You are on page 1of 14

Paaralan: Dinalupihan Elementary School Antas: II

Masusing Guro: Riza Manuel Lerma Asignatura: Filipino


Banghay
Aralin
Petsa: May 6, 2022 Markahan: Ika-apat

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman  Sa pagtatapos ng klase, inaasahang 80% ng 100% ng


klase ay matututunan ang salitang Pang-uri.
(F1WG-IIIc-d4)
B. Pamantayan sa Pagganap  Natutukoy ang pang uring ginagamit sa pangungusap.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto  Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, hayop,


pangyayari, at lugar.
 Nagagamit sa pangungusap ang pang-uri
II. Paksa  Pang-uri
III. Kagamitang Panturo  K -12 curriculum
A. Sanggunian:
1. Mga pahina sa pang Gabay  Gabay ng guro Pahina 112-113
ng Guro
2. Mga Kagamitang Pang Mag-  Bumasa At Sumulat
aaral
3. Mga pahina sa textsbuk  Pahina 260-263
4. Karagdagang kagamitan • mga larawan, musika, speaker, tunay na bagay,
mula sa portal ng Learning cartolina, powerpoint, projector, chalk at pisara
code
B. Iba pang Kagamitang Pang-uri
Gawain ng Guro Gawain ng Bata
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain Mga bata, tumayo muna tayong
1. Panalangin lahat at manalangin bago mag-
patuloy sa ating aralin ngayong Tatayo ang mga bata at
umaga.! maghahanda para sa pagdarasal.

_______, maaari mo bang


pangunahan ating panalangin at (Tatayo sa harap si ______ at
pang-umagang gawain? pangungunahan ang pagdarasal)
2. Pagbati
______, maraming salamat sa
pangunguna sa ating klase.

Magandang, magandang,
magandang, maganda ang inyong
guro at ang umaga mga bata, dahil
muli na naman tayong
magkakasama sa isang masayang
talakayan sa Filipino!
Masayang babati ang mga bata
3. Pagtatala ng sa kanilang guro.
Lumiban Atin namang itala kung sino ang
mga lumiban sa klase ngayong
araw. (Ang lider ng bawat grupo ay
tatayo at mag-uulat)
Magandang araw po titser Riza
at sa aking mga kaklase, ngayon
ay Mayo 6, Biyernes,
ikinagagalak ko pong sabihin na
walang lumiban sa Banana group
ngayong araw.

Ikinagagalak kong makita kayong


muli ngayong araw mga bata!

4. Pagwawasto at
balik-aral
Kahapon binigyan ko kayo ng
takdang aralin, ilabas nyo ang
inyong mga notbuk at iwasto natin
ang inyong mga kasagutan. Sa
pagwawasto, inaasahan ko kayo na
maging mga TAPAT na bata.
(Ilalabas ang notbuk)
(Ipapasagot ng guro sa pisara ang
takdang-aralin)
(Sasagot ang tinawag na bata)
(Iwawasto ng guro ang mga sagot
sa pisara)
(Iwawasto naman ng mga ang
kanilang mga sagot)
(Aalamin ng guro ang marka ng
mga bata)
(Magtataas ng kamay)
Mahuhusay mga bata, dahil diyan
bigyan ninyo ng TRENDING
CLAP ang inyong mga sarili.

Clap, clap, stamp, stamp, cha-


Ngayon naman ay balikan natin ang cha, -cha!
ating aralin kahapon. Paano nga ulit
ginagamit ang pagdadaglat sa isang
salita?

Sige nga ______.


(Magtataas ng kamay)

Mahusay, ______! Mabuti naman


at inyo pang natatandaan. Ang salitang dinaglat ay mga
salitang panawag na pinaikli, ito
ay inilalagay sa unahan ng
salitang panawag at ginagamitan
ng tuldok.

Bigyan nga natin ng paro-paro G


clap si ______. (papalakpak)
1 2 3, 1 2 3 paro-paro G!
Ngayon naman ay sagutan natin
ang gawain para sa pagbabalik-aral.
Ipapasagot sa mga bata ang gawain
gamit ang mga flashcards sa pisara
at iwawasto.
(Sasagot ang mga bata)
1. Gng. -Ginang
2. G. -Ginoo
3. Dra. -Doktora
4. Gob. -Gobernador
Ikinatutuwa kong inyong 5. Kap. –Kapitan
natatandaan ang ating aralin
kahapon. Bigyan nga natin ng II-
Lerma clap ang ating mga sarili!

1 2 3, 1 2 3 From 1I-LERMA
kami!
B. Pagganyak Ngayon mga bata, makakasama
natin si “BonBon, ang
mahiwagang kahon”, na
naglalaman ng iba’t ibang mga
bagay.

(Magbibihis ang guro ng


MAGICIAN OUTFIT, habang
nakapikit ang mga bata)

Tatawag ako ng isang bata na


pupunta dito sa harapan upang
kumuha ng isang bagay mula sa
loob ng kahon. Gagawin ninyo ang
pagpili sa kahon habang naka takip
ang inyong mga mata. Pagkakuha
ng bagay, aalisin na ang takip sa Opo!
mata at susubukan ninyong
ilarawan o kung ano ang masasabi
ninyo sa bagay na nakuha sa loob
ng ating magic box. Naunawaan ba
ang kailangang gawin?

Upang maging maayos ang ating (Babasahin ng mga bata)


klase sabi ni BomBom, dapat sa
klase ni Titser Riza, lahat ay
MASAYA.
Sige nga mga bata basahin natin
ang mga dapat maging gawi sa
ating klase.

Sino ang nais bumunot sa ating


mahiwagang kahon?

(Tatawag ng bata at papupuntahin


sa harapan, pipiringan ito at
hahayaang bumunot ng bagay sa
magic box)

(Bumunot ang bata ng pabango,


ipapaamoy ito sa bata)

Ano ang masasabi mo sa amoy


nito?
Ma’am mabango po!

(Isusulat ng guro ang sagot ng bata


sa pisara)
Magaling. ____! Bigyan nga natin
ng “macho clap”si ______. 1,2.3, 1,2,3, _____ ang macho-
macho mo!
Susunod, sige nga ______,
(bumunot ang bata ng tsokolate
(Ipinatikim ito sa bata)
Ngayon, _____ ano ang iyong
masasabi?
Ma’am ito po ay matamis!

(Isusulat ng guro ang sagot ng bata


sa pisara)

Magaling, ______. Bigyan nga


natin ng amazing clap si ______.
(papalakpak)
1 2 3, 1 2 3 amazing!
Sino pa ang nais bumunot sa ating
monster box? Sige nga, ______.

(Bubunot ang bata)


Ano ang masasabi mo sa bagay na
ito?
Titser, ito po ay malambot.

(Isusulat ng guro ang sagot ng bata


sa pisara)

Tama, ______! Bigyan nga natin ng


Bom-Bom Clap si ______.

Clap, clap, stamp, stamp, bom,


bom, bom!
C. Paglalahad/Pagtatalakay
Ngayon naman mga bata, muli
nating balikan ang mga bagay na
inilarawan ng inyong mga kaklase.
Ang unang bagay ay cologne, ano
ang ginamit na salita upang
ilarawan ang amoy nito?
Mabango po.
Paano naman inilarawan ni ____
ang lasa ng tsokolate?
Matamis po.
Ano naman ang salitang ginamit ni
_____ upang ilarawan ang bulak?
Malambot po.

Mga bata, ang mga salitang


mabango, matamis at malambot ay
mga salitang naglalarawan o
tinatawag din natin na pang-uri.

Ano nga ba ang pang-uri?


(Ipapaliwanag ng guro ang pang-
uri sa pamamagitan ng pag-awit)
Nais kong making kayo nang
mabuti.
(Aawit ang mga bata)
(Pagkayaring kumanta, ipapakanta
sa mga bata)

Mula sa aking inawit, ano ang (Magtataas ng kamay)


salitang ginamit upang ilarawan
ang katangian ng bata?
Titser, maganda po.

Sige nga, ______, ano ang iyong


sagot?
Malambot po.
Mahusay! Ano naman ang ginamit
na salita upang ilarawan katangian
ang unan?

Maamo po.
Paano naman inilarawan ang
katangian ng tuta sa awitin?

Magaling, ______.

Bigyan nga natin ng MAHUSAY


clap ang mga kaklase ninyo na
nakasagot sa ating talakayan.

1,2,3,1,2,3 Mahusay!
Ngayon naman ay maglalaro tayo
ng Last Student Standing.
Susubukan ninyong tukuyin ang
mga ginamit na pang-uri sa
pangungusap sa loob ng 15
segundo. Isusulat ninyo ang inyong
mga sagot sa whiteboard at kapag
tama ang inyong sagot, mananatili
kayong nakatayo, kung mali naman
ay uupo na. Kung sino ang
mananatiling nakatayo hanggang sa
huling laro, siya ang mananalo.
Naunawaan ba ninyo ang panuto?

Kung gayon mga bata, ilabas ang Opo, titser!


white board at panulat at maghanda
sa ating laro.

(Ipapabasa, ipapasagot sa mga bata


at ipapaliwanag ng guro ang bawat
kasagutan. Papaupuin ng guro ang
mga batang mali ang sagot at
matitira ang mga bata na wasto ang (Ilalabas ang whiteboard at
sagot. Sila ang tatanghalin na panulat)
panalo sa laro)

(Babasahin ng mga bata ang


bawat pangungusap at isusulat sa
whiteboard ang pang-uri na
ginamit)
Binabati ko ang mga batang nanalo
sa ating larong Last Student
Standing. Dahil diyan, bigyan natin
sila ng FOREVER YES clap.

Ngayon naman mga bata,


susubukan ninyong magbigay ng
mga angkop na salitang
naglalarawan o pang-uri sa bawat
larawan na ipapakita ko. Kung sino
ang may hawak ng bola kapag
huminto ang musika, siya ang
sasagot sa pisara.

(Papalakpak ang mga bata ng


Forever YES clap)

(Ipapabasa sa mga bata ang bawat


pangungusap)

(Magpapatugtog ng musika ang


guro at ipapasa ng mga bata ang (Babasahin ng mga bata)
bola sa bawat isa)

Ipapasa ng mga bata ang


Ano ang naiisip mong salita na (Isusulat ng batang may hawak
maaaring maglarawan sa hugis ng ng bola ang sagot na bilog sa
bola? Sige nga, ______, isulat mo pisara)
sa pisara ang iyong sagot.

Magaling, _______! Basahin natin (Babasa ang mga bata)


ngayon ang pangungusap sa bilang
dalawa.

(Magpapatugtog ng musika ang (Ipapasa ng mga bata ang bola)


guro at ipapasa ng mga bata ang
bola sa bawat isa)

Ano ang naiisip mong salita na


maaaring maglarawan sa kulay ng (Isusulat ng batang may hawak
bestida? Sige nga, ______, isulat ng bola ang sagot na pula sa
mo sa pisara ang iyong sagot. pisara)

(Ipapasagot ng guro ang gawain


hanggang bilang lima)

D. Values: Paggalang sa
Kapintasan ng Iba

Tignan ninyo ang larawan ng bata.


Ano ang masasabi ninyo?

Magbigay nga ng mga salitang


pang-uri ng mga pang-uri na
maaaring maglarawan sa itsura ng
bata.
Malaki po ang ngipin at ilong.

Yan ay mga negatibong salita na


naglalarawan ng kapintasan ng iba.
Dapat maging maingat tayo sa
pagbibitiw ng mga salita upang
E. Paglalahat hindi makasakit ng ating kapwa.

Ngayon, kayo naman ang aawit ng


inawit ko kanina. Ang tono ng ating
kanta ay “Paro-Parong Bukid).
Kakantahin muna ni teacher at
pagkatapos naman ay uulitin nyo,
naiintindihan ba?

(kakantahin ang Kantang Pang uri


sa tono ng Paro-parong Bukid)

Sa ating inawit, ano daw ang tawag (kakantahin ang Kantang Pang
sa mga salitang naglalarawan? Sige uri sa tono ng maliliit na
nga ____! gagamba.)

Mahuhusay mga bata! Kung


nauunawaan nyo na ang ating
aralin, ipakita nyo ang inyong
happy face ngunit kung hindi pa Pang-uri po.
naunawaan ang aralin magpakita
naman ng sad face

Masaya si Titser Riza, dahil nakinig


kayo nang mabuti sa ating (Magpapakita ang mga bata ng
aralin. happy face)
F. Pagtataya Ngayon naman para sa huling
gawain, kumuha ng papel at lapis.
(Kukuha ng papel at lapis)
(Ipapabasa ng guro ang panuto sa
mga bata.)

(Babasahin ng mga bata ang


Kopyahin at sagutan: panuto)
Bilugan ang bawat pang-uri o
salitang naglalarawan sa bawat
pangungusap.

(Tatawag ng bata ang guro sa


harapan upang sumagot sa pisara)

(Sasagot ang mga bata)


(Aalamin ng guro ang marka ng
mga bata)
(Magtataas ng kamay ang mga
bata.
G. Takdang-aralin Ngayon mga bata kunin ninyo ang
inyong kwaderno at kopyahin ito
para sa inyong takdang aralin.
(Kokopyahin ng mga bata)

Maraming salamat sa inyong


matiyagang pakikinig sa ating
aralin mga bata! Ano ang inyong
isisigaw?
Sa klase ni titser Riza, lahat ay
MASAYA!
Magkita-kita muli tayo sa isang
masayang aralin bukas. Paalam
mga bata!
Paalam po titser ganda!

Inihanda ni:

Riza M. Lerma

You might also like