You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa

Edukasyon Sa Pagpapakatao IV
DE OCAMPO-7:50 - 8:10
Lunes, Marso 6,2023
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ang pagunawa sa pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa kultura
B. PAMANTAYAN SA PAGKAGANAP
Naisasabuhay ang mga gawaing nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura
C. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Nakasusunod sa mga batas/ panuntunang pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng kapaligran kahit walang
nakakakita.
CODE: EsP4P-IIIe-f – 21
ARALIN 6: Nagkakaisang Lahi, Mundo’y Maisasalba
Unang Araw
I. Layunin
 Nakasusunod sa mga bata/panuntunang pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran
kahit walang nakakakita.

II. Paksa/Pagpapahalaga:
Pagkakaroon ng Disiplina, Kalinisan at Kaayusan
Sanggunian: EsP4PPP-IIIe-f-21
TG, pp. 143-147
KM, pp. 231-238
Kagamitan:
Limang envelop na may lamang na may tig-isang tanong, pinalaking crossword puzzle,
kuwaderno
Integrasyon:
Environmental Education, Araling Panlipunan, Sining
III. Pamamaraan
Unang araw
Alamin Natin
1. Pagganyak
Ano ang katangian ng taopng disiplinado?
Kailan natin dapat ipakita ang pagiging disiplinado?
2. Paglalahad
Pagbasa ng tula KM, p. 230

Disiplina para sa Kapaligiran

Damhin anng amihang may samyo ng mga bulaklak;


Iwaglit ang lumbay, mangarap at nmgumiti sa tuwi-tuwina;
Sa kapaligiran ialay ang lugod na abot hanggang alapaap;
Iwasan ang pagyurak, pagsira, at paggahasa sa kalikasang Ina;
Panuntunan ay sundin at ang mga batas na sa ati’y pinaiiral;
Lingapin para sa kalupaan, kalawakan, karagatan at kalipi;
Isipin muna ang gagawin, kalikasa’y lagi isaalang-alang;
Nasa disiplina ng tao upang ang mundo’y laging may ngiti;
Araw-araw ang kalinisan at kaayusan kahit saan mang lugar;
Dapat isaisip, isapuso ay isagawa ng matanda man o bata;
O, kay saya ng lahat, may disiplina para sa kapaligiran!

3. Pagtatalakayan
 Ibigay ang mensahe ng tula.
 Ano ang suliranin ng kalikasan?
 Kung bibigyan ka ng Diyos ng kapangyarihan na ayusin ang nakapakalaking suliranin ng mundo
ukol sa kapaligiran, anong suliranin ang gagawan mo ng solusyon? Bakit ito ang napili mo?

 Ano ang mangyayari kapag nagkaisa ang lahat para sa pinapangarap na mundo?
Patunayan.
 Ano ang naidudulot ng kalinisan at kaayusan sa buhay ng mga mamamayan?

4. Paglalahat

Bakit kailangang pairalin ang batas sa pangangalaga ng kapaligiran?

5. Paglalapat

Pagkatapos mabasa ang tula, pasagutan ang mga tanong na nasa Kagamitan nga Mag-aaral, TG
pp.143-144. Maaaring gamitin ang paraang MagLarnungan (Larong-Tanungan) Tayo kung
kinakailangan para mas maging interaktibo ang talakayan.

IV. Pagtataya:
Unawain ang tulang binasa, at sumulat ng maikling komento tungkol dito.

V. Takdang-aralin:

Pasagutan ang Crossword Puzzle na nasa pahina 145

Puna

_____________________________________________________________________________________
________________________ .

Repleksyon
_____________________________________________________________________________________
_________________________________.
Banghay Aralin sa
Edukasyon Sa Pagpapakatao IV
9:50-10:20-Soliman
Martes, Marso 7,2023
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ang pagunawa sa pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa kultura
B. PAMANTAYAN SA PAGKAGANAP
Naisasabuhay ang mga gawaing nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura
C. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Nakasusunod sa mga batas/ panuntunang pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng kapaligran kahit walang
nakakakita.
CODE: EsP4P-IIIe-f – 21
ARALIN 6: Nagkakaisang Lahi, Mundo’y Maisasalba
Ikalawang ArawI. Layunin
 Nakasusunod sa mga bata/panuntunang pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran
kahit walang nakakakita.
II. Paksa/Pagpapahalaga:
Pagkakaroon ng Disiplina, Kalinisan at Kaayusan
Sanggunian: EsP4PPP-IIIe-f-21
TG, pp. 143-147
KM, pp. 231-238
Kagamitan:
Limang envelop na may lamang na may tig-isang tanong, pinalaking crossword puzzle,
kuwaderno
Integrasyon:
Environmental Education, Araling Panlipunan, Sining
III. Pamamaraan:
Alamin Natin
1. Pagganyak
Ano ang katangian ng taopng disiplinado?
Kailan natin dapat ipakita ang pagiging disiplinado?
2. Paglalahad
Pagbasa ng tula KM, p. 230
Isagawa Natin
1. Sagutan sa kuwaderno ang Gawain 1
Mga Nagawang Epekto sa Natutuhan
Pagsuway sa Kapaligiran mo sa iyong
Kapaligiran Ginawa
Halimbawa:
Paggamit ng Pagbabara ng Pagkintal sa
palstik na mga kanal isip na
ipinagbabawal sa tuwing tag- magdala na
inyong lugar na ulan na mga lalagyan
nagdaragdag ng nagiging sanhi tuwing
mga basura sa ng pagbaha maimili sa
tahanan palengke o
kahit ulam sa
karidenrya

3. Pagtatalakayan
Talakayin ang kasagutan ng mag-aaral.

4. Paglalahat
Ano ang tunay na diwa ng tulang ating binasa kahapon?

5. Paglalapat
Pagkatapos maisagawa ang Gawain 1, bumuo ng limang grupo para sa susunod na gawain.
Gabayan ang mga mag-aaral na unawain at pag-uusapan ang mga sitwasyon sa Gawain 2. Hikayatin
ang bawat isa na makiisa.

IV. Pagtataya:

Ipaliwanag ang sumusunod na saknong ng tulang Disiplina para sa Kapaligiran.

“Damhin ang amihan may samyo ng mga bulaklak”


Iwaglit ang lumbay, mangarap at ngumiti sa tuwi-tuwina”

V. Takdang-aralin:

Pag-aralan ang mga larawan sa Kagamitan ng Mag-aaral pahina 234-235.

Puna

_____________________________________________________________________________________
________________________ .

Repleksyon
_____________________________________________________________________________________
_________________________________.

Banghay Aralin sa
Edukasyon Sa Pagpapakatao IV
9:50-10:20-Soliman
Miyerkules,Marso 8,2023
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ang pagunawa sa pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa kultura
B. PAMANTAYAN SA PAGKAGANAP
Naisasabuhay ang mga gawaing nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura
C. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Nakasusunod sa mga batas/ panuntunang pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng kapaligran kahit walang
nakakakita.
CODE: EsP4P-IIIe-f – 21

ARALIN 6: Nagkakaisang Lahi, Mundo’y Maisasalba


Ikatlong Araw
I. Layunin
 Nakasusunod sa mga bata/panuntunang pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran
kahit walang nakakakita.
II. Paksa/Pagpapahalaga:
Pagkakaroon ng Disiplina, Kalinisan at Kaayusan
Sanggunian: EsP4PPP-IIIe-f-21
TG, pp. 143-147
KM, pp. 231-238
Kagamitan:
Limang envelop na may lamang na may tig-isang tanong, pinalaking crossword puzzle,
kuwaderno
Integrasyon:
Environmental Education, Araling Panlipunan, Sining

III. Pamamaraan

1. Paglalahad:
Isapuso Natin
Pagpapakita ng larawan
 Sabihin kung anong mensahe ang ipinahihiwatig ng larawan.
 Ano ang maaring maging bunga nito?
 Paano natin ito manbibigyan ng solusyon?

Sanhi: _____________________
Kinalabasan: _________________
Maibabahagi mong solusyon ____________
Sanhi: _____________________
Kinalabasan: _________________
Maibabahagi mong solusyon ____________

2. Pagtatalakay:
Tandaan
Ang kalikasan ay kasunod ng pagioging maka-Diyos. Ang malinis na isip ay nagbubunga ng
malinis na gawa at gawi. Ang pagiging malinis ay is gawi ring disiplinang pansarili na nagbubunga
ng kabutihan at kagandahan sa sasrili, sa kapuwa, sa lipunan, at lalong-lalo na sa kalikasan. (KM,
pp.235-236)

3. Paglalapat:
Para sa Pangkatang Gawain.
Gumawa ng slogan tungkol sa pag protekta sa ating kapaligiran.

4. Paglalahat:
Bilang isang bata, anong maaari mong gawin upang makatulong sa lalong pagkasira ng ating
kapaligiran?

IV. Pagtataya:
Muling palawakin ang imahinasyon ng mga mag-aaral. Pasulatin sila ng repleksiyon sa
nakakabahalang pagkawasak ng ating kapaligiran.

V. Takadang-aralin:
Saliksikin ang mga patakaran at batas para sa pangangalaga ng ating lipunang ginagalawan.

Puna
_____________________________________________________________________________________
________________________ .

Repleksyon
_____________________________________________________________________________________
_________________________________.

Banghay Aralin sa
Edukasyon Sa Pagpapakatao IV
DE OCAMPO-7:50 - 8:10

Friday, Marso 17,2023


A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ang pagunawa sa pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa kultura
B. PAMANTAYAN SA PAGKAGANAP
Naisasabuhay ang mga gawaing nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura
C. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Nakasusunod sa mga batas/ panuntunang pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng kapaligran kahit walang
nakakakita.
CODE: EsP4P-IIIe-f – 21
ARALIN 6: Nagkakaisang Lahi, Mundo’y Maisasalba
Ikaapat na Araw
I. Layunin
 Nakasusunod sa mga bata/panuntunang pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran
kahit walang nakakakita.

II. Paksa/Pagpapahalaga:
Pagkakaroon ng Disiplina, Kalinisan at Kaayusan
Sanggunian: EsP4PPP-IIIe-f-21
TG, pp. 143-147
KM, pp. 231-238
Kagamitan:
Limang envelop na may lamang na may tig-isang tanong, pinalaking crossword puzzle,
kuwaderno
Integrasyon:
Environmental Education, Araling Panlipunan, Sining

III. Pamamaraan

1. Paglalahad:
Isabuhay Natin
1. Pangkatang Gawain
 Bawat pangkat ay magpapakita ng isang buong pamilya.
 Magpakita ng maikling skit na ang eksena ay pumunta ang inyong mag-anak sa isang lugar at
bawat isa ay nakasusunod sa mga batas at panuntunan sa lugar na inyong pinuntahan ukol sa
kalinisan ng kalikasan.

Pangkat 1 – sa Luneta Park


Pangkat 2 – sa pamamasyal sa siyudad
Pangkat 3 – sa pagbibiyahe
Pangkat 4 – sa bahay dalanginan
2. Pagtatalakay:
Talakayin ang kasagutan ng mga mag-aaral.

3. Paglalahat:
Bakit dapat pag-aralan ng mga bata ang tamang pagtatapon ng basura?

4. Paglalapat:
Buuin ang obserbasyon ng inyong pangkat at pag-usapan kung paano ito ipakikita sa pamamagitan
ng isang role play o maikling palabas.

IV. Pagtataya:

Ibigay ang kahulugan ng mga bawat salita.


1. DENR - ________________________
2. Solid Waste Management - _________
3. Biodegradable - __________________
4. Non-biodegradable - ______________
5. Oplan Segregasyon - ______________

V. Takdang-aralin:

Gumawa ng pangmalawakang kampanya tungkol sa Oplan Segregasyon. Gumawa Gumawa ng mga


panukala kung paano ka makakatulong dito.

Puna

_____________________________________________________________________________________
________________________ .

Repleksyon
_____________________________________________________________________________________
_________________________________.

You might also like