You are on page 1of 1

DLP Blg.

: 18 Assignatura: EsP Baitang: 4 Markahan: 3 Oras:30 minuto


Mga Kasanayan: Nakasusunod sa mga batas/panuntunang pinaiiral tungkol sa Code:
pangangalaga ng kapaligiran kahit walang nakakakita. EsP4PPP- IIIe-f–21
Susi ng Pag-unawa na Ang pagkakaroon ng sariling disiplina sa pagmamahal sa kalikasan para sa mas maganda at
Lilinangin: kaaya-ayang pamayanan, mas maunlad na bansa tungo sa pandaigdigang pagkakaisa
1. Mga Layunin
Kaalaman Nakasusulat ng pangungusap ayon sa larawang nakita.
Kasanayan Nakaguguhit ng plano para sa kalinisan at kaayusan.
Kaasalan Naipapamalas sa sarili na ang kalinisan at kaayusan ay bunga ng disiplina sa sarili.
Kahalagahan Pagkakaroon ng Disiplina
2. Nilalaman Sariling Disiplina sa Pagsunod sa mga Batas (Isagawa Natin)
3. Mga Kagamitang KM, sample ng plano ng isang arkitekto o mula sa internet, manila paper, kuwaderno, at
Pampagtuturo sulatang papel.
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain a. Pagtsek ng takdang -aralin.
b. Pagbabalik-aral sa nakaraang aralin.
c. Sabihin: “Tingnan natin kung tulad ng tauhan sa kuwentong ating binasa kahapon ay
matutularan din ninyo ang kaniyang ginawa.”
4.2 Mga Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng Gawain. Kung may maipakikitang
Gawain/Estratehiya halimbawa ng isang plano o guhit ng hardin mula sa internet ay maaaring ipakita ito.
Arkitekto Kami!
a. Lumahok sa pangkat na sasabihin ng guro. Pumili ng lider. Bawat pangkat ay ilalaan sa
isang bahagi ng paaralan na dapat bigyan ng pansin ukol sa kalinisan at kaayusan.
b. Gamit ang manila paper, gumawa ng plano kung paano ito mapagaganda. Iguhit ito na
mayroon ng plant box, mga nakatanim na halamang gulay o namumulaklak at mga puno.
Maglagay rin ng mga karatula ukol sa kalinisan ng kapaligiran.
c. Pipiliin ng guro ang may pinakamagandang plano.
4.3 Pagsusuri Maaaring magbigay ng ribbon ang guro sa bawat pangkat na mapipili.
4.4 Pagtatalakay Talakayin ang ginawang Gawain na dapat at di dapat gawin.
4.5 Paglalapat Ipaskil ang ginawang karatula kung saan lugar ang kanilang iginuhit.
5. Pagtataya
Sumulat ng isang pangungusap kung ano ang dapat mong magawa bilang disiplinadong
mamamayan para sa mga larawan na nasa KM pp. 223-224.
6. Takdang Aralin
Magdala ng bond paper at water color na berde bukas.
BANGHAY ARALIN SA EsP 4
7. Paglalagom/Panapos Paano mo mapapanatili ang kalinisan ng inyong lugar? Sumulat ng plano at isulat sa
na Gawain kuwaderno.
Inihanda ni:

Pangalan: Ma. Teresa C. Bongo Paaralan: Sandayong Sur Elementary School


Posisyon/Designasyon: Teacher III Sangay: Danao City Division
Contact Number: 09222291338 Email address: materesabongo@yahoo.com

You might also like