You are on page 1of 1

DLP Blg.

: 16 Assignatura: EsP Baitang: 4 Markahan: 3 Oras:30 minuto


Mga Kasanayan: Naipagmamalaki / napahahalagahan ang nasuring kultura ng iba’t Code:
ibang pangkat etniko tulad ng kuwentong bayan, katutubong sayaw, EsP4PPP- IIIc-d–20
awit, laro at iba pa.
Susi ng Pag-unawa na Ang paggalang sa karapatan ng kapuwa ay nagbubunga tahimik, malinis at kaaya-ayang
Lilinangin: kapaligiran.
1. Mga Layunin
Kaalaman Nakasusulat ng talata sa pagpapahalaga ng sariling kultura nang napakinggan/napanood na
kuwento.
Kasanayan Nakalalahad ng palabas ng pagpapahalaga ng sariling kultura sa harap ng klase.
Kaasalan Napapahalagahan ang sariling kultura.
Kahalagahan Pagpapahalaga sa Kultura
2. Nilalaman Kultura ng mga Pangkat Etniko, Mahalagang Malaman (Isabuhay Natin)
3. Mga Kagamitang Video/ kuwento,PG,KM,kuwaderno, at sulatang papel.
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain a. Pagtsek ng takdang -aralin.
b. Pagbabalik-aral sa nakaraang aralin.
c. Sabihin: “Kahapon ay nalaman ko na tunay na naisapuso ninyo ang pagmamalaki at
pagpapahalaga sa sarili nating pangkat etniko. Ngayon naman ay nais kong makita kung
maisabubuhay na rin ninyo ang pagmamalaki rito.”
d. Itanong: “May nagdala ba sa inyo ngayong araw ng ilang halimbawa ng nasaliksik pa
ninyong mga kulturang atin? May nakapagdala ba ng katutubong kasuotan? Ikinahihiya ba
ninyong isuot ito dahil sa maiikling damit na uso ngayon? Tingnan ko nga kung ano-ano ito?”
4.2 Mga a. Maaaring magkaroon muna ng video presentation ang guro na nagpapakita ng isang balita
Gawain/Estratehiya tungkol sa mga mag-aaral na Ifugao na naglaro ng basketball nang nakabahag lamang.
b. Narito ang link ng video mula sa Youtube: https://www.youtube.com/
watch?v=084UwHrnPqc
d. Kung wala namang maipakikitang video ay maaaring basahin ng guro ang maikling
kuwento na may pamagat na “Mga Kasuotang Tatak Pilipino” sa TG pp. 133-134. Hayaang
makinig ang bawat pangkat.
4.3 Pagsusuri Itanong: Ano ang masasabi ninyo rito?
4.4 Pagtatalakay Paano nila ipinakita ang pagpapahalaga at pagmamalaki sa kanilang kultura?
4.5 Paglalapat Makabuluhan ba ang kanilang ginawa? Bakit?
5. Pagtataya
Bawat pangkat na may piniling lider ay susulat ng isang maikling talata hinggil sa napanood na
video/napakinggang kuwento at ilahad sa harap ng klase sa pamamagitan ng sumusunod:
Pangkat 1 - Pakoro
Pangkat 2 - Rap
Pangkat 3 - Sabayang Bigkas
Pangkat 4 - Haiku (isang uri ng tula na may lima-pitolima (5-7-5) na pantig at binubuo ng
tatlong talodtod.
6. Takdang Aralin
Ipasagot ang Subukin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral pp 216-218.
BANGHAY ARALIN SA EsP 4
7. Paglalagom/Panapos Gumupit ng 5 larawan na nagpapakita ng tatak Pilipino.Idikit sa bond paper.
na Gawain

Inihanda ni:

Pangalan: Ma. Teresa C. Bongo Paaralan: Sandayong Sur Elementary School


Posisyon/Designasyon: Teacher III Sangay: Danao City Division
Contact Number: 09222291338 Email address: materesabongo@yahoo.com

You might also like