You are on page 1of 17

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Guiguinto National Vocational High School Annex
Malis Guiguinto Bulacan

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 9


Ikalawang Markahan
Taong Pampanuruan 2023-2024

I. Layunin
Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nailalahad ang mga mahahalagang pangyayari sa akda;

b. Natutukoy ang kahulugan at element ng pabula at wastong gamit ng modal; at

c. Napahahalagahan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa pabula.


II. Paksang-Aralin
A. Paksa
Lunsaran: Nagkamali ng utos (Pabula ng Pilipinas)
Kahulugan at Elemento ng Pabula
Gramatika: Modal
B. Sanggunian
Filipino 9 – Kwarter 2 Modyul 3 Pabula (p.7)
Panitikang Asyano Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino 9 (p. 109-111)
C. Kagamitan
Biswal: Mga larawan, Kahon, Hawla, Fish Bowl, Pisara at Yeso
Teknolohiya: Powerpoint Presentation, Laptop, TV, Bidyo ng
kuwento,
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
a. Pambungad na Panalangin
Opo, Sir!
Magsitayo ang lahat para sa ating panalangin. ____,
maaari mo bang pangunahan ang panalangin? Tatayo ang lahat para sa
panalangin)
b. Pagbati (Tatayo ang lahat para sa
Magandang Hapon Grade 9 – Maragondon
panalangin)

Magandang Hapon G.
Ibarbia! Ikinagagalak po
naming kayong makita.

c. Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago umupo ang lahat, maaari bang pakiayos ang mga (Pupulutin ang mga kalat at
upuan, tignan ang paligid, at pulutin ang mga kalat kung sisiguraduhing malinis ang
mayroon. paligid bago magsimula ng
talakayan.)

d. Pagtala ng mga liban sa klase


______, mayroon bang liban sa ating klase ngayong Ikinagagalak ko pong ipabatid
araw? na wala pong liban sa klase sa
araw na ito.

Mabuti naman kung gayon, natutuwa akong narito ang


lahat at handang makinig sa ating talakayan sa araw na
ito.

Paalala, hinihikayat ko ang lahat na maging aktibong


makilahok sa ating talakayan.

At bago nating pormal na umpisahan ang Gawain


ngayong araw ay inaaanyayahan ko ang lahat na tumayo (Tatayo ang mga mag-aaral)
para sa isang pampasiglang gawain dahil alam ko na ang
lahat ay ubos na ang enerhiya sa maghapong pag-aaral
ngayong araw.

Handa na ba ang lahat? Opo!

Okay! Alam nyo ba yung kantang pambata na Tatlong Opo sir!


bibe?
Kung gayon ay umpisahan na natin.

(Ipapakita sa telebisyon ang bidyo ng tatlong bibe) Masayang nagsasayawan ang


mga mag-aaral.
Oh ayan! Mukhang nabuhay na natin ang mga natutulog
nyong diwa. Ngayong bumalik na ang sigla nyo sa pag-
aaral ay inaaasahan ko na makikiisa bawat isa inyo sa
ating talakayan.

B. Pagbabalik-Aral
Bago tayo magsimula sa bagong paksang ating tatalakayin,
balikan muna natin ang tinalakay natin kahapon.

Sino ang maaaring magbigay ng ating paksa kahapon? Ako po Sir! Tanka at Haiku

Mahusay!
Noong nakaraan aralin ay tinalakay natin ang Tanka at
Haiku ng Japan.
Natatandaan nyo pa ba ang tungkol dito? Opo!
Ngayon ay suriin natin ang isa sa mga gawa ng inyong
kamag-aral.

(Magpapakita ng halimbawa ang guro ng Tanka at Haiku


mula sa gawa ng mga mag-aaral)

Ngayon ay suriin natin ang mga katangiang mayroon ang


gawa nang inyong kamag-aral.

Ilang ang sukat ng tula na ito, bawat taludtod? 7-7-5-5-7


Magaling!

Ilang taludtod mayroon ang tula na ito? 5


Mahusay!

Ssa inyong palagay ano ang naging paksa ng tula na ito? Pag-Ibig
Magaling!

Ngayon nalaman na natin ang mga katangian mayroong


ang tulang ginawa ng inyong kamag-aral. Ngayon naman Sir! Tanka po.
anong uri ng tula ito?
Magaling!

Ngayon ay tumungo naman tayo sa isa pang tula.

Ilang naman ang sukat ng tula na ito, bawat taludtod? 5-5-7


Magaling!

Ilang taludtod mayroon ang tula na ito? 3


Mahusay!

Sa inyong palagay ano ang naging paksa ng tula na ito? Pag-ibig


Magaling!

Mayroon pa bang nais linawin patungkol dito? Wala na po!

Batid ko na ang lahat ng tinalakay natin patungkol dito ay


naging malinaw para sa lahat.

Kung gayon natitiyak ko na handa na kayo sa magiging


talakayan natin sa araw na ito.

C. Pagganyak
Bago tayo tuluyang tumungo sa panibagong aralin.
Mayroon akong inihanda isang laro na tatawagin nating
“Anong hayop ako?”

Bago natin simulan ang inihandang laro, sino dito ang Ako po sir!
may mga may alagang hayop sa bahay?

Marami ang natutuwa sa mga hayop. Marahil para sa


kanila mas makatao pa ang mga hayop kaysa sa mga tao.

At ngayon ay uumpisahan na natin ang aking hinandang


laro.

PANUNTUNAN: Magpapakita ang guro ng mga


bugtong sa pamamagitan ng Telebisyon na nauugnay sa
tatalakaying aralin. May mga nakahandang larawan ng
mga hayop na tinutukoy sa bugtong na kanilang pipiliin
na nakalagay sa loob ng kahon. Ang mananalo sa kada
katanungan ay may matatanggap na premyo.

Naiintindihan ba? Opo

(Bubunot ang guro ng pangalan ng dalawang mag-aaral


sa kahon)

Unang Bugtong

1. Bastong hindi mahawak-hawakan, sinturong (Pipili ang mga mag-aaral ng


walang mapag-gamitan. (Anong hayop ako?) kanilang sagot sa kahon).

Sagot: AHAS

(Bubunot ang guro ng pangalan ng dalawang mag-aaral


sa kahon)

2. Bahay ni Ka Huli haligi’y balibali, ang bubong (Pipili ang mga mag-aaral ng
ay kawali. (Anong hayop ako?) kanilang sagot sa kahon).

Sagot: ALIMANGO

(Bubunot ang guro ng pangalan ng dalawang mag-aaral


sa kahon)

3. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo. (Pipili ang mga mag-aaral ng
(Anong hayop ako?) kanilang sagot sa kahon).
Sagot: ASO

(Bubunot ang guro ng dalawang pangalan ng mag-aaral


sa kahon)

4. Kahit hindi tayo magkaanu-ano, ang gatas ng (Pipili ang mga mag-aaral ng
anak ko ay gatas din ng anak mo. (Anong hayop kanilang sagot sa kahon).
ako?)

Sagot: BAKA

(Bubunot ang guro ng dalawang pangalan ng mag-aaral


sa kahon)

5. Ibon kong saan man makarating makababalik (Pipili ang mga mag-aaral ng
kung saan nanggaling. (Anong hayop ako?) kanilang sagot sa kahon).

Sagot: KALAPATI

(Bubunot ang guro ng dalawang pangalan ng mag-aaral


sa kahon)

6. Alaga kong hayop malaki ang mata kaysa tuhod. (Pipili ang mga mag-aaral ng
kanilang sagot sa kahon).
Sagot: TUTUBI

(Bubunot ang guro ng dalawang pangalan ng mag-aaral


sa kahon)
7. Ang mukha’y parang tao, mataas lumukso mataas (Pipili ang mga mag-aaral ng
tumakbo. kanilang sagot sa kahon).

Sagot: UNGGOY

Magaling! Habang nasasagot natin ang mga bugtong,


nagugunita na natin ang maaaring maging paksa na ating
tatalakayin ngayong araw.

At bago tayo tuluyang magtungo sa ating tatalakayin


ngayong araw kinakailangan nyo munang palayain ang
mga hayop na nakakulong sa hawlang ito sa
pamamagitan ng pagsagot ng mga katanungan upang
malaya nating maunawaan ang mga salitang maaaring
maging hadlang sa ating pagkaunawa sa kwento.

D. Paghahawan ng Sagabal (Palayain mo Ako!)


PANUTO: Ibigay ang salitang kasingkahulugan ng
nakasalungguhit na salita sa pangungusap. Sa bawat
tamang kasagutan ay mapapalaya na natin ang mga
hayop na nasa hawla.
Malinaw po ba? Opo sir!
(Bubunot ang Guro ng pangalan ng mag-aaral na sasagot
sa katanungan)

TAUHAN- ay MAPANSIN po sir.

mga hayop o
mga bagay na
walang buhay na
gumaganap sa
kwento.
INAALOG po sir.
2. TAGPUAN-
ito ay lugar kung
saan nagtatagpo
ang mga MABILIS po sir.

tauhan.
3. ARAL/
MAGANDANG
KAISIPAN- ito
ay ang mga
magandang aral
MULA po sir.

na ating
mapupulot sa
pagbabasa ng
mga
pabula. AYAIN po.

4. BANGHAY-
(PLOT) ito ay
ang
pagbabalangkas
ng palihim o Sir, aking palagay po kaya po
ito ay pinamagatang Nagkamali

plano o kutsaban
Unang Katanungan mula kay Manok.
ng Utos dahil po siguro may
isang pangyayari dito na
nagkamali nang pag-utos.

1. Huli na nang ito ay mapuna ni Prinsesa tutubi.


Ano ang salitang kasingkahulugan ng mapuna?
Tama!
Magbigay nga kayo ng isang halimbawa ng pangungusap
na gamit ang salitang mapansin.
(Palalayain ang Manok na nasa hawla)
(Bubunot ang Guro ng pangalan ng mag-aaral na sasagot
sa katanungan)

Pangalawang Katanungan mula kay Oso.

2. Bawat dapuang sanga ni Prinsesa Tutubi ay


niyuyugyog ng mga matsing.

Ano ang salitang kasingkahulugan ng niyuyugyog?

Tama!

Magbigay nga kayo ng isang halimbawa ng pangungusap


na gamit ang salitang niyuyugyog? Opo sir!
(Palalayain ang Oso na nasa hawla)
(Bubunot ang Guro ng pangalan ng mag-aaral na sasagot Panonoorin ng mga mag-aaral
ang (Video Clip Presentation ng
sa katanungan)
"Nagkamali ng Utos”

Pangatlong Katanungan mula kay Daga.


Opo.
3. Kapag may panganib ay dagling lumipad.

Ano ang salitang kasingkahulugan ng niyuyugyog? Pabula po sir!

Tama!
Magbigay nga kayo ng isang halimbawa ng pangungusap Dahil ang pangunahing
na gamit ang salitang dagling. tauhan po dito ay mga hayop.

(Palalayain ang Daga na nasa hawla)


(Bubunot ang Guro ng pangalan ng mag-aaral na sasagot
sa katanungan)

Pang-apat na Katanungan mula kay Agila.

4. Kung tatanawin buhat sa malayo ang labanan, ay


wari bang matsing laban sa matsing.

Ano ang salitang kasingkahulugan ng buhat?

Tama!

Magbigay nga kayo ng isang halimbawa ng pangungusap


na gamit ang salitang mula.

(Palalayain ang Agila na nasa hawla)


(Bubunot ang Guro ng pangalan ng mag-aaral na sasagot
sa katanungan)

Panglimang Katanungan mula kay Leon.

5. Gusto kong hamunin ang kaharian ng mga matsing


sa isang labanan..

Ano ang salitang kasingkahulugan ng hamunin?

Tama!

Magbigay nga kayo ng isang halimbawa ng pangungusap


na gamit ang salitang dagling.

(Palalayain ang Leon na nasa hawla)

Magagaling mga mag-aaral. Ngayong nasagot na ninyo


ang mga katanungan ay malaya nyo nang mauunawaan
ang kwento.

E. Paglalahad

Sa inyong palagay, bakit kaya ito pinamagatang


Nagkamali ng Utos?
Magaling! Maaaring ganun nga ang nangyari. Ngunit sa
pagtalakay natin nito mamaya ay lubos nating mauunawaan
kung bakit Nagkamali ng Utos ang naging pamagat ng
kwento.

Ngunit bago ko ipanood sa inyo ang kwento ay narito ang


mga gabay na tanong na inyong sasagutin mamaya.

Mga gabay na tanong:

1. Nasasalamin basa pabulang Nagkamali ng Utos ang


kultura nating mga Pilipino? Ipaliwanag.
2. Kung ikaw ang nasa katayuan ng matsing ganun din
ba ang utos na iyong gagawin? Bakit oo at bakit Opo sir! Dahil masasalamin
hindi? Kung ikaw ang nasa katayuan ng tutubi ganoon dito sa pabula ang
din ba ang utos na gagawin mo? Bakit? pagmamahal at
3. Ano ang makabuluhang mensahe ng pabula para sa pagmamalasakit sa pamilya.
mga kabataan?

Panoorin at unawaing mabuti ang kuwento upang masagutan Sir, kung ako po ang nasa
ninyo nang mahusay ang aking mga katanungan mamaya. katayuan ngmatsing hindi poi
yon ang aking utos na
Ihanda ang tenga sa pakikinig at ang mata sa panonood. sasabihin ko dahil mabibilis
Handa na ba? at tiyak na mahihirapang
tamaan ang mga ito.

Tumahimik na ang lahat, at humanda sa panonood. Kung nasa katayuan naman


po ako ng tutubi hindi iyon
ang utos na sasabihin ko
sapagkat masyadong
mapanganib ito para sa mga
Nagustuhan at naunawaan ba ang pinanood na kuwento? tutubi.

Tanong anong uri ng akdang pampanitikan ang inyong


pinanood?
Sir, para po akin ipinapakita
po sa pabula ang maaaring
Bakit mo nasabi na isang Pabula ang inyong pinanuod? mangyari sa mga kabataan na
hindi marunong sumunod at
making sa magulang.
Mahusay!

Noong sinaunang panahon, nakahiligan na ng mga


katutubong Pilipino ang pagsasalaysay sa kung ano ang Wala napo.
kanilang nakikita, nadarama at maging ang
pinaniniwalaan.
Dito ibinatay ang pinagmulan ng mga sinaunang
panitikan na ating binabasa at pinagaaralan sa
kasulukuyang panahon. Isa ang pabula sa mga itinuturing
na pinakaunang uri ng panitikan na kinagigiliwan ng
mga tao sa daigdig.
Bago pa man makarating sa Pilipinas ang mga
banyagang pabula tulad ng ‘Ang Lobo at ang Uwak” at
“Ang Leon at ang Daga” ni Aesop ng Gresya,
isinasalaysay na sa mga liblib na lalawigan at rehiyon ng
bansa ang kani-kanilang ipinagmamalaking katutubong
pabula.
Tinatayang unang naisulat ang mga pabula sa daigdig
noong ikalima at ikaanim na daang taon bago isilang si
Kristo. Ayon sa ilang mananaliksik at historyador ng
panitikan, nabasa ang unang pabula sa India. Kinikilala
si Kasyapa at ilang mga dakilang tao ng India na madalas
paksain ng kanilang mga pabula dahilan sa kanilang
mabubuting gawa sa lipunan.
Ngayong nalaman na natin ang pinagmulan ng
kasaysayan ng Pabula, tumungo naman tayo sa
kahulugan at elementong mayroon ang Pabula.
Sa pampanitikang depinisyon, ang pabula ay uri ng
kuwentong pambata na ang gumaganap ay mga hayop na
kumikilos, nag-iisip at nagsasalita na parang tao at sa
bandang huli’y nagdudulot sa bawat mambabasa ng
mabubuting aral.
Tulad ng iba’t ibang akdang pampanitikan ang Pabula
rin ay may elemento.
Ngayon isa-isahin natin ang elementong mayroon ang
Pabula.
Narito ang mga elemeno ng Pabula.
1. Tauhan – karaniwang hayop ang pangunahing
gumaganap sa kwento. Gayunpaman, may ilan ding
pabula na ang tauhan ay magkasama ang tao at
hayop. Modal po Sir!
2. Tagpuan – ay ang lugar at oras kung saan naganap
ang mga pangyayari o tagpo sa kwento.
3. Banghay - Ito naman ay ang daloy at pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari sa kwento.
4. Aral - Ito naman ang nais ipabatid ng may akda sa
kanyang mga mambabasa. Ito ay magsisilbing gabay
sa mga mambabasa lalo na sa mga bata sa kung ano
ang tama at mabuti. Nagtuturo din ito ng mga (Babasahin ng piling mag-
mabubuting asal na dapat taglayin ng isang bata. aaral ang mga pangungusap.)

Maragondon! Nauunawaan ba?


Ngayin ay balikan natin ang pabulang inyong pinanuod.

Upang matiyak natin ang inyong pag-unawa sa napanood


na kuwento, sagutin natin ang ilang mga katanungan.
Unang katanungan nasasalamin ba sa pabulang Nagkamali
ng Utos ang kultura nating mga Pilipino? Ipaliwanag.

Sir, para po itong pandiwa


Magaling! pero parang hindi.
Para naman sa ikalawang katanungan. Kung ikaw ang
nasa katayuan ng matsing ganun din ba ang utos na iyong
gagawin? Bakit oo at bakit hindi? Kung ikaw ang nasa
katayuan ng tutubi ganoon din ba ang utos na gagawin mo?
Bakit?

Magaling!
Sir, iyong pangungusap po na
Para sa huling katanungan. Ano ang makabuluhang Gusto kong hamunin ang
mensahe ng pabula para sa mga kabataan? kaharian ng mga matsing sa
isang labanan.

(Magbibigay ang mag-aaral


Magaling! ng halimbawa.)

Mayroon pa bang karagdagan?

Sa tingin ko po ay ang
Mukhang talagang pinanood ninyong mabuti ang pabula. pangungusap na “Dapat
Ganap ngang naunawaan na ninyo ang ating kuwento. nating ipaghiganti ang
Dumako na tayo sa ating araling panggramatika. kaapihan ni Prinsesa Tubina.

Ngayon ay balikan natin ang mga hayop na inyong (Magbibigay ang mag-aaral
napalaya kanina. Suriin natin kung anong letra ang ng halimbawa.)
itinatago ng mga ito.

Batay sa mga inisyal na letra sa pangalan ng mga hayop “Kailangang pukpukin ninyo
na ito. Kung inyong susuriin anong salita ang mabubuo ang bawat makitang tutubi”,
natin dito? ang malakas na utos ng haring
matsing.
= M (Magbibigay ang mag-aaral
ng halimbawa.)

Maaari ba nating pag-usapan


‘to?
= O (Magbibigay ang mag-aaral
ng halimbawa.)

= D
= A

(Bibigyan ng 7 minuto ang


mga mag-aaral upang
= L maghanda sa naitalagang
gawain sa kanilang pangkat.
Pagtatanghal at pagbibigay
puna sa pangkatang Gawain).

Magaling! Tama ang salitang inyong nabuo.


Maaari niyo bang basahin ang mga pangungusap na ito.

*Gusto kong hamunin ang kaharian ng mga matsing sa


isang labanan.

*“Kailangang pukpukin ninyo ang bawat makitang


tutubi”, ang malakas na utos ng haring matsing.

*Dapat nating ipaghiganti ang kaapihan ni Prinsesa


Tubina.

*Maaari bang pag-usapan natin ‘to?

Ano ang inyong napansin sa mga salitang may


salungguhit?

May punto ang iyong sinabi sapagkat ang modal ay


tinatawag na malapandiwa. Ginagamitan ang mga ito na
pantulong sa pandiwang panaganong pawatas. Ang mga
ito ay ginagamit bilang panuring na mjay kahulugang
tulad ng pandiwa. Ang mga modal ay mga pandiwang
hindi nagbabago, limitado kapag binanghay o walang Ang mga uri ng modal ay ang
aspekto. nagsasaad ng pagnanasa,
paghahangad at pagkagusto,
Ito ay may apat na uri: sapilitang pagpapatupad,
1. Nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad at pagkagusto. hinihinging mangyari, at
2. Sapilitang pagpapatupad. nagsasaad ng posibilidad.
3. Hinihinging mangyari
4. Nagsasaad ng posibilidad.
Opo Sir! Mahalaga na pag-
Balikan natin ang ating mga halimbawang pangungusap. aralan ang pabula sapagkat
Alin sa palagay ninyo ang tumukoy sa uri ng modal na nagbibigay aral ito sa mga
nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad at pagkagusto? mambabasa.
Magaling! Dahil ang salitang nakasalungguhit na gusto
ay isang pandiwang nasa anyong pawatas. Maaari ka
bang magbigay ng sarili mong halimbawa?

Opo!
Mahusay! Alin naman sa mga pangungusap ang
tumutukoy sa sapilitang pagpapatupad? Wala napo!

Maaari ka bang magbigay ng halimbawa?

Tama! Anong pangungusap naman ang tumutukoy sa


modal na hinihinging mangyari?

Magbigay ng sariling halimbawa.

Panghuli. Anong pangungusap ang tumutukoy sa uri ng


modal na nagsasaad ng posibilidad? Magbigay ng
sariling halimbawa.

Magaling! Dumako naman tayo sa pangkatang gawain.

F. Paglalapat
(Ipapangkat ng guro ang mga mag-aaral at bawat
pangkat ay bibigyan ng kani-kaniyang gawain.)
Pagpapangkat sa mga mag-aaral.

Pangkatang Gawain #1 (Puppet Show)


Isadudula ng pangkat ang buod ng pabulang Nagkamli
ang utos sa pamamagitan ng isang Puppet Show.

Pangkatang Gawain #2 (Tula)


Bubuo ang pangkat ng isang malayang tula hinggil sa aral
na nais ibahagi ng kwento.

Pangkatang Gawain #3 (Picture Perfect)


Magsagawa ng isang tableau na nagpapakita ng bahagi ng
kuwento na pinakanaibigan. Maaaring magbigay ng
maikling pagpapaliwanag.

Pangkatang Gawain #4 (Ibalita Mo!)


Isasalaysay ng pangkat sa masining na pagbabalita ang
banghay ng pabulang Nagkamali ng Utos.
Narito ang ating rubriks para sa isasagawang pangkatang
gawain.

(Pagbibigay-puna at puntos ng guro sa isinagawang


pagtatanghal ng mga mag-aaral.)

G. Paglalagom
Isa-isahin ang mga uri ng modal?

Mahalaga ba na pag-aralan ang pabula?

H. Pagpapahalaga

Bago tayo magtapos sa ating talakayan, nais kong


ibahagi sa inyo ang isang quotes na “Huwag kang
padalos-dalos sa iyong desisyon. Ikalma ang sarili at
mag-isip bago magdesisyon.
Naunawaan ba?

May tanong ba?

IV. Ebalwasyon
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa mga sumusunod na tanong.

1. Ito ay maikling salaysay na karaniwang ang mga tauhan ay hayop.


a. Alamat c. Pabula
b. Maikling Kuwento d. Parabula

2. Siya ang tinaguriang “Ama ng Sinaunang Pabula”?


a. Dr. Jose Rizal c. Edgar Allan Poe
b. Aesop d. Francisco Baltazar

3. Ito ay tinatawag na malapandiwa.


a. Modal c. Panuring
b. Pandiwa d. Suprasegmental

4. “Kailangang pukpukin ninyo ang bawat makitang tutubi”, ang malakas na utos ng
haring matsing. Ang pangungusap ay nagsasaad ng ______________.
a. Nagsasaad ng pagnanasa c. Nagsasaad ng posibilidad
b. Sapilitang Pagpapatupad d. Hinihinging mangyari

5. Ilang uri mayroon ang Modal?


a. Tatlo c. Lima
b. Apat d. Anim

V. Takdang-Aralin
Gumuhit ng isang hayop na sumisimbolo sa inyong pagkatao batay sa katangian nito.

Inihanda ni

IAN JUDE T. IBARBIA


Gurong Nagsasanay sa Asignaturang Filipino

Binigyang-pansin ni

NANCY R. BALTAZAR
Guro, Filipino 9

Sinuri ni

LECIL M. DIONICIO
Dalubguro I

Pinagtibay ni

KAHRYZ D. MANINANG
Nanunuparang Punongguro/Ulong Guro VI

You might also like