
na dala-dala ng Agila ay nabasa ng ulan at bumigat nang bumigat. Nagpabagal ito sa
paglipad ng Hari ng Ibon. Ang asin ay nalusaw naman na nagpabilis sa paglipad ng Kalapati.
Sa pagwawagi ng Kalapati, hindi na nagyabang mula noon ang palalong Agila.

1. Anong paglalarawan ang mailalapat mo sa katangian ni Agila nang sabihin niyang “Hoy,
Kalapati, lalaban ka ba sa akin?
a. maunawain b. mapagmataas c. palakaibigan d. palaaway
2. Bakit masasabi nating mapamaraan si Kalapati?
a. Alam niyang uulan kaya and dinala niya asin at hindi bulak.
b. Tinanggap niya ang hamon ni Haring Ibon sa paglipad.
c. Hindi siya nagyabang sa Agila.
d. Nanalo siya sa paligasahan.
3. Ano ang masasabi mo kay Agila nang tanggapin niya ang alok ni Kalapati na bulak ang
kanyang dalhin sa paglipad?
a. mangmang b. mayabang c. matalino d. mapamaraan
4. Bakit hindi na muling nagyabang ang Agila?
a. Nanalo siya sa paligsahan. c. Natalo siya ni Kalapati.
b. Nabalian siya ng pakpak. d. Tinulangan siya ni Kalapati
5. Anong aral ang mapupulot natin sa pabula?
a. Huwag magyabang kahit kanino.
b. Ipagmalaki ang iyong pinanggalingan sa lahat ng oras.
c. Huwag maging kampante sa sarili na kaya mo ang lahat.
d. Maging mapamaraan at maging laging handa sa anumang pagkakataon

B.1. Tama ba ang ginawa ni Kalapati na bigyan ng aral ang Agila? Ipaliwanag ang sagot sa
isang talata. (5puntos)
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpa-
pahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin
COMPETENCY: Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pakiki-
pag-usap sa iba’t-ibang sitwasyon
CODE: F6WG-Ia-d-2

Test I
Panuto: Punan ang patlang ng tamang panghalip upang mabuo and diwa ng
pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.

anuman sinuman alinman sinuman kaninuman


kailanman saanman ilanman magkanuman gaanuman paanuman
ganito ganyan ganire ganoon

1. Dapat isauli ang __________ hiniram.


2. Hindi siya natatakot ___________ siya makarating.
3. ____________ kayo ay lalabanan ko kahit wala akong kasama.
4. ____________ alak ang inumin niya ay hindi na siya malalasing.
5. ____________ ay hindi ko narinig na nagmura ang aking nanay.
6. ____________ sa dalawang aklat na iyan ay pihong maiibigan mo.
7. ____________ ang kumausap sa iyo ay sagutin mo nang magalang.
8. Huwag mong ipamalita ang ___________ narinig mo sa usapan ng iba.
9. Hindi niya mapatigil ng iyak si Totoy __________ ang gawin niyang pag-alo rito.
10. Hindi nagrereklamo ang mga tsuper ng trysikel sa amin __________ ang ibayad mo.

Test II
Panuto: Sumulat ng isang mensahe tungkol sa mga paksang sumusunod na ginagamitan
ng mga panghalip na panaklaw at patulad.(5puntos)
a. pag-aayos ng kapaligiran
b. pag-iingat sa anumang sakuna
c. pagsisinop sa mga gawaing pangkabuhayan
LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng
teksto at napalalawak ang talasalitaan
COMPETENCY: Nagagamit ang mga bagong salitang natutuhan sa pagsulat ng sariling
komposisyon
CODE: F6PT-Ic-8

Test I
Panuto: Sumulat ng isang komposisyon tungkol sa iyong matalik na kaibigan. Gumamit
ng iba’t-ibang uri ng panghalip at mga hiram na salitang napag-aralan na.
Gawing gabay ang sumusunod na rubriks sa pagsulat.

Iskor

Kriterya Walang Mali/ 1-3 Mali 4 pataas na mali


Maliwanag Di-gaanong Di-maliwanag
maliwanag

Kaaya-aya at maliwanag ang 7 5 3


kaisipang nais ipahiwatig
ng komposisyon

Wastong baybay/gamit ng 6 4 2
bantas/pagkakasulat ng
pangngalang pantangi
at pambalana

Malinis ang pagkakasulat 2 1 0

KABUUAN 15 10 5
LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng
teksto at napalalawak ang talasalitaan

COMPETENCY: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong pang-impormasyon


(procedure)
CODE: F6PB-Ic-e3.1.2

Test I
Panuto: Basahin at intindihin nang mabuti ang tekstong pang-impormasyon. Isulat ang
titik ng tamang sagot.

Ang Lalawigan ng Iloilo ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Islang Panay.


Ito ay kabilang sa rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng
Capiz sa hilaga, ng Antique sa kanluran, ng Dagat Kabisayaan at Kipot Guimaras sa
silangan, at Golpo ng Panay at Kipot ng Iloilo sa timog. Pinaniniwalaang binili ng 10 datu
mula sa Borneo ang isla ng Panay sa pinuno ng mga Negrito na si Marikudo noong 1212.
Isang gintong salakot at gintong kuwintas ang ipinambayad ng mga datu. Napunta kay
Datu Paiburong ang teritoryo ng Irong-irong. Nang dumating ang mga Espanyol, nagtayo
sila ng pamayanan sa Ogtong (Oton ngayon). Itinatag ng mga mananakop na Espanyol ang
Fuerza San Pedro sa Irong-Irong. Ang mga Espanyol rin ang nagbigay ng pangalang Iloilo sa
lungsod. Ito na rin ang ipinangalan sa buong lalawigan. Itinatag noong Marso 10, 1917 ang
Lalawigan ng Iloilo.
Ang Iloilo ay isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng bigas sa Pilipinas. Bukod sa
bigas, ang ilan pa sa mga pangunahing produkto na nagmumula rito ay tubo, niyog, mais,
saging, mangga, kape at iba pang lamang-ugat na halaman.Ang pangisngisda ay isa ring
mahalagang pinagkakakitaan ng mga taga-Iloilo. Ang mga bangus at hipon ay
pinagmumulan ng malaking kitang dolyar ng lalawigan. Kilala naman ang bayan ng La Paz
dahil sa masarap na batsoy. Ang Iloilo ay isa sa mga yamang ipangmamalaki ng
Pilipinas hindi lamang sa mga yaman ng agrikultura dito kundi sa makasaysayang pook na
matatagpuan sa lalawigang ito.

1. Anong lalawigan ang inilalarawan ng teksto?


a. Capiz b. Antique c. Guimaras d. Iloilo
2. Saan matatagpuan ang Lalawigan ng Iloilo?
a. Kanlurang Bisaya b. Silangang Bisaya c. Gitnang Bisaya d. Timog Bisaya
3. Anong lugar sa Iloilo ang kilala sa masarap na batsoy?
a. Panay b. Irong-irong c. La Paz d. Capiz
4. Kailan itinatag ang Lalawigan ng Iloilo?
a. Marso 10, 1917 c. Marso 17, 1910
b. Marso 10, 1907 d. Marso 19, 1917
5. Anong bayan ang itinatag ng mga Espanyol sa lalawigan?
a. La Paz b. Iloilo c. Irong-irong d. Fuerza San Pedro
Test II
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang inilalarawan sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
1. Pinuno ng mga Negrito a. gintong salakot at kuwintas
2. Pinagmumulan ng kitang dolyar b. Iloilo
lalawigan
3. Isa sa mga pangunahing hanapbuhay c. 1212
ng lalawigan
4. Nagbigay ng katawagang Iloilo d. Marikudo
sa lalawigan
5. Ipinambayad ng mga dato sa pinuno e. Irong-irong
ng mga Negritos
6. Teritoryong nabili ni Datu Paiburong f. pangingisda
7. Hangganan ng lalawigan sa kanluran g. La Paz
8. Taong nabili ang Isla ng Panay mula h. Antique
sa pinuno ng mga Negritos
9. Kilala sa masarap na batsoy i. Espanyol
10. Matatagpuan sa timog-silangang j. bangus at hipon
bahagi ng Islang Panay k. 1236
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pang-
unawa sa napakinggan
COMPETENCY: Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa
kuwentong napakinggan
CODE: F6PN-Id-e-12

Test I
Panuto: Makinig at intindihin nang mabuti ang kuwento. Isulat sa papel ang iyon hinuha
sa kalalabasan ng mga pangyayari. (2puntos bawat isa)
1. Ugali na ni Ruel na sumabit sa dyip. Hindi niya pansin ang pagsaway ng tsuper. Isang
araw sumabit na naman siya. Napikon ang tsuper nang hindi niya mapababa si Ruel.
Bumaba siya at pinuntahan si Ruel sa likod ng dyip.

2. Tigasin si Mang Joseng Lasenggo. Ayaw maniwala na may ordinansa na nagbabawal na


umihi sa bakod, sa likod ng bus na nakaparada o kahit saan sa Maynila.
Nagmamayabang na umihi sa tabi ng poste, minsang siya’y lasing na lasing.

3. Tuwing umaga, magkasabay na pumapasok si Annie at Greg sa paaralan. “Tara,


maglakad na tayo para hindi tayo mahuli sa klase,” yaya ni Greg. “Sige,” sagot ni Annie.
“Meron nga pala tayong pagsusulit sa Filipino. Nag-aral k aba?” sagot ni Greg, “Oo
naman, pinaghandaan ko ang araw na ito”.

4. Pinagtatakhan ng mga katribo si Aka. Laging nakahuhuli ng simaron. Laging nag-iihaw ng


baboy damo.
“Ano ba ang sekreto mo Ka Aka?” tanong ni Barok.
“Ako ay mapagmasid. Mahilig maglublob sa putikan ang baboy damo. Kaya
naglulublob din ako. Akala nila isa ako sa kanila. Lumalapit sila sa lubluban ko. Ayon,
nakahuhuli ako,” paliwanag ni Aka.

5. “Hoy, Pugo, narinig mo na ba?” tanong ni kuwago.


“Naku, hindi pa. Alam mo naman dito lang ako nakasiksik lagi sa ilalim ng talahib.”
“Sabi ni Maya ay nag-aaway raw si Tandang at si Inahin. Ayon natangal daw ang balahibo
ni Inahin.”
“Totoo iyon?” Naku, tiyak na nagpakamatay si Tandang?”
“Tsk! Tsk! Tsk! Paiba nang paiba at pahaba nang pahaba ang kuwento.” Himutok ni butiki.
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin
COMPETENCY: Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagpapahayag ng
saloobin
CODE: F6PS-Id-12.22

Test I
Panuto: Isulat sa isang talata ang iyong reaksiyon ukol sa isa sa maiinit na isyung
kinakaharap ng ating pamahalaan sa kasalukuyan. Gumamit ng magagalang na
pananalita sa paglalahad ng iyong kaisipan. Gawing gabay ang rubriks sa baba.

a. Kampanya ng Pamahalaan kontra Droga


b. Extra-Judicial Killings sa Kasalukuyan
c. Kahirapan

Iskor
Kriterya Walang Mali/ 1-3 Mali 4 pataas na mali /
Maliwanag Di-gaanong Di-maliwanag
maliwanag

Kaaya-aya at maliwanag ang 7 5 4


kaisipang nais ipahiwatig
ng komposisyon/Guma-
mit ng magagalang na
pananalita

Wastong baybay/gamit ng 5 3 1
bantas/pagkakasulat ng
pangngalang pantangi
at pambalana

Malinis ang pagkakasulat 3 2 0

KABUUAN 15 10 5
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin
COMPETENCY: Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pakikipag-usap sa
iba’t-ibang sitwasyon
CODE: F6PS-Id-12.22

Test I
Panuto: Gamitin ang angkop na pangngalan sa pagbuo ng bawat pahayag. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
1. Makating-makati ang kanyang likod dahil sa pagkakaroon ng maraming_________. Anong
pangngalang tambalan ang nararapat gamitin?
a. bungang-araw c. kagat ng lamok
b. kagat ng surot d. gumagapang na hanip
2. Nagtitinda siya ng _________. Aling pangngalang lansakan ang nararapat isulat sa patlang?
a. hikaw c. sapatos
b. kuwentas d. kaba-kabang palay
3. Magkano ba ang iyong kumpol ng ____________?
a. manga c. bulaklak
b. asukal d. abokado
4. Bumili ka ng ___________ karne. Alin sa mga sumusunod ang nararapat sa pangungusap?
a. isang talampakang c. isang yardang
b. isang salop na d. isang kilong
5. Labis-labis ang aking __________ nang muli kong makita ang nawawala kong tuta. Ano ang
tamang sagot sa patlang?
a. takot c. kalungkutan
b. kagalakan d. kabalisahan
6. Namumulot ang mga bata ng mga kabibe sa dalampasigan nang biglang nagkaroon ng high
tide. Anong uri ng pangngalan ang dalampasigan?
a.payak b. inuulit c. maylapi d. tambalan
7. Malinis at mabango ang kanyang kilikili. Anong uri ng pangngalan ang kilikili?
a. payak b. inuulit c. maylapi d. tambalan
8. “Dadamayan kita, ____________ ang mangyari,” pangako ng ama sa anak. Aling panghalip ang
nararapat isulat sa patlang?
a. sinuman b. anuman c. saanman d. kailanman
9. Bakit kaya __________ kalungkutan at kabiguan ang kanyang nadarama? Ano ang tamang
panghalip sa patlang?
a. anumang b. ganitong c. pawang d. gayong
10. Ano ang panghalip?
a. salitang naglalarawan c. paksang nagsasaad ng kilos
b. panghalili sa pangangalan d. bahagi ng pananalita na isang katawagan
Test II
Panuto: Punan ang patlang ng tamang pangngalan o panghalip upang mabuo ang pangungusap.
Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Naghanda siya ng simpleng ________ para sa birthday ng bunsong anak.
a. fiesta b. banquet c. kasalan d. salo-salo
2. Iniaalay namin sa iyo ang _________ na hindi magmamaliw.
a. diyamanteng singsing b. gintong hikaw c. gintong singsing d. pagmamahal
3. Pupunta na sa laybrari ang mga bata. Samahan ninyo _______.
a. tayo b. kami c. sila d. siya
4. “Hayun ang mga batang nagtanim ng mga puno. Mapagmahal _______ sa kalikasan,” ang sabi
ni Roco.
a. ako b. siya c. tayo d. sila
5. “Inaalagaan ______ ang mga punong iyon,” ang sabi ni Lito habang tinuturo ang mga punong
itinanim ng mga bata.
a. nila b. niya c. namin d. kanila
LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng teksto at
napalalawak ang talasalitaan
COMPETENCY: Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita sa pama-
gitan ng gamit nito sa pangungusap
CODE: F6PT-Id-1.14

Test I
Panuto: Piliin sa Hanay B ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa gamit nito sa
pangungusap na nakasulat sa Hanay A

Hanay A Hanay B
1. Lagi niyong ikurus sa noo na ang pag-aaral a. nag-aaral nang mabuti
nang mabuti ang susi sa kinabukasan niyo.
2. Si Renante ay nabato balani sa ganda b. walang pera
ng boses ni Lira.
3. Hindi makapag-isa si Peter sa kanyang c. nabighani
kuwarto sa gabi sapagkat
bahag ang kanyang buntot. d. mayabang
4. Gabi-gabi ay nagsusunog ng kilay si
Rizzamae upang matupad ang e. duwag
kanyang mga pangarap sa buhay.
5. Mahangin ang ulo ni Peter kaya walang f. tandaan
may gusto sa kanya.

Test II
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa kahulugan ng salitang may salungguhit
batay sa gamit nito sa pangungusap.
1. Mahirap pumasok sa paaralan kung kumukulo ang tiyan mo.
a. sobrang init ng tiyan c. masakit ang tiyan
b. gutom na gutom d. malaki ang tiyan
2. Si John ay lumaking laki sa layaw kaya di-nakapagtapos ng pag-aaral.
a. nasusunod ang gusto b. walang kinakain c. tumigil ng pag-aaral d. nakawala
3. Bukambibig ni Edgar ang kabaitan ng kanyang mga magulang.
a. ipinagyayabang b. ikinahihiya c. laging sinasabi d. di-pinapansin
4. Si Ma’am Avila ay matalik kong kaibigan. Alam na alam niya ang likaw ng bituka ko.
a. kabuuan ng bituka b. kaliit-liitang lihim c. bilot ng bituka d. sakit sa bituka
5. Kahit maykaya sa buhay, lumaking mabait at mapagkawanggawa si Richard.
a. mayaman b. mahirap c. malakas d. matapobre

Test III
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salita:
1. maykaya sa buhay
2. kumukulo ang tiyan
3. nagsusunog ng kilay
4. bahag ang buntot
5. nabato balani
LEARNING CONTENT: Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t-ibang sulatin

COMPETENCY: Nakasusulat ng kuwento

CODE: F6PU-ID-2.2

Test I Panuto: Sumulat ng maikling kuwento. Gawing gabay ang rubriks sa baba.

Iskor

Kriterya Walang Mali/ 1-3 Mali 4ptaas na mali


Maliwanag Di-gaanong Di-maliwanag
maliwanag

Kaaya-aya at maliwanag ang 7 5 3


kaisipang nais ipahiwatig
ng kuwento

Wastong baybay/gamit ng 5 4 2
bantas/pagkakasulat ng
pangngalang pantangi
at pambalana

Malinis ang pagkakasulat 3 1 0

KABUUAN 15 10 5
LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng teksto at
napalalawak ang talasalitaan
COMPETENCY: Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita sa pama-
gitan ng sitwasyong pinaggamitan
CODE: F6PT-Ie-1.8
Test I
Panuto: Isulat ang titik ng kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa gamit nito sa
pangungusap.
1. Nasasalamin sa kanyang mukha ang pagnanais na makahingi ng tawad.
a.namamasid
b.nababakas
c.minamasdan
d.nakikita

2. Mahangin ang kanyang ulo kaya ayaw nilang makipagkwentuhan sa kanya.


a.mayabang
b.mapagmalaki
c.mapagmataas d. matapobre
3. Magandang kapalaran ang dumatal sa kanyang buhay matapos ang mahabang pagtitiis.
a.umabot
b.dumating
c.sumampa
d.dumalo
4. Bukas-palad siya sa mga nangangailangan ng tulong.
a.mapagbigay
b.mapagmahal
c.magiliw
d.maunawain
5. Ang tumanghod sa kumakain ay hindi magandang asal.
a.tumingin
b.manood
c.magmasid
d.tumunganga
6. Tumino sa isipan niya ang turo ng kanyang ina.
a.natatak
b.nahulaan
c.nalaman
d.natandaan
7. Hindi siya nag-urong-sulong sa pagtulong sa mga mahihirap at kulang-palad.
a.nalito
b.naguluhan
c.nag-alinlangan
d.nag-atubili
8. Si Jose ay nabato-balani sa ganda ni Maria.
a. naiinis
b. nabighani
c. natawa
d. naawa
9. Parang pinagbiyak na bunga ang magkaibigan.
a. magkambal
b. matalik na magkaibigan
c. magkamukhang-magkamukha
d. parehas ang uglai
10. Bukas ang dibdib ni Aling Marissa sa mga kapuspalad.
a. maawain
b. may sugat ang didbdib
c. inopera sa dibdib
d. malakas ang dibdib

Test II
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salita:
1. bukas ang dibdib
2. pinagbiyak na bunga
3. bukas-palad
4. tumanghod
5. urong-sulong
LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng teksto at
napalalawak ang talasalitaan
COMPETENCY: Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa
napakinggan
CODE: F6PN-Id-e-12

Test I
Panuto: Makinig nang mabuti sa babasahin kong akda. Magbigay ng iyong hinuha
tungkol sa maaaring kalabasan ng mga pangyayari. Isulat sa papel ang sagot.
(5puntos bawat isa)

1. Binigyan ng pera si Bea ng kanyang ina para ipambayad sa kanyang proyekto. Ngunit
hindi inaasahang nagastos ni Bea ang pera sa walang kuwentang bagay, dahil dito hindi
alam ni Bea kung saan siya kukuha ng pera para mabayaran ang kanyang proyekto. Naisip
ni Bea na kumuha sa wallet ng kanyang ina nang walang paalam. Kaya’t pag-uwi niya ay
pumasok siya sa kwarto ng ina at dahan-dahan kumuha ng pera, ngunit nakita siya ng
kapatid na bunso.

2. Si Aling Luding ay madalas mamili sa groseri. Namimili siya ng mga de lata tulad ng
sardinas, karne norte, salmon tuna at kondensada. Namimili rin siya ng mga prutas,
mantika, asukal, kape, toyo, patis at suka. Pauwi na siya nang magtaka siya dahil marami
pa rin siyang pera kahit napakarami na ng napamili niya. Naisip niyang marahil ay sobra
ang isinukli sa kanya ng tindera sa kanyang suking tindahan.

3. Isang araw naglalakad si Jessica pauwi mula sa trabaho. Laking gulat niya nang marinig
ang mahinang iyak ng bata. Muntik na niyang lampasan ang bata, Nang buhatin ni Jessica
ang bata, ang munting sanggol ay may mga sugat sa katawan. “Aba kawawa naman ang
batang ito. Iuwi muna kita upang gamutin,” sabi ni Jessica. Pagdating niya sa bahay,
ibinigay ni Jessica ang sangol sa kanyang ina. Ginamot nila ang sugat nito, binihisan at
pinainum ng gatas. Nagdesisyon ang mag-ina na isauli ang bata ngunit walang kumukuha
sa kanila.
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
COMPETENCY: Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng panghalip sa iba’t-ibang sitwasyon

CODE: F6WG-Ie-g-3

Test I
Panuto: Isulat ang titik ng panghalip na nararapat sa patlang upang mabuo ang
pangungusap.
1. Piliin mo ang ______ damit na magkakasya sa iyo.
a. sinumang b. alinmang c. saanmang d. kailanmang
2. Laging malungkot si Sonia. Gayon na lamang ang ______ kaligayahan nang makauwi na
galing sa Saudi ang ama niya.
a. kanilang b. kanyang c. aming d. aking
3. Matalik na magkaibigan sina Daryl at May. ______ ang ulirang magkaibigan sa kanilang
barangay.
a. Kayo b. Tayo c. Sila d. Siya
4. “Nawa’y makita sa iyo ang ganap na pagbabagong-buhay, ________ makarating,” payo
ng ina sa anak.
a. saanmang b. anumang c. kailanmang d. sinumang
5. Nagdedemonstreyt si Anne sa paggawa ng basket na yari sa kabibe, “________ ang
paggawa ,” sabi niya.
a. ganoon b. ganyan c. ganito d. heto
6. Tuwang-tuwa ang mga babaeng mag-aaral sa ikaanim na grado. _______ ang nanalo sa
larong basketbol.
a. Kami b. Sila c. Siya d. Kayo
7. “Ibigay mo ang panyong pula sa bunso mong kapatid. Para sa ________ naman ang
bolang
asul,” ang sabi ng ninang sa kanyang inaanak.
a. inyo b. kanila c. kanya d. iyo
8. “Tunay na pagmamahal ang iniaalay ________ sa inyong kaarawan lola,” ang sabi ng
magkapatid na Cherry at Sherry.
a. natin b. namin c. ko d. ninyo
9. Hindi ________ makakalimutan. Utang ko sa iyo ang lahat.
a. ikaw b. ka c. kayo d. kita
10. “Ano po ba ang maipaglilingkod ko sa _______?” magalang na tanong ni Bea sa
panauhin nila.
a. iyo b. kanya c. kanila d. atin

Test II
Panuto: Gamitin ang sumusunod na panghalip sa pangungusap.
1. gaanuman
2. saanmang
3. ganito
4. inyo
5. ganoon
LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng teksto at
napalalawak ang talasalitaan
COMPETENCY: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong pang-impormasyon

CODE: F6PB-Ic-e-3.1.2

Test I
Panuto: Makinig at intindihin nang mabuti sa sanaysay na babasahin ko. Isulat ang titik
ng tamang sagot.

Global Warming sa Pilipinas

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung ako’y
bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan
ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang
mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa
kasalukuyang panahon.

Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong


pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sa daigdig. Ang
lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag
na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga
karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientists at mga
eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng
pagkasira ng ozone layer ng ating atmosphere. Dahil unti-unting nabubutas ang ozone
layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na sun’s rays na mapanganib sa ating
kapaligiran kung ito’y direktang makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa kasalukuyang
panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang ang mga
mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere.

Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na


nagiging dahilan ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng
global warming. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng
ating atmosphere at magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing
nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunog ng
mga fossil fuels.

Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Higit na
mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin
maaagapan ang pagkasira ng ating kapaligiran. Marapat lamang na hanggang maaga ay
kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo
upang masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa
sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag na sana tayong dumagdag pa
sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran.
1. Tungkol saan ang sanaysay?
a. global warming b. kapaligiran c. polusyon d. kalikasan
2. Anong damdamin/kondisyon ang nais ipahiwatig sa atin ng may-akda?
a. pagkabagabag b. pagkamakabayan c. pagkabahala d. pagmamalaki
3. Sa mga isyung kinakaharap, anong isyu ang tinalakay ng may akda?
a. kahirapan c. paglaganap ng krimin
b. pagkalulong sa droga ng mga kabataan d. pagkasira ng kapaligiran
4. Ano ang global warming?
a. Pagtaas ng temperature ng karagatan at atmosphere at ang patuloy na pagtaas nito
b. Patuloy na pagtaas ng nakalalasong kemikal sa kapaligiran
c. Patuloy na pagtaas ng iba’t-ibang uri ng polusyon
d. Patuloy na pagkasira ng kalikasan
5. Batay sa sanaysay, anong pag-uugali ang makikita natin sa may akda
a. makakalikasan
b. makabayan
c. makaDiyos
d. makatao

Test II
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang inilalarawan sa Hanay A. Isulat ang titk ng tamang
sagot.
Hanay A Hanay B
1. Nagsisilbing tagasala/filter upang mabuting a. Pagsusunog ng fossil fuels
sinag ang makapasok
2. Epekto ng pagkasira ng ozone layer b. Ozone layer
3. Pamagat ng sanaysay c. Scientists
4. Sanhi ng pagkasira ng ozone layer d. Global Warming sa Pilipinas
5. Nagpatunay na ang pagsusunog ng fossil fuels e. Negatibong pagbabago sa
ang dahilan ng global warming buong mundo
f. Malinis na kapaligiran

Test III
Panuto: Isulat sa isang talata ang sagot sa tanong sa ibaba.
Sang-ayon ka ba sa kaisipang nais ipahiwatig ng may-akda ng sanaysay? Ipaliwanag
ang iyong sagot. (5puntos)
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang iba’t-ibang kasanayan upang maunawaan ang
iba’t- ibang teksto
COMPETENCY: Napupunan nang wasto ang kard na pang-aklatan

CODE: F6EP-Ie-13

Test I
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang inilalarawan sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
Hanay A Hanay B
1. Binibigyang-diin nito ang paksa a. Kard mg Awtor
2. Nasa unang linya ang pangngalan b. Kard Katalog
ng awtor
3. Naglalaman ng mga detalye ng aklat c. Call Number
4. Ito ang nakasulat sa ilalim ng pamagat d. Kard ng Paksa
5. Numerong gabay sa naghahanap ng e. Kard ng Pamagat
aklat f. katalog

Test II
Panuto: Isulat sa patlang kung anong uri ng kard katalog ang gagamitin sa paghahanap
ng
sumusunod:
1. Genoveva Edroza-Matute
2. Katon, sa Bahay Muna
3. Mga Piling Tulang Pampaaralan at Pambata tungkol sa Iba’t-ibang Okasyon at
Pagdiriwang
4. Landas sa Pagbasa 6
5. Ang Musikang Pinoy, Noon at Ngayon
6. Nicanor Abelardo: The Man and the Artist
7. Iba’t-ibang Katutubong Instrumentong Pangmusika
8. Katutubong Awit
9. Kasaysayan ng Musikang Pilipino
10. Ati-atihan, Moriones
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring
pakikinig at pag unawa sa napakinggan.
COMPETENCY: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
napakinggang kuwento
CODE: F6PN-IIa-g-3.1

Test I
Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin nang mabuti ang bawat tanong.
Isulat ang titik ng tamang sagot.

Si Lito ay labing-isang taong gulang.Siya’y kinatutuwaan ng lahat.Likas ang


kanyang kasipagan at matiiisin . Siya ang nag-iigib ng tubig. Kahit sila’y mahirap
hindi ito naging hadlang sa tagumpay niyang inaasam.Ito ang naging
inspirasyon niya upang siya’y magsikap.Dahil sa sipag at tiyaga ni Lito nakabili
siya ng bisikleta. Ginamit niya ito sa pagrarasyon ng tinapay bago siya pumasok
sa paaralan, dahil dito nakaipon siya sa bangko.Nagtapos si Lito ng kanyang
pag-aaral at ipinagpatuloy niya ang pagsisik upang maabot ang kanyang
tagumpay.

1. Bakit kinatuwaan ng marami ang batang si Lito?


a. Siya ay nagtratrabaho sa buong magdamag.
b. Siya ay masipag at marunong maghanapbuhay.
c. Siya ay matiisin sa mga bagay na dinaranas niya.
d. Siya ay matiyagang naghihintay ng mga ipag-uutos sa kanya.
2. Paano narating ni Lito ang kanyang tagumpay sa buhay?
a. Nag-ipon siya ng maraming pera.
b. Marami ang nasiyahang mga kapitbahay sa kanya.
c. Ibayong sipag at tiyaga ang naging puhunan niya.
d. Lahat ng mapaghahanapbuhayan ay kanyang pinasok.
3. Batay sa kilos at ugali ni Lito, anong katangian ang mailalapat sa
kanya?
a. masipag at matiisin
b. tamad at mangmang
c. singungaling at pasaway
d. bobo at mapagmataas
4. Ano ang ginagawa ni Lito upang maabot ang kanyang tagumpay?
a. Madalas na pagliban sa klase.
b. Pagsisinungaling sa kanyang mga magulang.
c. Nagsusumikap siya sa kanyang pag-aaral.
d. Tamad sa lahat ng gawain.
5. Ano ang paangunahing kaisipan ng talataan?
a. Ang kahirapan ay di hadlang upang ikaw ay magtagumpay.
b. Ang pera ay batayan ng pagkakaroon ng yaman ng tao.
c. Ang likas na kasipagan ay isang inspirasyon.
d. Ang swerte kapag dumating ay dapat huwag palampasin.
Test II
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang
ang T kung tamang impormasyon ang isinasaad nito at M kung hindi tama.

1. Si Lito ay may likas na kasipagan at matiisin. ____


2. Siya ay tamad at singungaling na bata. ____
3. Marami ang nasiyahang mga kapitbahay kay Lito. ____
4. Ang pera ay batayan ng pagkakaaroon ng yaman ng tao. ____
5. Ang kahirapan ay hindi hadlang sa pag-unlad.____

Test III
Panuto: Unawain nang mabuti ang tanong. (5puntos)
Magtala ng limang gawain kung papaano makakamit ang tagumpay
sa buhay.
1.
2.
3.
4.
5.
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita
at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan at damdamin
COMPETENCY: Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa
paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon.

CODE: F60L- IIa -e-4

Test 1
Panuto: Salungguhitan ang pang-uri na ginamit sa pangungusap.
1. Maganda ang mga tanawin sa Pilipinas.
2. Malamig ang simoy ng hangin.
3. Masisipag ang mga kabataan sa kabilang nayon.
4. Tahimik ang buhay sa probinsiya.
5. Malawak at luntian ang kapaligiran.

Test II
Panuto: Isulat sa patlang ang angkop na pang-uri na bubuo sa mga
pangungusap.

1. Isang _________ na tanghalian ang iniluto ni nanay.


2. ___________ proyekto ang binalak nilang ilunsad.
3. _________ ang bahay sa lungsod.
4. _________ ang aming bakuran.
5. _________ kami sa mahiwagang balon.

Test III
Panuto: Isulat sa patlang ang angkop na pang-uri upang mabuo ang talata.

Nangunguna ang Palawan sa mga lalawigan sa bansa ang


pagkakaroon ng______koleksyon ng di-pangkaraniwang mga hayop sa
Pilpinas.Sa Palawan __________ang ibong tabon. __________ ang itlog nito na
_________sa mga hayop na walang katulad gaya ng pilandok, tapiloc, at
tandikan.
LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-
ibang uri ng teksto at napapalawak ang
talasalitaan.
COMPETENCY: Nailalarawan ang tauhan at tagpuan sa binasang
kuwento.
CODE: F6RC-IIa-4

Test I
Panuto: Salungguhitan sa loob ng panaklong ang kasingkahulugan ng
salitang may salungguhit sa pangungusap.

1. Ang kahirapan ay di hadlang upang ikaw ay magtagumpay.


( saksi, gabay, kasama, sagabal)

2. Likas ang kanyang kasipagan.


( handog, bigay, gawa, payak)

3. Mapalad ang mga taong naaapi.


( marikit, masuwerte, maganda, mayaman)

4. Labis-labis ang kanilang paghihinagpis sa pagkamatay ng kanyang ama.


(kulang, sobra, salat, sagana)

5. Nagpunta kami sa isang matayog na bundok.


( mababa, marikit, mataas, maralita)

Test II
Panuto: Basahin at intindihin nang mabuti ang tanong.
Isalaysay mo ang iyong sariling karanasang gumawa ng mabuti para
sa ikatatagumpay ng iyong sarili at pamilya. (5 puntos)

Test III
Panuto: Ilarawan ang katangian ng pangunahing tauhan sa kuwentong
binasa. “Tagumpay” (5puntos)
LEARNING CONTENT: Naipapamalas ang iba’t-ibang kasanayan upang
maunawaan ang iba’t-ibang teksto.

COMPETENCY: Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian ayon


sa pangangailangan.

CODE: F6SS-II-6

Test I
Bilugan ang salitang nasa loob ng panaklong na naglalarawan sa bawat
pangungusap.

1. Ito ay pinagkukunan ng kahulugan, baybay o ispeling, pagpapantig,


bahagi ng pananalitang kinabibilangan ng salita, pinanggagalingan ng
salita at nakaayos ito nang paalpabeto.
(Mapa, Globo, Ensayklopedya, Diksyunaryo)

2. Set ng mga aklat na nagtataglay ng mga impormasyon tungkol sa mga


bagay-bagay at mga artikulo ng katotohanan.
(Atlas, Ensayklopedya, Mapa, Diksyunaryo)

3. Aklat ng mapang nagsasaad ng lawak, distansiya at lokasyon ng lugar.


(Ensayklopedya, Globo, Mapa, Atlas)

4. Aklat na nagtataglay ng pinakahuling impormasyon tungkol sa mga


punto ng
kawilihan, mga pangyayari, palakasan at pulitika.
(Atlas, Internet, Ensayklopedya, Mapa)

5. Teknolohiya na maaaring pagkunan ng impormasyon gamit ang


kompyuter, tablet at telepono.
(Atlas, Globo, Internet, Mapa)

Test II
Panuto: Pumili ng dalawa sa sumusunod na mga paksa o isyu at isulat sa
isang talata ang iyong reaksiyon gamit ang dalawang ayos ng pangungusap.
Limang puntos bawat isa.

1. Pagdaraos ng marangyang pista sa mga lugar sa bansa.


2. Pagkalimot na ng kabataang gumalang sa matatanda.
3. Pagiging tamad ng mga taong magtanim.
4. Pagiging materyalista o mahilig sa mga kagamitan ng mga Pilipino.
5. Paninira sa mga bagay sa kapaligiran .
LEARNING CONTENT: Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring
pakikinig at pag- unawa sa napakinggan.

COMPETENCY: Naiuugnay ang sariling karanasan sa


napakinggang teksto.

CODE: F6PN-II6-4

Test I
Panuto: Ikahon ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita at bilugan
naman ang kasalungat nito sa loob ng panaklong.

1. munti (malaki, maliit, mataba, payat)

2. mataas (maliit, payat, matarik, mataba)

3. makitid (masikip, makipot, maluwang, maikli)

4. panatag ( humihingal, patag, kibo, kamapante)

5. mabawasan ( naiwan, nadagdagan, napanatili, lumaki)

Test II
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon.

1. Naranasan mo na bang bumili sa isang tindahan at ibinalik ng tindera ang


labis mong bayad o pinili niya ang mas maayos na paninda sayo? Ano
ang iyong naramdaman at ginawa? Isalaysay (5 puntos)

2. Naranasan mo na bang masuklian ng labis? Ano ang ginawa mo? Ano


ang naramdaman mo sa iyong ginawa ? Isalaysay.(5 puntos)
LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t
ibang uri ng teksto at napapalawak ang
talasalitaan.

COMPETENCY: Nabibigyang kahulugan ang salitang hiram.


CODE: F6-IIB-4.2

Test I
Panuto: Tukuyin ang salitang hiram na inilalarawan sa
pangungusap.Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang nangangahulugang pag-aaral ng isip, diwa at aral ng tao at


maging hayop.
a. sikolohiya c. pulitika
b. kombublsyon d. pundido

2. Ano ang kahulugan ng salitang hiram na skill?


a. talento c. kalaaman
b.masipag d. pagitan

3. Siya ay may kakayahan sa buhay.


a. ability c. listo
b. educate d. smart

4. Pakyawan ang ibinibinta nilang damit.


a. wholesale c. maramihan
b. extra d. Excess

5. Ang tubig sa dagat ngayon ay taub.


a. hightide c. moonson
b. lowtide d. sunlight

Test II
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salitang
hiram.

1. skill 6. horizon
2 .west 7. stepmother
3. liquid 8. silla
4. education 9. I don ‘t care
5. cheque 10. sikolohiya
LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa
iba’t ibang uri ng teksto at napapaunlad ng
talasalitaan.

COMPETENCY: Nasasabi ang paksa sa binasang sanaysay.

CODE: F6RC-IIb-10

Test 1
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat ang
titik ng tamang sagot.

1. Hindi magkamayaw sa ingay ng pagbabatian at pagbabalitaan ang mga


tao sa plasa.
a. magkarinigan at magkaunawaan
b. magkamay at magsayaw
c. makapagsalita at makibati

2. Nagpapagaraan sa ganda at kulay ang mga arko at banderitas sa


kalye.
a. nagpapaparaanan
b. nagpapagalingan
c. nagpaparayaan

3.Tuwing pista, naririnig ang bunghalit ng mga tugtugin sa mga perya, mga
pondahan at mga tindahan.
a. mahina
b. malungkot
c. malakas

4. Makukulay na banderitas ang nasa kalye kung araw ng pista.


a. bandila ng bansa
b. ginupit-gupit na papel
c. mga parol

5. Bukod sa pagtugtog ng banda ng musiko, umaambag din sa saya ng


kapistahan ang pagsasalo-salo ng mga pamilya at panauhin
a. dumarami
b.dumaragdag
c. bumabawas
Test II
Panuto: Basahin ang sumusunod at ibigay ang pangunahing diwa nito. (5
puntos)

Tuwing ikatlong lingo ng Enero, may isang masayang pagdiriwang na


ginaganap sa Iloilo, Antique at Aklan, ang Ati-Atihan. Sa masiglang tunog
ng tambol, gong at iba pang instrumentong pantugtog, ang mga taong
kalaho sa kapistahan ay nagsasagawa sa kalye. Nagpipinta sila ng itim sa
mukha at katawan at buong siglang nagsisindak sa lansangan.

Test III

Panuto: Ilarawan ang pagdiriwang ng pistang-bayan sa inyong lugar.


Sang-ayon ka bang ipagpatuloy ang tradisyon ng pagdaraos ng
pista? (5 puntos)
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang iba’t-ibang kasanayan
upang maunawaan ang iba’t-ibang teksto.

COMPETENCY: Nakapagtatala ng datos mula sa binasang


teksto.
CODE: F6SS-IIb-10

Test I
Panuto: Itala ang mga datos o pangyayari batay sa binasang kwento
“Mariang Kalabasa. “ Hiyas Wika at Pagbasa 6 pahina 144-150.

I. Tagpuan
1.__________________________________________________
2.__________________________________________________

II. Panimulang Pangyayari


3._________________________________________________
4._________________________________________________

III. Layunin
5. _________________________________________________

IV. Pagtatangka
6. _________________________________________________

V. Reaksyon
7._________________________________________________

VI. Konklusyon
8. ________________________________________________

VII. Resolusyon
9.________________________________________________
10._______________________________________________

Test II
Panuto: Pumili ng isang taong inyong iniidolo o hinahangaan.bumuo ng isang
talata tungkol dito at isulat ang mga mahahalagang datos tungkol sa
kanya. (5 puntos)
LEARNING CONTENT: Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring
pakikinig at pag - unawa sa napakinggan.

COMPETENCY: Nabibigyang kahulugan ang kilos ng mga tauhan


sa napakinggang pabula.

CODE: F6PN-IIc-19

Test I
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Lagyan ng(/) sa unahan ng
pangungusap na maaaring kalabasan ng kuwento.

Nang makatawid ang mga unggoy sa kabilang pulo nang walang


kapagud-pagod.

______1. Galit na galit ang mga buwaya.


______2. Natutuwa ang mga buwaya sa katahimikan ng mga
unggoy.
______3. Nabusog ang mga unggoy sa pagkain ng mga bungang-
kahoy.
______4. Humingi na lang ng pagkain ang mga buwaya sa mga
unggoy.
______5. Pababalikin ulit ng mga buwaya sa kabilang pampang
ang mga unggoy matapos makakuha ng pagkain.

Test II
Panuto: Kung bibigyan ka ng pagkakataong tapusin ang kuwento, paano
mo ito wawakasan? Dugtungan ang kuwentong “Ang Unggoy at
ang Buwaya.” Isulat sa sagutang papel ang naisip mong karagdagang mga
pangyayari para matapos ang kuwento. (5 puntos)

Test III
Panuto: Pumili ng isang madamdaming bahagi ng kuwento. “Ang Unggoy
at ang Buwaya”
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan at tatas ng
pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin.
COMPETENCY: Nagagamit ang mga magagalang na pananalitasa iba’t
ibang sitwasyon.
CODE: F6PS –Iic-12.13

Test I
Panuto: Nakikilala ang saloobin ng isang bata sa pamamagitan ng
kanyang pananalita .
Lagyan ng (/) kung kanais-nais na pahayag at ( X) kung hindi.
1. “Nasaktan ba kita? Pasensya ka na dahil nagmamadali ako.”

2. “Halika ka, Sali ka sa laro namin.”

3. “Huwag na huwag kang sasali sa amin , makulit ka kasi.”

4. “Huwag mo nang uulitin para hindi sila magalit sa iyo.”

5. “Kapag biniro pa ako, uupakan na kita.”

Test II
Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung nagpapahayag ng magagalang
na pananalita at Mali kung hindi.
_____1. Magandang umaga po.
_____2. Tumabi kayo sa dadaanan ko.
_____3. Maari po bang makausap si John?
_____4. Sino ka?
_____5. Makikiraan po.
Test III
Panuto: Maglahad ng sariling karanasan na nagpapatunay nito.
“ Kailanman ang tao ay magalang, saan man tumungo ay
kinagigiliwan.” ( 5 puntos)
LEARNING CONTENT: Naipamamlas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita, ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.

COMPETENCY: Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa


paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon.

CODE: F6OL-II-a-e-4

Test I
Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa bawat pangungusap, piliin at
pangkati ang mga pang-uri ayon sa lantay, pahambing, at pasukdol.

__________1. Ang Maynila ang pinakatanyag na lungsod sa Pilipinas.


__________2. Dito ay maraming tao ay nagtratrabaho at naninirahan.
__________3. Ito ay halos kasinlaki ng Cebu.
_________4. Di-gaanong malinis sa lungsod ng Maynila di tulad sa
probinsiya.
_________5. Sa lahat halos ng lungsod sa bansa, ang Maynila ang
may pinakamaraming sasakyan.

Test II
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pang-uri.

1. pinakamalakas
2. lalong-mabisa
3. ubod ng yaman
4. di-gaanong mabigat
5. magkasinlinis
6. parehong matapang
7. ubod ng liit
8. maingat
9. higit na masaya
10. sobrang ganda
LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t
ibang uri ng teksto at napapalawak na
talasalitaan.
COMPETENCY: Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di-
pamilyar na salita sa pamamagitan ng pormal na
depinisyon.
CODE F6V-lIc-1.10

Test I
Panuto: Piliin ang kahulugan ng may salungguhit na salita o parirala
upang maging wasto ang ipinahahayag ng pangungusap.
Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Kinakatulong na si Ben ng kanyang ama sa pagsasaka kahit walong


taon pa lamang siya. Wala siyang panahon lumaboy katulad ng iba.
a. mag-aral b. gumala c. gumastos

2. Lubhang matulungin si Dan. Pangarap niyang makagawa ng kabutihan


sa lahat ng tao at tanghaling bayani ng lahi.
a. kilalang tao b. tanyag na tao c. mayamang tao

3. Halos hindi naabot ng mga tao ang liblib na baryo ng San Vicente.
a. Bilang b. tagong lugar c. malayo sa kabihasnan

4. Mabigat ang mga sako ng palay na nakakalat sa kanilang bakuran,


gayunpaman, isa-isang kinaladkad ang mga ito upang itago sa kanilang
kamalig.
a. Hinila ng paisa-isa b. binuhat ng paisa-isa c. isa-isang dinala

5. Parang hindi na humihinga at walang malay ang mamang nabundol ng


kotse.
a. tulog b. patay c. walang ulirat
Test II
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salita sa
Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B
1. naaliw a. tuwang-tuwa
2. uhay b. hangganan
3. simoy c. nalibang
4. malugod d. tangkay
5. duluhan e. ihip

Test III
Panuto: Basahing mabuti ang mga salita. Lagyan ng bilang na 1-4 ang
mga salita ayon sa
intensidad ng kahulugan.
1. tawa, ngiti, halakhak, hagikhik
_____,____,_____,______

2. pasigaw, pasabi, paanas, paatungal


_______,_____,______,_______

3. iyak, ngawa, lungkot, hikbi


_____,____,_____,_____

4. takot, sindak, hindik, gimbal


_______,_______,______,______

5. inis,dabog,galit, sigaw
_____,_____,______,_________
LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa
iba’tibang uri ng teksto at napapalawak ang
talasalitaan.

COMPETENCY: Nagagamit ang nakalarawang balangkas upang


maipakita ang nakalap na impormasyon o datos.

CODE: F6SS-IIc-8

Test I
Panuto: Basahin ang sanaysay at pagkatapos sagutin ang mga tanong.

Anak-mayaman si Dennis. Wala siyang ginawa sa buhay kundi


kumain, matulog, mag-aral maglaro ng chess at computer. Hatid-sundo siya sa
paaralan ng kanilang kotse. Kapag natatanaw niya mula sa kanilang sasakyan
ang mga mahihirap na iskwater, naitatanong niya sa sarili kung bakit may mga
nilalang na ganoon.Minsan, nasiraan ng kotse sina Dennis.Habang
kinukumpuni ang sasakyan, bumaba siya at lumapit sa dalawang batang
nagbubungkal ng basura. Kapag may nakitang anumang bagay na
pakikinabangan inilalagay nila ito sa kanilang kariton. Nakipagkaibigan siya sa
mga bata at nalaman niya sa mga ito kung bakit sila naghahanapbuhay, ano ang
hinahanap sa basurahan, saannaninirahan at marami pang bagay tungkol sa
kanilang pamumuhay.
Maraming natutuhan si Dennis tungkol sa katotohanan sa buhay.
Maya-maya pa nang natapos nang gawin ang kotse at paalis na sila mabilis na
iniabot ni Dennis ang kanyang naipong pera mula sa kanyang allowance sa
dalawang bata.
Nasabi niya sa kanyang sarili na “marami akong dapat ipagpasalamat
sa Diyos sa mga biyayang ibinigay niya sa akin at dapat lamang na ako’y
tumulong sa mga mahihirap paglaki ko”.

1. Ano ang naitatanong ni Dennis sa kanyang sarili kapag nakakakita siya


sa mga iskuwater?
a.Ano ang hinahanap ng mga bata sa baurahan.
b. Anu-ano ang dapat niyang ipagpasalamat sa Poong Maykapal
c. Kung bakit may mga taong salat ang pamumuhay.
d. Kung saan niya matatagpuan ang mga taong walang
hanapbuhay.

2. Ano ang paksang diwa na tinutukoy sa akda?


a. Isang anak na ibig matuto sa buhay.
b. Taong pinagpala sa lahat ng karangyaan sa buhay.
c. Batang mausisa sa mga nakikita niya sa paligid.
d. Isang anak-mayaman na may ginintuang puso.
3. Anong magandang katangian ang ipinakita ni Dennis sa akda?
a. Matulungin at maawain
b. Mabait at mayaman
c. Matalino at masunurin
d. Maunawain at mapagmasid

4. Batay sa pananalita ni Dennis, ano ang masasabi mo sa kanya?


a. Magalang
b. Mausisa
c. Matulungin
d. Maasikaso

5. Sa iyong palagay, ano maaring mangyari sa pagbibinata ni Dennis?


a. Magiging mapagkawanggawa siya sa mga taong kapus-palad.
b. Tutulong na siya samga gawaing bahay sakanilang tahanan.
c. Aampunin niya ang mga batang mahihirap sa kanilang lugar.
d. Pagtutuunan niya ng pansin ang kanilang kabuhayan at negosyo.

Test II
Panuto: Magtala ng limang pangyayari tungkol sa pangunahing tauhan
na matatagpuan sa binasang sanaysay. ( 5 puntos)
LEARNING CONTENT Naipamamalas ang kakayahan at tatas ng
pagsasalita sa pagpapahayag sariling
ideya,kaisipan, karanasan at damdamin.
COMPETENCY: Nakapagbibigay ng sariling solusyon sa
isang suliraning naobserbahan.

CODE F6PS-IId-9

Test I
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Paano mo sisimulan ang pagkilos upang hindi tuluyang masira ang mga
likas na yaman?
2. Ilarawan sa sariling pangungusap ang kalikasang bilang isang yaman.
3. Ano ang ginagawa mo sa basura?
4. Anu-ano ang maaring i-recycle na mga basura?
5. Anu-ano ang inyong gagawin upang mapanatiling malinis ang ating
kapaligiran?

Test II
Panuto: Sabihin ang iyong tungkulin iyong gagampanan batay sa mga
sumusunod na sitwasyon.
( 5 puntos bawat isa)

1. Nagkakalat ang mga bag na plastic sa iba’t ibang dako ng barangay.


Batid mo na hindi natutunaw o nabubulok ang plastic. Ano ang
gagawin mo sa plastik na nagkakalat?

2. Ang iyong kamag-aral ay hindi nagtatapon ng basura sa tamang


lalagyan. Hindi siya marunong maghiwalay ng basurang nabubulok at
di-nabubulok. Anong tulong ang maari mong ibigay sa kanya?
LEARNING CONTENT: Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin.

COMPETENCY: Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa


paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon.
CODE: F6OL-IIa-e-4

Test I

Panuto: Basahin ang sumusunod. Piliin at salungguhitan ang mga pang-uring


ginamit.

Ang Palawan ay isa sa pinakamalaking isla sa Pilipinas .Tinawag itong


Pala-una ng mga Tsinong unang dumating doon. Ang ibig sabihin ng Pala-una
ay magandang kanlungan (beautiful harbour). Nang dumating ang mga
Espanyol, ang mga pulo ay tinawag nilang Pananguna dahil sa anyo nitong tila
nakatikom na payong. Noong 1905, pinalitan ng mga Amerikano ang Pananguna
ng Palawan . Kakaunti pa ang mga tao sa Palawan maganda ang kapaligiran
nitong nahihiyasan ng mga likas na kayamanan. Ito’y itinuturing na paraiso ng
mga naninirahan dito.

Test II

Panuto: Sumulat ng isang paglalarawan “ Ang aming Pamayanan” . (5


puntos)
LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mga mapanuring pagbasa
sa iba’t ibang uri ng teksto at napapaunlad
ang talasalitaan.

COMPETENCY: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa


binasang talaarawan.
CODE: F6RC-IIdf-3.1.1

Test I
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot.

1. Ano ang isinulat ni Susan?


a. aklat b. dyaryo c. talaarawan

2. Ano ang inilalarawan sa kanyang talaarawan?


a. kuwento ng mga bayani b.pabula
c. mahalagang nangyari sa paaralan sa loob ng isang linggo

3. Ilang araw ng mga pangyayari ang nilalaman ng talaarawan?


a. dalawa b.tatlo c. lima

4. Kailan siya sumusulat ng kanyang talaarawan?


a. umaga b. tanghali c. gabi

5. Tungkol saan ang isinusulat ni Susan sa kanyang talaarawan?


a. Pagsusulit c. Pangyayari sa Maghapon
b. Palatuntunan

Test II
Panuto: Basahin ang sumusunod na talaarawan. Itala ang mga panggalan
at isulat ang uri nito. (5 puntos)

1. Marso 17, Biyernes


Kaarawan ko.Naghanda ng mga pagkain si nanay para sa
mga bisita ko. May dalang buwig ng saging ang tiyo kong galing sa
probinisya.Isang batalyon ang kaklase kong dumalo. Umaapaw ang
kasiyahan ko.

Test III
Panuto: Sumulat ng sariling talaarawan para sa isang lingo. Gamitin ang
mga pangngalang kongkreto, di-kongkreto, at lansakan.
(5 puntos)
LEARNING CONTENT: Naipamamlas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan,karanasan at damdamin.

COMPETENCY: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa


napakinggang pabula.

CODE: F6PN-IIa-g-3.1

Ang Leon at ang Lamok

Minsan, nagpapahinga ang isang malaking leon nang bigla na


lamang guluhin ito ng isang lamok.
“Umalis ka rito! Huwag mo akong abalahin sa aking pamamahinga,”
ang sabi ni Leon.
“Sino kang mag-uutos sa akin. Hindi ako tulad ng iba na takot sa iyo!
Hindi mo ako kayang saktan!” ang mayabang na sabi ng lamok.
Sa inis, pinaghahampas ng leon ang lamok, subalit hindi niya ito
matamaan. Sumunod ay pinagkakagat ng leon ang lamok, subalit hindi rin niya
ito matiyempuhan.
“Ha!Ha!Ha! ang tawa ng lamok. “Sabi ko sa’yo! Hindi mo ako kaya!
kaya’t hindi ako natatakot sa iyo,” ang patuloy pa nito.
Napahiya ang leon at umalis na lamang. Sa isip niya, hindi
matanggap na isang lamok lamang ang nagging katapat niya.
Samantala, patuloy sa pagtawa ang lamok habang lumilipad,kung
kaya’t hindi nito napansin ang isang sapot.
Huli na at hindi nakaiwas ang lamok. Nadikit ito sa sapot na bahay
ng gagamba.
At mula sa dulo ng sapot, lumapit na ang gagamba upang siya’y
kainin.

Test I:
Panuto: Bigkasin ang mga salitang hango sa binasang pabula. Piliin at
bilugan sa bawat pangkat ang tatlong salitang magkatugma.

1. abalahin, dagli, dalhin, akin


2. sapat, takot, salat, leon
3. nakaiwas, pahinga, gaganda, alaala
4. malaki, sinabi, langit, hinuli
5. iyo, nito, siya, ako
Test II
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Bakit nagalit ang leon sa lamok?


2. Ano ang ginawa ng leon upang makaganti siya sa lamok?
3. Bakit pinagtawanan lamang ng lamok ang leon?
4. Paano nakita ang kayabangan ng lamok?
5. Sa iyong palagay, tama ba na maparusahan din si Lamok.
Ipaliwanag .

Test III
Panuto: Bumuo ng sariling wakas ng pabula pagkatapos sagutin
ang tanong. (5 puntos)
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan
upang maunawaan ang iba’t ibang teksto.
COMPETENCY: Napagsunod sunod ang mga pangyayari
sa kuwento.
CODE F6RC-IIe-5.2

Test I:
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
titik ng tamang sagot.

Isang araw nagkaroon ng pagtatanghalan ng iba’t ibang gawaing kamay sa


bulwagan ng Mataa na Paaralang P. Burgos.Maraming mga bisita at tagahatol
ang dumalo.Sinuri at tiningnan nilang mabuti ang mga nakadisplay tungkol sa
iba’t ibang disenyo ng mga gawaing-kamay.Bawat isa sa kanila ay maykani-
kaniyang puna at papuring maririnig.
Nagkaroon ng ganitong usapan ang ilang batang mag-aaral.
“Wow! Kay galling naman ng taong gumawa nito.Makukulay at magaganda
ang mga palamuting ito dahil sa maayos na pagkakapinta,”puna ni Joel.
“Oo nga,ito ang iba’t ibang produkto ng kabibe,
pantalya,chandelier,chimes,butones at suklay,”wika ni Rina.Sa
katuwaan,hinawakan niya ang isang suklay ngunit ito ay nabitiwan niya,tuloy
napingasan ito.Ganoon na lamang ang takot ni Rina.
Agad namang dinampot ito ni Joel at ipinaalam niya sa tagapamahala ng
bulwagan.

1.Piliin ang tamang pagkakasunudsunod ng mga pangyayari sa kuwento.

1. Sumang-ayon si Rina sa papuri ni Joel sa mga gawaing-kamay.


2. Nagpapasok ng dolyar sa ating bansa ang mga gawaing-kamay.
3. Ang mga gawaing ito ay nagsisimula sa isang libangan at nauwi sa
isang hanapbuhay.
4. Nagkaroon ng pagtatanghal ng iba’t ibang gawaing-kamay sa
bulwagan ng paaralan.
5. Puring-puri ng isang mag-aaral ang mga magagandang palamuting
itinanghal.
A.3-5-1-2-4
B.3-4-2-1-5
C.3-2-4-5-1
D.3-1-2-4-5

2. Ano ang paksang diwang inilahad ng talataan?


A.Ang mga gawaing-kamay ang susi taong matiyaga.
B.Nasa mga gawaing-kamay ang pag-unlad ng isang tao.
C.Maraming mga gawaing-kamay ang nagpapayaman sa ating
bansa.
D.Ang mga gawaing-kamay ay isang libangang kapaki-pakinabang.

3.Ano ang mabuting katangiang ipinakita ni Joel?


A.Mapangpahalaga sa gawa ng iba.
B.Mapangmahal sa kanyang kamag-anak.
C.Mapagtanong na mag-aaral.
D.Mapagmalaki sa mga kaibigan.

4.Ano ang katangiang ipinamalas ni Joel nang sabihin niyang “Kay


galing naman ng taong gumawa nito,maganda at maayos ang
pagkakapinta.
A.Matalino
B.Makasining
C.Makabayan
D.Mapagmasid

5.Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng malaking pakinabang sa mga


gawaing- kamay?
A. Nagkakaroon ng iba’t ibang anyo ang mga gawaing kamay.
B. Nagpapalawak sa ating kaalaman
C. Nagpapaganda sa ating tahanan.
D. Nagpapaunlad sa ating ekonomiya.

Test II
Panuto: Isulat ang tamang pagkasunod-sunod ng mga sumusunod na
mga Gawain. (2 puntos bawat isa)

1. Pagkagising sa umaga

2. Pagluto ng kanin

3. Pagprito ng Isda

4. Paghugas ng plato

5. Paglaba ng damit
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan at tatas ng
Pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling
ideya,kaisipan, karanasan at damdamin.
COMPETENCY: Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksiyon
sa napakinggang balita, isyu at usapan.
CODE F6PS-lIf-i-1

TEST I
Panuto: Isulat sa sagutang papel O kung opinyon ang isinasaad ng
pangungusap at K kung katotohanan.
__________1. Pamahalaan ang dapat lumutas sa mga suliraning pampamilya.
_________2. Si Dr. Jose Rizal ang ating pambansang bayani.
_________3. Hindi hadlang ang kahirapan sa tagumpay ng isang tao.
_________4. Binubuo ng 7,107 na pulo ang Pilipinas.
_________5. Nagsisilbing modelo ang mga guro sa kanilang mga estudyante.

TEST II
Panuto: Magbigay ng sariling opinyon tungkolsa mga sumusunod na
pahayag.
1. Sama-samang paggawa tungo sap ag-unlad.
2. Pagpapahalaga sa edukasyon , susi sa kinabukasan .
3. Kabataan ang puno , siyang bunga.
4. Pagtitiis , may kapalit na tamis.
5. Pagtitiis, may kapalit na tamis .

TEST III
Panuto: Mag-isip ng isang balitang napakinggan sa telebesyon o radio .
Isulat ang iyong sariling opinyon batay sa balita.
LEARNING CONTENT: Napuunlad ang kakayahan sa pagsulat ng iba’t
ibang uri ng sulatin.

COMPETENCY: Nakasusulat ng sulating di-pormal.


CODE: F6PN-IIa-g-3.1

Test I
Panuto: Basahin at suriin ang pagkakabuo ng sulatin.Isulat muli nang
wasto ang talata. (5puntos)

Ang suliraning bumabalot sa ating mga Pilipino ay hindi ang kawalan


ng sariling pagkakakilanlan. Bilang isang bayan, ipinagmamalaki natin ang
ating mayamang kultura at kalinangan. Ang palasak sa ating lipunan ay ang
kawalan ng ng pambansang kamalayan ng bawat mamamayan. Ito’y mauugat
natin sa tatlong daang taong pananakop ng mga Espanyol at limang dekada
ng neokolonyalismo ng mga Amerikano. Sumilang ang bangong Pilipino na
walang pinaghahawakang malinaw na pananaw sa kinabukasan at
patutunguhan.

Test II
Panuto: Pumili ng dalawa sa m ga sumusunod na mga paksa at sumulat ng
sulating di- pormal (5 puntos bawat isa).

1. Mga Larong Pilipino

2. Sa Aming Paaralan

3. Ang Gusto Kong Karera

4. Bakasyon sa Probinsiya

5. Panonood ng Basketball
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin.

COMPETENCY: Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa


paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon.

CODE: F6L-IIf-j-5

Test I
Panuto: Magbigay nang mga pahambing at pasukdol na kaanyuan ang
mga sumusunod na mga pang-uring lantay.

Lantay Pahambing Pasukdol


1. maganda 1. 1.
2. matalino 2. 2.
3. pino 3. 3.
4. sagana 4. 4.
5. malaki 5. 5.

Test II
Panuto: Sumulat ng mga pangungusap tungkol sa mga sumusunod na
mga paksa gamit ang antas ng pang-uri na lantay,pahambing at pasukdol.

1. mga tao sa inyong barangay

2. iba’t ibang sasakyan sa inyong lugar

3. kahalagahan ng iba’t-ibang punongkahoy

4. mga kaugalian sa bansa

5. mga aklat na nabasa mo


LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan at talas sa
pagsasalita
sa pagpapapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan at damdamin.

COMPETENCY: Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pakikipag-


usap sa iba’t ibang sitwasyon.
CODE: F6L-IIf-j-5

Test I
Panuto: Ibigay ang angkop na pandiwa ayon sa pokus o paksa ng
pangungusap.

(kain) 1. ______ ng turon at minatamis na saging si Marta.


(balik) 2.________ na sa probinsiya ang pamilya ni Mang Kanor.
(galit) 3.________ang tatay sa anak na tamad.
(takbo) 4.________ ang mga bata sa palaruan.
(bili) 5.________kami kahapon ng ulam sa palengke.

Test II
Panuto: Isulat ang sarili mong karanasan sa pagpunta sa isang lugar na
hindi mo malilimutan. Gumamit at salungguhitan mga pandiwang
ginamit.

Test III
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pandiwa.

1. ikinalungkot
2. ipinagluto
3. pinagbihisan
4. pinuntahan
5. nagmadali
LEARNING CONTENT: Napapaunlad ang kasanayan sa pagsulat ng
iba’t ibang uri ng sulatin.
COMPETENCY: Nakasusulat ng liham pangangalakal

CODE: F6WC-II-h-2.3

Test I
Panuto: Sumulat ng liham na nag aaplay sa trabaho batay sa
sumusunod na mga patalastas. ( 5 puntos)

1. KUMITA TUWING MAGHAPON


- Mag-deliver ng mga produkto sa mga tindahan.
- Magaan lang ang trabaho.
- May bisiklita na gagamitin.

Test II
Panuto: Sumulat ng dalawang liham-pangangalakal batay sa mga
sumusunod na paksa. (5 puntos bawat isa)

1. Nag- aaplay ka sa pagpasok sa isang paaralan.

2. Sinulatan ka ng principal upang magpaalam sa paggamit ng inyong


auditorium para sa palabras ninyo sa Filipino.

3. Nais mong bumili ng mga halamang pantanim.

4. Nag aaplay kang maging isang tutor ng mga bata sa isang pamilya.

5. Pag order ng pagkain sa restawran.


LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t
ibang uri ng teksto at napapaunlad ang talasalitan.

COMPETENCY: Nabibigyang kahulugan ang tambalang salita.


CODE: F6V-IIi-4.3

Test I
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga sumusunod na
tambalang salita. Isulat ang titik ng bawat sagot.

Hanay A Hanay B

1. agaw-eksena a. magnanakaw
2. akyat-bahay b. mahirap
3. anak-araw c. anak-mahirap
4. bahay-aliwan d. mag-uumaga
5. anak-pawis e. aliwan ng mga lalaki
6. bahay-bata f. masipag
7. balat-sibuyas g.sobrang puti
8. bukang-liwayway h. sinapupunan
9. kayod-kalabaw i. agaw pansin o atensyon
10. hampas-lupa j. maputi

Test II
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na tambalang-
salita.

1. anak-pawis
2. balat-sibuyas
3. kayod-kalabaw
4. bahay-bata
5. agaw-eksena
LEARNING CONTENT : Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring
panonood ng iba’t ibang uri ng media.
COMPETENCY: Natutukoy ang layunin ng pinanood na pelikula.
CODE: F6VC-IIe-13

Happy Together

Matalik na magkaibigan sina Lian; hiwalay sa asawa’t may dalawang


anak sa magkaibang lalake at Osmond na isang bakla. Ideyal ang kanilang
pagkakaibigan kahit paminsan-minsa’y nagkakaroon sila ng tampuhan. Sa
mga problemang pinansyal ni Osmond, si Lian ang laging tumutulong sa
kanya sapagkat higit na nakaririwasa siya sa buhay. Nagkahiwalay silang
magkaibigan nang magpasya si Lian na manirahan sa ibang bansa kasama
ang dalawang anak. Nang magbalik sa bansa si Lian, nalaman niyang may-
sakit si Osmond. Siya ang nag-alaga sa kaibigan. Ibinuhos niya ang
panahon sa pag-aasikaso sa may sakit hanggang sa ito’y mamatay. Nang
tumanggap ng parangal si Lian dahil sa matagumpay nitong negosyo, si
Osmond ang taong kanyang pinaghandugan ng karangalang nakamit.
Kapuri-puri ang pagganap ng mga tauhang sina Kris Aquino at Eric
Quizon. Si Kris bilang mayaman ay talaga namang dalang-dala ang papel
na ginagampanan. Mula sa pag-aayos, pagsasalita at pananamit, kahit di
yata umarte ay iyon na talaga ang kanyang personalidad. Si Eric naman
bilang bakla, kuhang-kuha ang mga kilos at pananalita ng isang tunay na
bakla. Tilamsik ng mga daliri, kembot ng baywang, ekspresyon ng mukha
ang agad na tatatak sa iyong isipan, siya na yata ang tunay na tauhan.
Tama lamang ang dilim at liwanag ng mga ilaw. Umayon ito sa mga
eksenang kailangan nang madilim na mga tagpong malulungkot at
maliwanag sa mga tagpong masasaya.
8 Naging matagumpay ang pagkakabuo ng pelikula sapagkat natutukan
ang bawat bahagi mula sa maliliit hanggang mabibigat na eksena.
Masasabing napapanahon ang paksa ng pelikula sapagkat sa kalagayan
ng buhay sa ngayon, na karamihan na yata ay nagiging materyoso,
mayroon pa ring masasabing mga tunay na kaibigan, handang dumamay
sa oras ng pangangailangan at mananatiling tapat hanggang sa huli.
Magkaiba man ng kasarian, di hadlang upang maipakita ang wagas na
pagmamahalan ng pagkakaibigan.
Panuto: Piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat.

1. Matapos mabasa ang kuwento, nakadama ka ng:


a. pagkaawa
b. paghanga
c. pagkainggit
d. pag-iimbot

2. Nangyayari sa totoong buhay ang naganap sa pelikula samakatuwid, ito


ay masasabing
a. talambuhay
b. replika
c. kathang-buhay
d. makatotohanan

3. Naging malinaw ang paghahatid ng mensahe ng pelikula dahil sa


a. maigsing pagpapaliwanag ng mga detalye
b. maayos na pagkakasunud-sunod ng mga kaisipan
c. detalyado ang mga pangyayari
d. mahabang pagpapaliwanag ng mg konsepto

4. Sa kabuuan, ang mensahe ng pelikula ay tungkol sa


a. pagpapakasakit sa kapwa
b. pagtulong sa iba
c. pagiging tapat na kaibigan
d. pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba

5. Kung ibubuod ang ika-2 talata, ang pinakamalapit ay:


a. Inalagaan ni Lian si Osmond nang magkasakit ang kaibigan.
Inihandog niya ang karangalang natanggap sa alaala ng yumaong si
Osmond.
b. Nagbalik si Lian sa Pilipinas upang alagaan ang may-sakit na
kaibigan. Hindi niya ito iniwan hanggang sa mamatay. Inihandog niya ang
karangalang nakamit sa kaibigan upang maipakita ag taos-puso niyang
pagmamahal.
c. Bumalik sa Pilipinas si Lian. Sa habag sa kaibigang may-sakit na
si Osmond, hindi niya ito iniwan. Namatay si Osmond na maligaya. At
nang tumanggap ng karangalan si Lian, inihandog niya ito sa kaibigang si
Osmond.
d. Namatay si Osmond kaya nang parangalan si Lian, ang parangal
ay inihandog niya sa kaibigang si Osmond.
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan
upang maunawaan ang iba’t
ibang teksto.
COMPETENCY: Nabibigyang kahulugan at nakagagawa ng
graph para sa mga
impormasyong nakalap.
CODE F6SS- IIh-9

Test I
Panuto: Gumawa ng graph sa pamamagitan ng mga sumsunod na
impormasyon.
Mga Rehiyon ng Pilipinas ( 5 puntos)

Katoliko 83%

Protestante 9%

Islam 5%

Iba pa 3%

Test II
Panuto: Pag-aralan ang graph sa ibaba at sagutin ang mga tanong
kaugnay nito.
Buwanang Badyet ng mag-aaral sa Ikaanim na Baitang

Mga gamit sa
Paaralan 40% Ipon 5%
Damit 15%
Pagkain 30%

Libangan 10%
1. Tungkol saan ang graph? _________________________
2. Anong bahagi ng badyet ang nakakuha ng malaking bahagdan?
3. Anong bahagdan ang nakuha ng aklat, papel, magazine at iba pang
gamit sa paaralan/
4. Anong bahagdan ang nakuha ng pagkain?
5. Anong bahagi ng badyet ang pinakamaliit?

Test III
Panuto: Gumawa ng buwanang badyet ng inyong pamilya at isang
graph na bumubuo nito. (5 puntos)
LEARNING CONTENT: Napapaunlad ang kasanayan sa pagsulat ng
iba’t ibang uri ng sulatin.
COMPETENCY: Nakasusulat ng panuto.
CODE F6WC-IIi-2.11

Test I
Panuto: Sumulat ng mga panuto sa mga sumusunod na sitwasyon.
(2 puntos bawat isa)

1. Pagtawid sa kalsada

2. Pakikinig at pagsunod sa guro

3. Pagbabasa sa loob ng silid-aklatan

4. Sa loob ng simbahan

5. Sa isang parke

Test II
Panuto: Gumawa ng panuto tungkol sa “ May Malakas na Bagyong
Paparating”. Isulat sa sagutang papel. (5 puntos)
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-
unawa sa napakinggan
COMPETENCY: Naibibigay ang paksa ng napakinggang teksto
CODE: F6PN-IIId-19

Test I: Pakinggan ang sanaysay ng mabuti. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
1. Tungkol saan ang kuwento?
a. Mabuting samahan ng mga tutubi at mga matsing
b. Pagmamalanbis ng mga matsing
c. Labanan ng mga tutubi at mga matsing
2. Ano-ano ang katangiang makapaglalarawan sa mga tauhan?
a. Matatalino ang mga tutubi;dangal ang mga matsing
b. Malalakas ang mga tutubi; mabibils i ang mga tutubi
c. Kapwa matatalino, malalakas, mabibilis ang mga matsing at tutubi
3. Ano ang ankop na pamagat para sa kuwento?
a. Ang mga tutubi at ang mga matsing
b. Hangal na matsing
c. Ang mga malalakas at ang mahihina
4. Ano ang pangunahing kaisipan sa kuwento?
a. Malakas na at magaling, kung di pag-isipan ang wastong gamit at paraan, ay
wala ring halaga
b. Nasa kaliitan ang tagumpay
c. Patas lamang ang laban, malaki o maliit man
5. Ano sa palagay mo ang nagpapalakas ng loob ng mga tutubi na makipaglaban sa
mga matsing?
a. Alam nilang malaki man ang mga matsing, mga bobo naman ang mga itp
b. Alam nilang sila’y makatitipid
c. Marunong silang umisip ng paraan

Test II: Ayusin ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga ito.
Gumamit ng mga titik a hanggang e.
_________ 1. Natapos ang labanang nakabuwal lahat ang lito at duguang matsing.
_________ 2. Iniutos ng pinunong matsing, “Pukpukin ang makitang tutubi”.
_________ 3. Ang mga matsing ay pukpok dito, pukpok doon ang ginawa sa ulo ng kapwa
matsing samantalang ang mga tutubi namn ay lipad-dapo, lipad-dapo sa mga
matsing.
_________ 4. Nagkaroon ng labanan ang mga matsing at mga tutubi.
_________ 5. Iniutos nman ng pinunong tutubi matapos marining ang utos ng mga
matsing.
Dapo sa ulo ng matsing, pag may panganib lipad agad.

Test III: Basahin at intindihin mabuti ang katanungan.


1. Anong aral ang nakuha sa kuwentong binasa? (5 puntos)
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.
COMPETENCY: Nagagamit ang iba’t-ibang salita bilang pang-uri at pang-abay sa
pagpapahayag ng sariling ideya.
CODE: F6WG-IIId-f-9

Test I: Isulat ang panaguri na angkop sa bawat pangungusap.


1. Ang __________ na iskwater sa Tondo ay binigyan ng tulong ng pamahalaan.
2. Naging _________ ang kanilang kabuhyan sa pagtratrabaho.
3. Ang mga anak nila ay ______ at pumapasok na sa paaralan.
4. __________ na sila ngayon sa pag-aaral.
5. Kahit _____ sila ay natututuo nang magsikap sa buhay.

Test II: Gawing pang-uri ang sumusunod na mga salita sa pamamagitan ng panlapi,
pag- uulit, o pagtatambal.
1. Tulog 3. Saya 5. Saya
2. Bahay 4. Laki

Test III: Isulat ang angkop na pang-abay sa pangungusap at ibigay ang uri nito kung
pamaraan, panlunan o pamanahon.
1. Umalis _______ ang tatay patungo sa Cebu.
2. Nilinis niyang ________ ang kaniyang silid
3. Naglalaro _________ ang mga mag-aaral.
4. Abalang naglilinis _________ ang mga tao.
5. _____ nagpapasalamat ang bata sa pulis na tumulong sa kaniya.
LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagabsa sa iba’t-ibang uri ng
teksto at mapalalawak ang talasalitaan
COMPETENCY: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang ulat
CODE: F6PB-llld-3.1.2

Test I: Basahin at intindihin ng mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
1. Tuwing Pista sa Parañaque ang Sunduan ay kanilang binubuhya. Ang ibig sabihin
ng binubuhay ay _______.
2. Ano ang kahulugan ng kasiya-siya?
a. Di-kapani paniwalang ugali
b. Di-kanais-nais na ugali
c. Kapita-pitagang ugali
d. Kaaya-ayang ugali
3. Tungkol saan ang ulat?
a. Pagdiriwang ng pista
b. Paggamit sa Sunduan
c. Pagpili ng kasali sa Sunduan
d. Pagsasalo-salo ng dalaga at binata
4. Ano ang dahilan kung bakit nais ng dalaga at binata na makasali sa Sunduan?
a. Para makilala at maging tanyag
b. May malaking gantimpala
c. May masaganang salu-salo at musiko
5. Ano ang batayan para makasali sa Sunduan? Ayon sa ______.
a. Laki ng ambag sa pista
b. Kagustuhan ng komite
c. Ugali at kagandahan
d. Kasuotan at kakisigan

Test II: Basahin ng mabuti ang bawat pangungusap.; isulat sa patlang ang T kung
tamang impormasyon ang isinasaas nito at M kung hindi tama.
______ 1. Nagmula ang sunduan sa kaugaliang hindi umaalis sa bahay ang dalaga nang
nag-iisa.
______ 2. May namamahala sa komite sa mga gawain at pagtatanghal.
______ 3. Kahit sino puwede sumali sa pagdiriwang na ito.
______ 4. Naghahanda sila ng masaganang salu-salo bilang pagatatapos ng pagdiriwang
na
ito.
______ 5. Isang karangalan para sa mga dalaga at binata ang mapabilang sa Sunduan.

Test III: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong.


1. Dapat bang ipagpatuloy ang ganitong pagdiriwang? ( 5 puntos)
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang iba’t-ibang kasanayan upang maunawaan
ang iba’t-ibang teksto
COMPETENCY: Nakapagtatala ng mga datos mula sa binasang teksto
CODE: F6EP-llld-10

Test I: Pag-aralan ang talaan ng nilalaman at sagutin ang mga tanong.

Pamagat Dahon
Kapuluan ng Mindanao ------------------------------------ 6
Ang mga Pulo sa Bisayas ----------------------------------- 10
Magagandang Tanawin ng Kanlurang Bisayas -------- 15
Ang Maunlad na NCR --------------------------------------- 22

1. Anong mga kaalaman ang mababasa mo sa mga pahinang 10-14?


a. Kapuluan ng Mindanao
b. Ang mga Pulo sa Bisayas
c. Magagandang Tanawin sa Kanlurang Bisayas
d. Ang Maunlad na NCR
2. Gusto mong malaman ang kaugalian ng mga kapatid nating Muslim. Sa anong
pamagat ka dapat tumingin?
a. Kapuluan ng Mindanao
b. Ang mga Pulo sa Bisayas
c. Magagandang Tanawin sa Kanlurang Bisayas
d. Ang Maunlad na NCR
3. Gusto mong malaman ang mga makabagong kalakaran sa National Capital Region.
Anong pahina ang dapat mong mabasa?
a. 6 b. 10 c. 15 d. 22
4. Gusto mong mabasa ang mga kalakaran sa maunlad na lungsod ng Cebu. Aling
pamagat ang tutunghayan mo?
a. Kapuluan ng Mindanao
b. Ang mga Pulo sa Bisayas
c. Magagandang Tanawin sa Kanlurang Bisayas
d. Ang Maunlad na NCR

5. Anong bahagi ng aklat ang iyong titingnan kung gusto mong malaman ang mga
aralin.
a. Talatuntunan
b. Talaan ng nilalaman
c. Paunang pahina
d. pabalat
Test II: Isulat sa patlang ang angkop na salita na bubuo sa pangungusap.
1. Ito ay ________ na bahagi ng aklat na nagtataglay ng talaan at pahina ng paksa at
pamagat ng kuwento.
2. _________ ng pahina na titingnan mo kung nais mong malaman ang kahulugan ng
salita.
3. _________ bahagi ng aklat na nakikita ang pangalan ng may-akda.
4. Ang opinyon ng editor ay ipinapahayag o nababasa sa ______ bahagi ng
pahayagan.
5. Kung ang balita naman tungkol sa palitan ng dolyar at piso, ito ay mababasa mo sa
________.

Test III: Basahin at unawaing mabuti ang tanong.


Dapat bang malaman natin ang bawat nilalaman ng aklat na ating gagamitin sa paaralan?
(5puntos)
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-
unawa sa napakinggan
COMPETENCY: Naibibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan
CODE: F6PN-IIIe-19

Test I: Pakinggan ang maikling talata sa tsart. Gumawa ng isang lagom o buod.

Ang Kalori

Ang kalori ang “gasolina” ng katawan ng tao. Ang init nito ay siyang nagpapagalaw sa
isang tao para kumilos at gumawa.

Ang kalori ay nakukuha sa mga pagkaing kinakain sa araw-araw tulad ng prutas_


abokado, saging, mais, karne- baka, baboy, manok, gulay-repolyo, talong, labanos, at iba
pang pagkain tulad ng kanin, tinapay, mantikilya, keso, tsokolate, gatas, sorbetes at mami.

Kailangang-kailangan ito lalo na ng mga bata para sa kanilang paglusog at paglaki. Sa


mga matatanda sapat lang ang kailanagan sapagkat ang labis na kalori ay magbibigay ng
labis na taba.

Ang dami ng kalori na kailangan ng isang tao ay ibinabatay sa kanyang gulang, sa uri ng
kanyang gawain, sa kanyang timbang at kanyang kasarian.

Test II: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang T kung
tamang impormasyon at M kung hindi tama.

1. Ang init ng kalori ay siyang nagpapagalaw sa isang tao para kumilos at gumalaw.
2. Ang kalori ay makukuha sa pag-eehersisyo.
3. Mayaman sa kalori ang mga pagkaing tulad ng prutas-abokado, saging, mais,
karne, baboy,manok.
4. Kailangang-kailangan ang kalori sa ating katawan.
5. Kailangan madami ang kalori ng bawat tao.

Test III: Basahin at unawaing mabuti ang tanong.

Isalaysay muli sa inyong sariling pananalita ang tekstong “Ang Kalori” (5 puntos)
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang iba’t-ibang kasanayn upang maunawaan ang
iba’t-ibang kasanyan upang maunawaan ang iba’t-ibang teksto
COMPETENCY: Nagagamit ang iba’t-ibang bahagi ng pahayagan ayon sa
pangangailangan
CODE: F6EP-llle-7.1

Test I: isulat sa puwang sa unahan ng bawat salita sa Hanay A ang titik ng


kasingkahulugan nito sa Hanay B.
Hanay A Hanay B
_______ 1. Pinagbabadya a. pangalang tudling
_______ 2. Editoryal b. isang paksang may dalawang panig
_______ 3. Kaganapan c. opinyon
_______ 4. Isyu d. pangyayari
_______ 5. Haka-haka e. pangyayari

Test II: Sabihin kung aling bahagi ng pahayagan ang babasahin.


1. Ako ay ang _______
Basahin mo ako
Ika’y matutuo
Ika’y maalo
2. Ang ____
Sa akin ay tawag
Pangunahing balita
Aking inihahayag
3. Sa ______ naman
Ang iyong malalaman
Opinyon at pananaw
Sa isyung mahalaga
4. Ang ________
Sa isyu rin tungkol
Kayalang sa guhit
Ito ipinababatid
5. Kung gusto naman
Dyaryo ay may puwang
Tungkol sa ibang bansa

Test III: Suriing mabuti ang tanong bago sagutan

1. Ayon sa aralin tungkol sa paggamit ng iba’t-ibang bahagi ng pahayagan. Lahat ba


ng mga bahaging ito ay mahalaga? (5 puntos)
LEARNING CONTENT: Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t-ibang uri ng
sulatin.
COMPETENCY: Nakasusulat ng tula
CODE: F6PU-lll

Test I: Piliin ang pinakamalapit na diwa o kaisipang inihahatid ng bawat taludtod ng


tula. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ako’y kabataang lalang sa panahon
Ng pakikisangkot tungo sa pagsulong
a. Ang mga kabataan ay nakikisangkot sa mga kaguluhan dahil sa impluwensya ng
panahon
b. Ang mga kabataan ay nakikiisa sa mga gawain tungo sa pag-unlad ng bansa
2. May talinong taglay, diwa’y nag-iisip
Kung ano ang dapat, mabuti’t matuwid
a. Ginagamit ng mga kabataan ang kanilang talino para sa mabuti
b. Ang talino ay mabuti para sa mga ginagawa ng kabataan
3. Pagka’t kasipaga’y puhunan tuwina
Sa mga paggawa at pakikibaka
a. Kailangan ang sipag sa paggawa
b. Kailangang may puhunan sa paggawa
4. Mga biyayang handog ng wastong paglingap
Bunga ng tiyaga’t mga pagsisikap
a. Dapat magsikap sa tuwina
b. Ang mga kapakinabangang bigay ng kalikasan ay dulot ng ating tamang
pangangalaga nito
5. Ako’y kabataang may isang mithiin
Kalikasan natin ay muling buhayin
a. Pangarap ng kabataan n amapanumbalik ang napabyaang kalikasan
b. Pangarap ng kabataan na buhayin ang mga puno sa kapaligiran

Test II: Basahin at intindihin mabuti ang bawat katanungan.


A. Ilarawan ang bahagi ng tula na naibigan mo ( 5puntos)
B. Magbigay ng mga mungkahing paraan upang makatulong ang kabataang tulad mo
sa pag-aalaga ng kalikasan at sa pag-unlad ng bansa. (5 puntos_
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-
unawa sa napakinggan
COMPETENCY: Nabibigyang kahulugan ang kilos ngg mga tauhan sa
napakinggang kuwento
CODE: F6PN-lll-19
Test I: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
1. Bakit kinatutuwaan ng marami ang bata si Thor?
a. Siya ay nagtratrabaho sa buong magdamag.
b. Siya ay masipag at marunong maghanapbuhay.
c. Siya ay matiisin sa mga bagay na dinaranas niya
d. Siya ay matiyagang sumusunod sa mga bagay na ipang-uutos sa kanya
2. Paano narating ni Thor ang kanyang tagumpay sa buhay?
a. Nag-ipon siya ng maraming pera
b. Marami ang nasiyahang mga kapitbahay sa kanya
c. Ibayong sipag at tiyaga ang naging puhunan niya
d. Lahat ng mapaghahanapbuhayan ang knyang pinasok
3. Ano ang pangunahing kaisipan ng talataan?
a. Ang kahirapan ay di hadlang upang ikaw ay magtagumpay
b. Ang pera ay batayan ng pagkakaroon ng yaman ng tao
c. Ang likas na kasipagan ay isang inspirasyon
d. Ang suwerte kapag dumating ay dapat huwag palampasin
4. Anong magandang katangian ang ipinamalas ni Thor at naabot niya ang tagumpay
sa buhay?
a. Kasipagan at matiisin
b. Tamad at mahirap makaunawa
c. Magalang at masunurin
d. Mabait at mapagkakatiwalaan
5. Paano ni Thor nakamit ang tagumpay?
a. Namasukan siya bilang katulong
b. Pinag-aral siya ng libre
c. Naging masipag siya sa pagtratrabaho
d. Naging iskolar siya sa paaralang kanyang pinasukan
Test II: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang T kung
tamang impormasyon ang isinasaad nito at M kung mali.
1. Si Thor ay kinatutuwaan ng lahat. ________
2. Likas sa kanya ang kasipagan at pagkamatiisin. ______
3. Nag-aaral siya nang libre kaya natapos siya ng kurso.
4. Ang kahirapan para kay Thor ay hindi hadlang upang makamit ang tagumpay.
_____
5. Nakapagtapos si Thor sa kanyang pag-aaral. _______
Test III: Unawaing mabuti ang tanong. ( 5 puntos)
Kung ikaw si Thor, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Isulat sa isang talata ang sagot na
binubuo ng 15-20 na mga salita.
LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng
teksto at napalalawak ang talasalitaan
COMPETENCY: Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di pamilyar na salita sa
pamamagitan ng halimbawa
CODE: FuPT-lllf-1.13

Test I: Basahin at intindihin ang sumusunod na pangungusap. Hanapin sa Hanay B ang


kahulugan ng mga salitang di-pamilyar sa Hanay A. piliin ang titik ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin. a. nagtago sa kaulapan
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin b. nadama ang malamig na
hangin
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap c. gumagalaw ang dahon sa pag-
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ihip ng hangin
ng hangin d. kumikinang o nagliliwanag ang
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap mga bituin sa langit

Test II: Piliin ang titik na may tamang kahulugan ng salitang pamilyar o salitang di-
pamilyar
1. Ano ang wastong kahulugan ng “hanggang tenga na ngiti”?
a. Ubod na kasiyahan ang nararamdaman
b. Napunit ang mga labi
c. Malaki ang tenga
2. Smart at makabago ang ate ko.
a. Magilas ang tindig
b. Matalim magsalita
c. Malakas ang tinig
d. Magalang magsalita
3. “Oh my God! Ang naibulalas ko.
a. Aba! Panginoon ko!
b. Diyos na maawain!
c. Por Diyos por Santo!
d. O Diyos ko!
4. Iba-ibang grupo ng mang-aawit ang dumalo.
a. Yunit
b. Pangkat
c. Angkan
d. Kombo
5. “I don’t care! Ang sabi niya sabay kibit ng balikat.
a. Hindi ako nag-aalala
b. Balewala sa akin
c. Wala akong gusto
d. Hindi ko ito ginusto.
Test III: Ibigay ang kahulugan ng mga salita sa ibaba.
1. Napabantog
2. Ibinuhos ang kaluluwa at diwa
3. Magugugol
4. Nababalam
5. Noli Me Tangere
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.
COMPETENCY: Nagagamit ang mga magagalang na pananalita sa ibat’-ibang
sitwasyon-pagpapahayag ng ideya
CODE: F6P5-lllf-12.19

Test I: Sagutin ang sumusunod. Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Pinabibitbit ka ng iyong guro ng bag pauwi. Mabigat din ang bag mong dala, paano
mo ito sasabihin sa kanya sa magalang na paraan?
a. Ayaw ko, ang bigat-bigat ng bag ko.
b. Hindi mo siya pakikinggan
c. Ipabibitbit mo sa iba ang bag ng guro
d. Bibitbitin mo kahit napakabigat na ang dala mo
2. Nakaupo ka ng maayos sa bus. May sumakay na matanda at wala ng bakanteng
upuan para sa kanya. Ano ang gagawin mo?
a. Pababayaan ko lang siya
b. Ipauubaya ko sa kanya ang upuan
c. Patatayuin ko ang isang tao para ibigay sa matanda ang kaniyang upuan
d. Ipipikit ko ang aking mata para hindi ko siya makita
3. Maagang umalis ang nanay mo. Dahil ikaw ang panganay, ibinilin niya ang ibang
gawaing bahay. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi ko gagawin ang ipinagbilin niya.
b. Kakausapin ko ang bunso kong kapatid na magtulungan kami
c. Ipamamahagi ko ang mga gawain sa mga kapatid ko
d. Babalewalain ko kung anuman ang inihabilin ng nanay
4. Umalis ang nanay. iniwan sa iyo ang iyong bunsong kapatid. Umiyak ng umiyak ito.
Ano ang gagawin mo?
a. Titingnan ko kung basa ito, at at pakakainin ko baka gutom
b. Ihahatid ko sa kapitbahay
c. Pababayaan kong umiyak ito
d. Papaluin ko ito upang tumigil sa pag-iyak
5. Naranasan mong suklian ka ng sobra ng tindahan na binilhan mo ng tinapay. Ano
ang gagawin mo?
a. Isasauli ko ang sukli
b. Mananahimik ako upang walang makaalam
c. Ibibili ko ito agad upang hindi mabawi
d. Magpapasalamat ako
Test II: Isulat sa patlang ang angkop na magalang na pananalita para mabuo ang
pangungusap.
1. Maari __________ ako pumunta sa inyo bukas?
2. _____ ang tawag ko sa aking nakatatandang kapatid na babae.
3. _________ ang bati ko sa aking ninong ng makasalubong ko siya kagabi.
4. Binigyan ako ng regalo ng kapatid ko noong pasko, _____ sa inyo ang sabi ko sa
kanya.
5. _______, saan bang aklat makikita ang assignment na ito?

Test III: Basahin ng mabuti ang tanong. (5 puntos)


Kailangan ba nating gumamit ng magagalang na pananlita sa pakikipag-sap sa mga tao?
Bakit? Isulat ito sa isang talata ang sagot na binuo ng 15-20 ng mga salita.
LEARNING CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng
teksto
COMPETENCY: Nakapagbibigay ng sariling hinuha bago, habang at matapos ang
pagbasa
CODE: F6PB-lllf-24
Test I: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong ukol dito.

Paghusayan mo ang pagtakbo, Carlo. Ikaw lamang ang maaring magbigay ng


karangalan sa ating paaralan.

Bago dumating ang palighsahan, si Carlo ay nagpraktis nang mabuti. Dumating ang
araw ng paligsahan.

Isa…dalawa…tatlo! Bang!

Nangunguna si Carlo! Bilisan mo pa Carlo, sigaw ng kanyang mga kaklase”. Binilisan pa


nga ni Carlo, ngunit ano’t bigla siyang natabig ng isang malaking kalahok na ikinadapa
niya. Natalo si Carlo sa paligsahan.

“Talagang ganyan, Carllo”, alo ng kanyang guro. Hindi mo pa lang panahon”. Kahit
natalo siya nakuha pa rin ni Carlong ngumiti at bumati sa mga nananalo.
1. Anong pag-uugali ang ipinakita ni Carlo sa kanyang pagtakbo sa paligsahan?
a. Maginoo b. matalino c. matapang d. masunurin
2. Sa pag-alo ng kanyang guro kay Carlo, ipinakita niyang siya ay
a. Mahusay magsalita
b. Matiyagang tagapagsanay
c. Masunuring tagapagturo
d. Mahinahong magpasiya
3. Bakit nakuha pang ngumiti ni Carlo kahit natalo siya sa paligsahan?
a. Pinayuhan siya ng guro
b. Di masama ang loob niya
c. Di siya nagsisi sa nangyari
d. Isport siya
4. Batay sa pagsasalaysay, ano ang maaring maging kalabasan ng pangyayari dahil sa
pagkatalo niya?
a. Di na siyang maglalarong muli
b. Magsasanay pa siyang mabuti
c. Poprotektahan niya ang sarili para di matabig
d. Di na siya paglalaruing muli
5. Ano ang kaisipang inihatid ng kuwento?
a. Ang pag-asang manalo ng isang kalahok sa paligsahan
b. Ang pagsali ng kalahok sa isang palaro sa paaralan
c. Ang pagbibigay ng suporta ng mga guro at kamag-aral
d. Ang pagtanggap ng pagkatalo na maluwag sa iyong kalooban
Test II: Hanapin sa hanay B ang tugmang sagot sa hanay A. isulat ang titik nang
tamang sagot.
Hanay A Hanay B
1. Mga gawain ni Carlo upang maging handa a. ang kanyang guro
sa laban. b. masipag
2. Nag-alo kay Carlo kaya’t natanggap niya c. natanggap niya ang pagkatalo
ang pagkatalo d. natabig siya ng isang kalahok
3. Natalo si Carlo e. nagpraktis ng mabuti
4. Katangian ni Carlo na dapat tularan f. mga kaklase

5. Bunga ng pagiging mabait ni Carlo

Test III: Suriing mabuti ang tanong bago sagutin.

Ayon sa kuwentong binasa, bakit dapat tularan si Carlo (5 puntos)


LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-
unawa sa napakinggan
COMPETENCY: Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa napakinggang talata.
CODE: F6PN-lllg-19

Test I: Pakinggang mabuti ang balita at sagutin ang mga tanong.

Sa oras ng pangangailangan, ang Diyos ay hindi nagkakait ng tulong.


Ang pananalig sa kanya ay nagdudulot ng kaligtasan. Ipinakita ni G. Resos
ang buo ng kanyang pananalig sa Diyos kaya siya’y nabigo. Niligtas ang
kanyang mag-ina sa isang trahedya.

1. Alin ang nararapat na pamagat ng talatang nasa itaas?


a. Isang trahedya c. Sa oras ng pngangailangan
b. Si Ginoong Resos d. Pananalig sa Diyos
2. Kung ang isang tao nanalig sa Diyos, kanyang makakamtan ang ______.
a. Kayamanan c. Kabiguan
b. Trahedya d. Kaligtasan
3. Sa oras ng ating pangngailangan, sino ang palaging handang tumulong sa atin?
a. Bathala c. Embahador
b. Madre d. Diyos
4. Saan matatagpuan ang negatibong pahayag?
a. Unang pahayag c. Ikatlong pahayag
b. Ikalawang pahayag d. Ikaapat na pahayag
5. Ano ang angkop na wakas ng balita?
a. Nakaligtas sa isang trahedya c. Pagpapakita ng pananalig sa Diyos
b. Nagalit ang Diyos d. Pagkakait ng tulong

Test II: Basahin ang mga talata. Ibigay ang angkop na pamagat nito.
1. Nang ipatapon si Jose Rizal ng mga Espanyol sa Dapitan ipinangako niya sa
gobernador-heneral na hindi siya tatakas. Isang araw, hinikayat siya ni Pio
Valenzuela na tumakas ngunit tumanggi si Jose Rizal at sinabing nakapagbitiw na
siya ng pangako sa isang pinunong Espanyol na kailanma’y di siya tatakas.
2. Nang sumiklab ang himagsikan noong 1896, inalok ni Teresa Magbanua ang
kanyang paglilingkod kay Heneral Perfecto Pablador. Tinanggihan siya ng Heneral
noong una pagkat ayon sa kanya, ang pakikihamok sa digmaan ay para sa lalaki
lamang. “Ang babae naman ay maaring maging tagapagtanggol ng bayan,”
matatag na wika ni Teresa. Napahinuhod ang heneral na ibilang siya sa hukbong
lalaban sa himagsikan.
3. Ang karaniwang sipon ay umaapekto sa katawan. Nagsisimula ito sa baradong
paghinga at pangangati ng lalamunan. Sa bandang huli, maari rin ito bumaba sa
baga at puso.
4. Madaling makapasok ang virus ng karamdamang ito sa katawang may mahinang
resistensiya.
5. Ang pagkakroon ng malusog na pangangatawan ang pinakamahalaga upang
maiwasan ang sipon at iba pang uri ng sakit. Magagawa ito sa pamamagitan ng
pagkain ng puntos, gulay, at pag-inom ng maraming tubig.

Test III: Basahin ang tugma/tula. Isulat ang angkop na pamagat nito ( 5 puntos)

Bayani raw ako sabi ng titser ko


Kung tapat kung ginagawa ang tungkulin ko
Sa Diyos, sa bayan at sa kapwa ko
Sa lahat ng oras tutulong ako

Bayani raw ako sabi ng titser ko


Kung tama ang ginagawa at iniisip ko
At lumalayo sa masamang bisyo
Na sisira sa buhay at sa bayan ko
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang iba’t-ibang kasanyan upang maunawaan ang
ibat’t-ibang teksto
COMPETENCY: Nakakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na
pagbasa
CODE: F6EP-lllg-ll

Test I: Basahin ng pahapyaw ang kuwentong Ang Bantayog ni Rizal sa Dapitan.


Ipatukoy nang sunod-sunod ang mga pangunahing diwang bumubo sa kuwento.
_________ kumikilos agad si Rizal at tumuklas ng makina na nakagagawa ng 6,000 sa
isang
Araw
_________ nagsiyasat siya at napag-alaman na may isang bukal sa magkalapit bundok
_________ nakatutulong siya sa paggawa ang mga taong bayan at nang matapos, ang
daluyan ng tubig ay binubuo ng mga tisa o largo na nilagyan ng takip sa ibabaw.
_________ dahil sa sikap at talino ni Rizal, nakagawa siya ng mapagkukunan ng malinisna
tubig na hindi na kailangan pakuluan.
_________ nagpatayo si Rizal ng fountain na may ulo at tinawag na “Fuente de Nuestra
Señora del Carmen.

Test II: Basahin at unawain ang teksto. Punan ng wasto salita ang pangungusap.
1. Ang mga Igorot ay naniniwala sa ________.
2. Maibigin sila sa kapwa dahil __________.
3. Nagdaraos sila ng Canao bilang ________.
4. Nag-aalay ang mga Igorot ng ________.
5. Naghahanda ang mga babae ng __________.

Test III: Basahin ang kuwento “Si Bani at ang Mangkukulam”. Pagkatapos, sagutin ang
mga tanong.
1. Ano ang kinatatakutan sa isang maliit na naga?
2. Sino si Bani? Paano siya kakaiba sa kapwa bata?
3. Ano ang madalas gawin ni Bani sa kuweba?
4. Paano ba si Bani nakarating sa kuweba?
5. Sino ang mahiwagang paruparo?
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin
COMPETENCY: Nagagamit ng wasto ang mga pangtnig
CODE: F6WG-lllg-ll

Test I: Piliin ang wastong pangatnig upang mabuo ang kaisipan ng pangungusap.
1. Kilala siya sa bayan ___ sila ay dukha lamang.
a. Kahit b. kaya c. saka d. pati
2. _________ hindi ka sasama, magagalit ako sa iyo.
a. Kaya b. habang c. kung d. nang
3. Tiyak na uunlad pa ang inyong buhay _____ magsikap ka.
a. Kundi b. kapag c. upang d. at
4. __________ ba ikaw nag-aalaga na rin ang bibe?
a. Pati b. dahil c. saka d. pag
5. Nais naming mag-alaga ng baboy ______ walang lugar sa aming bakuran.
a. Sapagkat b. subalit c. kung d. saka

Test II: Lagyan ng angkop na pangatnig ang sumusunod na pangungusap.


1. Sundin mo ang payo ng iyong mga magulang ______ maging maganda ang iyong
kinabukasan.
2. Walang pagkakamaling hindi maitutuwid ________ ikaw ay nagsisisi.
3. Maginhawa ang buhay ng maliit na pamilya______ ang pamumuhay ng malaking
pamilya.
4. Madaling natatapos ang mahirap na gawain _______ bawat isa ay nagtutulong-
tulong.
5. Matagal na siyang naghihintay ________ hindi pa dumarating ang kaibigan.

Test III: Basahin ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang pangatnig na ginamit.
1. Aalis ka ba o maghihintay ka sa akin?
2. Nagtatanim sa bukid ang mga tao kung panahon ng tag-ulan.
3. Hindi siya nakarating sa klase dahil umuulan.
4. Magiging maunlad ang bansa kung walang alitan.
5. Tumutulong ang mga mamamayan para sa pag-unlad ng pamayanan.

You might also like