You are on page 1of 1

FILIPINO

4 WORKSHEET
SANHI AT BUNGA

Panuto: Salungguhitan ang SANHI sa bawat pangungusap.

1. Maraming nakain si Joseph dahil masarap ang ulam na niluto ng kanyang nanay.

2. May malaking butas ang bag ni Aling Teresa kaya nahulog ang pinamili niya.

3. Naputikan ang medyas ni Roger dahil napadaan siya sa kalsadang may baha.

4. Nagkasakit ng dengue fever ang bunsong kapatid ni Vivian sapagkat ito ay nakagat ng lamok.

5. Kinakabahan si Lily dahil unang araw niya sa kanyang bagong trabaho.

Panuto: Salungguhitan ang BUNGA sa bawat pangungusap.

6. Nahiwa ang daliri ni Rachel dahil nagmamadali siya sa pagputol ng mga gulay na lulutuin niya.

7. Napagod si Ferdinand dahil buong araw siyang tumulong sa pagbubuhat ng mga gamit.

8. Masakit ang ngipin ni Felicia kaya siya ay nagpatingin sa dentista.

9. Natalisod si Gilbert sa malaking bato dahil hindi siya tumitingin sa kaniyang nilalakaran.

10. Hindi pinayagan si Dan na magkipaglaro sa kanyang mga kaibigan kasi hindi pa siya tapos sa

kanyang mga gawaing-bahay.

Teacher Abi’s Worksheets


teacherabiworksheets.blogspot.com

You might also like