You are on page 1of 10

BANGHAY- ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI

IKATLONG MARKAHAN
IKALIMANG LINGGO

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa bansa
at pandaigdigan pagkakaisa tungo sa isang maunlad, mapayapa at
mapagkalingang pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naipakikita ang wastong pangangalaga sa kapaligiran para sa
kasalukuyan at susunod na henerasyon.
C. Mga Kasanayang sa Pagkatuto
Nakagagamit nang may pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at
pinagkukunang yaman – ESP 6 PPP – IIIe 36
II. NILALAMAN TAGAPAGKALINGA NG KAPALIGIRAN
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk: Likas na Pag-uugaling Pilipino 6 mp. 127-142
Wastong Pag-uugali sa Makabagong
Panahon Worktext 6 mp.158-163
Edukasyong Pagpapahalaga 6 mp. 83-103
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo: mga larawan, metacards, awit
III. PAMAMARAAN
A. Pagsisimula ng bagong aralin
Ipakita/Ipresinta ang kwento sa pamamagitan ng powerpoint presentation

NASAAN ANG MGA MALILIIT NA ISDA?


“Napag-alaman na may mga malalaking mangingisda na gumagamit
ng dinamita sa kanilang pangingisda bagaman may babala na ang ating
pamahalaan na huhulihin ang sinumang lumabag dito”, pagbabalita ng
announcer sa telebisyon. Kasabay nito ang pagpapakita ng mga maliliit na
isda na nakitang nakalutang sa gitna ng karagatan.
“Itay, di po ba bawal ang gumamit ng dinamita? Sa pangingisda?
Kawawa naman po yung maliliit na isda. Hindi na sila lumaki. Namatay na
lang sila.” Naawang winika ni Aida sa kanyang tatay. “Oo nga Anak. Marami
pa rin sa atin ang hindi lubos na nauunawaan ang pag-iingat sa yamang
ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Hindi nila alam na kahit marami silang nahuli,
marami rin naman silang pinatay na isda na dapat sana ay nag anak pa ng
maraming isda upang magpatuloy ang pagyaman ng ating karagatan,”
paliwanag ni Mang Edgar sa anak.
NASAAN ANG MGA MALILIIT NA ISDA?
Sandaling tumahimik si Aida, tila may malalim na iniisip. “Sana po Itay,
parusahan ng pamahalaan natin ang lumalabag sa patakaran na iyan para po
matuto sila. Nakakaawa naman po yung maliliit na isda,” wika nito sa ama.
“Hindi lang yan anak , ipinagbabawal din ang paggamit ng bitag o net na may
maliit na butas,” pahayag ni Mang Edgar. “Bakit po? Ah alam ko na, siguro po
para makalabas pa yung maliliit na isda”, tugon ni Aida. “Tama ang talino
talaga ng anak ko, manang-mana sa akin”, pabirong sagot ng ama. “Itay,
sana po’y matuto na ang mga tao na mahalin ang kalikasan, hindi lamang ang
karagatan kundi pati na rin ang gubat, mga bundok at mga hayop”, wika ni
Aida. “Oo ng anak, sana nga,” tugon ni Mang Edgar.

Metacards:
PAGGAMIT NG BITAG NA MAY MALALAKING BUTAS SA PAGHULI NG ISDA

PANGANGASO SA PANAHONG ITINAKDA NG PAMAHALAAN

PAGSUNOD SA LOG BAN NA TINATAWAG O DI-PAGPUTOL SA MGA


PUNONGKAHOY NANG WALA SA PANAHON

PAGBABAWAL SA PAGGAMIT NG DINAMITA SA PANGINGISDA

Mga Larawan:
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Hindi ipinagkakait sa atin ang paggamit ng ating likas na yaman.
Pinaaalalahanan lamang tayo na maging matalino sa paggamit nito.
Gumawa ang pamahalaan ng mga tuntunin at patakaran upang tayo ay
gabayan sa ating pag-iingat sa mga pinagkukunang yaman
Sa pagsunod sa alituntunin, madali nating maiisagawa ang mga wastong
paraan ng paggamit ng pinagkukunang yaman

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Ano ang nais ipahiwatig o isinasaad ng kwento?


Brainstorming: Bigyan ng sampung minuto ang bawat grupo upang pag-
usapan ang alituntuning napili. Bigyang paliwanag ang mga alituntunin at
patakaran na nakapaskil sa pisara.

Suriin ang mga larawan. Ano kaya ang nais ipahiwatig nito?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


Alamin ang damdamin ng mga mag-aaral ukol sa nabasang kwento
Alamin ang nararamdaman ng mga mag-aaral ukol sa mga patakaran at
alituntuning nabanggit.

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


Talakayin at ipaunawa sa mga mag-aaral ng mas malalim ang nais
ipahayag ng kwento
Pagtalakay sa sagot.

Tumawag ng mag-aaral at papiliin ng larawan, pagbigayin ng wastong


paraan ng paggamit ng likas na yaman ayon sa larawang napili.
Pagtalakay sa sagot.

Pagtalakay sa ginawang dula dulaan ng bawat grupo. Gamiting gabay ang


rubrics na nakalakip sa huling pahina.

F. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Pasagutan ng pasalita: Ano-ano ang mga suliranin tungkol sa ating
kapaligiran na nagsilbing pinagkukunan ng kabuhayan?

Pagbabahagi: Ibahagi sa harap ng klase ang mga paliwanag ukol sa mga


alituntunin.
Pumalakpak ng dalawa kung wasto ang paraan ng paggamit ng
pinagkukunang yaman, at isang palakpak lamang kung hindi wasto ang
mga pahayag na maririnig sa guro.

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang araw-araw na buhay


Ano ang aral sa dapat na matutunan mula sa kwento?
May magagawa ka ba upang itama ang mga taong hindi sumusunod sa
mga sa mga patakaran at tuntunin sa pangangalaga ng ating likas na
yaman?
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makausap ang mga taong hindi
wasto ang paggamit sa pinagkukunang yaman. Ano ang maari mong
sabihin sa kanila?

H. Paglalahat ng Aralin
Ang mga likas na pinagkukunang-yaman ay nilikha ng Diyos upang
matugunan ang ating mga pangangailangan. Ang mga ito ay
nakatalagang manatili habang buhay subalit ang hindi maayos na
paggamit ay maaring magdulot ng malawakang pagkasira nito. Dapat
pag-ingatan ayusin, at maging responsible sa paggamit ng mga ito para
sa magandang kinabukasan.
I. Pagtataya ng Aralin

Bilang isang mag-aaral na nasa Ikaanim na Baitang, ano sa palagay mo


ang maitutulong mo upang mapangalagan ang ating kalikasan?
Ano ang nais mong bigyang diin sa mga alituntunin ukol sa matalino at
responsableng paggamit ng ating likas na yaman?
Magbigay ng iba pang wastong paraan sa paggamit ng pinagkukunang
yaman na di nabanggit.
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung tama ang paggamit ng likas na yaman at
ekis (x) naman kung hindi.
____ 1. Gumagamit ng pinong lambat sa pangingisda.
_____2. Mangolekta ng iba’t ibang uri ng corals.
_____3. Iniiwasang putulin ang mga batang puno.
_____4.Sumusunod sa panahong itinakda ng pamahalaan sa
pangangaso.
_____ 5. Hindi gumagamit ng dinamita sa pangingisda.
J. Karagdagang Gawain para sa takdang araling at remediation
Itala ang mga tuntunin at patakaran sa paggamit ng pinagkukunang
yaman.

Itala ang mga wastong paraan ng paggamit ng pinagkukunang-yaman


Bigyan ng mga panuntunan bilang paghahanda sa dula dulaan
kinabukasan.
ISAGAWA NATIN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin

Ano ang naramdaman ni Aida nang marinig niya ang balita?


B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Gumawa ang Pamahalaan ng mga tuntunin at patakaran upang tayo ay gabayan sa


ating pag-iingat sa mga pinagkukunang yaman
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Magbigay ng mga pang-aabuso sa kalikasan


D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
Pangkatin ang klase sa apat at papiliin ng kulay ng metacards kung saan nakasulat ang
tuntunin. Ipaliwanag ang mga tuntuning napili ng grupo
F. Paglinang sa Kabihasaan

(Tungo sa Formative Assessment


Pagbabahagi:
Ibahagi sa harap ng klase ang mga paliwanag ukol sa mga alituntunin.
G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay

May magagawa ka ba upang itama ang mga taong hindi sumusunod sa mga sa mga
patakaran at tuntunin sa pangangalaga ng ating likas na yaman?

H. Paglalahat ng Aralin

Isa-isahin ang mga tuntunin ng pangangalaga sa likas na yaman


I. Pagtataya ng Aralin
Itanong:
Ano ang nais mong bigyang diin sa mga alituntunin ukol sa matalino at responsableng paggamit
ng ating likas na yaman?
J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation
Ipagawa:
Itala ang mga wastong paraan ng paggamit ng pinagkukunang-yaman
IKATLONG ARAW
ISAPUSO NATIN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Anong alituntunin ang iyong natandaan. Ibahagi ito sa klase at bigyan ng maikling
paliwanag.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Sa pagsunod sa alituntunin, madali nating maiisagawa ang mga wastong paraan ng


paggamit ng pinagkukunang yaman
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
Suriin ang mga larawan. Ano kaya ang ipinahihiwatig nito?
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Pumalakpak ng dalawa Kung wasto ang paraan ng paggamit ng likas na yaman ayon sa
larawang napili
G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makausap ang mga taong hindi wasto ang
paggamit sa pinagkukunang yaman. Ano ang maari mong sabihin sa kanila?
H. Paglalahat ng Aralin
Ang mga likas na pinagkukunang-yaman ay nilikha ng Diyos upang matugunan ang
ating mga pangangailangan. Ang mga ito ay nakatalagang manatili habang buhay subalit ang
hindi maayos na paggamit ay maaring magdulot ng malawakang pagkasira nito. Dapat pag-
ingatan ayusin, at maging responsible sa paggamit ng mga ito para sa magandang
kinabukasan.
I. Pagtataya ng Aralin

Magbigay ng iba pang wastong paraan sa paggamit ng pinagkukunang yaman na di


nabanggit.
J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation
Bigyan ng mga panuntunan bilang paghahanda sa dula dulaan kinabukasan.
IIKAAPAT NA ARAW
ISABUHAY NATIN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Magbigay ng wastong paraan upang mapangalagaan ang likas na yaman.


B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Paghabi ng layunin ng gawain
G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay
Pangkatin ang klase sa lima : Magpakita ng dula-dulaan may pagkilos wastong
pangangalaga sa likas na yaman.
H. Paglalahat ng Aralin

Ano ang iyong natutunan na sa palagay mo ay makatutulong sa ikabubuti ng kalagayan


ng ating kapaligiran
I. Pagtataya ng Aralin
Paano ipinakita sa dula-dulaan ang mga alituntunin ukol sa matalino at responsableng
paggamit ng ating likas na yaman.
J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation
Pagninilay:
Paano ako magiging instrumento sa pangangalaga sa likas na yaman?
SUBUKIN NATIN
Ikalimang Araw
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Ano-ano ang mga wastong paraan upang pangalagaan an gating likas na yaman.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Pagtukoy sa layon ng pagtataya
I. Pagtataya ng Aralin

Lagyan ng tsek (/) kung tama ang paggamit ng likas na yaman at ekis (x) naman kung
hindi.
____ 1. Gumagamit ng pinong lambat sa pangingisda.
_____2. Nangongolekta ng iba’t-ibang uri ng corals.
_____ 3. Iniiwasang putulin ang mga batang puno.
_____ 4. Sumusunod sa panahong itinakda ng pamahalaan sa pangangaso.
_____ 5. Hindi gumagamit ng dinamita sa pangingisda
RUBRICS PARA SA DULA-DULAAN
PAMANTAYAN 5-ADVANCED 4-PROFICIENT 3-APPROACHING 2-DEVELOPING 1-BEGINNING PUNTOS
90% ABOVE 85%-89% PROFICIENCY 75%-79% 70%-74%
80%-84%
Pagkakabuo Ang script at palitan Ang script at Ang script at palitan ng Ang script at palitan Hindi angkop ang
ng pahayag ay palitan ng pahayag pahayag ay naipakita sa ng pahayag ay mga pahayag na
naipakita sa ay naipakita sa mas mahusay na paraan at naipakita sa ginagamit say unit
pinakamahusay na mahusay na paraan kalahati ay angkop sa pinakamahusay na na pinag-aaralan.
paraan at naangkop at naangkop sa yunit na pinag-aaralan. paraan at ang ilan ay
sa yunit na pinag- yunit na pinag- angkop sa yunit na
aaralan. aaralan. pinag-aaralan.
Nilalaman Pinag-isipang Pinag-isipang Pinag-isipang mabuti Hindi gaanong pinag- Hindi angkop ang
mabuti ang mabuti ang ang pagkasulat ng script isipan ng mabuti ang nakasulat sa script
pagkasulat ng script pagkasulat ng script subalit ang kalahati nito pagkasulat ng script na nagbunsod
na nagbunsod subalit may ilang ay hindi nakuha ang na nagbunsod upang upang hindi
upang makuha ang bahagi na hindi atensyon ng mga hindi makuha ang makuha ang
atensyon ng mga nakukuha ang manonood. Ang ilang atensyon ng mga atensyon ng mga
manonood. May atensyon ng mga bahagi ay hindi kapana manonood manonood.
kapana panabik na manonood. May panabik sa kuwento Walang tamang
daloy ng kwento. kapana panabik na daloy ng kwento.
daloy ng kwento.
Pagpapakita ng Nagpakita ng Nagpakita ng Nagpakita ng Nagpakita ng Kulang ang gamit
Dula dulaan kaangkupang gamit kaangkupang gamit kaangkupang gamit sa kaangkupang gamit sa pagganap
(presentation) sa pagganap (props) sa pagganap (props) pagganap (props) at sa pagganap (props) (props) at
at kasuotan at kasuotan kasuotan (costumes) at kasuotan kasuotan
(costumes) upang (costumes) upang upang mabigyang (costumes) upang (costumes) upang
mabigyang buhay mabigyang buhay buhay ang karakter mabigyang buhay ang mabigyang buhay
ang karakter. ang karakter ngunit hanggang sa kalahatian karakter subalit sa ang karakter.
Madamdamin at kulang. ng pagganap. Hindi simula lamang. Hindi
madula ang Madamdamin at gaanong madamdamin Madamdamin at madamdamin at
ipinakitang pag- madula ang at madula ang madula ang madula ang
arte, may malakas ipinakitang pag-arte ipinakitang pag-arte, ipinakitang pag-arte, ipinakitang pag-
na boses at maayos sa ilang bahagi hindi gaanong malakas may malakas na boses arte, hindi
na pagbigkas ng lamang. may na boses at hindi at maayos na malakas ang
mga salita. malakas na boses at gaanong maayos na pagbigkas ng mga boses at hindi
maayos na pagbigkas ng mga salita sa simula maayos na
pagbigkas ng mga salita. lamang ng palabas at pagbigkas ng mga
salita. di na ito naulit pa. salita.
Pagsunod sa Oras Nagamit ng maayos Katamtaman ang Nagamit ng maayos ang Hindi gaanong Hindi nagamit ng
na Itinakda para ang oras na itinakda paggamit ng oras na itinakda sa nagamit ng maayos maayos ang oras
sa palabas sa pagpapalabas. maayos ng oras na pagpapalabas. ang oras na itinakda na itinakda sa
Tama lamang ito, itinakda sa Nagkulang o Lumabis sa pagpapalabas. pagpapalabas
hindi nagkulang at pagpapalabas. ito sa itinakdang oras. Tama lamang ito, Kung hindi
hindi rin naman hindi nagkulang at nagkulang
lumabis. hindi rin naman aylumabis naman
lumabis. ito.
Pakikiisa ng Ang lahat ay May isa o dalawang May apat hanggang Kalahati ng Isa o dalawa
bawat myembro nakiisa sa Gawain. hindi nakiisa sa lima ang hindi nakiisa miyembro ay hindi lamang ang
mga gawain sa Gawain. nakiisa sa mga gumagawa para sa
Gawain. grupo.
TOTAL

You might also like