You are on page 1of 2

DETAILED LESSON PLAN

DLP Blg.: 6 Assignatura: FILIPINO Baitang: 1 Markahan: 2nd Oras:


50 minutos
Mga Kasanayan:  Nabibigkas nang wasto ang tunog ng bawat letra ng alpabetong Code: F1KP-
Filipino IIb-1
 Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kumpas, galaw, F1PT-IIb-f-6
ekspresyon ng mukha; ugnayang salita-larawan
Susi ng Pag-unawa na Ang isang salita ay pwedeng bigyan ng kahulugan sa pamamagitan ng ekspresyon sa
Lilinangin: mukha o di kaya ay gumamit ng mga larawan na kaugnay ng salita.

1. Mga Layunin
Kaalaman Nauulit-ulit na nabibigkas ang wastong tunog ng bawat letra ng alpabetong Filipino.
Kasanayan Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kumpas, galaw, ekspresyon ng mukha;
ugnayang salita-larawan.
Kaasalan Nagiging bukas ang pag-iisip sa pagtukoy ng kahulugan ng salita batay sa kumpas, galaw,
ekspresyon ng mukha; ugnayang salita-larawan.
Kahalagahan Nauugnay ang mga salitang binigyang kahulugan sa pang-araw-araw na gawain
2. Nilalaman Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita
3. Mga Kagamitang Flashcards ng alpabetong Filipino o tsart at iba’t ibang mga makukulay na larawan (relo,
Pampagtuturo damit, bahay, atbp.)
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain Pagbabalik-aral:
(5 minuto) 1. Iparinig muli ang awiting napakinggan kahapon.
2. Ipapakita ng guro ang iba’t ibang kilos na angkop sa awiting napakinggan.
3. Pagkatapos, ipasunod sa mga bata ang mga kilos na ito.

4.2 Mga Gawain/Estratehiya Drill:


(10 minuto) 1. Ipakita sa mga bata ang mga alpabetong Filipino na nasa flashcards.
2. Iparinig muna sa mga bata ang tunog ng bawat letra at ipabigkas sa kanila ng tatlong
beses.
3. Ulit-ulitin ito upang maging pamilyar ang mga tunog sa mga bata.

Pagkatapos ng drill, ipagawa sa mga bata ang activity:


1. Magpapakita ang guro ng iba’t ibang larawan tulad ng relo, damit, bahay, atbp.

2. Itatanong ng guro kung ano ang pangalan ng larawang kanilang nakita.


3. Pagkatapos, itanong sa mga bata kung ano ang gamit o para saan ang mga larawang
kanilang nakita.
4. Sa pamamagitan niyon ay nabibigyang-kahulugan na nila ang isang salita.

4.3 Pagsusuri Suriin ang ginawang activity:


(5 minuto) Itanong:
1. Sa anong mga paraan natin mabibigyang kahulugan ang bawat salita?
2. Pwede ba nating mabigyang kahulugan ang bawat salita sa pamamagitan ng
pagkumpas? paggalaw ng katawan? ekspresyon ng mukha?

Iugnay ang sagot ng mga bata sa bagong aralin.

4.4 Pagtatalakay Talakayin ng bagong aralin:


(15 minuto)
1. Ang bawat salita ay nabibigyang kahulugan sa iba’t ibang paraan.
2. Natutukoy ang kahulugan nito sa simpleng pagkumpas ng kamay.
3. Pwede rin ang paggalaw ng katawan o ekspresyon ng mukha (magbibigay halimbawa
ang guro upang lubos na maintindihan ng mga bata).
4. Kailangan lang na maging bukas ang pag-iisip sa paghula o pagtukoy ng kahulugan ng
bawat salita.

4.5 Paglalapat Ipahula sa mga bata:


(5 minuto) 1. Magpapakita ang guro ng iba’t ibang ekspresyon ng mukha.

2. Ipahula sa mga bata ang salita na ipinapakita ng mukha ng guro (halimbawa: masaya,
malungkot, natatakot, atbp.)
3. Pagkatapos, tatawag ang guro ng bata na siya naming magpapahula sa kanyang mga
kaklase.
4. Kapag nahulaan na ang salita, tatawag naman ang bata ng isang kaklase niya na siya
naman magpapahula.

5. Pagtataya (5 minuto)
Pagtambalin ang larawan na nasa hanay A sa kahulugan nito na nasa hanay B. Ilagay ang
letra ng tamang sagot sa patlang.
A. B.

______1. A. ginagamit sa pagluluto

______2. B. ginagamit kung naliligo

______3. C. ginagamit sa pagsusulat

______4. D. ginagamit habang kumakain

______5. E. ginagamit na pampukpok ng pako

6. Takdang Aralin (2 minuto)


Sa inyong papel, gumuhit ng isang bagay at lagyan ito ng kahulugan sa ibaba.

7. Paglalagom/Panapos na Ibubuod ng guro ang tinalakay ngayong araw na ito.


Gawain
(3 minuto)

Inihanda ni:

Pangalan:Junediel B. Zamora Paaralan:Sacsac Integrated School


Posisyon/Designasyon:Teacher 1 Sangay:Danao
Contact Number: 09269165843 Email address: dielzamora@gmail.com

You might also like