You are on page 1of 9

Lesson Exemplar in FILIPINO 1 Using the IDEA Instructional Process

Learning Delivery Modality Modular Distance Modality


School Southville 8C
Baitang 1
Elementary School
LESSON Guro REMARIE Asignatura
FILIPINO
EXEMPL PAALAN
AR Teaching Date Markahan Ikaapat na
JUNE 28, 2022 Markahan
Week 1-2

I. LAYUNIN 1. Natutukoy ang mga salitang magkatugma.


2. Nakakabuo ng pares ng salitang magkatugma.
3. Nagpagpamalas ng mabuting pakikipagkapwa sa
mga katutubong mangyan.
4. Nagpapamalas ng kabutihang asal.
A. Pamantayang Pangnilalaman Natutukoy ang mga salitang magkatugma.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakakabuo ng pares ng salitang magkatugma.


C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto
(MELC) (Kung mayroon, isulat ang
Natutukoy ang mga salitang magkatugma.
pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o
MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Pagtukoy at Pagbuo ng Salitang Magkatugma
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC FILIPINO (week 1-2) F1KP-IIIc-8 PIVOT
LEARNER’S MATERIAL pp 7-10 , DLL/DLP

b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag- Kagamitan ng Mag-aaral Pahina 7-10


aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal MGA SALITANG MAGKATUGMA/
ng Learning Resource MAGKASINGTUNOG | MTB-MLE
https://www.youtube.com/watch?v=JD-
HQFjvzUc
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa
mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan Module, activity sheets, Powerpoint presentation

IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Ang Napapanahong Pagpapaalala:
Ipapaalala ng guro sa mga bata ang panuntunan
sa MDL.
   Ang bawat gawain na nakalahad sa modyul ay
maaring sagutan ng mga bata sa nakalaang Activity
Sheets.

Balikan Natin:
Natutuhan mo sa nakaraang markahan ang
tungkol sa Pandiwa.

Magbigay ng mga salitang nagsasaad ng kilos


o galaw. Gamitin ito sa isang simpleng
pangungusap.
Pupil’s Activity:
Naglalaro
Ang mga bata ay naglalaro sa labas ng bahay.

Naliligo
Si Maria ay naliligo araw-araw.
Paghahabi ng layunin ng aralin (Motivation)

Tingnan ang larawan at sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan?


- Ang mga bata ay masayang naliligo sa
ulan.
2. Nasubukan mo na rin bang maligo sa ulan?
- Opo, teacher .
3. Ano ang iyong naramdaman habang naliligo
ka sa ulan?
- Masaya po.

Guro: Mayroon akong inihandang tula para sa inyo.


B. Development (Pagpapaunlad) Pero bago ko ito sa inyo iparinig ay ano-ano ba ang
mga dapat gawin ng batang kagaya ninyo kapag
nakikinig ng tula.

( Tatawag ang guro ng mga bata na magbibigay ng


panuntunan sa tamang pakikinig ng tula. )

Mga bata:

-Umupo po nang maayos.


-Tumahimik po.
-Makinig nang mabuti at intindihin po ang tula.

Guro: Tama! Dapat kayong makinig nang mabuti


dahil mayroon kayong mga tanong na sasagutan.

Basahin sa mga bata ang tula

Itanong:

Ano ang napansin mo sa mga salita na nasa hulihan


ng bugtong?

- Parehas po ang tunog sa hulihan.

Guro: Mahusay ang iyong naging obserbasyon.


Magkapareho o magkasintunog ang hulihan ng mga
salitang ulan at kawayan gayundin ang mga
salitang bagyo at kabayo.

Ipakilala ang paksa.

Ang mga salitang magkapareho o magkasintunog


ang hulihan ay tinatawag na salitang magkatugma.

Magbibigay ang guro ng iba pang halimbawa ng


mga salitang magkatugma.

Narito pa ang ilang halimbawa ng mga salitang


magkatugma:

dahon - kahon

lata – mata

baso – laso

lapis - ipis

Ipanuod sa mga bata ang video upang lubos nilang


maunawaan ang mga salitang magkatugma.

Sabihin.

Ngayon ay alam na ninyo ang ibig sabihin ng


salitang magkatugma.

Subukan naman natin kung kaya na ninyong


makapag bigay ng sarili ninyong halimbawa ng mga
salitang magkatugma.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

SUBUKAN MO!

Para sa ating unang gawain ay susubukan ninyong


makapagbigay ng mga salitang magkatugma o
parehas ang tunog sa hulihan ng salita.

Mga bata:
ulan – buwan tala - bala
laso – baso pula - bula

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


PANGKATANG GAWAIN

ANIMAL RACING GAME

Pangkat Aso
Pangkat Unggoy
Pangkat Pusa
Pangkat Kuneho
Pangkat Kabayo

Panuto ng laro:
Ang bawat grupo ay magpapaunahan na
makapagbigay ng katugmang salita na nasa loob ng
gulong. Ang unang pangkat ng hayop na
makakarating sa hulihan ng linya ang siyang
mananlo.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE
C. Engagement (Pagpapalihan)
PANUTO:
Sagutin ang 5 katanungan ng tama.
Maaari kang gumamit ng 3 lifelines para
matulungan ka pumili ng tamang sagot.

Tukuyin ang katugma ng salitang nakasalungguhit


sa bawat pangungusap.
Piliin ang tamang titik ng sagot.

(Infusion of Values)
Integrasyon sa Edukasyon sa Pagpapakatao

RPMS PRIORITY OBJECTIVE 9


Designed, adapted and implemented teaching
strategies that are responsive to learners with
disabilities, giftedness and talents .

Guro : Sa palagay ninyo ang pagtulong ba sa inyong


kapwa lalo na sa may mga kapansanan ay mabuting
gawain? Bakit?

- Opo.
- Dapat tayo po ay tumutulong sa
nangangailangan.

Pagpapahalaga

Ang pagtulong ay isang mabuting gawain na


nagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa
kapwa.
RPMS PRIORITY OBJECTIVE 10
Adapted and used culturally appropriate teaching
strategies to address the needs of learners from
indigenous groups.

Guro: Ang mangyan ay tumutukoy sa pangkat


etniko ng Pilipinas na naninirahan sa Isla ng
Mindoro. Ngunit sa paglipas ng panahon ay
makikita na rin nating silang naninirahan dito sa
ating lugar dahil sa kanilang paghahanap-buhay.
Ang salitang Mangyan sa pangkalahatan ay
nangangahulugang lalak, babae o tao na walang
anumang pagtukoy sa anumang nasyonalidad.

Guro: Mga bata palaging tandaan na kahit iba iba


man tayo ng tradisyon at mga gawi sa buhay ay
dapat palagi nating igagalang ang paniniwala at
kaugalian ng ating mga kapwa lalo na ng ating
mga kababayang katutubo.

Lokalisasyon at Integrasyon sa
Araling Panlipunan
( Mga Kawani ng Paaralan )
Paglalahat

Ano ang tawag sa mga salitang magkapareho o


magkasintunog ang hulihan?

SAGOT : MAGKATUGMA

TANDAAN

Salitang magkatugma ang tawag sa mga


salitang magkapareho ang tunog sa hulihan ng mga
salita.
D. Assimilation (Paglalapat)

Itanong sa mga bata.

Nakarinig na ba kayo ng bugtong?


- Opo .

Guro : Ang bugtong ay isang pangungusap o tanong


na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas
bilang isang palaisipan.

Sabihin.
Para sa ating susunod na gawain ay kailangang piliin
sa loob ng saknong ang katugma ng salitang may
salungguhit upang mabuo ang bugtong.
Panuto:
Para malaman ang sagot sa bugtong ay papipiliin
ang mga bata ng bilang at unti unti lalabas ang
larawan na nasa likod ng “PICTURE REVEAL”

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4


PAGTATAYA

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5

Guro : Para sa ating sunod na gawain ay


pinangalanan ko itong WIKAHARIAN. Sa
gawaing ito ay inyong pagtatambalin ang salita sa
Hanay A sa kaniyang katugmang salita na nasa
Hanay B.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6

Takdang Aralin

PANUTO: Bumuo ng limang (5) pares ng mga


salitang magkatugma buhat sa mga pantig sa loob
ng kahon.

Isulat ang mga ito sa iyong sagutang papel.

V. PAGNINILAY
Isulat sa kwaderno, journal o portfolio ang iyong
nararamdaman o realisasyon gamit ang mga
sumusunod na prompt.

Ano-ano ang iyong nalaman sa ating aralin?


___________________________________________
______________________________

Magbigay ng 5 halimbawa ng salitang magkatugma at


gamitin ito sa pangungusap.
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

Prepared by:

Teacher I

Noted by:

Teacher-In-Charge

You might also like